เข้าสู่ระบบSA EDAD na twenty seven ay hindi pa pumasok sa isip ni Mace ang mag-asawa. Mas excited pa siyang magsulat kaysa magkaroon ng karelasyon. Ang sabi ni Poppey at Kensi sa kanya, “Your novels can’t love you back.”. Pero sa isip ni Mace, iyon ang uri ng one-sided love na hindi siya masasaktan. Wala ring obligasyon sa pamilya o priority si Mace. May savings din naman siya at kung gugustuhin niyang magtrabaho ay puwede siyang maging cashier sa store nila. Hindi siya namomroblema financially. Wala rin naman siyang bad experiences sa pag-ibig. Pero siguro nga ay hindi pera at experience ang problema niya. Baka siya mismo. Ang mata niya. Ang puso niya. Pero kailan nga ba naging problema ang walang karelasyon? Masaya naman siya kahit wala siyang boyfriend. Wala siyang nakikitang guwapo na lalaki na nakakuha ng atensiyon niya. Ang guwapo lang para sa kanya ay ang mga hero na bida sa mga sinusulat niya. Kaya nga naghiwalay sila ng ex-boyfriend niyang si Trevor dahil sobrang lamig daw ng
Natawa si Iza. “Grabe ka naman maka-barangay. Pero since siya naman ang ama ng anak mo, hayaan mo na siyang panagutan ka niya. Pero siyempre kapag kasal na kayo, `wag kang papaapi.” Sumimangot si Mace. “`Wag na nga lang nating pag-usapan. Brainstorming ang meeting nating ito. Bakit naging marites-ing na `to?” sabi niya. Hinarap ni Iza ang laptop nito. “Ang sarap kasing pag-usapan ang love life ng iba.” “Life lang, walang love.” Umingos si Mace. Life din siguro na makasalanan. Isang malaking pagkakamali ang nangyari. Sinuway niya ang bilin ng mommy niya na huwag ibigay ang sarili sa isang lalaki unless kinasal na siya. Sinuway niya rin ang Ten Commandments. Bawal magnasa sa hindi mo asawa. At hindi sila mag-asawa ng ibon na iyon! Hindi niya rin alam bakit sa dinami-dami ng pangalan sa mundo, isinunod pa ng parents nito sa isang ibon ang pangalan ng lalaki. --- “MARICEL talaga ang pangalan mo at hindi Matilda?” tanong ni LA kay Maricel nang makipagkita siya rito. Na
“SURE KA BA? Pakakasalan ka talaga ng militar na iyon?” Nagulat si Mace nang sumulpot sa harap niya si Poppey. These past few days, parang nagiging jumpy siya. Kaunting tunog lang ng cell phone niya pati biglaang pagsulpot ng mga tao ay nabibigla siya. Naroon sila sa isang restaurant sa Timog Avenue para mag-lunch kasama ang co-writer niya na si Iza, si Xtine na isang fashion editor at suma-sideline rin sa pagiging writer. May pinag-uusapan kasi silang gagawin na series kaya napagpasyahan nilang magkita para sa brainstorming. The irony? Tungkol pa sa mga sundalo ang sinusulat nilang series! Ang totoo ay nai-chika niya na rin sa dalawa ang nangyari sa kanya sa kanilang group chat. Alam niyang hindi dapat pero hiningi niya ang opinyon ng mga ito. Ang sabi ni Iza, subukan niyang kausapin ang ama ng ipinagbubuntis niya, baka okay naman iyon at panagutan siya. Ang sabi naman ni Xtine ay huwag na niyang pilitin na pakasalan siya kasi nakakahiya. Ang lalaki dapat ang magyaya ng kasal s
Napatingin si LA sa babaeng kaharap. Ang lakas naman ng loob nito na takutin siya. Pero kung ganoong pati battalion commander nila ay namomroblema sa problema niya, baka may kaya ngang gawin ang babaeng ito. Tumaas ang gilid ng labi ni LA sa mayabang na ngiti. “Women like you don’t scare me. Makapangyarihan ang pamilya ko. Marami akong kilala sa military. Baka bumaliktad ka lang.” Kapitan siya. May kapit ang kanyang ama. Sayang naman kung hindi nila gagamitin ang ranggo nila. Although sa isip ni LA ay ayaw niyang gawin iyon. Gusto lang niyang takutin ang babae. Baka kasi nagda-drama lang ito. Ang kaso, hindi man lang ito natinag. Mukhang totoo ngang buntis ito at siya ang ama. Hindi rin naman talaga impossible iyon lalo pa at hindi siya nagsuot ng proteksiyon sa unang beses na may nangyari sa kanila. “I don’t care. Makapangyarihan din ang pamilya ko,” sabi ng babae. “Lahi kami ng mangkukulam.” Ano raw? Kampon nga talaga ito ng dilim kung ganoon. “Hindi ako naniniwala sa man
KINABUKASAN ay nakipagkita si LA kay Maricel. Nandoon siya sa isang fast food restaurant sa Libertad sa Pasay. Doon siya pinapunta ng babae nang tawagan niya ito. Nag-order siya ng Coke Float dahil ang tagal nitong dumating. Late na ito ng kinse minuto sa usapan nila. Hindi nagtagal ay bumukas ang entrance ng naturang fast food restaurant. Pumasok si Maricel. She's wearing a green shirt and pink capri pants. He has a feeling it's not her style, but she has definitely has style. Nagpalinga-linga ito sa paligid at napansin naman siya kaagad. Mukha itong hindi masaya nang makita siya. Mas lalo naman siya. Hindi na nga siya tumayo nang makalapit ito sa kanya. Sinulyapan niya ang suot na relo dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. “Thank you for waiting,” sa halip ay sabi nito kaysa batiin siya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Gusto niyang ipakita rito na labag sa kalooban niya ang pumunta doon. “Mabuti naman at nagpakita ka na. Hindi ka naman siguro katulad ng
“Pakasalan na lang ninyo, sir,” sabi ni Thirdy. “Nakita namin `yong babae. Pabalik-balik dito. Mukha naman siyang matino.” “Paano mo naman nasabi? Nakipag-one night stand nga,” pakli niya. “Gano’n ka rin naman, sir. Nakipag-one night stand ka rin pero hindi naman maruming lalaki ang tingin namin sa `yo,” sabi ni Thirdy. “Oo nga. Hindi naman bumaba ang tingin namin sa inyo, sir,” segunda ni Tikboy. “Ikaw, Almanzor, kung may nabuntis ka bang babae pakakasalan mo siya kahit hindi mo mahal?” tanong niya kay Thirdy. Ilang tauhan niya na rin ang nakabuntis ng ibang babae—iyong iba nga ay may asawa pa— at siya palagi ang tinatakbuhan para sa advice. Pero ibang usapan na pala kapag siya na ang nasa sitwasyon. Hindi siya makapag-isip nang maayos. “Eh, hindi mangyayari `yan, sir. May asawa na ako. Asawa ko lang ang bubuntisin ko,” sabi ni Thirdy. “Kunwari nga lang.” Bumungisngis ito. “Kunwari lang pala. Siyempre pananagutan ko ang babae kapag gano’n, sir. Importante sa akin ang







