author-banner
Soraini Pandao
Author

Novels by Soraini Pandao

Wife, I Was Wrong!

Wife, I Was Wrong!

Matapos ang tatlong taong kasal at pagsasama, gusto ni Leon Mercadejas na maging malaya para mapakasalan ang babaeng mahal niya. Sa buong tagal ng kasunduan nila ni Denielle Lopez-Mercadejas, hindi niya ipinaramdam ang pagmamahal dito. Sinasamantala lang niya si Denielle kapag kailangan niya ng isang asawa. Pero nang pumayag si Denielle sa annulment, naguguluhan si Leon dahil nasasaktan siya at tila may gustong sumabog sa kanyang puso.
Read
Chapter: Chapter 3
Napatalon si Denielle sa boses ng lalaking nasa harapan niya. Nagulat siya nang ipinasok siya ng receptionist sa VIP elevator.Pero mas lalo siyang nagulat nang sabihin ni Royce Mondragon na hired na siya at puwede na siyang magsimula anytime. Wala nang interview."Bakit, Denielle, ayaw mo ba ng trabaho?" natatawang saad ng binata.Ibang-iba ito sa mga larawang nakita niya sa company page ng Mondragon Corporation. Mukha kasi itong istrikto at mahirap lapitan sa picture, pero kanina pa ito nakangiti na tila amuse na amuse sa kanya. Kaya napangiti rin siya dito."By the way, you're getting annuled, right?" Napakurap si Denielle sa tanong nito. "April told me," mabilis nitong dagdag, marahil ay napansin ang pagkagulat niya. "Ang tanga naman ng asawa mo para hiwalayan ka," makahulugang saad nito kasabay ng pagtalim ng mata, na mabilis ring naglaho at napalitan ng nakakaunawang ngiti."Ako siguro ang tanga kasi umasa ako sa pagmamahal na hindi para sa akin," napapailing na saad niya. Ganun
Last Updated: 2025-09-19
Chapter: Chapter 2
Walang imik na naiwang nakatayo si Leon sa sala. Hindi niya inaasahan na magagawa siyang sagutin ng kanyang asawa sa ganoong paraan.Bakit tila ibang-iba na ito sa Denielle na kilala niya? Ang laki ng ipinagbago nito at may bahagi sa kanyang pagkatao na hindi niya matanggap. Ang Denielle na kilala niya ay matamis magsalita at masunurin, at iiyak lang kapag nasaktan niya ito nang emosyonal.Buong gabi ay iyon ang iniisip niya. Hindi na niya alam kung anong oras siya nakatulog. Pero nabulabog siya sa ring ng kanyang telepono.Inaantok na sinagot niya ang tawag ni Megan upang magising siya ng tuluyan sa pag-iyak nito. Mabilis itong nagsalita sa pagitan ng pag-iyak."Megan, calm down, please speak slowly. Hindi kita maintindihan," medyo naiinis niyang saway dito. Paano niya maiintindihan kung nag-iiyak ito habang nagsasalita? Isa pa, inaantok pa talaga siya."Ano ba naman, Leon," inis na singhal nito na suminok-sinok pa. "Someone reposted our picture. It's your soon-to-be ex-wife, Deniell
Last Updated: 2025-09-19
Chapter: Chapter 1
"Pare, desidido ka na ba talagang gawin ito?" Iyon na ata ang pang-apat na tanong ng kaibigan ni Leon, na si Alas. Isa itong CEO sa law firm na pag-aari ng ama nito at kilala rin bilang chickboy."Hindi na magbabago ang isip ko. I want to keep the annulment private until next year. Pero gusto ko nang simulan mo ang proseso in the next few days," formal niyang sabi sa kaibigan."Pumayag na ba ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Alam ni Alas kung gaano ka-baliw si Denielle kay Leon. Maging ang buong gusali ay kilala si Denielle bilang asawa nito. Madalas kasi itong nagpupunta sa opisina niya para ipagdala siya ng lunch.Si Leon ang CEO ng Mercadejas Group of Companies, na nag-iimport at nag-eexport ng raw materials para sa manufacturing ng construction materials tulad ng bakal at semento. Kaya naman, minsan siyang tinawag na most sought-after bachelor bago siya nagpakasal kay Denielle. Mayaman at makapangyarihan siya, hindi lang dahil isa siyang Mercadejas, kundi dahil ginawa niya a
Last Updated: 2025-09-19
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status