Napatalon si Denielle sa boses ng lalaking nasa harapan niya. Nagulat siya nang ipinasok siya ng receptionist sa VIP elevator.
Pero mas lalo siyang nagulat nang sabihin ni Royce Mondragon na hired na siya at puwede na siyang magsimula anytime. Wala nang interview.
"Bakit, Denielle, ayaw mo ba ng trabaho?" natatawang saad ng binata.
Ibang-iba ito sa mga larawang nakita niya sa company page ng Mondragon Corporation. Mukha kasi itong istrikto at mahirap lapitan sa picture, pero kanina pa ito nakangiti na tila amuse na amuse sa kanya. Kaya napangiti rin siya dito.
"By the way, you're getting annuled, right?" Napakurap si Denielle sa tanong nito. "April told me," mabilis nitong dagdag, marahil ay napansin ang pagkagulat niya. "Ang tanga naman ng asawa mo para hiwalayan ka," makahulugang saad nito kasabay ng pagtalim ng mata, na mabilis ring naglaho at napalitan ng nakakaunawang ngiti.
"Ako siguro ang tanga kasi umasa ako sa pagmamahal na hindi para sa akin," napapailing na saad niya. Ganun ba siya ka-at-ease sa taong ito? Magkakilala pa lang sila ilang minuto na ang nakalipas. Pero nagawa na niyang sabihin iyon dito.
"Naku, pasensya na, Sir—"
"It's Royce, call me Royce. At ituring mo akong isang kaibigan, mula ngayon, Denielle," makahulugang saad nito na muling ikinakurap ni Denielle.
"Nakakahiya naman ata 'yon, Sir. Boss kita tapos first name basis?" napapayukong saad niya.
"Well, sa Lunes ka pa naman magsisimula, kaya hindi pa kita boss," pabirong sabi pa nito.
Pagkatapos ng lively interview ni Royce kay Denielle, masiglang nagpaalam na ito sa binata. She looked so excited, na parang ngayon lang nakatanggap ng magandang balita.
The moment Royce's office door closed, mabilis nitong tinawagan si Thomas, ang kanyang personal assistant at bodyguard. "Sir," tugon ni Thomas.
"Alamin mo kung sinong abogado ang may hawak sa annulment case ni Denielle Mercadejas. And schedule me meeting asap," mababakasan ng panganib ang tinig ni Royce kasunod ng matalim na titig nito sa pinto.
---
Hindi maitago ang kasiyahan sa mukha ni Denielle nang makaalis siya sa building. Saka niya tinawagan si April, na tuwang-tuwa sa balita niya. Kaya nagpasya silang magkita sa mall at kumain ng masarap na lunch para i-treat ang kaibigan.
"Grabe, akala ko hindi ako matatanggap. Buti na lang, malakas ang backer ko," masayang saad niya sa kaibigan na nakatitig pala sa kanya. "Bakit?" aniya sa pagitan ng pagsubo.
"Wala. Feeling ko bumalik na ang dating kaibigan kong masayahin na laging kinikilig," bakas sa mukha ang kasiyahan sa sambit nito.
"Talaga ba?" di makapaniwalang tanong niya. "Sa totoo lang, ngayon lang ulit ako sumaya nang ganito, April," napabuga pa ng hangin si Denielle dahil doon. "Ngayon ko lang hindi inisip si Leon. At ngayon ko lang din ulit naramdaman ang maging masaya."
"Then I guess it's time to let him go, Denielle. Anong malay mo. Baka kung kailan wala na kayo, saka niya marealize na mahal ka rin niya, 'di ba?"
"Hindi, April. Dahil imposibleng mangyari iyon. Kagabi nga lang, pinagbintangan niya akong nanira sa kabit niya sa social media," bagsak ang balikat na saad niya sa ikinuwento dito ang nangyari.
"Hindi nga ba?" nananantiyang usig nito.
"Hayst, sana nga ginawa ko na lang, e. Kaso alam kong nakakasama iyon sa posisyon niya kaya—"
"Naku, Denielle, nakakagigil ka talaga. Dapat kasama kang binitay nila Gomburza, dahil isa ka ring dakilang martyr," nayayaamot na saad ni April na kung malapit lang ito sa kaibigan, baka nasabunutan na nito si Denielle.
"Oo nga, e. Pero puwede kay Rizal na lang, ayaw ko ng bitay," pabirong sagot ni Denielle na ikinabuga ng hangin ni April.
"At least you look better now," maya-maya'y saad nito matapos siyang titigan saglit.
Pagkatapos kumain, nag-window shopping sila. Naglalakad sila malapit sa appliance center nang maagaw ang atensyon niya sa palabas. Mga modelong rumarampa sa entablado. But what caught her attention was the man na saglit na ipinukos ng camera.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang mag-shift ang camera, focusing on Megan na sexing-sexy sa suot nitong nighties na napakanipis habang rumarampa sa entablado. The view shifted again when Megan glanced somewhere, at muling naipokus ang camera kay Leon, na matamis na ngumiti. His eyes were glittering with joy na nagpainit sa sulok ng kanyang mata.
Two months ago ay lumuwas ng bansa si Leon para sa isang conference umano. Mukhang sa fashion event ito ni Megan nag-attend ng conference. Nakalagay naman kasi sa screen na replay lang ang palabas.
"Denielle, let's go. You deserve someone so much better than him," bakas ang inis sa mukha nito at malungkot na inakbayan pa siya para makaalis na sila doon. "Time to let go now, Denielle. Mahalin mo naman ang sarili mo, friend," pikang sikmat nito.
Kumurap-kurap siya upang alisin ang butil ng luha sa sulok ng kanyang mata. Kailangan lang niyang maging busy para hindi na niya isipin pa si Leon. Nagkaayaan silang manood ng sine nang magsawa sila sa window shopping.
Kaya madilim na siyang umuwi.
"Late ka na naman, and this time hindi ka man lang nagtext," pasinghal na bungad ni Leon nang maabutan niya ito sa salas. Halatang inip na inip na. He was holding a glass of brandy na mabilis nitong tinungga.
Ano kayang problema nito, wala ba siyang magawa lately at maaga lagi itong nauuwi? Gusto sana niyang itanong but she chose not to. Ayaw niyang sirain ang mood niya. Kaya nilampasan na lang niya si Leon.
"Denielle, hindi mo ba ako narinig? Kinakausap kita," malakas na sigaw nito. Na sumunod pa sa kanya. Ilang hakbang lang ata ang pagitan nila.
Leon was tall, about six feet, kaya natural lang na malalaki ang hakbang nito.
"Ano bang kailangan mo?" Nahinaang saad niya na hindi ito nililingon pero sa tabi na niya ito.
"Bakit lagi kang late umuwi?" usig nito, na parang obligasyon pa niyang magpaalam dito.
Napahinto siya sa paghakbang then faced him na ikinagulat nito nang makipagtigan siya dito.
"Kailangan ko pa bang magpaalam sa'yo, Leon? Tinuturuan ko na ang sarili kong mag-move on para kapag hiwalay na talaga tayo, hindi na kita iisipin pa at hindi na rin kita mamahalin pa, kaya hayaan mo na lang ako," mapait niyang saad pero nagawa niyang ngumiti.
Kita niya ang pag-isang linya ng kilay ni Leon. Na para bang nasaktan ito sa sinabi niya. But she silently laughed at her own joke. Ito masasaktan niya? Imposible. Tulad ng imposible ang pagmamahal na pangarap niya mula dito.
"Just ignore me like you always did," dagdag niya saka ito tinalikuran.
Leon gritted his teeth nang tuluyang talikuran siya ni Denielle. Saka siya marahas na nagmura. He was a bit drunk dahil sa kakaantay niya nito. Nang malaman niya sa mga katulong na maaga itong umalis, hindi niya maitago ang iritasyon. And he hated na hindi man lang ito nagpaalam sa kanya.
Kaya naman maghapon siyang hindi mapakali sa kanyang opisina. And he hated himself for waiting for her to bring him lunch. Kaya sa inis, ilang ulit siyang tumawag para itanong sa mga kasambahay kung umuwi na ang asawa niya. And every time they told him na wala pa ito, lalo siyang tila sinasakal na hindi niya mawari. Kaya imbes na magtrabaho ay napainom na lang siya ng alak, just to calm his rage na hindi niya mawari kung para saan.
"Damn it! You're still my wife, Denielle!" pikang usal niya at muling sinundan ang asawa.
Yes, she was still his wife kaya wala itong karapatang makipagkita o makipag-date sa kahit kaninong lalaki. Mula kung saan ay tila narinig niya ang sinabi nito noong nakaraang araw.
"At kailan ka pa naki-alam sa buhay ko, Leon? Whether I'm seeing or fucking with another man, would you even slightly care?"
Kaya lalong nag-init ang ulo niya. Mabilis niyang sinundan si Denielle, bago pa nito maisara ang pinto ng kuwarto, ay naiharang na niya ang kamay niya doon. Saka niya itinulak ng pinto para makapasok siya.
"Leon, ano bang—" bago pa nito matapos ang sasabihin, ay marahas na niyang inangkin ang labi ng kanyang asawa.
Nagpumiglas ito subalit ilang sandali pa ay sumuko na rin. Alam na alam niya ang kahinaan ni Denielle. And he's willing to use that, para parusahan ito.
"Kasal pa rin tayo kaya obligasyon mo pa ring irespeto ang kasal natin. And I can claim you in bed, Denielle," mabalasik na usal niya nang pakawalan niya ang labi nito, kasunod ng pagtulak ni Leon sa pintong nasa likod niya upang sumara iyon.
"Maghihiwalay na tayo, Leon! Damn you! You're asking for respect na hindi mo nga kayang ibigay sa akin," nangilid ang luha nito na saglit niyang ikinagulat.
Subalit dala ng galit at labis na inis niya dito ay hindi niya iyon pinansin. Bagkus ay muli niyang inangkin ang labi ng asawa. Hanggang sa makarating sila sa nag-aantay nitong kama.
Saka niya ito itinulak pahiga doon. Napasigaw pa ito ng haklitin niya ang suot nitong blouse.
"You imprisoned me with this fucking marriage for three fucking years, Denielle. Kaya ako ang magsasabi kung kailan titigil ang karapatan ko bilang asawa mo," he gritted his teeth. "You moan too well, you taste good anyway. I guess that's fair enough payment," sarkastikong bulong niya sa puno ng tainga nito. "Denielle, bakit ginusto mo pa ring maging asawa ko kahit hindi kita mahal?" usig niya dito sabay kagat ng ibabang labi nito.
Subalit napaungol siya dala ng kiliting hatid ng pagkagat niya sa labi ng asawa. Mariin siyang napapikit. "Just don't give me the fucking reason na mahal mo ako, dahil hindi pagmamahal ang nararamdaman mo para sa akin, Denielle. Ang makasariling babaeng tulad mo, hindi marunong magmahal," matalim na akusa niya dito na muli na namang tumulo ang luha nito.
Mabilis at nag-uunahan na tila gustong tumakas na lang kung saan.
He found himself licking her tears. It tasted bitter na nagpapait sa kanyang lalamunan. Saka muling inangkin ang napapaawang na labi ng kanyang asawa.
She didn't restrain or fight. And he could tell how submissive his wife was in his every touch.
Ganun rin kaya ito sa ibang lalaki?
Ang isiping 'yon ay lalong nagpagalit sa kanya. He knew he was her first pero ano bang malay niya sa mga ginagawa nito ngayon. Iyon lang ang naiisip niyang dahilan kaya hindi na ito nagmakaawa sa kanya at kusang pumirma sa annulment paper.
"We'll sleep in one room until we finalize the annulment, Denielle. Habang asawa pa kita, ikakama kita hanggang gusto ko," gigil niyang usal bago hinila pababa ang suot niya.
Napatalon si Denielle sa boses ng lalaking nasa harapan niya. Nagulat siya nang ipinasok siya ng receptionist sa VIP elevator.Pero mas lalo siyang nagulat nang sabihin ni Royce Mondragon na hired na siya at puwede na siyang magsimula anytime. Wala nang interview."Bakit, Denielle, ayaw mo ba ng trabaho?" natatawang saad ng binata.Ibang-iba ito sa mga larawang nakita niya sa company page ng Mondragon Corporation. Mukha kasi itong istrikto at mahirap lapitan sa picture, pero kanina pa ito nakangiti na tila amuse na amuse sa kanya. Kaya napangiti rin siya dito."By the way, you're getting annuled, right?" Napakurap si Denielle sa tanong nito. "April told me," mabilis nitong dagdag, marahil ay napansin ang pagkagulat niya. "Ang tanga naman ng asawa mo para hiwalayan ka," makahulugang saad nito kasabay ng pagtalim ng mata, na mabilis ring naglaho at napalitan ng nakakaunawang ngiti."Ako siguro ang tanga kasi umasa ako sa pagmamahal na hindi para sa akin," napapailing na saad niya. Ganun
Walang imik na naiwang nakatayo si Leon sa sala. Hindi niya inaasahan na magagawa siyang sagutin ng kanyang asawa sa ganoong paraan.Bakit tila ibang-iba na ito sa Denielle na kilala niya? Ang laki ng ipinagbago nito at may bahagi sa kanyang pagkatao na hindi niya matanggap. Ang Denielle na kilala niya ay matamis magsalita at masunurin, at iiyak lang kapag nasaktan niya ito nang emosyonal.Buong gabi ay iyon ang iniisip niya. Hindi na niya alam kung anong oras siya nakatulog. Pero nabulabog siya sa ring ng kanyang telepono.Inaantok na sinagot niya ang tawag ni Megan upang magising siya ng tuluyan sa pag-iyak nito. Mabilis itong nagsalita sa pagitan ng pag-iyak."Megan, calm down, please speak slowly. Hindi kita maintindihan," medyo naiinis niyang saway dito. Paano niya maiintindihan kung nag-iiyak ito habang nagsasalita? Isa pa, inaantok pa talaga siya."Ano ba naman, Leon," inis na singhal nito na suminok-sinok pa. "Someone reposted our picture. It's your soon-to-be ex-wife, Deniell
"Pare, desidido ka na ba talagang gawin ito?" Iyon na ata ang pang-apat na tanong ng kaibigan ni Leon, na si Alas. Isa itong CEO sa law firm na pag-aari ng ama nito at kilala rin bilang chickboy."Hindi na magbabago ang isip ko. I want to keep the annulment private until next year. Pero gusto ko nang simulan mo ang proseso in the next few days," formal niyang sabi sa kaibigan."Pumayag na ba ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Alam ni Alas kung gaano ka-baliw si Denielle kay Leon. Maging ang buong gusali ay kilala si Denielle bilang asawa nito. Madalas kasi itong nagpupunta sa opisina niya para ipagdala siya ng lunch.Si Leon ang CEO ng Mercadejas Group of Companies, na nag-iimport at nag-eexport ng raw materials para sa manufacturing ng construction materials tulad ng bakal at semento. Kaya naman, minsan siyang tinawag na most sought-after bachelor bago siya nagpakasal kay Denielle. Mayaman at makapangyarihan siya, hindi lang dahil isa siyang Mercadejas, kundi dahil ginawa niya a