"Pare, desidido ka na ba talagang gawin ito?" Iyon na ata ang pang-apat na tanong ng kaibigan ni Leon, na si Alas. Isa itong CEO sa law firm na pag-aari ng ama nito at kilala rin bilang chickboy.
"Hindi na magbabago ang isip ko. I want to keep the annulment private until next year. Pero gusto ko nang simulan mo ang proseso in the next few days," formal niyang sabi sa kaibigan.
"Pumayag na ba ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Alam ni Alas kung gaano ka-baliw si Denielle kay Leon. Maging ang buong gusali ay kilala si Denielle bilang asawa nito. Madalas kasi itong nagpupunta sa opisina niya para ipagdala siya ng lunch.
Si Leon ang CEO ng Mercadejas Group of Companies, na nag-iimport at nag-eexport ng raw materials para sa manufacturing ng construction materials tulad ng bakal at semento. Kaya naman, minsan siyang tinawag na most sought-after bachelor bago siya nagpakasal kay Denielle. Mayaman at makapangyarihan siya, hindi lang dahil isa siyang Mercadejas, kundi dahil ginawa niya ang sariling pangalan sa industriya.
Napatingin siya sa kanyang relo. Lampas alas-onse na. Muli siyang napatitig sa pinto. Biglang kumabog ang pulso niya nang bumukas iyon, only to be disappointed nang ang sekretarya niya ang pumasok. Nagpaalam ito para mag-lunch out. Muli siyang sumilip sa pinto.
She was supposed to be here by now. Bakit wala pa?
"Sir, hindi ba kayo magla-lunch, should I order food for you?"
"No thanks, you go ahead," taboy niya dito na agad namang umalis.
"May hinihintay ka ba?" napapangising sabi ni Alas na halatang nang-aasar. Alam nito kung gaano niya ayaw ang kanyang asawa, kaya anong iniisip nito. Sinulyapan nito ang relo. "Wala pa si Denielle? Sinadya ko pa namang hindi mag-lunch. Akala ko makakakain ulit ako ng masarap," dagdag pa nito na halatang disappointed.
"What's so good about her cooking?" inis niyang sabi.
Sa totoo lang masarap magluto si Denielle, sadyang hindi lang niya gustong i-appreciate sa harap nito. Pero kapag tumalikod na ito, ubos niya ang dala nitong pagkain. Kaya minsan nagtatalo pa sila ni Alas kapag sumusulpot ito sa oras ng lunch.
"Kunyari ka pa, inaabangan mo naman lagi ang dalang pagkain ng asawa mo. Alam mo, Leon, bakit 'di ka kaya magpakatotoo sa sarili mo. You love your wife," kompiyansang saad nito na ikinatawa niya nang pagak. "Alam mo, pagsisisihan mo talaga kapag nakipaghiwalay ka kay Denielle," naiiling pang saad nito.
"Pare, si Megan ang mahal ko. And I'm marrying her next year kapag napawalang bisa na ang kasal namin ni Denielle. Marami na akong nagawang atraso sa kanya. And I'll never regret my decision," pinal niyang sabi, subalit may bahagi sa puso niya na tila tumututol sa kanyang sinabi.
"Well if you say so. Concern ka talaga sa ex-girlfriend mong iyon, pero hindi sa asawa mo..." napapailing na palatak nito. "Sana lang talaga hindi mo pagsisihan ang desisyon mong ito, Leon," ulit pa nito na medyo ikinaasar niya.
At inulit niya rin sa utak niya ang pagtangi na hindi siya magsisi. It won't ever happen. Dahil plano niyang pakasalan kaagad si Megan once the annulment is granted.
"Paano, mukhang wala si sweetheart Denielle ko, aalis na ako," biglang nagpatayuang tainga niya sa tawag nito kay Denielle.
"Sweetheart? Tigilan mo nga ang asawa ko," sikmat niya sa kanya.
"Soon-to-be ex-wife. Kung ako siguro ang una niyang nakilala, baka sa akin na in-love iyon. Hindi sana masasaktan ang puso niya," mayabang na saad nito.
"Can you shut the fvck up! Umalis ka na nga!" asik niya dito. Agad namang tumayo si Alas at iniwan siyang pangisi-ngisi pa.
Nagsimula nang kumalam ang sikmura niya dala ng gutom. Pero sumapit na ang alas dose, walang Denielle na dumating. Inis na tumawag siya sa bahay; ang isa sa mga katulong ang sumagot.
"Ang Ma'am Denielle mo, nasaan?"
"Ay umalis po, sir, kanina," sagot nito. Bigla siyang napatuwid ng upo. Sabay lingon sa pinto.
"Nagdala ba ng lunch ko?" usisa niya.
"Ay hindi po. Hindi nga siya nagluto. Tinanong ko nga po kung dadalhan ka niya ng tanghalian, hindi na raw siya magdadala, may iba na daw gagawa noon," paliwanag nitong bigla niyang ikinapanlumo.
Hindi pa naman sila annul, ayaw na nitong dalhan siya ng pagkain. Lihim na sinermunan niya ang sarili.
"Ganun ba..." napahawak siya sa tulay ng kanyang ilong. Bigla kasing nanakit ang sintido niya. "Nagsabi ba kung saan pupunta?"
"Hindi po," sagot nito na ikinairita naman niya. Kailan pa natutong umalis sa bahay ang asawa niya nang walang paalam.
Dati naman, kaunting kibot lang nagte-text ito sa kanya kung aalis o may pupuntahan. Ayaw kasi niyang tinatawagan siya ni Denielle.
"Fine. It's better this way," kausap niya sa sarili nang maibaba na ang auto.
---
"Magtatrabaho ka? Teka, bakit? Mayaman ang asawa mo. Kahit maghihiwalay na kayo, I'm sure magbibigay siya ng malaking pera sa'yo," lintaya ni April na ikinailing ni Denielle.
"Mula nang tumuntong ako sa poder ng mga Mercadejas, buong buhay ko nang nakaasa ako sa kanila. Sana noon ko pa ito ginawa. Akala ko lang matutunan akong mahalin ni Leon," mapait niyang sabi. "Siguro tama siya, hindi niya ako matutunang mahalin kahit kailan. Dahil kahit kasal pa kami, patuloy pa rin ang komunikasyon niya kay Megan.
Iyon rin ang dahilan kaya pumayag na siya sa annulment. What she heard that time habang nakaburol ang lola ni Leon did completely shatter her last hope.
"Yes, love, I'll start processing my annulment with Denielle in the next few days. Then we can finally be together," bakas ang saya sa mukha nito habang kausap ang girlfriend nitong si Megan. Samantalang, pag siya ang kausap, laging malamig ang tono nito. Walang sigla, walang buhay. Muli na namang kumirot ang puso niya nang maalala iyon.
Akala niya naranasan na niya ang lahat ng pinakamasakit sa pagsasama nila ni Leon. Iyon ay ang tawagin siya nito sa pangalan ng ibang babae kapag magsisiping sila nang lasing ito.
Leon would make love with her, pero iba ang babaeng tinatawag nito. Kaya durog na durog ang puso niya. Pero kumakapit pa rin siyang parang 'linta'. Pero mas masakit pala ang katotohanan, hindi pa man sila naghihiwalay ay nag-uusap pa rin pala ang mga ito. Kaya ayaw na ayaw niyang lumalabas ng bansa si Leon, dahil lagi niyang iniisip, na paano kung nagtatagpo ang mga ito nang palihim. Lalo't hindi siya kinakausap ni Leon kapag nasa labas ito ng bansa. Well, kahit naman dito, Leon had been ignoring her maliban lang kung kaharap nila ang kanyang abuela.
Kaya nagpasya na siya kahit masakit. Susuko na siya habang may natitira pang pride sa pagkatao niya. Dahil iyon na lang ang mayroon siya.
"Well, ikaw ang bahala, Denielle. My cousin was looking for an assistant. Pero nasa ibang bansa pa siya kaya baka next week mo pa siya makausap," ani April saka may inabot sa kanya na calling cards. "Send him your resume, I'll give him a heads-up. Para pagbalik niya, interview na lang."
Masayang tinanggap niya ang card. Saka niya yakap ang kaibigan. "Thank you so much, ang dami ko nang atraso sa'yo," naiyak pa niyang sabi dito.
Naisip niyang kailangan lang niyang mapagkakaabalahan para makalimot at mag-move on na. Kailangan na rin niyang mabuhay at mahalin ang kanyang sarili. At tanggapin na hindi si Lorenzo Mercadejas ang para sa kanya.
"Sus, parang 'di mo naman ako kaibigan n'yan. Saka tama na rin sigurong kagagahan mo kay Leon. Makakahanap ka rin ng lalaking magmamahal sa'yo," sensirong saad nito na tinapik pa ang balikat niya.
"Sana nga may nakalaan rin para sa akin, April," piping usal ni Denielle.
Padilim na nang magpasya siyang umuwi. Noon niya napansin ang ilang miskol ng 'asawa' niya sa phone. Mapait siyang napangiti. Dapat matutunan na rin niyang huwag i-address si Leon bilang kanyang asawa.
He never treated her as his wife anyway.
"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing? I've been calling you nth times," galit na bungad ni Leon sa kanya. Dahilan para mapakunot noo siya.
Kailan pa ito nagkaroon ng paki-alam sa kanya. Hindi niya kailanman natandaan na tinanong siya nito kung saan siya nagpupunta. Kahit nga magpaalam siya, wala pa rin itong paki kaya saan nanggaling ang inis nitong ngayon.
"Sa condo ni April," walang buhay niyang sagot kahit ayaw sana niyang sagutin ito.
"Sa condo ng kaibigan mo pero hindi ka man lang sumagot sa tawag ko?" sikmat nito na ikinakunot noo niya.
What is wrong with him?
"Nasa bag ang phone ko. Hindi ko naisip na tatawag ka so I didn't bother checking," kibit-balikat niyang sagot at kita niya ang pagkabigla sa mukha nito.
"Are you seeing someone else?" may pag-aakusa ang tingin ipinukol nito sa kanya. Kaya hindi niya maiwasang matawa.
"Wow. Iba ata ang ihip ng hangin? At kailan ka pa naki-alam sa buhay ko, Leon? Whether I've been seeing or fvcking with another man, would you even slightly care?" sarkastikong balik-tanong niya na ikinagulat na naman ata nito. "But don't worry, hindi naman ako katulad mo na kahit kasal ka pa sa akin, pero open kang makipaglandian sa babae mo," sarkastikong saad niya.
Magsasalita sana ito nang muli siyang magsalita. "I can address her like that as long as kasal pa tayo. Kabit mo siya. Isa siyang kabit, tandaan mo yan. The love of your life will remain as your mistress as long as we're married. And I'm warning you, oras na malaman kong nagtatagpo kayo habang kasal tayo, I'll ruin you two," banta niya dito saka tuloy na siyang nagtungo sa silid niya.
Hindi na niya inabala ang sarili niyang alamin pa ang reaksyon nito.
Dahil alam niyang guilty ito, she had found evidence on his clothes several times kapag umaalis ito ng bansa. Pero hanggang doon lang dahil wala siyang magawa. She was just a speck of dust compared to Leon. Wala siyang sariling pera dahil nakaasa lang siya dito.
At kung inaakala nitong mabait siya dahil sunud-sunuran lang siya dito noon, things have changed dahil kahit sa huling pagkakataong gusto rin niyang ipamukha kay Leon na mali itong niluko siya nito. Itinaboy na niya kung saan ang Denielle na mabait at masunurin. Dahil hindi naman pala iyon makakatulong para mahulog ang loob ni Leon sa kanya.
Napangiti siya, dahil sa biglang paggaan ng dibdib niya kahit paano. It was the first time she spoke her feelings. Na hindi lang siya isang display sa bahay nito na puwede nitong baliwalain at gamitin kung kailangan. Nasasaktan rin naman siya. Dahil nagmahal siya nang higit, sa taong pag-aari ng iba.
Kaya sa mga natitirang araw na kasal pa sila ni Leon, sisiguraduhin niyang ibang Denielle ang makikilala nito.
Because she will make sure he'll regret hurting her...
Napatalon si Denielle sa boses ng lalaking nasa harapan niya. Nagulat siya nang ipinasok siya ng receptionist sa VIP elevator.Pero mas lalo siyang nagulat nang sabihin ni Royce Mondragon na hired na siya at puwede na siyang magsimula anytime. Wala nang interview."Bakit, Denielle, ayaw mo ba ng trabaho?" natatawang saad ng binata.Ibang-iba ito sa mga larawang nakita niya sa company page ng Mondragon Corporation. Mukha kasi itong istrikto at mahirap lapitan sa picture, pero kanina pa ito nakangiti na tila amuse na amuse sa kanya. Kaya napangiti rin siya dito."By the way, you're getting annuled, right?" Napakurap si Denielle sa tanong nito. "April told me," mabilis nitong dagdag, marahil ay napansin ang pagkagulat niya. "Ang tanga naman ng asawa mo para hiwalayan ka," makahulugang saad nito kasabay ng pagtalim ng mata, na mabilis ring naglaho at napalitan ng nakakaunawang ngiti."Ako siguro ang tanga kasi umasa ako sa pagmamahal na hindi para sa akin," napapailing na saad niya. Ganun
Walang imik na naiwang nakatayo si Leon sa sala. Hindi niya inaasahan na magagawa siyang sagutin ng kanyang asawa sa ganoong paraan.Bakit tila ibang-iba na ito sa Denielle na kilala niya? Ang laki ng ipinagbago nito at may bahagi sa kanyang pagkatao na hindi niya matanggap. Ang Denielle na kilala niya ay matamis magsalita at masunurin, at iiyak lang kapag nasaktan niya ito nang emosyonal.Buong gabi ay iyon ang iniisip niya. Hindi na niya alam kung anong oras siya nakatulog. Pero nabulabog siya sa ring ng kanyang telepono.Inaantok na sinagot niya ang tawag ni Megan upang magising siya ng tuluyan sa pag-iyak nito. Mabilis itong nagsalita sa pagitan ng pag-iyak."Megan, calm down, please speak slowly. Hindi kita maintindihan," medyo naiinis niyang saway dito. Paano niya maiintindihan kung nag-iiyak ito habang nagsasalita? Isa pa, inaantok pa talaga siya."Ano ba naman, Leon," inis na singhal nito na suminok-sinok pa. "Someone reposted our picture. It's your soon-to-be ex-wife, Deniell
"Pare, desidido ka na ba talagang gawin ito?" Iyon na ata ang pang-apat na tanong ng kaibigan ni Leon, na si Alas. Isa itong CEO sa law firm na pag-aari ng ama nito at kilala rin bilang chickboy."Hindi na magbabago ang isip ko. I want to keep the annulment private until next year. Pero gusto ko nang simulan mo ang proseso in the next few days," formal niyang sabi sa kaibigan."Pumayag na ba ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Alam ni Alas kung gaano ka-baliw si Denielle kay Leon. Maging ang buong gusali ay kilala si Denielle bilang asawa nito. Madalas kasi itong nagpupunta sa opisina niya para ipagdala siya ng lunch.Si Leon ang CEO ng Mercadejas Group of Companies, na nag-iimport at nag-eexport ng raw materials para sa manufacturing ng construction materials tulad ng bakal at semento. Kaya naman, minsan siyang tinawag na most sought-after bachelor bago siya nagpakasal kay Denielle. Mayaman at makapangyarihan siya, hindi lang dahil isa siyang Mercadejas, kundi dahil ginawa niya a