Share

Chapter 2

Author: Peppa Paper
last update Last Updated: 2025-09-19 11:54:06

Walang imik na naiwang nakatayo si Leon sa sala. Hindi niya inaasahan na magagawa siyang sagutin ng kanyang asawa sa ganoong paraan.

Bakit tila ibang-iba na ito sa Denielle na kilala niya? Ang laki ng ipinagbago nito at may bahagi sa kanyang pagkatao na hindi niya matanggap. Ang Denielle na kilala niya ay matamis magsalita at masunurin, at iiyak lang kapag nasaktan niya ito nang emosyonal.

Buong gabi ay iyon ang iniisip niya. Hindi na niya alam kung anong oras siya nakatulog. Pero nabulabog siya sa ring ng kanyang telepono.

Inaantok na sinagot niya ang tawag ni Megan upang magising siya ng tuluyan sa pag-iyak nito. Mabilis itong nagsalita sa pagitan ng pag-iyak.

"Megan, calm down, please speak slowly. Hindi kita maintindihan," medyo naiinis niyang saway dito. Paano niya maiintindihan kung nag-iiyak ito habang nagsasalita? Isa pa, inaantok pa talaga siya.

"Ano ba naman, Leon," inis na singhal nito na suminok-sinok pa. "Someone reposted our picture. It's your soon-to-be ex-wife, Denielle, trying to bully me." Hagulgol pang sumbong nito. "She's calling me your 'kabit', Leon. Wala ka bang gagawin? Her post is driving me crazy. Tinawagan pa ako ng manager ko, and they want to remove me as the main event sa Fashion Magazine, dahil sa bintang niyang kabit mo ako. Do something, Leon! Alam mo kung gaano kahalaga sa akin 'to."

Napaupo na lang siya at naihilamos ang palad sa mukha. Sa lakas ng boses ni Megan ay natutulig ang tainga niya sa ingay nito.

Inaantok pa siya at hindi niya ma-proseso sa utak ang sinasabi nito. It took him a few seconds to finally realize what she was saying.

"Bakit naman kasi—" napapabuntong-hiningang saad niya pero hindi niya natapos ang kanyang pangungusap dahil alam niyang lalo lang itong mag-iiyak kapag sinisi pa niya ito. Gusto niyang sermunan ito, it was her fault to begin with.

"Let me check on that!" sabi na lang niya, trying to calm his girlfriend.

Saka niya binuksan ang link na sinend nito. Namalutong niyang ikinamura ang nakita.

The post says the CEO of Mercadejas Empire is dating his mistress Megan Veluz, international model, behind his stupid wife, in New York. Can't she wait for his divorce?

It was posted four hours ago.

Mabilis siyang bumangon upang puntahan ang kanyang asawa. Malutong siyang napamura nang makitang naka-lock ang pinto kaya mabilis niya itong kinatok. It took him a few minutes before the door opened.

Napatigilan siya nang makita ang seksi nitong pantulog na suot. Kaya marahas siyang napalunok.

"Ano bang problema mo, ang aga mong mang-abala?" Inaantok na saad nito.

She looks so damn innocent after what she did?

"Bakit mo ginawa 'yon?" tiim-bagang usig niya dito. Pero bigla lang itong humikab, na lalo niyang ikinapikon.

"Ang ano ba?"

"Stop playing innocent, Denielle. You're the one who posted this?" akusa niya dito, cutting her words off.

He can't let her feign innocence before his eyes. She scratched her eyes, na tumitig pa sa kanyang phone, na lalo lang niyang ikina-irita nang ngumisi ito.

What the fvck! Who is this woman? Lihim niyang tanong sa sarili. She looks like Denielle, but her expression says she's not the woman he used to know.

"Ginising mo ako over silly things like that?" sarkastiko nitong saad, at mula kung saan ay tila narinig niya ang sinabi niya dito kagabi. Let's not argue over a silly post, Denielle. "Wala akong alam d'yan. Bakit di mo itanong sa babaeng mahal mo?" inis nitong sabi saka siya tinalikuran ni Denielle.

Kaya nag-pagting ang tainga niya. Marahas niyang hinaklit ang braso ng asawa.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Denielle." Gigil na angil niya dito. He was glaring at her pero ikinagulat niya ang blangkong ekspresyon ng asawa na tumitig sa kanya.

"Kung kaya mong patunayan na ako ang may gawa niyan, kahit lumuhod ako sa harap n'yo, gagawin ko. But until you can give me evidence—" Natigilan siya nang marahas nitong hilahin ang braso.

Pero hindi niya pinakawalan 'yon. Natagpuan pa niya ang sarili niyang lumalapit dito. Bagay na gusto niyang pagsisihan dahil sa kakaibang damdamin na nagising sa kanyang pagkatao. Kaya marahas siyang napabuga ng hangin upang kalmahin ang sarili.

"Give me your phone, how can you do this to me? Alam mong maraming naghahangad na makuha sa akin ang posisyon bilang CEO ng kompanya... how can you be so inconsiderate?" Kita niya ang pagngiwi ni Denielle. Noon lang niya napansing namula ang braso nitong hawak niya. Namula ang mata nitong nakipagtitigan sa kanya. He could see she was in pain, pero wala man lang itong reklamo.

"So—sorry," wala sa sariling usal niya saka ito pinakawalan. Walang salitang maglakad ito patungo sa kama, may kung anong dinampot doon bago muling bumalik sa kanyang harapan.

He was surprised. Marahas nitong hinawakan ang kamay niya.

"Yan ang phone ko, you can have it if you want. Hindi mo ako kailangan pagbintangan, Leon. Dahil kung gugustuhin kong sirain ka, matagal ko nang sinimulan." Walang emosyong saad nito. "Ngayon, umalis ka na sa harapan ko. Huwag kang mag-alala, bukas na bukas din aalis na ako dito. Para kapag nawalan ng trabaho ang kabit mo, puwede mong pauwiin dito sa bahay mo nang hindi n'yo kailangang pagbintangan akong kahit ano," matapang na sagot nito.

"Hindi ka pa puwedeng umalis, Denielle. The annulment will proceed pagkatapos ng babang luksa ni grandma. At kailangan mong makisama para maging mabilis ang proseso. Kung ako lang naman ang masusunod, alam mong matagal ko nang gustong mawala ka sa buhay ko, so live with it in a few more days." Marahas siyang napalunok dahil sa pait ng titig na ibinigay ni Denielle sa kanya.

Kaya lihim siyang napamura bago ito tinalikuran.

---

Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ni Denielle nang maisara niya ang pinto. Sana pala itinuloy niya ang planong pag-repost ng larawan ni Leon at Megan para makaganti sa kahihiyang isinampal sa kanya ni Megan.

Kung alam lang niyang siya ang pagbibintangan nito. Sana talaga. Pero sino naman kaya ang may gawa noon? Pero kung sinuman ang taong may gawa noon, dapat niya ata itong pasalamatan.

Kinabukasan ay maagang bumangon si Denielle. Iyon ang araw ng interview niya sa kompanyang in-apply-an niya bilang executive assistant sa Mondragon Corporation.

Iyon lang umano ang available na position ayon kay April. And she was glad nang matanggap niya ang email bago siya natulog kagabi.

Sa totoo lang, kinakabahan siya nang magpasa siya ng CV dahil baka hindi rin pumasa kahit sa initial interview kung ang credentials niya ang pagbabasehan. Maliban sa OJT niya sa opisina ng lola ni Leon bilang assistant secretary nito, wala na siyang ibang job experience. Kahit isang taon na mula nang grumaduate siya ng college.

Aminado naman siyang hindi siya ganoon katalino, but she did her best para ma-please ang lola ni Leon. Kaya kahit nahihirapan siyang pagsabayin ang papel niya bilang asawa ni Leon at bilang estudyante, nagsumikap pa rin siya. Pinagbuti niya ang pag-aaral para matuwa sa kanya, 'di lang ang matandang Alegre, kundi maging si Leon. Pero kahit anong gawin niya, bigung-bigo siya pagdating kay Leon.

"Good luck, Ma'am Denielle. Siguradong matatanggap ka." Pang-momotivate sa kanya ni Ginger.

"Oh ito, mag-almusal ka ng masarap," sabi ni Aling Macaria na excited sa paghanda ng almusal niya. Dahil ayaw niyang magtampo ito, masigla siyang kumain ng paborito niyang macaroni soup.

Kaya naman, energized siyang sumakay sa binook niyang taxi. Wala na siyang planong gamitin pa ang kotseng ibinigay ni Leon sa kanya. Sa totoo lang, puwede na sana siyang umalis sa poder nito. May savings siya mula sa pera na ibinibigay ng lola ni Leon noon, at sa allowance na awtomatikong pumapasok sa account niya mula kay Leon.

Pero may parte sa puso niyang umaasa pa rin sa isang imposible. Pero sa bawat araw na lumipas mula nang mawala ang lola ni Leon, mas nasasaktan lang ata siya at mas nadudurog lang ang puso niya dahil araw-araw na lang yatang gustong ipamukha sa kanya ni Leon na wala siyang kahit katiting na halaga dito.

May isang buwan na lang naman siyang manatili sa poder nito, as long as he won't bring Megan at his house habang naroon siya. She'll be fine.

Katangahan man matatawag pero, mahal niya si Leon at hindi ganoon kadaling turuan ng puso niyang lumimot. Naniniwala naman siyang isang araw, makakaya na niyang humakbang palayo.

Humugot ng malalim na paghinga si Denielle nang makarating siya sa building kung saan magaganap ang final interview niya. Akala niya ay next week pa niya makakausap ang CEO ng Mondragon Corporation, dahil ayon kay April, nasa ibang bansa umano ang pinsan nitong si Royce Mondragon.

Isa sa pinakamayamang angkan ang Mondragon sa buong bansa. Kaya kilala ang mga ito sa lipunan.

Nananalamig ang kamay niyang pumasok sa kusang bumukas na pintong glass door ng entrance. Lumapit siya sa information desk at the moment na sabihin niya ang pangalan niya sa receptionist, nagkumahog pa itong ihatid siya sa isang lift na walang nakapila. Kaya napalingon sa direksyon niya ang ilang nag-aabang ng lift sa kabila.

"Uy, sino 'yon?" usisa ng isang babae kay Aira na receptionist ng Mondragon Corp nang sumara na ang pinto ng lift.

"Malay ko, sabi ni Boss, VIP visitor niya daw eh," inis na saad ni Aira sa babae.

"Talaga? Kaya ba napauwi nang wala sa oras si Boss dahil sa babae? Ang alam ko one week siya sa abroad kasi 'di ba may sakit ang mommy ni Boss?"

"Alam mo, bagay talaga sa 'yo ang pangalan mong Marites, masyado kang marites." Nakaingos na saad ni Aira sa babae bago ito tinalikuran.

Kahit ang totoo, lihim na nakakadama ng selos si Aira sa pagdating ng magandang bisita ni Royce. Kung puwede lang sana siyang magalit. Pero ano bang karapatan ng isang tulad niya? Naroon lang siya bilang parusa ng boss na si Royce sa kanya.

Mapait na ngumiti si Aira. Kung may ibang babae na itong nagugustuhan, ano pang silbi niya dito?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wife, I Was Wrong!   Chapter 3

    Napatalon si Denielle sa boses ng lalaking nasa harapan niya. Nagulat siya nang ipinasok siya ng receptionist sa VIP elevator.Pero mas lalo siyang nagulat nang sabihin ni Royce Mondragon na hired na siya at puwede na siyang magsimula anytime. Wala nang interview."Bakit, Denielle, ayaw mo ba ng trabaho?" natatawang saad ng binata.Ibang-iba ito sa mga larawang nakita niya sa company page ng Mondragon Corporation. Mukha kasi itong istrikto at mahirap lapitan sa picture, pero kanina pa ito nakangiti na tila amuse na amuse sa kanya. Kaya napangiti rin siya dito."By the way, you're getting annuled, right?" Napakurap si Denielle sa tanong nito. "April told me," mabilis nitong dagdag, marahil ay napansin ang pagkagulat niya. "Ang tanga naman ng asawa mo para hiwalayan ka," makahulugang saad nito kasabay ng pagtalim ng mata, na mabilis ring naglaho at napalitan ng nakakaunawang ngiti."Ako siguro ang tanga kasi umasa ako sa pagmamahal na hindi para sa akin," napapailing na saad niya. Ganun

  • Wife, I Was Wrong!   Chapter 2

    Walang imik na naiwang nakatayo si Leon sa sala. Hindi niya inaasahan na magagawa siyang sagutin ng kanyang asawa sa ganoong paraan.Bakit tila ibang-iba na ito sa Denielle na kilala niya? Ang laki ng ipinagbago nito at may bahagi sa kanyang pagkatao na hindi niya matanggap. Ang Denielle na kilala niya ay matamis magsalita at masunurin, at iiyak lang kapag nasaktan niya ito nang emosyonal.Buong gabi ay iyon ang iniisip niya. Hindi na niya alam kung anong oras siya nakatulog. Pero nabulabog siya sa ring ng kanyang telepono.Inaantok na sinagot niya ang tawag ni Megan upang magising siya ng tuluyan sa pag-iyak nito. Mabilis itong nagsalita sa pagitan ng pag-iyak."Megan, calm down, please speak slowly. Hindi kita maintindihan," medyo naiinis niyang saway dito. Paano niya maiintindihan kung nag-iiyak ito habang nagsasalita? Isa pa, inaantok pa talaga siya."Ano ba naman, Leon," inis na singhal nito na suminok-sinok pa. "Someone reposted our picture. It's your soon-to-be ex-wife, Deniell

  • Wife, I Was Wrong!   Chapter 1

    "Pare, desidido ka na ba talagang gawin ito?" Iyon na ata ang pang-apat na tanong ng kaibigan ni Leon, na si Alas. Isa itong CEO sa law firm na pag-aari ng ama nito at kilala rin bilang chickboy."Hindi na magbabago ang isip ko. I want to keep the annulment private until next year. Pero gusto ko nang simulan mo ang proseso in the next few days," formal niyang sabi sa kaibigan."Pumayag na ba ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Alam ni Alas kung gaano ka-baliw si Denielle kay Leon. Maging ang buong gusali ay kilala si Denielle bilang asawa nito. Madalas kasi itong nagpupunta sa opisina niya para ipagdala siya ng lunch.Si Leon ang CEO ng Mercadejas Group of Companies, na nag-iimport at nag-eexport ng raw materials para sa manufacturing ng construction materials tulad ng bakal at semento. Kaya naman, minsan siyang tinawag na most sought-after bachelor bago siya nagpakasal kay Denielle. Mayaman at makapangyarihan siya, hindi lang dahil isa siyang Mercadejas, kundi dahil ginawa niya a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status