THE BILLIONAIRE RUNAWAY WIFE’S RETURN WITH SECRET BABIES
Ipinilit ng Lolo ni Travis Buenavides ang kasal niya kay Phoebe, pero para kay Travis, kontrata lang iyon na walang halong pagmamahal. Kaya mula sa simula, malamig ang trato niya sa asawa.
Ngunit noong araw na inalok niya si Phoebe ng agreement, iyon din ang araw na ginamit siya ng babae! At pagkatapos ay bigla itong naglaho nang limang taon. Buo ang pangako ni Travis. oras na bumalik si Phoebe, hindi ito makakaligtas sa kanyang paghihiganti.
Pagbalik ng runaway wife niya, sinimulan ni Travis na pahirapan ito. Pero isang nakagugulat na katotohanan ang nadiskubre niya, si Phoebe pala ang matagal na niyang first love, ang Elusive Doctor na matagal niyang hinahanap… at ina ng tatlong anak na itinago sa kanya.
“Are you telling me… she’s my first love, the Elusive Doctor I'm looking for, and my wife?”
“Yes, boss.”
“Then what are you waiting for? Ready the car. I’ll bring her home.”
Read
Chapter: Chapter 4Pagkaalis ni Lazarus, tumayo si Travis at lumapit sa bintanang tanaw ang buong siyudad.Pabigat nang pabigat ang sakit ng Lolo niya. Kailangan na talagang hanapin si Selene. Habang nag-iisip siya, napakunot bigla ang noo niya. Parang may mali.Kanina pa walang ingay mula sa kwarto ng anak niya.Kapag pinapagawa niya ng homework, palaging may iyak at reklamo si Caspian. Pero ngayon… tahimik.‘Baka may ginagawa na namang kalokohan.’ naisip niya.Mabilis siyang lumabas ng study room at naglakad papunta sa kwarto. Habang papalapit, lalo siyang kinabahan dahil wala pa ring marinig na kahit anong ingay.Huminga siya nang malalim bago binuksan ang pinto.At sa isang tingin, muntik siyang mapahinto. Ang anak niya, nakaupo nang seryoso sa mesa, tahimik na nagsusulat.Hindi makapaniwala si Travis.Walang sakit-sakitan, walang drama, seryosong gumagawa ng homework? ‘Si Caspian ba ito?’ tanong niya sa isipan.Lumapit siya at nakita niyang tinulak ni River ang notebook palayo, sabay umiling.Nap
Last Updated: 2025-09-24
Chapter: Chapter 3Galit na galit na sigaw ni Dante sa kabilang linya. “Wala ka talagang respeto, bata ka! How dare you make such demands?!”“Ano? Hindi mo pa napag-isipan? Then call me kapag nakapag-decide ka na.”Papatayin na sana ni Phoebe ang tawag nang bigla siyang pigilan nito.“Wait! The Mendez’s Medicine Clinic!”Napahinto si Phoebe. “Ano ibig mong sabihin?”Umubo si Dante. “Ang clinic na iyon, iniwan ng nanay mo. Don’t you want it back?”Alam ni Phoebe na plano na ni Dante iyon simula’t sapul. Pero dahil mahalaga iyon sa mama niya, hindi niya kayang hayaan na tuluyang masira sa kamay ng pamilya Mendez. Matapos timbangin ang lahat, sumagot siya. “Fine. Pero ibigay mo muna sa akin ang clinic.”“Kung ibigay ko, paano kung hindi ka bumalik para makipag-divorce?” kontra ni Dante.Ngumiti si Phoebe, puno ng yabang. “Eh di wag mo ibigay. Nakadepende pa rin sa 'yo kung mabubuhay pa ang kumpanya ninyo. After all… you look quite desperate, Dad.”“Bwisit ka talaga!”Ilang saglit pa, napilitan din si Dant
Last Updated: 2025-09-24
Chapter: Chapter 2Napaisip siya kung posible kayang alam ni Travis na ngayong araw siya babalik bilang si Selene, kaya naghintay ito sa Airport. Naramdaman niya ang biglang kaba, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib niya.Dahil sa gulat, mabilis niyang hinila ang maleta at itinulak sa likod niya si River, halos natakpan ng katawan niya ang anak. Naramdaman niya ang higpit ng hawak ng mga daliri niya sa handle ng maleta, na para bang iyon lang ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.Si Raegan naman ay napatigil, napatingin ng diretso sa lalaking kaharap nila. Hindi maikakaila ang gwapo nito, pero mas matimbang ang inis at galit na naramdaman niya nang makita kung gaano kabastos ito sa Mommy niya. Kaya hindi siya nagdalawang-isip at matapang siyang nagsalita.“Sir, don’t use your handsome face to bully people. Hindi naman sinasadya ni Mommy yon. How much is your shirt? We’ll pay for it.”Nagulat si Phoebe sa tapang ng anak, at kahit kinabahan siya, may kaunting tuwa ring sumilip sa puso niy
Last Updated: 2025-09-24
Chapter: Chapter 1“Here, look at our agreement. Sign it if you agree.”Malamig ang boses ng lalaki habang iniabot ang papel. Maging ang simpleng kilos ng pag-abot ay puno ng kayabangan, para bang siya ang may hawak ng lahat ng kapangyarihan sa silid. Sa bawat salita, ramdam ni Phoebe ang pagmamaliit na ibinubuhos sa kanya.“Kung hindi lang nagbanta si Lolo na magpapakamatay, hinding-hindi kita papakasalan, kaya makisama ka na lang. Be a good wife. I will give you 200,000 a month. Pero huwag ka nang mangarap ng iba pa bukod doon.”Tahimik na nakaupo si Phoebe sa gilid ng kama. Ang mga daliri niya ay mahigpit na nakapulupot sa laylayan ng damit, para bang iyon na lamang ang sandalan niya laban sa kahihiyan. Nakayuko siya, pinipilit itago ang matinding galit, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay kumikislap ang apoy ng pangungutya.‘Bakit pa nagmamalinis ang taong ito? Noong isang taon, siya mismo ang nang-abuso sa akin. Walang kwenta talaga!’Kung hindi lang dahil kailangan ng bone marrow donor para sa
Last Updated: 2025-09-24