LOGINNapaisip siya kung posible kayang alam ni Travis na ngayong araw siya babalik bilang si Selene, kaya naghintay ito sa Airport. Naramdaman niya ang biglang kaba, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib niya.
Dahil sa gulat, mabilis niyang hinila ang maleta at itinulak sa likod niya si River, halos natakpan ng katawan niya ang anak. Naramdaman niya ang higpit ng hawak ng mga daliri niya sa handle ng maleta, na para bang iyon lang ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.
Si Raegan naman ay napatigil, napatingin ng diretso sa lalaking kaharap nila. Hindi maikakaila ang gwapo nito, pero mas matimbang ang inis at galit na naramdaman niya nang makita kung gaano kabastos ito sa Mommy niya. Kaya hindi siya nagdalawang-isip at matapang siyang nagsalita.
“Sir, don’t use your handsome face to bully people. Hindi naman sinasadya ni Mommy yon. How much is your shirt? We’ll pay for it.”
Nagulat si Phoebe sa tapang ng anak, at kahit kinabahan siya, may kaunting tuwa ring sumilip sa puso niya.
“Hindi na kailangan,” malamig ang sagot ni Travis. Tumitig lang siya sandali kay Phoebe na halos nakatago sa likod, saka pabirong sinabi, “Tita, this section of the airport is outdated.”
Napangiwi si Phoebe. ‘Anong Tita?’ inis niyang tanong sa isip. Para bang tinusok ang pride niya ng salita nito.
‘Dahil lang sa simple at conservative ang suot ko, matanda na agad ang dating ko sa kanya? Nakakainis!’ Hindi niya napigilang mainis sa narinig mula kay Travis, kaya pinili niyang huwag nang sumagot.
Hindi na rin nagtagal si Travis at dumiretso papuntang banyo habang may kausap sa cellphone. Mabilis at diretso ang boses nito. “Selene is on an international flight. Bantayan n’yo ang dalawang arrival gates. I-report agad pag may nakita kayong kamukha niya.”
Huminga nang maluwag si Phoebe. Nagpasalamat siya na mabuti na lang at hindi nakita ni Travis si River sa likod niya. Ayaw niyang sumugal, kaya agad niyang hinila ang mga anak at dinala sila sa Terminal 3 para makaiwas.
Pero si Raegan ay panay lingon sa direksyong dinaanan ng lalaki. Habang nag-iisip, kumabog ang puso niya. ‘That Mister looks like my little brother… baka siya na nga ang Daddy namin!’
Matagal na silang sinasabihan ng Mommy nila na patay na ang tatay nila. Pero may duda rin si Raegan sa puso, kagaya ng kapatid niya. ‘Kung hindi man, gwapo naman si Mister, pwede kaya siya maging bagong asawa ng Mommy?’
Na-excite si Raegan at gumawa ng plano. Nilapitan niya si Mommy at kunwaring umiiyak. “Mommy, I need to go to the bathroom. Now.”
“Baby, tiisin mo na lang muna, doon na lang tayo sa kabilang restroom,” mahinahon ang sagot ni Phoebe. Pero mabilis na tumakbo si Raegan kahit pinipigilan siya ng Mommy niya.
---
Sa loob ng restroom, naghuhugas si Travis ng kape sa damit niya. Mainit pa ang ulo niya sa nangyari, lalo na’t nabahiran ang paborito niyang polo. Biglang may maliit na boses na sumingit sa katahimikan.
“Mister, there’s something on your face\~”
Napatingin siya pababa at tumambad sa kanya ang isang batang babae. Cute, may malalaking mata, at kahit natatakpan ng mask, halata ang ganda. Saglit siyang natigilan, pero mabilis ding nanlamig ang boses niya.
“Nasaan? Ano yon?”
Ngumisi si Raegan, parang may tinatago. “I think you have a handsome face.”
Travis was speechless. Napatitig siya, halos hindi makapaniwala na bata ang nagbitaw ng ganoong salita. Mana sa nanay, sigurado siya.
Bago pa siya makasagot, sunod-sunod na pumasok ang tanong ng bata.
“Mister, are you married?”
“Mister, have you ever lost your child?”
“Mister, where do you live?”
Halos mawalan ng pasensya si Travis. Yumuko siya at malamig na bumulong, bawat salita ay parang may bigat. “Tell your mom, I lost my wife, not my child, and I live in Excellence Estates. What can she do if she finds out?”
Natahimik si Raegan, halatang na-disappoint. So, hindi nga ito ang Daddy nila dahil wala raw nawawalang anak. Pero bago siya umalis, ngumisi pa ulit, hindi pa rin nagpatalo.
“Mister, they say widowed men are sweeter than other men. Totoo ba yon?”
“I don’t know. Pero ang violent man, mahilig manakit ng makulit na bata,” malamig ang sagot ni Travis habang pinipiga ang basang damit niya.
‘Ang hirap kausap ng batang ito,’ sa isip ni Travis, bahagyang naguguluhan.
Nang makita ni Raegan na wala na siyang makukuhang impormasyon, kumaway na lang siya. “You’re busy. We’ll meet again sometime.”
Pagkasabi no’n, mabilis siyang tumakbo palabas.
Sa labas, agad siyang sinalubong ni Phoebe, may halong kaba at ginhawa sa mukha. May grab na siyang natawag. “Hurry up, nandiyan na ang booked car.”
Pumasok sila roon at nang makaupo, kumislap ang mata ni Raegan at nagkwento. “Mommy, may nagsabi sa akin, maganda raw ang Excellence Estates. Can we live there?”
Agad nag-search si River sa phone. “Ate, sobrang mahal ng renta do’n.”
Ngumuso si Raegan. “We can afford it! At maraming handsome guys doon. Baka makahanap pa si Mommy ng bagong Daddy para sa atin.”
Ngumiti lang si Phoebe, kahit may bahid ng lungkot ang kanyang mga mata. Hinaplos niya ang ulo ng mga anak. “Okay, let’s live there.” Sa totoo lang, iyon rin ang plano niya.
…
Ang Excellence Estates ay isa sa pinakamahal na residential area sa Makati City. Pagkapunta nila, agad silang nagrenta ng unit sa A Building, 26th floor. Mataas, maliwanag, at malinis, para bang ibang mundo kumpara sa kinagisnan nila.
“Babies, Mommy will go to the supermarket. Be good, ha?” bilin ni Phoebe bago umalis.
Pagkasara ng pinto, agad binuksan ni Raegan ang computer. Napailing si River. Alam niya na oras na wala si Mommy, nag-iiba ang ugali ng ate niya. At hindi nga siya nagkamali.
Nagbukas ng laro si Raegan, at habang naglalaro, todo ang sigaw niya.
“Help, ambush!”
“I’m bleeding, I’m gone!”
“Ay, nilalait ako? I'll report him!”
Nilingon niya ang kapatid. “Little Riri, I lost the game. I’m so sad. I want to eat food!”
Umiling lang si River. “Maglaro ka na lang. Pagkatapos ng ilang pages, bababa ako para bumili.”
Samantala, sa 27th floor, isang batang lalaki ang nagwawala. Kamukhang-kamukha ito ni River.
Nagwawala siya dahil sa nilalaro niya, na-ban ang account niya.
“Tito Lazarus, help me! Na-block account ko!”
Pero sa kabilang linya, malamig ang boses ng Daddy niya ang sumagot. “Caspian, bakit ka puro laro?!”
Nanginginig si Caspian nang marinig iyon. “Daddy… wait… let me explain!”
Pero binaba na ang tawag. Napakamot siya sa ulo. “Patay na naman ako nito,” bulong niya.
Galit siyang tumitig sa ID ng nag-report. Great Raegan is the cutest. Iyon ang pangalan ng username.
Trinace niya agad at nadiskubre niyang nakatira lang sa unit sa ibaba ang user.
Punong-puno ng galit, bumaba si Caspian ng floor. Ready na siyang komprontahin ang “snitch.”
…
Samantala, pauwi na si Phoebe matapos mamili. Naalala niyang may lumang SIM card pa siya sa Philippines, kaya ibinalik niya iyon. At sa isang iglap, pumasok ang sangkaterbang text — mula kay Travis, sa ilang kaibigan, at higit sa lahat, sa walang-puso niyang ama.
Nang makita niya ang pangalan ng tatay niya, parang may matinding bigat na tumama sa dibdib niya. Sa huli, napatawag siya pabalik.
“Phoebe! Where have you been for five years?!” sigaw agad ng tatay niya.
“Is there something wrong?” malamig niyang sagot, pilit pinapakalma ang sarili.
Diretso ang boses ni Dante. “Bumalik ka rito at makipag-divorce kay Travis. May problema ang company, kailangan namin ng kapital. At hangga’t asawa ka pa niya, hindi siya tutulong sa amin.”
Napangisi si Phoebe, malamig at puno ng pait. “So, that’s why you want me back. Divorce? Fine. Pero ano naman ang kapalit?”
Pagkaalis ni Lazarus, tumayo si Travis at lumapit sa bintanang tanaw ang buong siyudad.Pabigat nang pabigat ang sakit ng Lolo niya. Kailangan na talagang hanapin si Selene. Habang nag-iisip siya, napakunot bigla ang noo niya. Parang may mali.Kanina pa walang ingay mula sa kwarto ng anak niya.Kapag pinapagawa niya ng homework, palaging may iyak at reklamo si Caspian. Pero ngayon… tahimik.‘Baka may ginagawa na namang kalokohan.’ naisip niya.Mabilis siyang lumabas ng study room at naglakad papunta sa kwarto. Habang papalapit, lalo siyang kinabahan dahil wala pa ring marinig na kahit anong ingay.Huminga siya nang malalim bago binuksan ang pinto.At sa isang tingin, muntik siyang mapahinto. Ang anak niya, nakaupo nang seryoso sa mesa, tahimik na nagsusulat.Hindi makapaniwala si Travis.Walang sakit-sakitan, walang drama, seryosong gumagawa ng homework? ‘Si Caspian ba ito?’ tanong niya sa isipan.Lumapit siya at nakita niyang tinulak ni River ang notebook palayo, sabay umiling.Nap
Galit na galit na sigaw ni Dante sa kabilang linya. “Wala ka talagang respeto, bata ka! How dare you make such demands?!”“Ano? Hindi mo pa napag-isipan? Then call me kapag nakapag-decide ka na.”Papatayin na sana ni Phoebe ang tawag nang bigla siyang pigilan nito.“Wait! The Mendez’s Medicine Clinic!”Napahinto si Phoebe. “Ano ibig mong sabihin?”Umubo si Dante. “Ang clinic na iyon, iniwan ng nanay mo. Don’t you want it back?”Alam ni Phoebe na plano na ni Dante iyon simula’t sapul. Pero dahil mahalaga iyon sa mama niya, hindi niya kayang hayaan na tuluyang masira sa kamay ng pamilya Mendez. Matapos timbangin ang lahat, sumagot siya. “Fine. Pero ibigay mo muna sa akin ang clinic.”“Kung ibigay ko, paano kung hindi ka bumalik para makipag-divorce?” kontra ni Dante.Ngumiti si Phoebe, puno ng yabang. “Eh di wag mo ibigay. Nakadepende pa rin sa 'yo kung mabubuhay pa ang kumpanya ninyo. After all… you look quite desperate, Dad.”“Bwisit ka talaga!”Ilang saglit pa, napilitan din si Dant
Napaisip siya kung posible kayang alam ni Travis na ngayong araw siya babalik bilang si Selene, kaya naghintay ito sa Airport. Naramdaman niya ang biglang kaba, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib niya.Dahil sa gulat, mabilis niyang hinila ang maleta at itinulak sa likod niya si River, halos natakpan ng katawan niya ang anak. Naramdaman niya ang higpit ng hawak ng mga daliri niya sa handle ng maleta, na para bang iyon lang ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.Si Raegan naman ay napatigil, napatingin ng diretso sa lalaking kaharap nila. Hindi maikakaila ang gwapo nito, pero mas matimbang ang inis at galit na naramdaman niya nang makita kung gaano kabastos ito sa Mommy niya. Kaya hindi siya nagdalawang-isip at matapang siyang nagsalita.“Sir, don’t use your handsome face to bully people. Hindi naman sinasadya ni Mommy yon. How much is your shirt? We’ll pay for it.”Nagulat si Phoebe sa tapang ng anak, at kahit kinabahan siya, may kaunting tuwa ring sumilip sa puso niy
“Here, look at our agreement. Sign it if you agree.”Malamig ang boses ng lalaki habang iniabot ang papel. Maging ang simpleng kilos ng pag-abot ay puno ng kayabangan, para bang siya ang may hawak ng lahat ng kapangyarihan sa silid. Sa bawat salita, ramdam ni Phoebe ang pagmamaliit na ibinubuhos sa kanya.“Kung hindi lang nagbanta si Lolo na magpapakamatay, hinding-hindi kita papakasalan, kaya makisama ka na lang. Be a good wife. I will give you 200,000 a month. Pero huwag ka nang mangarap ng iba pa bukod doon.”Tahimik na nakaupo si Phoebe sa gilid ng kama. Ang mga daliri niya ay mahigpit na nakapulupot sa laylayan ng damit, para bang iyon na lamang ang sandalan niya laban sa kahihiyan. Nakayuko siya, pinipilit itago ang matinding galit, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay kumikislap ang apoy ng pangungutya.‘Bakit pa nagmamalinis ang taong ito? Noong isang taon, siya mismo ang nang-abuso sa akin. Walang kwenta talaga!’Kung hindi lang dahil kailangan ng bone marrow donor para sa







