Share

Chapter 4

Author: Chester Jade
last update Last Updated: 2025-09-24 08:58:18

Pagkaalis ni Lazarus, tumayo si Travis at lumapit sa bintanang tanaw ang buong siyudad.

Pabigat nang pabigat ang sakit ng Lolo niya. Kailangan na talagang hanapin si Selene. 

Habang nag-iisip siya, napakunot bigla ang noo niya. Parang may mali.

Kanina pa walang ingay mula sa kwarto ng anak niya.

Kapag pinapagawa niya ng homework, palaging may iyak at reklamo si Caspian. Pero ngayon… tahimik.

‘Baka may ginagawa na namang kalokohan.’ naisip niya.

Mabilis siyang lumabas ng study room at naglakad papunta sa kwarto. Habang papalapit, lalo siyang kinabahan dahil wala pa ring marinig na kahit anong ingay.

Huminga siya nang malalim bago binuksan ang pinto.

At sa isang tingin, muntik siyang mapahinto. Ang anak niya, nakaupo nang seryoso sa mesa, tahimik na nagsusulat.

Hindi makapaniwala si Travis.

Walang sakit-sakitan, walang drama, seryosong gumagawa ng homework? 

‘Si Caspian ba ito?’ tanong niya sa isipan.

Lumapit siya at nakita niyang tinulak ni River ang notebook palayo, sabay umiling.

Napakunot ang noo ni Travis. “Alam ko mahirap ‘to para sa 'yo, pero hindi ka puwedeng laging tumatakas. You can ask me if you don’t understand.”

Nag-angat ng tingin si River, medyo nagtataka. “This is just basic knowledge. How can it be difficult?”

“Anong sabi mo? Natuto ka pang magyabang?” inis niyang sagot, sabay bukas ng notebook.

Pero natigilan siya. Puno ng maayos at tamang sagot ang mga pahina, walang kahit isang mali. Lahat ng naroon, tama.

Hindi siya makapaniwala. Napaisip kung ito ba talaga ang anak niyang palaging kulelat sa klase.

Tiningnan siya ni River na parang naaawa. ‘Kawawa naman si Mister, sobrang baba na ng expectations sa anak.’

Matagal bago nakabawi si Travis. Huminga siya nang malalim. “Ikaw ba talaga ang sumulat nito? Hindi mo kinopya?”

Tumingin lang si River na parang na-offend. ‘Me, copying answers? Anong tingin nito sa akin, walang utak?’

Naalala bigla ni Travis, siya mismo ang nagtanggal ng answer sheet sa libro. Kaya imposibleng kinopya.

Natuwa siya. Sa wakas, may improvement din ang anak niya. Tumango siya. “Sige, gumawa ka pa. Since maganda ang lagay mo, tapusin mo lahat ‘yan. Pagkatapos, papayagan kitang lumabas.”

Napangiti si River. Makakalabas siya… ibig bang sabihin ay makakauwi na siya.

Nagkunwaring malamig ang boses niya. “So, kapag natapos ko, you’ll leave me alone?”

Tumango si Travis. “Yes. After you finish, I’ll let you go free tonight.”

Tahimik na lang si River at mabilis na nagsulat. ‘Sige na nga, sulatan ko nang marami para matuwa siya. Pagkatapos nito, uuwi na ako kay Mommy.’ sa loob-loob niya.

---

Sa 26th floor, nakaupo si Caspian sa dining table, pinapanood si Phoebe na abala sa kusina. Hindi niya naitanong tungkol sa “snitch” dahil ayaw niyang sirain ang masarap na atmosphere.

‘Wow, mommy is amazing!’ sigaw niya sa isipan.

Yong tomato, saglit lang naging durog na. Yong labanos, napino na rin. At nakakapagbalot pa ito ng dalawang lumpia gamit ang isang kamay. 

Nagagalingan si Caspian sa nakita. ‘Mommy’s hands are really skillful!’ sigaw niya muli sa isipan.

Mayamaya, nakahain ang apat na ulam at isang sabaw.

Halos maiyak si Caspian sa tuwa. Hindi lang ito pagkain, may halong pagmamahal ito mula sa mommy niya. 

Ngunit nagtaka siya kung bakit puro gulay ang nasa lamesa.

‘Siguro nahirapan si Mommy nitong mga taon na ‘to at hindi na nakakabili ng karne. Kawawa naman siya.’ sa isipan niya.

“Baby, what are you thinking? Eat.” Nilapitan siya ni Phoebe at nilagyan ng soup.

Mula bata pa si River, ito ang kinasanayan nitong kainin. At dahil mahina ang katawan ng anak niyang si Raegan, sanay na si Phoebe na magluto vegetarian dishes para sa panganay. 

“Mommy, I want one too!” singit ni Raegan.

Napakunot ang noo ni Caspian. ‘Mommy? So, itong snitch… anak din pala ni Mommy?’ sa isip nito. 

Hindi mawala sa isipan niya ang mga bagay-bagay, tulad na lamang na hindi siya binalikan ni Phoebe dahil inakala niyang inagaw ng kasama niyang batang babae ang mommy niya.

Lalong kumulo ang dugo ni Caspian. 

Bigla niyang inilapit ang plato ng steamed mushroom mula sa soup. “Don’t just drink soup. Eat this, masarap ‘to.”

Sa isip niya, panalo na siya. Mushroom ang pinaka-terrible na pagkain sa mundo. Hindi niya iyon gusto, pati na rin ang Daddy niya, ayaw sa mushroom. Kaya naisip din niya na siguradong hindi rin kaya ni Raegan na kumain ng mushroom.

Pero laking gulat niya nang sumubo si Raegan at ngumiti. “Wow, Baby Riri, you’re so thoughtful. I love mushrooms!”

Sabay halik pa sa pisngi niya.

Nanigas si Caspian sa kinauupuan. ‘First time na may humalik sa akin, at si snitch pa?! Abominable!’ inis niyang sigaw sa isipan.

Para sa kanya, walang normal na tao ang may gusto ng mushroom. Kaya puno ang pagtataka niya sa ginawa ng batang babae.

Pagkatapos kumain, naghugas ng pinggan si Phoebe. Tiningnan siya ni Caspian at naawa. 

‘Ang payat ni Mommy, kasi naman sobra ang kinakain ng snitch!’

Gusto niyang ibigay ang piggy bank niya kay Phoebe, tapos paalisin si Raegan para silang dalawa na lang ng Mommy niya. 

Naalala niya, taon-taon binibigyan siya ng card ng lolo niya. Sabi nito, sapat iyon para bumili ng villa. Kung pang-villa, siguro sapat din para bumili ng maraming vegetables. 

Nagpasya si Caspian, habang abala si Mommy, aakyat siya para kunin ang card at bulaklak para ibigay kay Phoebe. 

---

“Sir Travis, may nakita kaming babae na tumutugma sa impormasyon ni Selene,” sabi ni Lazarus sa kabilang linya.

“Nasaan siya?” tanong ni Travis.

“She lives downstairs, Unit 2601.”

Napatigil si Travis. “Sigurado ka sa balita mo?”

“Absolutely true.”

Huminga siya nang malalim. “Huwag kayong maingay. Ako na ang bababa.”

---

Sa kwarto, natapos agad ni River ang sampung notebook na puno ng sagot. Walang tao sa labas nang lumabas siya kaya nagpasya siyang bumaba gamit ang hagdan.

Hindi niya napansin, sabay ring bumukas ang elevator at may batang kamukhang-kamukha niya ang lumabas.

Samantala, abala pa rin si Phoebe sa kusina nang tumawag ang kuya niyang si Yllak.

“Travis is checking the airport surveillance. Kung mabilis ang mga tao niya, mahahanap niya agad ang tirahan mo.”

“Parang aso talaga ‘yang taong ‘yon,” iritadong sagot niya.

“Dalhin mo agad ang mga bata at lumipat para maiwasan siya.”

Huminga si Phoebe nang malalim. “Okay, I understand.”

Pagkatapos ng tawag, nilapitan niya ang anak. “Baby Raegan, Baby River, pack up. Mommy will take you out.”

Agad sumunod si Raegan. “Mommy, where are we going?”

Hinaplos niya ang ulo ng anak. “This house attracts unwanted people. Lilipat tayo.” 

Tumingin siya sa paligid. “Where’s River?”

Napatigil si Raegan. Kanina lang nasa sofa si River… pero ngayon ay wala na.

Kinabahan si Phoebe. Hindi siya puwedeng mawalan ulit ng anak. Kaya mabilis niyang dinala si Raegan sa kabilang unit, 2602. Buti na lang, noong nagrenta siya, sinabay na rin niya ang dalawang unit.

---

Bumukas ang elevator sa ika-26th floor., lumabas si Travis at dumiretso sa 2601.

Matagal na niyang hinahanap si Selene. Ngayon na malapit na silang magkita, kabado siya.

Kumatok siya pero walang sumagot. Mayamaya, napatingin siya sa kabilang pinto, 2602.

Sa loob naman ng unit, nakasilip si Phoebe sa peephole. Nakahinga siya nang maluwag nang makita niyang aalis na ito.

Pero biglang lumingon si Travis at dumiretso sa pinto niya.

Kumatok ito. Malakas at sunod-sunod.

Nagseryoso ang mukha ni Phoebe. Pinapunta niya si Raegan sa loob. “Baby, go inside the inner room. No matter what happens, don’t come out.”

“Mommy, if he’s a bad guy, I know taekwondo, I can help you.”

Umiling si Phoebe. “No. Be good, Rae.”

At nang masigurong nasa loob na ang bata, huminga siya nang malalim, nagsuot ng mask, at binuksan ang pinto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY WIFE’S RETURN WITH SECRET BABIES    Chapter 4

    Pagkaalis ni Lazarus, tumayo si Travis at lumapit sa bintanang tanaw ang buong siyudad.Pabigat nang pabigat ang sakit ng Lolo niya. Kailangan na talagang hanapin si Selene. Habang nag-iisip siya, napakunot bigla ang noo niya. Parang may mali.Kanina pa walang ingay mula sa kwarto ng anak niya.Kapag pinapagawa niya ng homework, palaging may iyak at reklamo si Caspian. Pero ngayon… tahimik.‘Baka may ginagawa na namang kalokohan.’ naisip niya.Mabilis siyang lumabas ng study room at naglakad papunta sa kwarto. Habang papalapit, lalo siyang kinabahan dahil wala pa ring marinig na kahit anong ingay.Huminga siya nang malalim bago binuksan ang pinto.At sa isang tingin, muntik siyang mapahinto. Ang anak niya, nakaupo nang seryoso sa mesa, tahimik na nagsusulat.Hindi makapaniwala si Travis.Walang sakit-sakitan, walang drama, seryosong gumagawa ng homework? ‘Si Caspian ba ito?’ tanong niya sa isipan.Lumapit siya at nakita niyang tinulak ni River ang notebook palayo, sabay umiling.Nap

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY WIFE’S RETURN WITH SECRET BABIES    Chapter 3

    Galit na galit na sigaw ni Dante sa kabilang linya. “Wala ka talagang respeto, bata ka! How dare you make such demands?!”“Ano? Hindi mo pa napag-isipan? Then call me kapag nakapag-decide ka na.”Papatayin na sana ni Phoebe ang tawag nang bigla siyang pigilan nito.“Wait! The Mendez’s Medicine Clinic!”Napahinto si Phoebe. “Ano ibig mong sabihin?”Umubo si Dante. “Ang clinic na iyon, iniwan ng nanay mo. Don’t you want it back?”Alam ni Phoebe na plano na ni Dante iyon simula’t sapul. Pero dahil mahalaga iyon sa mama niya, hindi niya kayang hayaan na tuluyang masira sa kamay ng pamilya Mendez. Matapos timbangin ang lahat, sumagot siya. “Fine. Pero ibigay mo muna sa akin ang clinic.”“Kung ibigay ko, paano kung hindi ka bumalik para makipag-divorce?” kontra ni Dante.Ngumiti si Phoebe, puno ng yabang. “Eh di wag mo ibigay. Nakadepende pa rin sa 'yo kung mabubuhay pa ang kumpanya ninyo. After all… you look quite desperate, Dad.”“Bwisit ka talaga!”Ilang saglit pa, napilitan din si Dant

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY WIFE’S RETURN WITH SECRET BABIES    Chapter 2

    Napaisip siya kung posible kayang alam ni Travis na ngayong araw siya babalik bilang si Selene, kaya naghintay ito sa Airport. Naramdaman niya ang biglang kaba, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib niya.Dahil sa gulat, mabilis niyang hinila ang maleta at itinulak sa likod niya si River, halos natakpan ng katawan niya ang anak. Naramdaman niya ang higpit ng hawak ng mga daliri niya sa handle ng maleta, na para bang iyon lang ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.Si Raegan naman ay napatigil, napatingin ng diretso sa lalaking kaharap nila. Hindi maikakaila ang gwapo nito, pero mas matimbang ang inis at galit na naramdaman niya nang makita kung gaano kabastos ito sa Mommy niya. Kaya hindi siya nagdalawang-isip at matapang siyang nagsalita.“Sir, don’t use your handsome face to bully people. Hindi naman sinasadya ni Mommy yon. How much is your shirt? We’ll pay for it.”Nagulat si Phoebe sa tapang ng anak, at kahit kinabahan siya, may kaunting tuwa ring sumilip sa puso niy

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY WIFE’S RETURN WITH SECRET BABIES    Chapter 1

    “Here, look at our agreement. Sign it if you agree.”Malamig ang boses ng lalaki habang iniabot ang papel. Maging ang simpleng kilos ng pag-abot ay puno ng kayabangan, para bang siya ang may hawak ng lahat ng kapangyarihan sa silid. Sa bawat salita, ramdam ni Phoebe ang pagmamaliit na ibinubuhos sa kanya.“Kung hindi lang nagbanta si Lolo na magpapakamatay, hinding-hindi kita papakasalan, kaya makisama ka na lang. Be a good wife. I will give you 200,000 a month. Pero huwag ka nang mangarap ng iba pa bukod doon.”Tahimik na nakaupo si Phoebe sa gilid ng kama. Ang mga daliri niya ay mahigpit na nakapulupot sa laylayan ng damit, para bang iyon na lamang ang sandalan niya laban sa kahihiyan. Nakayuko siya, pinipilit itago ang matinding galit, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay kumikislap ang apoy ng pangungutya.‘Bakit pa nagmamalinis ang taong ito? Noong isang taon, siya mismo ang nang-abuso sa akin. Walang kwenta talaga!’Kung hindi lang dahil kailangan ng bone marrow donor para sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status