Share

4

Author: UPSOUR
last update Last Updated: 2025-11-25 12:56:00

KAEL POV:

Tahimik ang opisina ng doktor, pero mabigat ang bawat segundo, parang kumakapal ang hangin habang tumatagal. Ang ilaw sa kisame, puting-puti, tumatama sa stainless na mesa sa pagitan naming tatlo. Sa tabi ko si Natalyn, nakayuko, hinahaplos ang gilid ng diagnostic report na para bang tinitimbang kung gaano kabigat ang mga salitang nandoon.

Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nanginginig. Nakaupo lang siya nang diretso, ramdam ko ang paghugot niya ng hininga sa bawat paggalaw ng dibdib niya.

Huminga nang malalim ang doktor, parang kailangan muna niyang bilhin ang lakas bago magsalita. “Miss Salvador…” Pinadulas niya ang salamin sa mesa. “Late stage na ang cancer. We estimate… at best… six months.”

Umusog ang upuan ko nang hindi ko sinasadya. Dumulas ang tunog sa sahig, pero hindi iyon nakaistorbo kay Natalyn. Tahimik lang siyang tumango na para bang tinanggap niya na ang sinabi ng doktor.

“Six months,” bulong niya, halos hindi gumagalaw ang labi. “That’s enough time.”

Pinisil ko ang folder na hawak ko. “We can try something abroad. Singapore. Germany. Hindi pa huli, ”

Umiling siya bago ko matapos ang sinasabi ko. “No more hospitals,” sabi niya, tiningnan ako ng diretso. “I just want to go home, Kael.”

Sumara ang panga ko. Wala na talagang saysay ang sasabihin ko kung ganoon na lamang niya tinanggap ang lahat. Tumayo ako at tumango sa kanya.

“Let’s go home,” sabi ko.

Pagbukas namin ng pinto, sinalubong kami ng malamig na hangin ng ospital, halong disinfectant at gamot. May dumadaan na nurse, may pasyenteng sakay sa wheelchair, may bantay na tulala sa gilid. Normal na araw, pero parang kumakapal ang bawat tunog. Si Natalyn, nakahawak sa braso ko habang naglalakad. Bawat hakbang niya mabagal, parang may sandbag na nakatali sa mga paa niya.

Sa dulo ng hallway, huminto siya bigla. “Kael,” tawag niya, mahina pero malinaw.

“Hm?”

“You don’t have to stay with me.” Bumagsak ang tingin niya sa sahig. “You’ve done enough.”

Pinahigpit ko ang hawak ko sa folder. “Nangako ako.”

Bahagya siyang natawa, walang tunog, walang saya. “You’ll regret it.”

“Then I’ll regret it,” sagot ko. “Let’s go.”

Hindi na siya kumibo. Tumango lang, bahagyang bumagsak ang balikat niya, parang tinatanggap ang sagot ko.

Pagbaba namin sa lobby, sumalubong agad ang ingay, parang salubong ng bagyo. Flash ng camera, sigawan, sabay-sabay na tanong. Para kaming nahulog sa gitna ng ring light at mikroponong walang pakialam kung may tao silang tinatamaan.

“Sir Kael! Confirmed bang kayo ni Miss Salvador?”

“Is it true she’s terminal?”

“Are you still married?”

Tinakpan ko si Natalyn ng braso ko, pilit na tinutulak ang mga katawan palayo. Tumutulak ang mga may hawak na camera, may sumasabit sa balikat ko, may nalalaglag na mic sa sahig. Hindi nila makita na halos mawalan na ng hininga si Natalyn tuwing may dumidikit sa balikat niya.

Pero pinigilan sila ni Natalyn at wala na rin siyang nagawa kundi magpa-interview kaya pina-atras ko ang lahat para makahinga siya. Nagsimula silang magtanong, hawak ni Natalyn ang braso ko habang nakayuko ako.

Pero nang saglit akong umangat ng tingin, napahinto ako. Naroon siya…si Solene. 

Anong ginagawa niya rito?

Nakatayo lang siya roon, nagtagpo ang tingin namin, kita ko ang walang emosyon niyang mukha. 

Gusto ko sana siyang puntahan at tanungin pero tumalikod na ito at naglakad palabas. 

“Nat, may pupuntahan lang ako…” bulong ko kay Natalyn. 

Napahinto siya sa pagsasalita niya at tumingin sa akin, ang tingin niya na puno ng lungkot. “Please…don’t leave me here,” bulong niya pabalik. 

Huminga ako nang malalim, tama siya. Hindi ko siya pwedeng iwanan lalo na’t may mga tao. Kaya tumango ako sa kanya. Muli, tumingin ako sa lobby kung saan lumabas si Solene, wala na siya roon. 

Bakit hindi niya ako nilapitan? Sigurado ako na nakita niya ako. Galit parin ba siya dahil pina-pirma ko siya sa annulment?

Nang matapos ang interview, mabilis kong dinala si Natalyn sa kotse at agad akong nagmaneho papunta sa condo unit niya. Pagkarating namin doon, agad niya akong niyakap. 

“Thank you for staying, Kael…alam kong ginawa mo ito para sa akin. You broke up with her for me and that means a lot…”

Kahit ako ay hindi ko maitindihan ang sarili ko kung bakit iyon ang solusyon na naisip ko. 

Ngumiti ako. “Of course… I will be here for you. Magpahinga ka na.” 

Dinala ko siya sa kwarto niya, pina-inom ng gamot at ilang minuto lang nakatulog na siya. Lumabas ako ng kwarto niya, umupo muna sa sala at kinuha ang phone. 

Tinignan ko ang numero ni Solene, agad ko iyong tinawagan pero hindi ma-kontak. Ilang beses ko pang tinawagan pero hindi parin. 

“Why?” inis kong bulong. 

Mabilis akong lumabas ng condo at nagmaneho pauwi ng bahay. Kung nanggaling siya sa ospital kanina at umalis, panigurado naroon na siya sa bahay namin. Kailangan ko siyang maabutan. 

Alam kong mali ang ginawa ko. Kung papayag lang siya na babalik ako sa kanya pagkatapos ng anim na buwan, gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanya. I just really need to be with Natalyn right now dahil mas kailangan niya ako kaysa kailangan ako ni Solene. 

“This is insane. Bakit hindi ko na siya ma-kontak?” inis kong bulong habang mahigpit ang hawak sa manibela. 

Isang oras ang lumipas nang makarating ako sa bahay, nang makita ko ang kotse ni Valerie, ang kaibigan niyang doctor, agad akong bumaba sa kotse ko at tumakbo papasok ng bahay. 

“Sir,” dinig kong tawag ng kasambahay namin pero hindi ko siya pinansin, umakyat ako sa kwarto. 

At pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko si Valerie na nilalagay ang mga damit ni Solene sa maleta…at si Solene, nakatayo sa harap ng cabinet niya. Sabay silang napalingon sa akin. 

“Saan ka pupunta?” tanong ko at saka lumapit sa kanya, pero umatras siya palayo sa akin.

“Sa akin muna siya titira,” sabi ni Valerie pero hindi ko siya nilingon, nakatuon lang ang tingin ko kay Solene. Malamig parin ang tingin niya sa akin tulad kanina sa ospital. 

“Wala na tayo, Kale. Of course, kailangan kong umalis dito, ”

“I told you, after six months babalik ako sa’yo. Kailangan lang ako ni Natalyn ngayon,” pilit kong pinapaintindi sa kanya ang lahat nang kalmado. 

Narinig ko ang pagsinghap ni Valerie kaya bumaling ako sa kanya. “Please…kakausapin ko muna ang asawa ko, umalis ka muna, ”

“Kael,” putol sa akin ni Solene kaya napatingin ako muli sa kanya. “Hindi na tayo mag-asawa. Nakalimutan mo na ba agad na ikaw ang humingi ng annulment? Aalis na ako, tara na, Val.”

Dumaan siya sa gilid ko. Napapikit ako nang mariin, naramdaman kong may pumipiga sa dibdib ko. Tama siya, ako ang nanghingi ng annulment pero bakit ako ngayon ang naiinis na aalis siya sa bahay namin?

Mabilis ko silang sinundan palabas, at bago pa sila makalabas nang tuloyan sa bahay, hinawakan ko ang braso ni Solene. 

“You can’t leave. This is your house, ano nalang ang sasabihin nina Lolo at Lola? Hindi nila pwedeng malaman na wala na tayo, ”

“You could do something about it, Kael. Desisyon mo ito, so I expected you to solve it. Wala na akong pakialam kung malaman nila dahil wala na tayo…and please.” Inalis niya ang kamay ko sa braso niya. “Don’t ever call me again or go near me. We’re done, Kael.”

Napatulala ako sa pintuan ng bahay, hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. 

Napahilamos ako sa mukha ko. Pero ilang segundo lang ay may narinig akong mga yapak, umayos ako ng tinding na inakalang si Solene iyon na bumalik, pero hindi. Si Valerie na galit na galit. 

Isang malakas na sampal ang natanggap ko. 

“That is for my best friend na ginawa mo lang kaligayahan sa kama pero never mo naman minahal!” 

At isa pang sampal. “And that is for you! For being a jerk! Tigilan mo na ang kaibigan ko, nag-desisyon ka na. Pagod na siya sa’yo, Kael. Binigay niya na ang gusto mo, at sana ibigay mo rin ang gusto niyang makalaya mula sa’yo. She deserves better.”

At pagkatapos no’n, umalis siya.  Lahat ng sinabi niya ay tumatak sa akin. Nasaktan ko ba talaga nang husto si Solene? 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   5

    SOLENE POV:Tahimik ang byahe nang sinimulan ni Valerie ang pagmamaneho. Gabi na ang daan kaya hindi rin traffic. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya kanina sa loob kung bakit siya bumalik, pero nawalan narin ako ng lakas para pigilan ang kaibigan ko. Nang makarating kami sa building ng condo niya, tahimik lang din akong sumunod sa kanya papasok sa elevator hanggang sa makarating kami sa mismong unit niya. Pagbukas ng pinto ng condo niya, hindi na ako nakagalaw. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil sa wakas, ligtas akong makakahinga, kahit saglit lang.“Sol,” tawag ni Valerie, inagaw ang isa kong maleta. “Doon sa guest room.”Tumango lang ako. Hindi ko kayang magsalita, dahil pakiramdam ko kapag binuksan ko ang bibig ko, iiyak ako nang walang tigil.Pagpasok ko sa guest room, ramdam ko na ang kaginahawaan pero ramdam ko rin na pinipigilan ng mata ko ang luha. “Umupo ka,” saad ni Valerie.Umupo ako sa gilid ng kama. Sumunod ako tulad ng isang batang nadapa at hindi alam kung ano a

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   4

    KAEL POV:Tahimik ang opisina ng doktor, pero mabigat ang bawat segundo, parang kumakapal ang hangin habang tumatagal. Ang ilaw sa kisame, puting-puti, tumatama sa stainless na mesa sa pagitan naming tatlo. Sa tabi ko si Natalyn, nakayuko, hinahaplos ang gilid ng diagnostic report na para bang tinitimbang kung gaano kabigat ang mga salitang nandoon.Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nanginginig. Nakaupo lang siya nang diretso, ramdam ko ang paghugot niya ng hininga sa bawat paggalaw ng dibdib niya.Huminga nang malalim ang doktor, parang kailangan muna niyang bilhin ang lakas bago magsalita. “Miss Salvador…” Pinadulas niya ang salamin sa mesa. “Late stage na ang cancer. We estimate… at best… six months.”Umusog ang upuan ko nang hindi ko sinasadya. Dumulas ang tunog sa sahig, pero hindi iyon nakaistorbo kay Natalyn. Tahimik lang siyang tumango na para bang tinanggap niya na ang sinabi ng doktor.“Six months,” bulong niya, halos hindi gumagalaw ang labi. “That’s enough time.”Pinisil

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   3

    Hindi ko namalayan kung ilang oras na pala akong nakaupo sa opisina ni Valerie. Marami na kaming napagkwentuhan lalo na tungkol sa pasyente niya pero kahit na gano’n ay hindi parin mawala sa isipan ko ang tungkol sa amin ni Kael.Nang marinig ko ang biglang pagtaas ng boses ng anchor mula sa TV, halos sabay kaming napalingon ni Valerie.“Breaking news!”Lumabas sa screen ang mukha ni Natalyn Salvador, payat, naka-hospital gown, pero may pilit na ngiti. Nakahiga ito sa kama, halata sa mukha ang lungkot at panghihina.Habang sinasabi ng reporter ang diagnosis niya, sunod-sunod na gumalaw ang mga larawan. Hindi ko na kinailangan pakinggan ang buong detalye. Iyong pangalan ni Kael ang tumama sa tenga ko, kasunod ang statement ni Natalyn tungkol sa pagrespeto sa isang “marriage she will never interfere with.”Napakuyom nang bahagya ang daliri ko sa laylayan ng suot kong cardigan. Ramdam ko rin ang pagsulyap sa akin ni Valerie, ngunit hindi siya nagsalita. Mayamaya, pinatay niya ang TV sa

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   2

    Maaga pa nang magising ako. Tahimik ang buong bahay, tanging tunog lang ng orasan sa sala ang marahang tumitibok sa katahimikan. Alam ko na kagabi pa lang ay umalis na si Kael. Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi, o kung tulog ba talaga iyon. Mabigat ang mga mata ko, hindi dahil sa antok, kundi dahil parang naubos na ang kaya kong iyak.Nagbihis ako nang mabilis. Puting blouse, itim na slacks. Walang kolorete, walang pabango. Gusto ko lang matapos ang araw na ito. Nang tumingin ako sa salamin, halos hindi ko makilala ang babaeng nakatingin pabalik. Walang ningning ang mga mata, walang lambing ang mga labi. Para siyang estrangherang pinilit kong katawanin.Sa labas, malamig ang hangin. Nilamon ng hamog ang paligid, at bawat hakbang ko patungo sa kotse ay parang humihila ng bigat sa dibdib. Habang nagmamaneho papunta sa korte, pilit kong iniwasan ang alaala kagabi. Pero kahit anong pagtabi ko sa isip, bumabalik ang huling sandali namin ni Kael, ang malamig niyang h

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   1

    Napakapit ako sa likod ni Kael nang marahas niya akong hilahin palapit. Mainit ang hininga niya sa leeg ko. Walang paalam nang lumapit ako sa kama. Hinalikan niya ako kaagad, mabigat at mapusok. Nagulat man ay hinayaan ko nalang din siyang gawin ang nais niya.Napaingiti ako nang palihim. Sinabayan ko ang mga haplos niya sa katawan ko. Peor mayamaya, napaigik ako nang bahagya dahil ramdam ko ang tigas ng kamay niya sa balikat ko. Pinilit kong huminga nang maayos. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa paraan ng pagkilos niya.Saglit kong hinawakan ang ulo niya, pinilit siyang tignan. Ngunit malamig ang mga mata niya, bakas ang matalim na tingin na ibinigay sa akin. Tatanungin ko na sana siya kung may problema ba, pero bago pa ako makapagsalita, hinalikan na naman niya ako, mas marahas, at mas mabilis.Kinagat niya ang labi ko, dahilan para mapasinghap ako. Dumulas ang isang kamay niya sa ilalim ng suot kong nightdress. Mabilis. Walang alinlangan. Napaungol ako nang maramdaman ang haplo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status