Chapter: Chapter 4"Maam, nakikilala mo ba siya? Siya ba ang lalaking sumaksak sa iyo?" tanong ng isang pulis.Tiningnan ni Alexandra ang lalaking nasa harapan nito. Unang tingin pa lang ay alam na niya na ito na iyon, pero hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig dahil sa takot sa rito. Natatakot siya sa uri ng pagtingin nito sa kanya na tila ba kaya siyang patayin nito kahit na anong oras."Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na siya ang lalaking iyon? Nakita ko rin siya at sigurado akong siya rin ang pumatay sa mga magulang ni Alexandra. Bakit ba parang ayaw niyo pang maniwala?" inis na sabi ni Eros."Sigurado ba kayong siya iyon? Ang sabi niyo ay nakamask ang killer," sabi pa ng pulis na mas ikinainis ni Alexandra, pero hindi pa rin niya magawang maibuka ang kanyang bibig. Magsasalita pa sana si Eros Falcon pero biglang may lalaking dumating. Pamilyar ito sa kanya, parang nakita na niya ito sa balita o kung saan.Nangunot ang noo ni Alexandra nang magsitayuan ang mga pulis at sumaludo sa la
Last Updated: 2025-12-29
Chapter: Chapter 3Napailing-iling si Alexandra nang muling pumasok sa utak nito ang sinabi ni Eros. Ibinalik na lamang ni Alexandra ang atensyon sa paghahanap ng babaeng magpapanggap na asawa ng boss nito dahil baka siya na naman ang alukin nito ng kasal tulad ng lagi nitong ginagawa taon-taon.Ilang beses na siyang inalok ni Eros ng kasal para daw wala na itong problema sa mga magulang nito, pero lagi iyong tinatanggihan ni Alexandra dahil wala siyang balak mag-asawa. Lihim na napangiti si Alexandra nang makita ang picture ng mga babaeng nahanap niya na pwedeng magpanggap na asawa ni Eros. Sigurado siyang makakapili sa mga ito ang boss niya at kapag nangyari iyon ay wala na silang problema.Inayos na ni Alexandra ang mga gamit niya at lumabas sa opisina upang puntahan si Eros. Nakangiti siyang naglakad papunta sa office nito. Lahat ng mga nakakasalubong niya ay nginingitian niya. Masaya si Alexandra dahil sa wakas ay pwede na siyang mag-resign bilang secretary nito. Iyon ang usapan nilang dalawa ni Er
Last Updated: 2025-12-29
Chapter: Chapter 2Napapatawa na lamang si Alexandra habang pinapanood ang pitong babae na mag-away-away sa harapan niya. Pinagsama-sama niya ang pito rito sa restaurant para isang trabaho lang ang gagawin niya at hindi na kailangang isa-isahin pa ang mga ito."Stop!" malakas na sabi ni Alexandra na ikinatigil ng pito rito. Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa kanya nang masama, pero inirapan lamang niya ang mga ito."Lahat naman kayo malalandi. I am Eros' wife," walang ganang sabi ni Alexandra at ipinakita sa mga ito ang singsing niya.Naglakihan naman ang mga mata ng mga ito at nagtinginan sa isa't isa bago sabay-sabay na nag-yuko na para bang mga hiyang-hiya rito."1 million for bawat isa sa inyo para tigilan niyo na ang asawa ko," pagkasabi ni Alexandra niyon ay naglabas siya ng pitong tseke na may pirma ni Sir Eros at sinulatan iyon ng tigi-isang milyon.Iniabot ni Alexandra ang mga ito sa kanila at naglakad na paalis. Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar iyon papunta sa bahay niya. Ilang m
Last Updated: 2025-12-29
Chapter: Chapter 1Pigil ang nagbuntong-hininga ni Alexandra habang inaabot sa boss niya ang sandamakmak na folder."Sir, wala akong pakialam kung may hangover ka o masakit pa ang ulo mo. Kailangan mong pirmahan ito ngayon." Inis niyang ibinagsak ni ang mga folder na hawak niya sa mesa ng boss niya na ngayon ay nakatulala lang sa hangin.Napairap na lang si Alexandra sa hangin at malakas na pinalo ang mesa gamit ang kamay niya na ikina-gulat ni Eros ng sobra dahil sa sobrang sama ng tingin nito kay Alexandra.Ang aka ni Eros ang nag-hire kay Alexandra kaya walang katapat na alisin ni Eros si Alexandra. Napakababaero ba naman kasi ng tagapagmana ng mga Falcon. Sa loob ng ilang taon na nagtatrabaho si Alexandra kay Eros, hindi lang secretary ang role niya sa buhay nito. Minsan ay nanay, madalas naman ay taga ayos ng kalat sa mga babae na pinaiyak nito."Pirmahan mo ang mga 'yan at ako na bahala sa pino-problema mo," bored na ani ni Alexandra at inabutan ang boss ng ballpen. Agad naman kinuha iyon ng boss
Last Updated: 2025-12-29