Architect Miles Muñoz, isang matapang, palaban at kabigha-bighaning probinsyana. Nasa kan'ya na ang lahat pero lingid sa kaalaman ng iba ay ginapangan na siya ng pagkabahala sapagkat sa edad na dalawampu't siyam ay ni minsan hindi pa niya naranasan na magkanobyo. Nais na niyang magkaanak at bumuo ng sariling pamilya ngunit paano nga ba niya iyon maisakatuparan gayong kahit ni isang manliligaw nga lang ay ni wala siya? Engineer Jeffry Shaun Villafuente, isang matagumpay at mayaman na business tycoon. Isang happy-go-lucky guy at certified playboy. "What? You are looking for a baby maker?!" tila nawala ang pagkalasing ni Jeff sa narinig. Kasalukuyan silang nag-uusap sa bar habang umiinom ng alak. "Are you that desperate? You will be looking for an anonymous man para lang maging baby maker mo?" Umiling-iling ito at diretsang nilagok ang laman ng hawak nitong baso. "Ano naman ngayon? Uso na ngayon 'yan sa mga nais magkaanak lang." "You have a point." Tumango-tango ito ngunit sandaling natigilan. Nilingon sya nito at muling nagsalita. "Why don't you just ask for my cells then? By that, you don't have to look far." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. Siya naman ang nagulat. Sandaling tinitigan niya ang mukha ni Jeffry at napaisip sa suhestiyon nito. Sinubukan niyang basahin at sukatin kung gaano ito kaseryoso sa sinabi. Hanggang sa huli ay nagkibit-balikat na lamang siya. "Sa bagay pinamimigay mo lang naman kahit kanino iyang sperm cells mo. Fine. Just give me a baby, no more no less. How's that?" Isang desisyon ang kanyang pinakawalan, pasyang kahit siya ay lihim na nangamba. Tila napatda pa ito sa agaran na pagsang-ayon niya bagama't kalakip naman nito ay ang nabanaag niyang pagkislap ng mga mata ng lalaki. "Well, that's great! Then your wish is my command!" he said with a teasing smile.
View More“Heronsiya!”
Napakislot si Miles nang marinig ang umalingawngaw na tinig ng kanyang ama na si Rodulfo sa buong kabahayan. Sinilip niya ito mula sa maliit na butas ng kanilang dingding at kitang-kita niya ang paekis-ekis nitong paglalakad palapit sa kanilang maliit na tahanan. May bitbit itong bote ng alak at pulang-pula na ang mukha dala ng kalasingan.
“Anak dito ka lang, ha? Huwag na huwag kang lumabas ng kwarto pagpasok ng tatay mo, maliwanag ba, Miles?” Nagsimula nang mangilid ang luha ng kanyang ina habang masuyong hinimas ang kanyang maliit na mukha.
Tanging tango na lamang ang kanyang naitugon dito sapagkat nagkumahog na itong lumabas upang salubungin ang lasinggero niyang ama. Sa edad na walo ay mulat na si Miles sa pang-aapi ng kanyang ama sa kanilang mag-ina. Araw-araw itong umuuwing lasing mula sa sugalan kaya walang gabing hindi sila umiiyak ng nanay niya dahil mas lalo itong nagbubuhat ng kamay sa kanila kapag lasing at natalo sa sugal.
“R-Rodulfo,” kinakabahang sambit ng kanyang ina.
“Ano ang niluto mong ulam?!” malakas na singhal nito sa kanyang ina pagpasok ng kubo. Agad nitong binuksan ang kaldero pero walang anumang ibinato din nito iyon sa kung saan. “Gulay na naman! Hindi ba’t sinabi kong magluto ka ng manok sa pag-uwi ko?! Miles! Miles!”
Nanginginig siya habang pinapakinggan ang pagtawag ng kanyang ama. Mas lalo siyang nagsumiksik sa sulok ng kwartong natatabilan lamang ng tela at lihim na sinilip ang nangyayari sa labas.
“Miles! Lalabas ka o hindi? Alam kong narito ka lang sa loob. Malilintikan ka sa akin kapag hindi ka nagpakita. Isa!”
Labis na nangatog ang kanyang tuhod nang magsimula na itong magbilang. Kapag hindi siya magpakita rito ay mas katakot-takot na palo ang kanyang aabutin gamit ang kahoy na panggatong mula sa kusina.
“R-Rodulfo, ano ba ang kailangan mo sa bata? A-ako na lang ang gagawa.” Bakas sa tinig nito ang pagkataranta.
“Mainam. Ikuha mo ako kina Aling Susana ng masarap na pagkain na may kasamang Coke. Bilis!”
“Pero, Rodulfo, ayaw na tayong pautangin ni Aling Susana dahil sa haba ng ating listahan sa tindahan niya.”
“Wala akong pakialam! Aalis ka o makakatikim ka sa akin?!”
Hindi makagalaw sa kinatatayuan ang nanay niya sapagkat alam nitong uuwi pa rin itong walang dala. Lahat ng tindahan sa buong baryo ay puno na ng kanilang utang kaya kahit hindi man sa mahigpit na silang pinapautang ng ilan, kinakain na rin silang mag-ina ng hiya sa mga ito.
“Ayaw mo akong sundin? Pwes, halika!” Tumayo ito at biglang hinablot ang buhok ng kanyang ina.
Naalerto siya sa nangyayari kaya mabilis siyang lumabas ng kwarto at agad na dinaluhan ang ina.
“Itay, tama na po,” umiiyak niyang saad sa ama. Niyakap niya ang ina mula sa beywang at pilit na hinila palayo sa kanyang ama. Panay ang hiyaw ng kanyang ina sa tindi ng pagkakahawak ng kanyang itay sa buhok nito.
“Sabi na nga ba’t nariyan ka lang sa kwartong bata ka! Halika’t makakatikim ka ring lintik ka!” Galit na hinablot siya nito sa braso at parehong pabalya silang tinulak papasok ng silid. Pasuray-suray man ay bumalik ito sa kusina upang kumuha ng kahoy.
Niyakap siya nang mahigpit ng kanyang ina at itinago siya sa katawan nito, kaya pagbalik ng kanyang ama ay ito ang tumanggap sa walang humpay na malalakas na palo na iginawad nito. Kasabay ng bawat paghampas ng kahoy sa katawan ay ang sigaw ng kanyang ina sa labis na sakit na natamo. Pag-alis ng kanyang ama ay nanghihinang humiga ang kanyang ina, puno ng pasa at dugo ang braso, hita at likod.
“Nay!” Humihingal na napabalikwas ng bangon si Miles. Napanaginipan na naman niya ang masalimoot na nakaraan nila ng kanyang ina. Ilang taon na ang lumipas mula nang mangyari ang bangungot na iyon pero hanggang ngayon ay bumabalik pa rin sa diwa niya ang hirap at sakit na dinanas nila sa kamay ng kanyang ama.Tumayo siya at kumuha ng isang baso ng malamig na tubig. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa sliding door ng kanyang silid at hinawi ang kurtinang tumakip roon. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Sandali siyang nanatili sa terrace, ninamnam ang malamig na hangin ng gabi at pinagmasdan ang tahimik na paligid.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Kay layo na ng kanyang narating ngayon kung muling balikan ang kanyang karanasan noong bata pa. Mula sa tagpi-tagping yero at sako ng harina, ngayon ay may sarili na siyang bahay at condominium unit. Napaayos na rin niya ang bahay nila sa probinsya na siyang tinirhan ngayon ng kanyang ina. Kung dati ay pinagkasya nila ng kanyang ina ang isang toyo sa umaga at tanghali, minsan pa ay hindi makapaghapunan sa gabi, ngayon ay nabibili na niya lahat ng gusto nilang kainin na mag-ina. Lahat ng paghihirap na iyon ay dahil sa kanyang ama na hindi na nga nagbibigay ng panggastos, kinukuha pa ang kita ng kanyang nanay mula sa paglalabada para lang isugal at ipang-inum sa labas. Ang masaklap pa ay kapag lasing nang umuwi, sinasaktan silang dalawa ng kanyang ina.
Ilang taon nilang tiniis ang labis na kalupitan ng kanyang ama hanggang sa isang araw ay nagpaalam itong aalis. Tila nabunutan silang mag-ina ng tinik. Hindi na sila nagtanong pa rito sapagkat ng mga oras na iyon ay mas nangibabaw ang pananabik nilang mawala na ito nang tuluyan sa buhay nila ng kanyang ina. Sa mga kapitbahay pa nila napag-alamang sumama raw ito sa isang tao papunta ng Maynila.
Napangiti siya sa ala ala ng simpleng pagtulong niya sa ina sa pamamagitan ng paglalako ng turon sa buong baryo. Kahit sila na lang dalawa ng kanyang ina ay malaya at masaya na silang namuhay kapiling ang isa’t isa. Hikahos man sa pinansiyal na aspeto ay hindi naging hadlang iyon upang mamuhay sila nang matiwasay.
Gabi-gabi ay nag-aaral siyang maigi. Pinagsikapan niyang laging makakaakyat ang kanyang nanay sa stage. Hindi kasi matatawaran ang saya sa kanyang puso habang pinagmamasdan itong maluha-luha habang isinusuot sa kanyang leeg ang medalya tanda ng kanyang pagiging honor student. Ang kahirapan na kanilang dinanas ang nagtulak sa kanya upang bumuo ng pangarap para sa kanilang dalawa ng kanyang ina. Sa murang edad ay ipinangako niya sa sariling balang araw ay giginhawa rin ang buhay nilang dalawa.
Mula nang umalis ang kanyang ama ay wala na silang balita tungkol dito. Pinapasa-Diyos na lang niya kung saan man ito naroroon ngayon.
Inubos niya ang laman ng baso at muling bumalik sa higaan.
Alas otso na ng gabi at kasalukuyan silang nanunuod ng telebisyon ni Jemma sa sala nang biglang tumunog ang door bell. Mabilis namang tumayo si Jemma upang silipin kung sino ang nasa labas. Rinig niya mula sa kinauupuang sofa ang malakas na boses nito sa labas na halatang nasorpresa sa taong napagbuksan ng gate.Lihim siyang napangisi. Ito ang plano niya bilang pambawi kay Jeffry. Pinagbigyan niya ito sa request nitong bonding nilang tatlo at dahil matalino siya ay sa apartment nila ito gagawin. Siguro naman ay wala nang rason si Jemma upang makaalis o maisahan siya sa pagkakataong ito."Hi! Bumili na ako ng mga ito para hindi na tayo lalabas pagdating ko rito," bati sa kan'ya ni Jeffry at ipinakita ang bitbit nitong plastic na may laman ng mga bote ng alak at iilang mga junk foods bilang pulutan."Boyscout na boyscout tayo ngayon, ah!" sagot niya rito nang nakangiti. "Kumain ka na?" tanong naman niya. Baka kasi sasalang ito sa inuman nang walang laman ang tiyan. May tira pa naman sil
Halos tumigil sa pagtibok ang kanyang puso maging ang pagpitik ng kanyang pulso nang huminto ito sa kanyang tagiliran, kaya ang resulta ay patagilid din siyang nakatingala kay Jeffry habang maang na nakamasid sa ikinikilos nito.Mas lalo siyang nangilabot nang yumuko ito habang itinukod ang magkabilang kamay sa kanyang lamesa. Nang mapantayan ang kanyang mukha ay mariin siyang tinitigan nito kaya bahagya siyang nailang sa lapit ng kanilang mga mukha."T-teka lang, pag-usapan natin nang maayos 'to." Kabado at nauutal niyang reklamo sa kaibigan. Hindi na niya mawari ang sarili kung bakit ba iyon ang kanyang nasabi. Hanggang sa nanigas na ang kanyang leeg sa mga oras na iyon dahil sa pagpilit niyang iatras ang kanyang ulo upang mas lumawak pa ang distansya ng kanilang mga mukha. "Are you mad at me? As far as I can remember, wala naman yata akong ginawang kasalanan sa iyo kanina."Sandali siya nitong tinitigan sa mga mata na lalong mas nagpailang sa kan'ya. Pagkaraan ng ilang segundo ay b
Magdadalawang linggo nang hindi nakakapunta sa site si Miles dahil sa opisina lamang siya namamalagi. May nais kasing ipadagdag ang kliyente nila sa outside structure ng building at sa interior nito na siyang tinutukan niya. Sandaling nakalimutan niya ang taong halos buong araw na nakikita niya noon at panay na nangungulit sa kan'ya na si Jeffry."Break time na muna, madam!" pukaw sa kan'ya ni Jemma na noo'y nakatayo na pala sa kanyang tagiliran ng hindi niya namamalayan na lumapit pala sabay tapik sa kanyang balikat. Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin at diretsang itinuon ang mga mata sa kulay puti at hugis bilog na wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng dingding na nasa kanyang harapan mismo. Saka lamang niya napagtanto na alas-onse y medya na pala."Oy! Lunch break na naman? Ang bilis ng oras, ah! Parang kakakain lang natin kanina tapos ngayon ay kakain na naman ulit." Tumayo siya at nag-inat lalo na sa nangangawit niyang likod at batok."Sino bang makakapansin sa ora
Nakangiting pinagmasdan ni Miles ang ibinigay kanina ni Jeffry sa kanya na bracelet habang komportable siyang nakahiga sa kama. Hindi niya lubos akalain na maging siya ay naisip nitong bilhan niyon at ang mas nakakagulat pa ay siya ang naisipan nitong bigyan ng kapareha nito. Maliit, simple, at mura lamang iyon pero napakahalaga na para sa kan'ya ang ibinigay nito. Sabi nga nila, "It's the thought that counts". Ito ang kauna-unahang bagay na naibigay ni Jeffry sa kan'ya kaya pahahalagahan niya ito lalo pa't batid niyang walang kasiguruhan kung hanggang kailan tatagal ang kanilang pagkakaibigan. Pinakamatagal na kasi ang sampung buwan ng kanilang pagtatrabaho na magkasama at kapag natapos na ang kanilang proyekto ay babalik na naman sila sa dati, balik trabaho na naman sa Maynila at muling itatapon sa lugar kung saan nakaabang ang susunod naman niyang assignment."Hala, hala! Ang ngiti mo, dai. Mapupunit na ang bibig sa lapad ng pagkangisi mo habang tinitigan ang accesory na iyan. Pati
Hindi na niya alam kung ano na ang nangyari sa dalawa basta't pinaharurot na lang niya ang sasakyan pero hindi naman niya alam kung saan pupunta. Nawala na kasi ang focus niya dahil sa biglaang pagdating ni Jeffry na ayaw muna niyang makasama sa araw na ito. Labag sa kalooban niya ang umuwi sa apartment kaya nag-isip siya nang mabuti kung anong lugar ang pwede niyang puntahan na hindi siya nito matutunton.Wala pang tatlong minuto ay nagliwanag ang kanyang mukha sa ideyang biglang pumasok sa kanyang isipan. Tama! Pupunta siya ngayon sa simbahan. Minsan na niyang narinig ang isa sa pinakasikat na lumang simbahan dito sa Bohol at iyon mismo ang papasukin niya ngayon. "Wala pa ring silbi ang pagdating mo kanina, Jeffry. Naisahan pa rin kita," natatawang saad niya sapagkat batid niyang hindi siya matutunton nito ngayon. Ang pagmumukhang iyon pa ba na halatang allergy sa mga simbahan? Kung sa bars siguro ay kaya siya nitong i-trace pero sa mga ganitong klaseng lugar ay talagang malabo. Ka
Nang ibalik niya ang tingin sa kausap ay dumiretso ang mga mata niya sa mga babaeng nasa likod. Saka lang niya napansin ang panaka-nakang tingin ng mga ito sa kasama niya. Sino ba naman kasing hindi mahuhumaling sa kanyang kausap? Gwapo na nga, ang ganda pa ng pangangatawan.Muli niyang naalala na hindi pa pala nito nasagot ang tanong niya kanina kaya muli niya itong tinanong. Kasalanan talaga ito ni Jeffry, masyadong epal ang mokong na iyon kasi.“I’m sorry. Nasaan na nga ulit tayo?” ani niyang inisip ang huli nilang pinag-usapan hanggang sa maalala na nga niya. “Ah! Naaalala ko na. Bakit ka nga rin pala narito sa Bohol? Namamasyal or dito ka na rin namalagi? Ang galing mo na kasing magtagalog, eh.” Mahina itong tumawa na tila ba nagdulot ng kiliti sa kanyang mga tainga. “Alam mo, natutuwa ako sa iyo, honestly. Didn’t you notice that you repeated what I asked to you earlier?” malawak ang ngiti nitong sabi sa kan’ya kaya sandali siyang napamaang. Nang luminaw sa kanyang isipan ang ib
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments