Share

Chapter 2

Author: NingNing
last update Last Updated: 2025-12-29 09:20:24

Napapatawa na lamang si Alexandra habang pinapanood ang pitong babae na mag-away-away sa harapan niya. Pinagsama-sama niya ang pito rito sa restaurant para isang trabaho lang ang gagawin niya at hindi na kailangang isa-isahin pa ang mga ito.

"Stop!" malakas na sabi ni Alexandra na ikinatigil ng pito rito. Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa kanya nang masama, pero inirapan lamang niya ang mga ito.

"Lahat naman kayo malalandi. I am Eros' wife," walang ganang sabi ni Alexandra at ipinakita sa mga ito ang singsing niya.

Naglakihan naman ang mga mata ng mga ito at nagtinginan sa isa't isa bago sabay-sabay na nag-yuko na para bang mga hiyang-hiya rito.

"1 million for bawat isa sa inyo para tigilan niyo na ang asawa ko," pagkasabi ni Alexandra niyon ay naglabas siya ng pitong tseke na may pirma ni Sir Eros at sinulatan iyon ng tigi-isang milyon.

Iniabot ni Alexandra ang mga ito sa kanila at naglakad na paalis. Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar iyon papunta sa bahay niya. Ilang minuto lang ay nakarating na siya roon. Ipinark ni Alexandra ang sasakyan niya at pumasok na sa loob ng bahay niya.

Ang bahay na ito ay kakapatayo lang ni Alexandra noong isang taon sa tulong pa rin ni Eros. Kung titingnan sa labas ay simpleng bahay lang ito, pero hindi. Inaantok na naglakad si Alexandra palapit sa malaking painting at pinindot ang button na nasa gilid niyon. Napangiti siya nang bumukas ang malaking painting at bumungad sa harapan niya ang elevator. Sumakay siya roon at ini-scan sa scanner ang mata niya. Nang matapos ang mga proseso ay nagsimula nang umandar pababa ang elevator.

Biglang pumasok sa isip ni Alexandra si Eros. Ano na kaya ang ginagawa nito ngayon? Tapos na kaya itong mag-usap ng mga magulang nito? O pumayag na kaya itong magpakasal? Pero imposible namang pumayag ito dahil alam ni Alexandra na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nito ang babaeng iyon. Ang babaeng dahilan kung bakit nagkandaletse-letse ang buhay nito.

I really hate that girl dahil sa mga ginawa nito kay Eros, pero wala siyang magagawa dahil mahal ito ng boss niya kaya nanahimik na lamang siya. Napabalik si Alexandra sa katinuan nang magbukas na ang pinto ng elevator. Lumabas siya sa elevator at bumungad sa kanya ang mga taong abala sa paggamit ng mga computer. Napatingin siya sa malaking screen na nasa gitna kung saan makikita ang mga nangyayari sa buong building ng Falcon Enterprise. Pati ang mga nangyayari sa labas ng building ay makikita rin sa malaking screen na nasa harapan niya.

"Samuel, how's work?" nakangiting tanong ni Alexandra sa lalaking in charge sa lahat ng camera. Humarap ito sa kanya na nanlalaki ang mga mata at pagkatapos ay bigla itong tumayo at sinalubong siya ng mahigpit na yakap na ikinatawa niya.

"Namiss kita, Ma'am Alex," napailing-iling na lamang si Alexandra dahil sa sinabi nito at humiwalay sa pagkakayakap rito.

"Noong isang buwan lang ay magkasama tayo tapos miss mo na agad ako," tumatawang sabi ni Alexandra na ikinasimangot nito.

Magsasalita pa sana ito nang biglang tumunog ang mga alarm sa paligid na naging dahilan ng pagkakagulo ng lahat. Natatarantang bumalik si Samuel sa kinauupuan nito at nagpipindot sa computer nito.

"Sir Samuel, may problema sa CEO!" malakas na sigaw ng isa sa mga kasamahan nito na si Yuri.

Nangunot ang noo ni Alexandra dahil sa sinabi ni Yuri. May problema sa CEO? Kay Sir Eros? Isang video ang nag-play sa malaking screen. Nanlaki ang mga mata ni Alexandra nang makitang sa office iyon ni Eros. Nagtatapon ito ng mga gamit at paulit-ulit na sinusuntok ang pader na ikinataranta niya.

Nagmamadaling tumakbo si Alexandra paalis para puntahan si Eros dahil kapag hindi niya binilisan ay siguradong may gagawin na naman ito na pwedeng ikapahamak nito katulad ng nangyari tatlong taon na ang nakalilipas, at hindi siya papayag na mangyari ulit ang bagay na iyon.

Nang makalabas si Alexandra ay mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pinaandar iyon. Habang nagmamaneho ay sinusubukan niyang tawagan si Eros pero hindi nito sinasagot iyon, marahil ay patay ang cellphone nito. Mabuti na lamang at hindi traffic kaya mabilis na nakarating si Alexandra sa kompanya nang walang kahirap-hirap. Agad siyang bumaba sa kotse niya at ibinigay sa guard ang susi para ito na ang mag-park niyon.

Hindi pinansin ni Alexandra ang mga empleyado na bumabati sa kanya. Ang tanging nasa isip niya lang ngayon ay ang puntahan si Eros bago pa ito lumabas ng opisina nito at gumawa ng gulo. Nagawa ni Alexandra na gawan ng paraan ang nangyari tatlong taon na ang nakalilipas, pero kapag naulit pa iyon ngayon ay siguradong hindi na niya magagawan ng paraan at baka sa pagkakataong ito ay maparusahan na ito kung hindi niya ito agad mapipigilan.

Malapit na si Alexandra sa opisina nito nang makasalubong niya ito na kakalabas lang sa opisina nito.

"Sir, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Alexandra rito pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Agad naman niya itong sinundan para patigilin sa paglalakad pero masyado itong mabilis maglakad kaya hindi niya ito mahabol.

Kitang-kita ni Alexandra ang galit sa mga mata nito at sa tingin niya ay may makabangga lang ito ay manununtok na ito. Kaya naman para maiwasan iyon ay binilisan ni Alexandra ang paglalakad at iniharang ang sarili sa daan para pigilan ito sa paglalakad.

"Bumalik na tayo sa office mo," mahinahong sabi ni Alexandra at hinawakan niya ito sa kamay. Mukha namang natauhan ito dahil tinanggal nito ang kamay niya sa pagkakahawak rito. Naglakad ito pabalik sa office nito na ikinahinga ni Alexandra nang maluwag.

Nang makapasok sila sa opisina nito ay bigla itong nagsalita na ikinagulat niya. Hindi dahil nagsalita ito kundi dahil sa sinabi nito na hindi kapani-paniwalang sinabi nito.

"Magpapakasal na ako."

Natahimik si Alexandra dahil sa sinabi ni Eros. Tila nag blanko ang utak niya kaya hindi niya manlang magawang mag salita o kumilos manlang mula sa kinauupuan.

"Sigurado ka na ba? I mean... Nagulat lang ako dahil gusto mo na mag pakasal ngayon" mahinang aniya.

"Wala akong choice," sagot ni Eros na ikatango tango ni Alexandra.

Alam niyang ang ibig nitong sabihin dahil halos taon taon na naman itomg pinipilit ng mga magulang nito na mag pakasal at ang panakot ay tatanggalan ng kompanya si Eros.

"Maghanap ka ng babaeng pwedeng mag panggap na peke kong asawa hanggang sa bumalik sila mom and dad sa states," parang sisiw lang na sabi ni Eros na ikina kamot ni Alexandra sa ulo.

"Sa mga babae bang nakadate mo o hahanap ako ng mga bagong babaeng pwede mong pag pilian?" tanongk ni Alexandra.

“Ikaw na ang bahala. Basta mag hanap ka, kapag wala kang hinahanap ikaw ang papakasalan ko."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE   Chapter 4

    "Maam, nakikilala mo ba siya? Siya ba ang lalaking sumaksak sa iyo?" tanong ng isang pulis.Tiningnan ni Alexandra ang lalaking nasa harapan nito. Unang tingin pa lang ay alam na niya na ito na iyon, pero hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig dahil sa takot sa rito. Natatakot siya sa uri ng pagtingin nito sa kanya na tila ba kaya siyang patayin nito kahit na anong oras."Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na siya ang lalaking iyon? Nakita ko rin siya at sigurado akong siya rin ang pumatay sa mga magulang ni Alexandra. Bakit ba parang ayaw niyo pang maniwala?" inis na sabi ni Eros."Sigurado ba kayong siya iyon? Ang sabi niyo ay nakamask ang killer," sabi pa ng pulis na mas ikinainis ni Alexandra, pero hindi pa rin niya magawang maibuka ang kanyang bibig. Magsasalita pa sana si Eros Falcon pero biglang may lalaking dumating. Pamilyar ito sa kanya, parang nakita na niya ito sa balita o kung saan.Nangunot ang noo ni Alexandra nang magsitayuan ang mga pulis at sumaludo sa la

  • CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE   Chapter 3

    Napailing-iling si Alexandra nang muling pumasok sa utak nito ang sinabi ni Eros. Ibinalik na lamang ni Alexandra ang atensyon sa paghahanap ng babaeng magpapanggap na asawa ng boss nito dahil baka siya na naman ang alukin nito ng kasal tulad ng lagi nitong ginagawa taon-taon.Ilang beses na siyang inalok ni Eros ng kasal para daw wala na itong problema sa mga magulang nito, pero lagi iyong tinatanggihan ni Alexandra dahil wala siyang balak mag-asawa. Lihim na napangiti si Alexandra nang makita ang picture ng mga babaeng nahanap niya na pwedeng magpanggap na asawa ni Eros. Sigurado siyang makakapili sa mga ito ang boss niya at kapag nangyari iyon ay wala na silang problema.Inayos na ni Alexandra ang mga gamit niya at lumabas sa opisina upang puntahan si Eros. Nakangiti siyang naglakad papunta sa office nito. Lahat ng mga nakakasalubong niya ay nginingitian niya. Masaya si Alexandra dahil sa wakas ay pwede na siyang mag-resign bilang secretary nito. Iyon ang usapan nilang dalawa ni Er

  • CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE   Chapter 2

    Napapatawa na lamang si Alexandra habang pinapanood ang pitong babae na mag-away-away sa harapan niya. Pinagsama-sama niya ang pito rito sa restaurant para isang trabaho lang ang gagawin niya at hindi na kailangang isa-isahin pa ang mga ito."Stop!" malakas na sabi ni Alexandra na ikinatigil ng pito rito. Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa kanya nang masama, pero inirapan lamang niya ang mga ito."Lahat naman kayo malalandi. I am Eros' wife," walang ganang sabi ni Alexandra at ipinakita sa mga ito ang singsing niya.Naglakihan naman ang mga mata ng mga ito at nagtinginan sa isa't isa bago sabay-sabay na nag-yuko na para bang mga hiyang-hiya rito."1 million for bawat isa sa inyo para tigilan niyo na ang asawa ko," pagkasabi ni Alexandra niyon ay naglabas siya ng pitong tseke na may pirma ni Sir Eros at sinulatan iyon ng tigi-isang milyon.Iniabot ni Alexandra ang mga ito sa kanila at naglakad na paalis. Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar iyon papunta sa bahay niya. Ilang m

  • CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE   Chapter 1

    Pigil ang nagbuntong-hininga ni Alexandra habang inaabot sa boss niya ang sandamakmak na folder."Sir, wala akong pakialam kung may hangover ka o masakit pa ang ulo mo. Kailangan mong pirmahan ito ngayon." Inis niyang ibinagsak ni ang mga folder na hawak niya sa mesa ng boss niya na ngayon ay nakatulala lang sa hangin.Napairap na lang si Alexandra sa hangin at malakas na pinalo ang mesa gamit ang kamay niya na ikina-gulat ni Eros ng sobra dahil sa sobrang sama ng tingin nito kay Alexandra.Ang aka ni Eros ang nag-hire kay Alexandra kaya walang katapat na alisin ni Eros si Alexandra. Napakababaero ba naman kasi ng tagapagmana ng mga Falcon. Sa loob ng ilang taon na nagtatrabaho si Alexandra kay Eros, hindi lang secretary ang role niya sa buhay nito. Minsan ay nanay, madalas naman ay taga ayos ng kalat sa mga babae na pinaiyak nito."Pirmahan mo ang mga 'yan at ako na bahala sa pino-problema mo," bored na ani ni Alexandra at inabutan ang boss ng ballpen. Agad naman kinuha iyon ng boss

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status