Share

Chapter 4

Author: NingNing
last update Last Updated: 2025-12-29 09:39:57

"Maam, nakikilala mo ba siya? Siya ba ang lalaking sumaksak sa iyo?" tanong ng isang pulis.

Tiningnan ni Alexandra ang lalaking nasa harapan nito. Unang tingin pa lang ay alam na niya na ito na iyon, pero hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig dahil sa takot sa rito. Natatakot siya sa uri ng pagtingin nito sa kanya na tila ba kaya siyang patayin nito kahit na anong oras.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na siya ang lalaking iyon? Nakita ko rin siya at sigurado akong siya rin ang pumatay sa mga magulang ni Alexandra. Bakit ba parang ayaw niyo pang maniwala?" inis na sabi ni Eros.

"Sigurado ba kayong siya iyon? Ang sabi niyo ay nakamask ang killer," sabi pa ng pulis na mas ikinainis ni Alexandra, pero hindi pa rin niya magawang maibuka ang kanyang bibig. Magsasalita pa sana si Eros Falcon pero biglang may lalaking dumating. Pamilyar ito sa kanya, parang nakita na niya ito sa balita o kung saan.

Nangunot ang noo ni Alexandra nang magsitayuan ang mga pulis at sumaludo sa lalaking bagong dating.

"Good evening, General," bati ng pulis na nasa harapan nila.

"Nandito ako para sa anak ko," ani ng tinawag nilang General at nilapitan nito ang hayop na lalaking pumatay sa mga magulang niya.

Doon ay naging malinaw ang lahat para kay Alexandra. Kaya pala ayaw ng mga ito na maniwala sa kanila na ang lalaking iyon ang killer dahil anak pala ito ng General. Nakakatawa lang para sa kanya dahil hindi pala talaga patas ang mga tao rito sa mundo.

Tumayo rin si Eros at nakipag-usap sa pulis at sa General na tatay ng hayop na lalaking iyon. Hindi marinig ni Alexandra ang pinag-uusapan ng mga ito dahil malayo ang mga ito sa kanya, pero isa lang ang nasisigurado niya. Hindi mapaparusahan ang mamamatay-taong lalaking iyon dahil bukod sa minor ito ay isang General ang tatay nito.

"Tangina, ginagago niyo ba ako?" rinig niyang sigaw ni Eros.

Napahawak si Alexandra sa kanyang ulo nang biglang sumakit iyon. Sobrang sakit na para bang binibiyak, at kumikirot na rin ang sugat niya na gawa ng pagsaksak ng hayop na iyon. Mukhang napansin siya ni Eros dahil bigla itong tumakbo palapit sa kanya.

"Okay ka lang ba?" tanong nito, pero hindi niya ito pinansin at tiningnan lang ang paalis na mag-ama. Bago tuluyang mawala ang mga ito sa paningin niya ay nakita pa niya ang nakakalokong ngisi ng hayop na iyon.

Ipinangako ni Alexandra sa kanyang sarili na hahanapin niya ito at siya mismo ang gagawa ng paraan para makulong ito, o kung hindi naman ito makukulong ay siya mismo ang papatay rito.

"Magbabayad siya," matapos niyang masabi ang mga salitang iyon ay bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin.

"Alexandra!"

Napabalik si Alexandra sa wisyo nang marinig niya ang boses ni Eros. Gustong-gusto niyang sumagot sa pagtawag nito pero hindi niya magawa dahil nanghihina siya. Hindi rin niya magawang imulat ang kanyang mga mata dahil natatakot siya na baka pagmulat niya ay bumungad sa kanya ang lalaking nakita niya kanina.

Nakatunog siya ng yapak na papalapit sa kanya kaya mas lalo siyang nataranta at naiyak.

"W-Wag... kang lalapit kung sino ka man!" umiiyak na sigaw niya. Alam niyang para na siyang bata dahil sa pag-iyak niya pero hindi niya mapigilang umiyak dahil sa sobrang kaba at takot. Napahiyaw siya nang biglang yumakap sa kanya nang mahigpit ang kakarating lang at hinalikan ang kanyang ulo na para bang pinapakalma siya nito.

"Ako ito, Alexandra, calm down," sabi nito.

Kumalma ang buong sistema ni Alexandra nang makilala niya ang boses ng nagsalita. Ang boses nito ay tila isang musika na kayang pakalmahin ang magulo niyang sistema. Nagbukas na ang lahat ng ilaw sa paligid kaya dahan-dahan na niyang iminulat ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang boss niya.

"Are you okay? May masakit ba sa iyo? Kaya mo bang tumayo?" sunod-sunod na tanong nito, pero tango lang ang isinagot niya at dahan-dahang tumayo.

Inilibot ni Alexandra ang kanyang paningin para hanapin ang taong iyon pero wala na ito. Namamalik-mata lang ba siya? Mali lang ba siya ng nakita? Pero hindi, dahil sigurado siyang ito iyon.

"Na-Nakita ko siya," utal niyang ani. Nakita naman niyang natigilan si Eros at nag-aalalang tumingin ito sa kanya.

"Sigurado ka ba?" tanong nito. Tumango-tango naman siya bilang pagsagot at naglakad na palabas sa National Book Store baka maabutan pa niya ito. Baka nasa labas pa ang lalaking iyon. Kailangan niya itong mahanap dahil kailangan nitong magbayad sa ginawa nitong pagpatay sa mga magulang niya.

Sigurado siyang ang lalaking sumaksak sa kanya noong gabing iyon ay ang lalaking pumatay sa mga magulang niya. Kilala na niya ang buong pagkatao nito pero hindi niya ito mahanap dahil sa tingin niya ay nagbago ito ng pagkakakilanlan at nagpunta sa ibang bansa.

Marami na silang naipon na ebidensya na magpapatunay na isang mamamatay-tao ang lalaking iyon. Mga ebidensya na itinago ng mga pulis dahil nabayaran silang lahat ng tatay ng lalaking iyon na General. Pero ngayong nalaman niyang patay na ang General na iyon at nakabalik na rito sa Pilipinas ang hayop nitong anak ay wala nang makakapigil sa kanya.

Kung hindi siya matutulungan ng mga pulis, siya mismo ang magpaparusa rito. Gusto rin niyang malaman ang dahilan nito kung bakit nito pinatay ang mga magulang niya dahil kahit anong isip niya ay wala siyang maisip na dahilan.

"Nakausap ko na si Samuel," napabalik si Alexandra sa wisyo nang magsalita si Eros. Nakasakay na sila ngayon sa kotse nito at ito ang nagmamaneho.

"Anong sabi niya? Nakita ba niya? O namamalik-mata lang ako?" sunod-sunod na tanong niya. Bumuntong-hininga naman ito at saka nagsalita.

"Tama ka, nakabalik na nga sa Pilipinas ang hayop na iyon at nakita din sa mga CCTV na palagi ka nitong sinusundan. Mukhang ikaw ang target nito," paliwanag ni Eros. Natahimik si Alexandra dahil sa sinabi nito.

"Anong gagawin ko ngayon?" tanong niya rito.

"Hindi natin pwedeng pagkatiwalaan ang mga pulis dahil nalaman ko din mula kay Samuel na maraming kamag-anak na mga opisyal ang lalaking iyon," paliwanag ni Eros. Naiyukom na lang ni Alexandra ang kanyang kamao dahil sa sobrang galit.

"Ang magandang gawin ngayon ay panatilihin kang ligtas dahil ikaw ang target nito. Sigurado akong gagawa at gagawa ito ng paraan para masaktan ka, at isang paraan lang ang naiisip ko para mapanatili kang ligtas at para makapagplano tayo ng mga hakbang para maipakulong siya."

"Ano iyon?" nagtatakang tanong ni Alexandra at tiningnan niya ito. Ngumisi naman si Eros at itinabi ang sasakyan sa gilid.

"Marry me and be my wife."

"Wala na bang ibang choice?" tanong ni Alexandra kay Eros. Umiling naman ito para sabihing wala nang ibang choice. Napangiwi na lamang si Alexandra at tumingin sa bintana para makita ang kanilang dinadaanan.

Papunta sila ngayon sa kompanya dahil tumawag kay Alexandra si Jacky, isa sa mga empleyado, na dumating daw kanina lang ang parents ni Eros at kasama ang nag-iisang anak na babae nina Mr. and Mrs. Lopez.

Mukhang alam na ni Alexandra kung bakit last week nabanggit sa kanya ni Dindi, ang kanyang bestfriend, na ipina-arranged marriage ito ng mga magulang nito sa lalaking hindi nito kilala. Si Dindi ang nag-iisang anak na babae ng mga Lopez.

Dindi Lopez ang buong pangalan nito. Mabait, matalino, at sobrang ganda nito pero mukhang hindi sila magkakasundo ni Eros kung sakaling ipapa-arrange marriage sila.

Nang makarating sila sa kompanya, nag-sakay agad si Alexandra at si Eros sa elevator para mabilis na makapunta sa office nito.

Sigurado si Alexandra na hindi tatanggapin ni Eros ang arranged marriage na iyon, at sigurado din siyang hindi papayag ang kanyang bestfriend dahil isa itong man-hater, as in galit ito sa lahat ng lalaki.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa harap na sila ng opisina ni Eros. Kumatok si Alexandra roon nang tatlong beses bago buksan ang pinto para makapasok ang kanyang boss.

"Mabuti naman at dumating ka anak, I want you to meet Dindi, your future wife," bungad ni Mrs. Falcon na ikinatawa nang mahina ni Alexandra dahil sa lihim na pag-irap ni Dindi.

Samantala, isang mahigpit na yakap naman ang isinalubong ni Dindi kay Alexandra nang makita siya nito.

"Namiss kita," parang batang sabi nito pagkabitaw sa kanilang yakapan. Hinawakan nito ang braso ni Alexandra at bumulong.

"Help me, ayaw ko magpakasal," natatawa siyang tiningnan ni Alexandra at itinuro ang boss nito na ngayon ay kunot na kunot na ang noo.

"Ayaw din niya sa arranged marriage kaya hindi mo na kailangan mag-alala," nakangiting sabi ni Alexandra.

"Mabuti pa umuwi na kayo dahil hindi niyo ako mapapapayag sa arranged marriage na iyan," malamig na sabi ni Eros na hindi man lang tinapunan ng tingin ang mga magulang nito.

"Kailangan mong magpakasal para matigil na ang mga balibalita na isa kang bak—" bago pa maituloy ng mommy nito ang sasabihin, sinenyasan na ni Alexandra si Dindi na gumawa ng paraan.

Nagulat si Alexandra nang bigla na lang matumba si Dindi kaya agad niya itong sinalo.

"Dindi, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Alexandra. Napunta naman sa kanila ang atensyon ng mga magulang ni Eros kaya nagmamadali silang lumapit sa kanila.

"Anong nangyari?" tanong ng mga ito, pero umiling-iling lang si Alexandra at muling tiningnan si Dindi na ngayon ay walang malay.

"Dindi, wake up," tinapik-tapik ni Alexandra ang pisngi nito. Nagmulat naman ito na ikinahinga niya nang maluwag.

"Okay ka lang ba?" tanong ng daddy ni Eros kay Dindi. Tumango ito at dahan-dahang tumayo kaya inalalayan siya ni Alexandra.

"Iuuwi na muna namin si Dindi, mukhang masama ang pakiramdam niya," sabi naman ng mommy ni Eros.

Inalalayan ng mga ito si Dindi sa paglalakad at umalis na, pero bago sila tuluyang makaalis ay lumingon pa kay Alexandra si Dindi at kinindatan siya na ikinangiti niya. Nag-okay sign lang siya rito at nag-babye.

"She's your friend?" napatingin si Alexandra kay Eros dahil sa tanong nito. Nakangiti siyang tumango at umupo sa sofa.

Nangunot ang noo ni Alexandra nang may makita siyang picture frame sa mesa ni Eros. Ngayon lang niya nakita iyon kaya agad niyang kinuha para tingnan.

Pero bago pa niya matingnan iyon ay may kumuha na niyon sa kanya. Tiningnan ni Alexandra kung sino iyon at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Eros iyon na walang suot na damit, kaya agad siyang napapikit.

"Sir, ano ba, magbihis ka nga," inis na sabi ni Alexandra at nagmulat na, pero tinawanan lamang siya nito kaya inirapan niya si Eros.

Tatayo na sana si Alexandra sa sofa nang may makita siyang ipis. "Ipis!" malakas na sabi niya nang makitang papunta sa paanan nito ang malaking ipis.

Alam ni Alexandra na takot si Eros sa ipis kaya sinabi niya rito na may ipis sa paanan nito. Narinig niya ang pagmumura nito at ang kalabog ng mga nahulog na gamit.

Hindi na alam ni Alexandra ang mga sumunod pang nangyari dahil namalayan na lamang niya na nakadagan sa kanya si Eros habang pinagpapawisan.

Tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Alexandra habang pinagmamasdan ang gwapo nitong mukha na sobrang lapit sa mukha niya.

"Son, nandito, naiwan ko ang bag ko, babalikan ko lang," narinig ni Alexandra ang boses ng mommy ni Eros. Itutulak na sana niya ang kanyang boss na ngayon ay nakapatong sa kanya, pero hindi niya ito magawang itulak dahil nanghihina ang kanyang mga kamay.

"I'm sorry Alexandra, but I need to do this," sabi ni Eros.

Nangunot ang noo ni Alexandra dahil sa sinabi nito. Nagtataka niya itong tiningnan. Magsasalita na sana siya para tanungin ito, pero biglang nagbukas ang pinto ng opisina. Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang paglapat ng labi ni Eros sa labi niya na ikinanlaki ng mga mata ni Alexandra.

"What is the meaning of this?"

Malakas na naitulak ni Alexandra ang kanyang boss at mabilis na tumayo dahil sa sobrang hiya. Nasa harapan nila ang parents nito at nakita ng mga ito ang lahat.

"Mali po kay—" hindi na naituloy ni Alexandra ang sasabihin nang may marealize siyang isang bagay.

"Kaya ba ayaw mong magpakasal dahil may relasyon kayo ni Alex?" hindi makapaniwalang ani ng daddy ni Eros.

Nanlaki ang mga mata ni Alexandra at agad na umiling-iling para tumanggi, pero mukhang iba ang plano ni Eros dahil sa bigla nitong pag-akbay sa kanya.

"Yes. Ang totoo nga niyan, balak na naming magpakasal next month," mabilis na sagot ni Eros sa ama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE   Chapter 4

    "Maam, nakikilala mo ba siya? Siya ba ang lalaking sumaksak sa iyo?" tanong ng isang pulis.Tiningnan ni Alexandra ang lalaking nasa harapan nito. Unang tingin pa lang ay alam na niya na ito na iyon, pero hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig dahil sa takot sa rito. Natatakot siya sa uri ng pagtingin nito sa kanya na tila ba kaya siyang patayin nito kahit na anong oras."Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na siya ang lalaking iyon? Nakita ko rin siya at sigurado akong siya rin ang pumatay sa mga magulang ni Alexandra. Bakit ba parang ayaw niyo pang maniwala?" inis na sabi ni Eros."Sigurado ba kayong siya iyon? Ang sabi niyo ay nakamask ang killer," sabi pa ng pulis na mas ikinainis ni Alexandra, pero hindi pa rin niya magawang maibuka ang kanyang bibig. Magsasalita pa sana si Eros Falcon pero biglang may lalaking dumating. Pamilyar ito sa kanya, parang nakita na niya ito sa balita o kung saan.Nangunot ang noo ni Alexandra nang magsitayuan ang mga pulis at sumaludo sa la

  • CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE   Chapter 3

    Napailing-iling si Alexandra nang muling pumasok sa utak nito ang sinabi ni Eros. Ibinalik na lamang ni Alexandra ang atensyon sa paghahanap ng babaeng magpapanggap na asawa ng boss nito dahil baka siya na naman ang alukin nito ng kasal tulad ng lagi nitong ginagawa taon-taon.Ilang beses na siyang inalok ni Eros ng kasal para daw wala na itong problema sa mga magulang nito, pero lagi iyong tinatanggihan ni Alexandra dahil wala siyang balak mag-asawa. Lihim na napangiti si Alexandra nang makita ang picture ng mga babaeng nahanap niya na pwedeng magpanggap na asawa ni Eros. Sigurado siyang makakapili sa mga ito ang boss niya at kapag nangyari iyon ay wala na silang problema.Inayos na ni Alexandra ang mga gamit niya at lumabas sa opisina upang puntahan si Eros. Nakangiti siyang naglakad papunta sa office nito. Lahat ng mga nakakasalubong niya ay nginingitian niya. Masaya si Alexandra dahil sa wakas ay pwede na siyang mag-resign bilang secretary nito. Iyon ang usapan nilang dalawa ni Er

  • CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE   Chapter 2

    Napapatawa na lamang si Alexandra habang pinapanood ang pitong babae na mag-away-away sa harapan niya. Pinagsama-sama niya ang pito rito sa restaurant para isang trabaho lang ang gagawin niya at hindi na kailangang isa-isahin pa ang mga ito."Stop!" malakas na sabi ni Alexandra na ikinatigil ng pito rito. Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa kanya nang masama, pero inirapan lamang niya ang mga ito."Lahat naman kayo malalandi. I am Eros' wife," walang ganang sabi ni Alexandra at ipinakita sa mga ito ang singsing niya.Naglakihan naman ang mga mata ng mga ito at nagtinginan sa isa't isa bago sabay-sabay na nag-yuko na para bang mga hiyang-hiya rito."1 million for bawat isa sa inyo para tigilan niyo na ang asawa ko," pagkasabi ni Alexandra niyon ay naglabas siya ng pitong tseke na may pirma ni Sir Eros at sinulatan iyon ng tigi-isang milyon.Iniabot ni Alexandra ang mga ito sa kanila at naglakad na paalis. Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar iyon papunta sa bahay niya. Ilang m

  • CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE   Chapter 1

    Pigil ang nagbuntong-hininga ni Alexandra habang inaabot sa boss niya ang sandamakmak na folder."Sir, wala akong pakialam kung may hangover ka o masakit pa ang ulo mo. Kailangan mong pirmahan ito ngayon." Inis niyang ibinagsak ni ang mga folder na hawak niya sa mesa ng boss niya na ngayon ay nakatulala lang sa hangin.Napairap na lang si Alexandra sa hangin at malakas na pinalo ang mesa gamit ang kamay niya na ikina-gulat ni Eros ng sobra dahil sa sobrang sama ng tingin nito kay Alexandra.Ang aka ni Eros ang nag-hire kay Alexandra kaya walang katapat na alisin ni Eros si Alexandra. Napakababaero ba naman kasi ng tagapagmana ng mga Falcon. Sa loob ng ilang taon na nagtatrabaho si Alexandra kay Eros, hindi lang secretary ang role niya sa buhay nito. Minsan ay nanay, madalas naman ay taga ayos ng kalat sa mga babae na pinaiyak nito."Pirmahan mo ang mga 'yan at ako na bahala sa pino-problema mo," bored na ani ni Alexandra at inabutan ang boss ng ballpen. Agad naman kinuha iyon ng boss

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status