LOGINNapailing-iling si Alexandra nang muling pumasok sa utak nito ang sinabi ni Eros. Ibinalik na lamang ni Alexandra ang atensyon sa paghahanap ng babaeng magpapanggap na asawa ng boss nito dahil baka siya na naman ang alukin nito ng kasal tulad ng lagi nitong ginagawa taon-taon.
Ilang beses na siyang inalok ni Eros ng kasal para daw wala na itong problema sa mga magulang nito, pero lagi iyong tinatanggihan ni Alexandra dahil wala siyang balak mag-asawa. Lihim na napangiti si Alexandra nang makita ang picture ng mga babaeng nahanap niya na pwedeng magpanggap na asawa ni Eros. Sigurado siyang makakapili sa mga ito ang boss niya at kapag nangyari iyon ay wala na silang problema.
Inayos na ni Alexandra ang mga gamit niya at lumabas sa opisina upang puntahan si Eros. Nakangiti siyang naglakad papunta sa office nito. Lahat ng mga nakakasalubong niya ay nginingitian niya. Masaya si Alexandra dahil sa wakas ay pwede na siyang mag-resign bilang secretary nito. Iyon ang usapan nilang dalawa ni Eros. Sa oras na magpakasal ito ay pwede na siyang mag-resign bilang secretary nito at mamuhay na lamang bilang simpleng tao.
Hindi naman sa hindi masaya si Alexandra sa trabaho niya kaya gusto na niyang mag-resign, sadyang may kailangan lang siyang gawin, o kailangan niyang hanapin na tao. Malaki ang utang na loob ni Alexandra kay Eros dahil ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay siya, pero mahalagang mahanap niya ang taong iyon para makapamuhay na siya nang maayos at tahimik.
Nang makarating si Alexandra sa office ni Eros ay walang katok-katok siyang pumasok doon. Bumungad sa kanya si Eros na nakaupo sa sofa na parang bored na bored. Mukhang kanina pa nito hinihintay si Alexandra.
"Finally," malakas na sabi ni Eros nang makita siya.
Inirapan lamang siya ni Alexandra at iniabot dito ang folder na hawak niya. Agad iyong kinuha ni Eros at tiningnan.
"Sunny Dy, 30, may-ari ng limang mall sa buong bansa," hindi na naituloy ni Alexandra ang sasabihin dahil sinenyasan na siya ni Eros na ang kasunod na.
"Kim Cruz, 28, owner ng is—"
"I don't like her name," sabi ni Eros.
"Rose Lim—"
"Next," putol nito.
"Lara Hilton, 27, nagmamay-ari n—"
"Too young," reklamo ni Eros.
"Kira Bonifacio, 33, CEO of—"
"Too old," sagot muli nito.
"Veena Orlando, 31—"
"Not my type," ani Eros.
"Carrie Gomez, 29, CEO of Gomez paper comp—"
"Next—"
Napahiyaw na lamang si Alexandra sa inis kaya hindi nito natapos ang sasabihin. Tiningnan niya si Eros ng sobrang sama.
"Wala ka ba talagang nagustuhan sa kanila?" inis na tanong ni Alexandra rito.
Ngumisi naman si Eros at naglakad palapit sa kanya. Napasinghap si Alexandra nang bigla nitong ilapit ang mukha nito sa mukha niya.
"None of them is my type," sabi ni Eros. Sobrang lapit nito kay Alexandra kaya naamoy niya ang mabango nitong hininga nang magsalita ito. Sinubukan ni Alexandra na umatras pero hindi niya magawa dahil hawak ng kanang kamay ni Eros ang likod niya kaya hindi siya makagalaw.
"S-Sir, pwede bang b-bitawan mo ako?" utal na ani ni Alexandra.
Mahina lamang tumawa si Eros at imbes na gawin ang sinabi niya ay mas lalo pa siya nitong inilapit rito na ikinalunok ni Alexandra.
"I already told you three years ago, Alexandra, that it's you I want to marry. Magpapakasal lang ako kung ikaw."
Mahina siyang itinulak ni Alexandra para makaalis sa pagkakahawak nito at saka tumawa nang malakas na para bang isang nakakatawang biro lamang ang sinabi nito.
"Sir, huwag mo nang uulitin iyang biro mong iyan," tumatawang sabi pa ni Alexandra. Alam naman niyang hindi totoo iyon. Imposible na magugustuhan siya ng isang Eros Falcon. Kahit matagal na niyang gusto ang boss niya ay kampante na siya na nasa tabi nito. Hindi na siyang umaasa na magugustuhan ni Eros pabalik.
Nakasimangot namang umupo si Eros sa sofa at tinitigan siya.
"Hanapan mo na lang ako ng babaeng pwedeng magpanggap na asawa ko," nakasimangot pa ring ani nito.
Tumango lamang si Alexandra at aalis na sana nang may idea na pumasok sa utak niya. Humarap siya kay Eros at ngumiti nang nakakaloko.
"Bakit hindi ka na lang sumama sa akin sa labas at ikaw na ang mamili ng babaeng gusto mong magpanggap na asawa mo?" ani Alexandra. Nangunot naman ang noo ni Eros at umiling-iling ito na ikinabagsak ng balikat ni Alexandra.
"Sumama ka na sa akin, please," pamimilit niya. Pero mukhang ayaw ni Eros kaya hinawakan na ni Alexandra ang kamay nito at pwersahang hinila palabas sa opisina nito.
"Where are we going?" tanong ni Eros nang makarating sila sa parking lot.
Nginitian lamang siya ni Alexandra at binuksan ang pinto ng kotse para pasakayin ito. Tiningnan naman siya ni Eros nang nagtataka bago sumakay. Nakangiti namang sumakay si Alexandra sa kotse at pinaandar iyon papunta sa mall.
Kung wala itong nagustuhan sa mga babaeng pinakita niya kanina, well, oras na siguro para si Eros mismo ang maghanap ng babaeng magugustuhan nito talaga para naman hindi na nito kailangang pagpanggapin ang mapipili nito. Para na rin hindi na siya kulitin ni Eros na pakasalan ito para lamang makuha ang iba pa nitong mana.
"Total matagal naman na tayong magkasama at kilala na natin ang isa't isa, bakit hindi na lang tayo magpakasal para tapos ang problema?"
Iyon ang palaging sinasabi ni Eros tuwing pinipilit ito ng mga magulang nito na magpakasal. Taon-taon ay palaging sinasabi ni Eros ang mga iyon kaya sanay na si Alexandra. Napailing-iling na lamang si Alexandra at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho ng sasakyan.
Nang makarating na sila sa mall ay agad na ipinarada ni Alexandra ang kotse at tiningnan ang lalaking katabi niya na nakatulog na pala.
"Sir, gising na," tinapik-tapik ni Alexandra ang balikat nito para gisingin ito. Agad namang nagmulat si Eros at tiningnan ang paligid.
"Anong gagawin natin dito?" tanong nito.
"Maghahanap ng babaeng magugustuhan mo," sagot ni Alexandra at bumaba na sa sasakyan at ganoon din ang ginawa ni Eros.
Sabay silang naglakad papasok sa mall. Nakikita ni Alexandra sa gilid ng mata niya ang mga taong nakatingin sa kanila, siguro ay nakilala ng mga ito ang lalaking kasama niya ngayon. Of course, sino ba ang hindi makakakilala sa isang Eros Falcon, a multi-millionaire.
Tumigil sila sa harap ng National Book Store. "Dito muna ako. Ikaw, maglakad-lakad ka para makahanap ka ng babaeng gusto mo," ani Alexandra. Aangal pa sana si Eros pero itinulak na siya ni Alexandra papunta sa grupo ng mga babaeng nag-uusap-usap.
Tiningnan siya ni Eros nang masama pero nginitian lamang siya ni Alexandra at tumakbo na papasok sa National Book Store. May libro siyang gusto na matagal na niyang gustong bilhin, pero wala siyang oras na bilhin iyon dahil sa sobrang busy niya sa pag-asikaso sa boss niya na pati trabaho nito ay pinapagawa sa kanya.
Sana naman ay mag-enjoy ang boss niyang iyon sa pakikipag-usap sa mga babaeng iyon. Kukuhanin na sana ni Alexandra ang librong bibilhin niya nang mapansin niya ang isang lalaking nakamask na kanina pa nakatingin sa kanya. Nakatitig ito sa kanya at kahit na nakamask ito ay alam ni Alexandra na nakangisi ito. Ang mga mata nito ay pamilyar.
Nanlaki ang mga mata ni Alexandra at nanginginig na napaatras. Siya iyon! Siya ang lalaking iyon. Ang taong sumira sa buhay ni Alexandra. Ang lalaking matagal na niyang hinahanap.
Naglakad ito papalapit sa kanya na mas lalo niyang ikinaatras. Napahiyaw si Alexandra sa gulat nang biglang mamatay ang lahat ng ilaw. Nanginginig siyang napaupo sa sahig at hindi malaman ang gagawin.
Unti-unting bumalik sa alaala ni Alexandra ang lahat ng nangyari noong gabing iyon. Sumikip ang dibdib niya. Hirap siyang huminga.
"Maam, nakikilala mo ba siya? Siya ba ang lalaking sumaksak sa iyo?" tanong ng isang pulis.Tiningnan ni Alexandra ang lalaking nasa harapan nito. Unang tingin pa lang ay alam na niya na ito na iyon, pero hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig dahil sa takot sa rito. Natatakot siya sa uri ng pagtingin nito sa kanya na tila ba kaya siyang patayin nito kahit na anong oras."Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na siya ang lalaking iyon? Nakita ko rin siya at sigurado akong siya rin ang pumatay sa mga magulang ni Alexandra. Bakit ba parang ayaw niyo pang maniwala?" inis na sabi ni Eros."Sigurado ba kayong siya iyon? Ang sabi niyo ay nakamask ang killer," sabi pa ng pulis na mas ikinainis ni Alexandra, pero hindi pa rin niya magawang maibuka ang kanyang bibig. Magsasalita pa sana si Eros Falcon pero biglang may lalaking dumating. Pamilyar ito sa kanya, parang nakita na niya ito sa balita o kung saan.Nangunot ang noo ni Alexandra nang magsitayuan ang mga pulis at sumaludo sa la
Napailing-iling si Alexandra nang muling pumasok sa utak nito ang sinabi ni Eros. Ibinalik na lamang ni Alexandra ang atensyon sa paghahanap ng babaeng magpapanggap na asawa ng boss nito dahil baka siya na naman ang alukin nito ng kasal tulad ng lagi nitong ginagawa taon-taon.Ilang beses na siyang inalok ni Eros ng kasal para daw wala na itong problema sa mga magulang nito, pero lagi iyong tinatanggihan ni Alexandra dahil wala siyang balak mag-asawa. Lihim na napangiti si Alexandra nang makita ang picture ng mga babaeng nahanap niya na pwedeng magpanggap na asawa ni Eros. Sigurado siyang makakapili sa mga ito ang boss niya at kapag nangyari iyon ay wala na silang problema.Inayos na ni Alexandra ang mga gamit niya at lumabas sa opisina upang puntahan si Eros. Nakangiti siyang naglakad papunta sa office nito. Lahat ng mga nakakasalubong niya ay nginingitian niya. Masaya si Alexandra dahil sa wakas ay pwede na siyang mag-resign bilang secretary nito. Iyon ang usapan nilang dalawa ni Er
Napapatawa na lamang si Alexandra habang pinapanood ang pitong babae na mag-away-away sa harapan niya. Pinagsama-sama niya ang pito rito sa restaurant para isang trabaho lang ang gagawin niya at hindi na kailangang isa-isahin pa ang mga ito."Stop!" malakas na sabi ni Alexandra na ikinatigil ng pito rito. Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa kanya nang masama, pero inirapan lamang niya ang mga ito."Lahat naman kayo malalandi. I am Eros' wife," walang ganang sabi ni Alexandra at ipinakita sa mga ito ang singsing niya.Naglakihan naman ang mga mata ng mga ito at nagtinginan sa isa't isa bago sabay-sabay na nag-yuko na para bang mga hiyang-hiya rito."1 million for bawat isa sa inyo para tigilan niyo na ang asawa ko," pagkasabi ni Alexandra niyon ay naglabas siya ng pitong tseke na may pirma ni Sir Eros at sinulatan iyon ng tigi-isang milyon.Iniabot ni Alexandra ang mga ito sa kanila at naglakad na paalis. Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar iyon papunta sa bahay niya. Ilang m
Pigil ang nagbuntong-hininga ni Alexandra habang inaabot sa boss niya ang sandamakmak na folder."Sir, wala akong pakialam kung may hangover ka o masakit pa ang ulo mo. Kailangan mong pirmahan ito ngayon." Inis niyang ibinagsak ni ang mga folder na hawak niya sa mesa ng boss niya na ngayon ay nakatulala lang sa hangin.Napairap na lang si Alexandra sa hangin at malakas na pinalo ang mesa gamit ang kamay niya na ikina-gulat ni Eros ng sobra dahil sa sobrang sama ng tingin nito kay Alexandra.Ang aka ni Eros ang nag-hire kay Alexandra kaya walang katapat na alisin ni Eros si Alexandra. Napakababaero ba naman kasi ng tagapagmana ng mga Falcon. Sa loob ng ilang taon na nagtatrabaho si Alexandra kay Eros, hindi lang secretary ang role niya sa buhay nito. Minsan ay nanay, madalas naman ay taga ayos ng kalat sa mga babae na pinaiyak nito."Pirmahan mo ang mga 'yan at ako na bahala sa pino-problema mo," bored na ani ni Alexandra at inabutan ang boss ng ballpen. Agad naman kinuha iyon ng boss







