author-banner
sharonmartinito350
Author

Novels by sharonmartinito350

Romance with my Billionaire CEO Boss

Romance with my Billionaire CEO Boss

Nagtatrabaho si Sharon Garcia sa Solaire Hotel upang masuportahan ang gamutan ng kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Doon niya nakilala ang kinatatakutang “Coldhearted King” ng industriya, si Kingsley Sigismundo, ang malamig at makapangyarihang CEO na kilala sa pagiging walang awa at walang pakialam sa damdamin ng iba. Sa umpisa, isa lamang si Sharon sa mga taong pinahirapan ni King dahil sa kanyang pagiging isang tyrant na boss. Ngunit nagbago ang lahat nang mabunyag ang isang madilim na katotohanan. Ang yumaong ama ni Sharon ang siyang driver na itinuturong pumatay sa bunsong kapatid ni King sampung taon na ang nakalipas.
Read
Chapter: Chapter 4
Pagpasok ni Sharon sa hotel kinabukasan, ang mga tingin ng mga dating kasamahan niya ay kasinglamlam ng mga ilaw sa hallway. Ang naririnig niya na lang ay ang mga bulungan tungkol sa kung paano raw "naaikit" ang CEO sa loob ng elevator para makuha ang posisyong ito.Pilit niyang binalewala ang lahat. Dumiretso siya sa Executive Floor, sa opisina kung saan siya dapat mag-report. Pero bago pa siya makarating sa pinto ni King, hinarang siya ni Paulo, ang kaniyang assistant."Ms. Garcia, pinatatawag ka ni Sir sa boardroom. May emergency meeting tungkol sa Charity Gala. Pero bago 'yun..." lumapit sa kanya si Paulo at hininaan ang boses. "May naghahanap sa'yo sa staff entrance kanina. Isang lalaking nagngangalang Jessy. Mukhang nanggugulo, kaya pinaalis ng security."Naramdaman ni Sharon ang panunuyo ng lalamunan niya. "S-salamat, Paulo. Haharapin ko na lang siya mamaya."Pagpasok niya sa boardroom, ang hangin ay puno ng tensyon. Nakaupo si Sir King sa dulo ng mahabang lamesa, seryosong nak
Last Updated: 2026-01-14
Chapter: Chapter 3
Alas-tres na ng madaling araw. Nakasandal ang ulo ni Sharon sa malamig na pader ng hallway ng ospital, yakap ang sarili niya habang pilit na nilalabanan ang antok at gutom. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone niya, umaasa na kahit isang tuldok ay mag-reply si Sir King. Pero nanatiling madilim at tahimik ang screen nito.Napangiti siya nang mapait sa sarili niya. Ano ba ang iniisip mo, Sharon? Bakit ka aasa sa isang taong halos hindi ka nga matitigan nang diretso dahil sa baba ng tingin niya sa’yo? Para sa kanya, isa lang siya numerong pwedeng palitan sa kumpanya niya.Tumayo siya para silipin si Biboy sa salamin ng pinto. Nakita niya si Nurse Joy na may hawak na chart, mukhang seryoso ang hitsura. Lalong sumikip ang kaba sa dibdib niya. Ito na ba ’yun? Ito na ba ang sandaling kailangan niya nang tanggapin na wala na siyang magagawa?Biglang bumukas ang pinto ng elevator sa dulo ng hallway. Inasahan niyang mga janitor o mga doktor na naka-duty ang lalabas, pero natigilan siya
Last Updated: 2026-01-14
Chapter: Chapter 2
Gusto ni Sharon na magalit dahil sa kawalan ng puso ng boss niya, pero higit sa galit, ramdam niya ang matinding pagkapahiya. Tama naman nito. Kahit mag-iiyak pa siya ng dugo roon, hindi mabubura ang katotohanang niloko siya ni Jessy at hindi mababawasan ang singil sa ospital ni Biboy.Mabilis na lumabas si Sharon at nag-ayos ng sarili sa restroom. Pinunasan niya ang mga mata niya at pinilit na magmukhang maayos. Pagdating niya sa main lobby, sinalubong siya ng mas maraming tao at mas matinding ingay. May darating na importanteng investors ngayong gabi, at kaming mga coordinator ang kailangang sumalo sa lahat ng demands nila.“Sharon! Saan ka ba galing?!” Isang matinis na boses ang bumasag sa konsentrasyon niya.Si Bambi Rose. Senior coordinator rito sa hotel at ang pinakamatinding sakit sa ulo ni Sharon. Maganda nito, galing sa mayamang pamilya, at alam ng lahat na may gusto nito kay Sir King.“Na-trap po ako sa elevator, Ms. Bambi. Namatay po ang kuryente kanina,” paliwanag ni Sharo
Last Updated: 2026-01-14
Chapter: Chapter 1
May mga araw na pakiramdam ni Sharon, parang isa na lang siyang makinang de-susi. Gigising siya sa umaga, papasok sa trabaho sa hotel, aasikasuhin niya si Biboy, at kung may matira pang oras, idadaan niya na lang sa kaunting tulog bago muling ulitin ang lahat kinabukasan. Nakakapagod, oo, pero wala siyang karapatang mapagod. Sa kanilang dalawa ni Biboy, siya ang kailangang manatiling matatag.Bitbit niya ang isang plastik ng pansit at ilang pirasong tinapay, dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan ng apartment nila. Nanginginig ang mga binti niya matapos ang halos sampung oras na nakatayo bilang coordinator sa hotel. Pero kahit pagod, ang iniisip niya lang ay may pagsasaluhan sila ni Jessy ngayong gabi. Birthday nito, at kahit kapos na kapos, pinilit niyang bumili ng paborito nito.“Sana gising pa rito,” bulong niya sa sarili niya habang hinahanap niya ang susi sa bag.Pagdating niya sa tapat ng pinto, napakunot ang noo niya. Bahagyang nakawang ang pinto ng unit nila. Ang unang pumasok s
Last Updated: 2026-01-14
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status