LOGIN
May mga araw na pakiramdam ni Sharon, parang isa na lang siyang makinang de-susi. Gigising siya sa umaga, papasok sa trabaho sa hotel, aasikasuhin niya si Biboy, at kung may matira pang oras, idadaan niya na lang sa kaunting tulog bago muling ulitin ang lahat kinabukasan. Nakakapagod, oo, pero wala siyang karapatang mapagod. Sa kanilang dalawa ni Biboy, siya ang kailangang manatiling matatag.
Bitbit niya ang isang plastik ng pansit at ilang pirasong tinapay, dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan ng apartment nila. Nanginginig ang mga binti niya matapos ang halos sampung oras na nakatayo bilang coordinator sa hotel. Pero kahit pagod, ang iniisip niya lang ay may pagsasaluhan sila ni Jessy ngayong gabi. Birthday nito, at kahit kapos na kapos, pinilit niyang bumili ng paborito nito.
“Sana gising pa rito,” bulong niya sa sarili niya habang hinahanap niya ang susi sa bag.
Pagdating niya sa tapat ng pinto, napakunot ang noo niya. Bahagyang nakawang ang pinto ng unit nila. Ang unang pumasok sa isip niya ay baka nanakawan na sila, kaya mabilis siyang pumasok nang walang ingay. Pero bago pa siya makarating sa sala, napatigil siya.
May mga damit na nakakalat sa sahig. Isang pamilyar na t-shirt ni Jessy, at isang pulang bra na alam niyang hindi sa kanya.
Kasunod noon, may narinig siyang mga boses mula sa kwarto, mga ungol na parang bumibigat sa dibdib niya. Isang malanding tawa ng babae, at ang baritonong boses ni Jessy na puno ng pagnanasa.
“Dali na… baka dumating ’yung boring mong girlfriend,” biro ng babae.
“Hayaan mo rito. Pagod ’yun sa trabaho, tiyak na matatagalan pa ’yun bago makauwi,” sagot ni Jessy, bago sinundan ng tunog ng halikan.
Parang binuhusan si Sharon ng kumukulong tubig. Nanlamig ang buo niyang katawan habang dahan-dahan niyang itinutulak ang pinto ng kwarto. Doon, sa ibabaw ng kama kung saan gabi-gabi siyang nagdarasal na sana ay gumaling na si Biboy, nakita niya sila. Si Jessy na hubad, at si Lolita na kapitbahay nila, na halos wala ring suot.
Nalaglag ang supot ng pansit at tinapay sa sahig. Kumalat ang laman nito sa semento, gaya ng buhay niyang unti-unti ring nagkakawatak-watak.
“Sharon?!” mabilis na napabalikwas si Jessy, gulat na gulat at mabilis na nagkumot para takpan ang sarili nito.
Hindi makapagsalita si Sharon. Parang may nakabarang bubog sa lalamunan niya. Tumingin siya sa kanila, at ang nakita niya ay hindi lang ang pagtataksil nila, kundi pati ang tatlong taon na ibinigay niya sa lalaking rito, ang mga pagkakataong nagtiis siya para lang may maibahagi rito, ang mga gabing akala niya ay rito ang magliligtas sa kanya.
“Magpaliwanag ka, Jessy… sabihin mong panaginip lang rito,” mahina niyang sabi, nanginginig ang boses niya sa matinding sakit.
“Sharon, mali ang iniisip mo… lasing lang ako, hindi ko alam…”
“Lasing?!” bulyaw niya, at sa wakas, bumagsak na rin ang mga luhang matagal niyang pinipigilan. “Birthday mo ngayon! Pinag-ipunan ko ’tong pagkain kahit kulang ang pambili ko ng gamot para sa kapatid ko! At ito pa ang bubungad sa akin?!”
“Eh ano ba?! Pagod na rin ako, Sharon!” biglang sigaw ni Jessy, parang rito pa ang naaagrabyado. “Mula nang magkasakit ang kapatid mo, wala ka nang oras sa akin! Laging may iniintindi sa ibang bagay! Para akong anino sa buhay mo! Tao rin ako, kailangan ko ng babaeng may oras sa akin, hindi ’yung laging pagod!”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito. Namula iyon, pero alam ni Sharon na mas masakit ang puso niya sa sobrang hapdi.
“Umalis ka na,” sabi niya sa pagitan ng mga hikbi. “Dalhin mo na ang lahat ng gamit mo at huwag ka nang babalik pa. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo.”
Nang makaalis sila, naiwan siyang mag-isa. Napaupo siya sa tabi ng natapong pagkain at doon niya ibinuhos ang lahat ng bigat na kinikimkim niya. Tahimik lang siyang umiiyak, hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya.
Isang text mula sa ospital. Billing reminder.
Kailangan niyang pumasok. Kailangan niyang kumita ng pera. Wala na siyang Jessy na masasandalan. Siya na lang ang natitira para kay Biboy.
Pagdating niya sa Solaire Hotel, sinalubong siya ng marangyang liwanag na parang nanunuya sa madilim niyang mundo. Mabilis siyang nag-ayos ng uniporme at naglagay ng kaunting concealer sa ilalim ng mata niya, para lang maitago ang maga.
“Garcia! Saan ka ba galing? Kanina pa naghahanap ng assistance sa VIP lift!” bulyaw ni Mrs. Tomas, ang Supervisor na tila laging galit sa mundo.
“Pasensya na po, Ma’am. Nagkaproblema lang po sa bahay,” tipid niyang sagot bago nagmamadaling tumakbo patungo sa elevator.
Dala ng pagkalito at pagmamadali, hindi napansin ni Sharon na ang napasukan niya ay ang Executive Lift, ang elevator na para lamang sa CEO at sa board members. Pagbukas ng pinto, muntik siyang mapaatras nang makita niya ang taong nasa loob.
Nakatayo sa gitna ang isang lalaking matangkad, seryoso, at balot ng isang awtoridad na tila kayang magpatahimik sa buong lobby. Si Kingsley Sigismundo ang CEO ng Hotel.
Hindi rito tumingin sa kanya. Nakaharap rito sa salamin, inaayos ang kwelyo nito. Ang bango ng pabango nito ay agad na humalo sa amoy ng metal sa loob ng elevator. Pumasok si Sharon at nanatili sa sulok, nakayuko at halos hindi humihinga.
Biglang yumanig ang elevator. Isang matalim na tunog, at pagkatapos ay tuluyang namatay ang mga ilaw. Tumigil sila sa pagitan ng ika-15 at ika-16 na palapag.
“Damn it,” bulong ni King. Ang boses nito ay malalim at puno ng inis.
Nanatiling nakasandal si Sharon sa pader. Sa dilim, ramdam niya ang pag-akyat ng kaba sa dibdib niya. Ang sakit ng pagtataksil ni Jessy kanina at ang takot sa sitwasyon ngayon ay sabay na dumudurog sa kanya. Hindi na napigilan ni Sharon ang sarili niya nang muli na namang umagos ang mga luha niya.
“Stay still. May emergency power rito,” sabi ni King. Inilabas nito ang phone nito at itinapat ang flashlight sa control panel, pero hindi nito sinasadyang maitama ang ilaw sa kanya.
Doon nito nakita si Sharon. Ang mga mata niyang puno ng luha, ang nanginginig niyang mga kamay, at ang mukha niyang tila pasan ang buong mundo.
“Are you claustrophobic?” tanong nito. Walang emosyon ang boses nito, malamig at direkta.
“H-hindi po, Sir. Pasensya na po…” mahina niyang sagot, pilit na pinupunasan ang mukha niya.
“Then stop shaking. You’re making the air inside this elevator feel heavier,” sabi nito bago binaling ang flashlight sa relo nito. “Crying doesn’t pay the bills, Miss. It just makes you look pathetic in front of people who don’t care about your story.”
Masakit ang mga salita nito. Direkta at walang preno. Pero sa gitna ng dilim na iyon, tila iyon ang kailangan marinig ni Sharon para magising sa reyalidad. Na sa mundong ito, siya lang talaga ang pwedeng sumalba sa sarili niya.
Pagpasok ni Sharon sa hotel kinabukasan, ang mga tingin ng mga dating kasamahan niya ay kasinglamlam ng mga ilaw sa hallway. Ang naririnig niya na lang ay ang mga bulungan tungkol sa kung paano raw "naaikit" ang CEO sa loob ng elevator para makuha ang posisyong ito.Pilit niyang binalewala ang lahat. Dumiretso siya sa Executive Floor, sa opisina kung saan siya dapat mag-report. Pero bago pa siya makarating sa pinto ni King, hinarang siya ni Paulo, ang kaniyang assistant."Ms. Garcia, pinatatawag ka ni Sir sa boardroom. May emergency meeting tungkol sa Charity Gala. Pero bago 'yun..." lumapit sa kanya si Paulo at hininaan ang boses. "May naghahanap sa'yo sa staff entrance kanina. Isang lalaking nagngangalang Jessy. Mukhang nanggugulo, kaya pinaalis ng security."Naramdaman ni Sharon ang panunuyo ng lalamunan niya. "S-salamat, Paulo. Haharapin ko na lang siya mamaya."Pagpasok niya sa boardroom, ang hangin ay puno ng tensyon. Nakaupo si Sir King sa dulo ng mahabang lamesa, seryosong nak
Alas-tres na ng madaling araw. Nakasandal ang ulo ni Sharon sa malamig na pader ng hallway ng ospital, yakap ang sarili niya habang pilit na nilalabanan ang antok at gutom. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone niya, umaasa na kahit isang tuldok ay mag-reply si Sir King. Pero nanatiling madilim at tahimik ang screen nito.Napangiti siya nang mapait sa sarili niya. Ano ba ang iniisip mo, Sharon? Bakit ka aasa sa isang taong halos hindi ka nga matitigan nang diretso dahil sa baba ng tingin niya sa’yo? Para sa kanya, isa lang siya numerong pwedeng palitan sa kumpanya niya.Tumayo siya para silipin si Biboy sa salamin ng pinto. Nakita niya si Nurse Joy na may hawak na chart, mukhang seryoso ang hitsura. Lalong sumikip ang kaba sa dibdib niya. Ito na ba ’yun? Ito na ba ang sandaling kailangan niya nang tanggapin na wala na siyang magagawa?Biglang bumukas ang pinto ng elevator sa dulo ng hallway. Inasahan niyang mga janitor o mga doktor na naka-duty ang lalabas, pero natigilan siya
Gusto ni Sharon na magalit dahil sa kawalan ng puso ng boss niya, pero higit sa galit, ramdam niya ang matinding pagkapahiya. Tama naman nito. Kahit mag-iiyak pa siya ng dugo roon, hindi mabubura ang katotohanang niloko siya ni Jessy at hindi mababawasan ang singil sa ospital ni Biboy.Mabilis na lumabas si Sharon at nag-ayos ng sarili sa restroom. Pinunasan niya ang mga mata niya at pinilit na magmukhang maayos. Pagdating niya sa main lobby, sinalubong siya ng mas maraming tao at mas matinding ingay. May darating na importanteng investors ngayong gabi, at kaming mga coordinator ang kailangang sumalo sa lahat ng demands nila.“Sharon! Saan ka ba galing?!” Isang matinis na boses ang bumasag sa konsentrasyon niya.Si Bambi Rose. Senior coordinator rito sa hotel at ang pinakamatinding sakit sa ulo ni Sharon. Maganda nito, galing sa mayamang pamilya, at alam ng lahat na may gusto nito kay Sir King.“Na-trap po ako sa elevator, Ms. Bambi. Namatay po ang kuryente kanina,” paliwanag ni Sharo
May mga araw na pakiramdam ni Sharon, parang isa na lang siyang makinang de-susi. Gigising siya sa umaga, papasok sa trabaho sa hotel, aasikasuhin niya si Biboy, at kung may matira pang oras, idadaan niya na lang sa kaunting tulog bago muling ulitin ang lahat kinabukasan. Nakakapagod, oo, pero wala siyang karapatang mapagod. Sa kanilang dalawa ni Biboy, siya ang kailangang manatiling matatag.Bitbit niya ang isang plastik ng pansit at ilang pirasong tinapay, dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan ng apartment nila. Nanginginig ang mga binti niya matapos ang halos sampung oras na nakatayo bilang coordinator sa hotel. Pero kahit pagod, ang iniisip niya lang ay may pagsasaluhan sila ni Jessy ngayong gabi. Birthday nito, at kahit kapos na kapos, pinilit niyang bumili ng paborito nito.“Sana gising pa rito,” bulong niya sa sarili niya habang hinahanap niya ang susi sa bag.Pagdating niya sa tapat ng pinto, napakunot ang noo niya. Bahagyang nakawang ang pinto ng unit nila. Ang unang pumasok s







