LOGINPagpasok ni Sharon sa hotel kinabukasan, ang mga tingin ng mga dating kasamahan niya ay kasinglamlam ng mga ilaw sa hallway. Ang naririnig niya na lang ay ang mga bulungan tungkol sa kung paano raw "naaikit" ang CEO sa loob ng elevator para makuha ang posisyong ito.
Pilit niyang binalewala ang lahat. Dumiretso siya sa Executive Floor, sa opisina kung saan siya dapat mag-report. Pero bago pa siya makarating sa pinto ni King, hinarang siya ni Paulo, ang kaniyang assistant.
"Ms. Garcia, pinatatawag ka ni Sir sa boardroom. May emergency meeting tungkol sa Charity Gala. Pero bago 'yun..." lumapit sa kanya si Paulo at hininaan ang boses. "May naghahanap sa'yo sa staff entrance kanina. Isang lalaking nagngangalang Jessy. Mukhang nanggugulo, kaya pinaalis ng security."
Naramdaman ni Sharon ang panunuyo ng lalamunan niya. "S-salamat, Paulo. Haharapin ko na lang siya mamaya."
Pagpasok niya sa boardroom, ang hangin ay puno ng tensyon. Nakaupo si Sir King sa dulo ng mahabang lamesa, seryosong nakatingin sa kaniyang laptop. Katabi niya ang ilang miyembro ng Board of Directors na halatang hindi masaya sa pagkaka-appoint sa kanya.
"Garcia, report," maikling utos ni King nang hindi tumitingin sa kanya.
Inilatag niya ang mga dokumento sa lamesa. "Sir, ang Charity Gala ay gaganapin sa loob ng dalawang linggo. Nakikipag-coordinate na po ako sa mga caterers at sa florist. Pero may problema po tayo sa venue setup. Ang original floor plan na ginawa ni Ms. Bambi ay may mga butas sa security protocols..."
"Security protocols?" sabat ng isang Board Member, si Mr. Ruiz na malapit sa pamilya ni Bambi. "Ms. Bambi Rose has been doing this for years. Sino ka para kwestyunin ang gawa niya? Isang linggo ka pa lang sa posisyong 'yan, akala mo kung sino ka na."
"I am just pointing out the risks, Sir," mahinahon niyang sagot, kahit na nanginginig na ang mga kamay niya sa ilalim ng lamesa. "Kung itutuloy ang planong ito, magkakaroon ng bottleneck sa main entrance na delikado para sa mga VIP guests."
Tumingin si Kingsley kay Mr. Ruiz. "If she says there's a risk, we investigate. Proceed, Garcia. Show me your revised plan."
Sa loob ng isang oras, parang isinasalang siya sa apoy. Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tinitira ng Board. Pero sa tuwing pakiramdam niya ay bibigay na siya, nahuhuli niya ang tingin ni King. Hindi siya nagsasalita para ipagtanggol siya, pero ang pananatiling tahimik niya habang pinapakinggan si Sharon ay tila isang utos sa lahat na huwag siyang bastusin.
Nang matapos ang meeting, naiwan silang dalawa sa loob.
"You did well," sabi niya habang nililigpit ang kaniyang gamit. "But your voice was shaking. In my world, if they smell fear, they will eat you alive."
"Sinisikap ko naman po, Sir."
"Don't just try. Do it," sagot niya bago siya lumakad palabas. "And Garcia... ayusin mo ang problema mo sa labas. I don't want exboyfriends making a scene at my staff entrance."
Napatigil si Sharon. Alam niya? Siyempre, CEO siya. Lahat ng nangyayari sa hotel na 'to, alam niya.
Hapon na nang makatanggap siya ng isang tawag na nagpabilis ng tibok ng puso niya. Hindi ito mula sa nurse ni Biboy, kundi mula sa isang hindi kilalang numero.
"Sharon... kumusta ang bagong Lead Coordinator?"
Ang boses na 'yun. Kahit sa kabilang buhay, makikilala niya ang boses ni Bambi.
"Bambi, suspendido ka. Bakit ka tumatawag?" tanong niya, pilit na pinapatatag ang boses.
"Oh, just checking on you. Balita ko, busy-busyhan ka sa Gala. Pero alam mo, Sharon, masyado kang nagpapakasaya sa itaas. Nakalimutan mo yata na ang mga taong tulad mo, mabilis lang hilahin pababa."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Tumingin ka sa labas ng bintana ng opisina mo, darling. O mas mabuti, tawagan mo ang ospital ni Biboy. May narinig kasi akong balita... na may nagkaroon daw ng problema sa kuryente sa floor kung nasaan ang kapatid mo. Sayang naman 'yung mga machines na nakakabit sa kaniya, 'di ba? Kapag namatay ang kuryente, ilang minuto lang ang itatagal ng baga niya?"
Parang huminto ang tibok ng puso ni Sharon. "Bambi! Huwag mong idadamay ang kapatid ko! Hayop ka!"
"I'm not doing anything, Sharon. I'm just telling you what I heard," tawa niya nang malakas bago ibinaba ang telepono.
Hindi na nag-isip si Sharon. Binitawan niya ang lahat ng hawak niyang folders at mabilis na tumakbo patungo sa elevator. Wala siyang pakialam kung sino ang mabangga niya. Wala siyang pakialam kung makita siya ni Sir King. Ang tanging nasa isip niya ay si Biboy.
Pagdating niya sa lobby, saktong lumabas si King mula sa kaniyang private elevator kasama ang ilang investors. Nakita niya si Sharon na tumatakbo, pawis na pawis, at halatang nagpapanic.
"Ms. Garcia! Where are you going? We have a site inspection!" sigaw ni King.
"Sir, kailangan ko pong pumunta sa ospital! Si Biboy... may problema sa ospital!" sigaw niya pabalik habang hindi humihinto sa pagtakbo.
Nakita niya ang pagkunot ng noo niya. Pero hindi na siya lumingon pa. Sumakay siya sa unang taxi na nakita niya. Sa buong byahe, umiiyak siya at pilit na tinatawagan ang ospital pero busy ang lahat ng lines.
Pagdating niya sa ospital, madilim ang main lobby. May blackout nga. Tumakbo siya paakyat ng hagdan dahil hindi gumagana ang elevators.
Hingal na hingal siya pagdating sa floor ni Biboy.
"Biboy! Biboy!" sigaw niya habang binubuksan ang pinto ng kwarto niya.
Nakita niya si Nurse Joy na gumagamit ng manual resuscitator bag kay Biboy. Ang kuryente ay patay, at ang mga makina ay tumutunog ng warning beeps dahil sa low battery.
"Ma'am Sharon! Buti dumating kayo! Biglang namatay ang kuryente sa buong wing na 'to, at pati ang generator ng floor na 'to, ayawgumana!" paiyak na sabi ng nurse.
Niyakap niya ang kapatid niya habang pinapanood siyang humihingal. "Biboy, nandito si Ate... lumaban ka, please..."
Sa gitna ng kadiliman at takot, biglang bumukas ang pinto. Isang anino ang tumayo roon—matangkad, seryoso, at may dalang liwanag mula sa kaniyang phone.
Si King.
"Paulo, call the hospital director. Now. Tell them if the power in this wing isn't back in five minutes, I will buy this entire hospital and fire everyone in charge," utos niya sa kaniyang phone bago siya lumapit sa kanila.
Tiningnan niya si Sharon. Nakita niya ang luha niya, ang dumi ng uniporme niya mula sa pagtakbo, at ang takot sa mga mata niya. Sa pagkakataong ito, hindi niya sinabing "pathetic" siya.
Lumapit siya at hinawakan ang balikat niya. Malamig pa rin ang kaniyang haplos, pero ramdam ni Sharon ang bigat ng kaniyang proteksyon.
"I told you... Nobody touches what is mine. At ang empleyado ko, sa akin lang pwedeng sumunod. Hahanapin natin kung sino ang gumawa nito."
Pagpasok ni Sharon sa hotel kinabukasan, ang mga tingin ng mga dating kasamahan niya ay kasinglamlam ng mga ilaw sa hallway. Ang naririnig niya na lang ay ang mga bulungan tungkol sa kung paano raw "naaikit" ang CEO sa loob ng elevator para makuha ang posisyong ito.Pilit niyang binalewala ang lahat. Dumiretso siya sa Executive Floor, sa opisina kung saan siya dapat mag-report. Pero bago pa siya makarating sa pinto ni King, hinarang siya ni Paulo, ang kaniyang assistant."Ms. Garcia, pinatatawag ka ni Sir sa boardroom. May emergency meeting tungkol sa Charity Gala. Pero bago 'yun..." lumapit sa kanya si Paulo at hininaan ang boses. "May naghahanap sa'yo sa staff entrance kanina. Isang lalaking nagngangalang Jessy. Mukhang nanggugulo, kaya pinaalis ng security."Naramdaman ni Sharon ang panunuyo ng lalamunan niya. "S-salamat, Paulo. Haharapin ko na lang siya mamaya."Pagpasok niya sa boardroom, ang hangin ay puno ng tensyon. Nakaupo si Sir King sa dulo ng mahabang lamesa, seryosong nak
Alas-tres na ng madaling araw. Nakasandal ang ulo ni Sharon sa malamig na pader ng hallway ng ospital, yakap ang sarili niya habang pilit na nilalabanan ang antok at gutom. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone niya, umaasa na kahit isang tuldok ay mag-reply si Sir King. Pero nanatiling madilim at tahimik ang screen nito.Napangiti siya nang mapait sa sarili niya. Ano ba ang iniisip mo, Sharon? Bakit ka aasa sa isang taong halos hindi ka nga matitigan nang diretso dahil sa baba ng tingin niya sa’yo? Para sa kanya, isa lang siya numerong pwedeng palitan sa kumpanya niya.Tumayo siya para silipin si Biboy sa salamin ng pinto. Nakita niya si Nurse Joy na may hawak na chart, mukhang seryoso ang hitsura. Lalong sumikip ang kaba sa dibdib niya. Ito na ba ’yun? Ito na ba ang sandaling kailangan niya nang tanggapin na wala na siyang magagawa?Biglang bumukas ang pinto ng elevator sa dulo ng hallway. Inasahan niyang mga janitor o mga doktor na naka-duty ang lalabas, pero natigilan siya
Gusto ni Sharon na magalit dahil sa kawalan ng puso ng boss niya, pero higit sa galit, ramdam niya ang matinding pagkapahiya. Tama naman nito. Kahit mag-iiyak pa siya ng dugo roon, hindi mabubura ang katotohanang niloko siya ni Jessy at hindi mababawasan ang singil sa ospital ni Biboy.Mabilis na lumabas si Sharon at nag-ayos ng sarili sa restroom. Pinunasan niya ang mga mata niya at pinilit na magmukhang maayos. Pagdating niya sa main lobby, sinalubong siya ng mas maraming tao at mas matinding ingay. May darating na importanteng investors ngayong gabi, at kaming mga coordinator ang kailangang sumalo sa lahat ng demands nila.“Sharon! Saan ka ba galing?!” Isang matinis na boses ang bumasag sa konsentrasyon niya.Si Bambi Rose. Senior coordinator rito sa hotel at ang pinakamatinding sakit sa ulo ni Sharon. Maganda nito, galing sa mayamang pamilya, at alam ng lahat na may gusto nito kay Sir King.“Na-trap po ako sa elevator, Ms. Bambi. Namatay po ang kuryente kanina,” paliwanag ni Sharo
May mga araw na pakiramdam ni Sharon, parang isa na lang siyang makinang de-susi. Gigising siya sa umaga, papasok sa trabaho sa hotel, aasikasuhin niya si Biboy, at kung may matira pang oras, idadaan niya na lang sa kaunting tulog bago muling ulitin ang lahat kinabukasan. Nakakapagod, oo, pero wala siyang karapatang mapagod. Sa kanilang dalawa ni Biboy, siya ang kailangang manatiling matatag.Bitbit niya ang isang plastik ng pansit at ilang pirasong tinapay, dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan ng apartment nila. Nanginginig ang mga binti niya matapos ang halos sampung oras na nakatayo bilang coordinator sa hotel. Pero kahit pagod, ang iniisip niya lang ay may pagsasaluhan sila ni Jessy ngayong gabi. Birthday nito, at kahit kapos na kapos, pinilit niyang bumili ng paborito nito.“Sana gising pa rito,” bulong niya sa sarili niya habang hinahanap niya ang susi sa bag.Pagdating niya sa tapat ng pinto, napakunot ang noo niya. Bahagyang nakawang ang pinto ng unit nila. Ang unang pumasok s







