Mag-log inAlas-tres na ng madaling araw. Nakasandal ang ulo ni Sharon sa malamig na pader ng hallway ng ospital, yakap ang sarili niya habang pilit na nilalabanan ang antok at gutom. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone niya, umaasa na kahit isang tuldok ay mag-reply si Sir King. Pero nanatiling madilim at tahimik ang screen nito.
Napangiti siya nang mapait sa sarili niya. Ano ba ang iniisip mo, Sharon? Bakit ka aasa sa isang taong halos hindi ka nga matitigan nang diretso dahil sa baba ng tingin niya sa’yo? Para sa kanya, isa lang siya numerong pwedeng palitan sa kumpanya niya.
Tumayo siya para silipin si Biboy sa salamin ng pinto. Nakita niya si Nurse Joy na may hawak na chart, mukhang seryoso ang hitsura. Lalong sumikip ang kaba sa dibdib niya. Ito na ba ’yun? Ito na ba ang sandaling kailangan niya nang tanggapin na wala na siyang magagawa?
Biglang bumukas ang pinto ng elevator sa dulo ng hallway. Inasahan niyang mga janitor o mga doktor na naka-duty ang lalabas, pero natigilan siya nang makita niya ang isang lalaking nakasuit, maayos ang tindig, at may hawak na briefcase. Hindi ito si Sir King.
“Ms. Sharon Garcia?” tanong ng lalaki nang makalapit siya sa kanya.
“O-opo. Sino po sila?”
“I’m Paulo, the personal assistant of Mr. Sigismundo,” maikli niyang sagot. Inabot niya kay Sharon ang isang maliit na folder at isang resibo.
“Binayaran na ni Sir King ang buong balance ni Biboy sa ospital para sa buwang ito. Nag-iwan din siya ng pondo sa pharmacy para sa lahat ng gamot na kakailanganin ng kapatid mo sa susunod na dalawang linggo.”
Hindi siya nakapagsalita. Nanlambot ang mga tuhod niya at napakapit siya sa sandalan ng bench. Binayaran niya? Pero paano? Bakit?
“T-totoo po ba ito?” halos pabulong niyang tanong habang tinitingnan ang resibong may tatak na PAID.
“Yes, Ms. Garcia. Pero may mensahe si Sir para sa’yo,” sabi ni Paulo, at dito ay bahagyang bumaba ang tono ng kaniyang boses. “Sabi niya, ayaw na niyang makarinig ng kahit anong drama tungkol sa pamilya mo sa oras ng trabaho. Ang perang ito ay hindi libre...ito ay cash advance. Ibabawas ito sa sahod mo sa loob ng isang taon. At kung magkakamali ka sa event bukas, doble ang magiging parusa sa’yo.”
Napatitig siya sa folder. Ang saya na naramdaman niya dahil ligtas na si Biboy ay mabilis na nahaluan ng bigat. Hindi ito tulong na bukal sa loob. Ito ay isang transaksyon. Isang utang na loob na gagamitin niya para mas lalo siyang kontrolin sa trabaho.
“Naiintindihan ko po. Paki-sabi po kay Sir, maraming salamat,” sabi niya, kahit na alam niyang hindi sapat ang pasasalamat sa ganitong sitwasyon.
“Isa pa,” dagdag ni Paulo bago siya tumalikod. “Sabi pala ni Sir, ayusin mo ang itsura mo bago ka pumasok bukas. Ayaw niya ng empleyadong mukhang hindi natulog sa harap ng mga investors.”
Nang makaalis si Paulo, napaupo siya sa bench at napahagulgol. Pero sa pagkakataong ito, hindi dahil sa kawalan ng pag-asa, kundi dahil sa halo-halong emosyon. Galit siya kay Sir King dahil sa kaniyang kayabangan at kawalan ng pakiramdam, pero sa kabilang banda, siya lang ang tanging taong nakinig sa desperasyon niya nang talikuran siya ng lahat.
Kinabukasan, pumasok siya sa hotel na halos tatlong oras lang ang tulog. Pinilit niyang takpan ng makapal na concealer ang itim sa ilalim ng mga mata niya. Habang naglalakad siya sa lobby, ramdam niya ang tensyon. Ngayon ang araw ng malaking press conference ng Alvero Group.
“Sharon! Siguraduhin mong perpekto ang table setting sa main hall!” sigaw ni Bambi mula sa malayo. Nakasuot siya ng isang mamahaling red dress, mukhang handang-handa na akitin si Sir King mamaya.
Tumango lang siya at nagpatuloy sa pag-aayos.
Maya-maya, narinig niya ang bulungan ng mga staff. “Andiyan na sila.”
Pumasok si Sir King kasama ang kanilang mga board members. Gaya ng dati, ang kaniyang presensya ay parang isang unos na tumatama sa opisina. Lahat ay tumatabi, lahat ay yumuyuko.
Nang dumaan siya sa harap niya, sandali siyang huminto. Hindi siya tumingin kay Sharon, pero narinig niya ang kaniyang boses na sapat lang para marinig niya.
“Make sure the wine glasses are spotless, Garcia. I paid a lot for your peace of mind last night. Don’t waste it.”
Pagkatapos niyon ay naglakad na siya palayo, na tila wala siyang sinabing kahit ano.
Napahigpit siya sa hawak na baso na pinupunasan niya. Ang "peace of mind" na sinasabi niya ay may kasamang bigat.
“Sharon, ano’ng sinabi sa’yo ni Sir King?” biglang sulpot ni Bambi sa tabi niya, nanlilisik ang mga mata sa selos.
“Wala po, Ms. Bambi. Tungkol lang po sa baso,” sagot niya nang hindi tumitingin sa kaniya.
“Siguraduhin mo lang. Dahil ang isang katulad mo ay hindi dapat kinakausap ng isang Kingsley Sigismundo maliban na lang kung tungkol sa basura.”
Tiniis niya ang lahat ng panlalait ni Bambi. Tiniis niya ang pagod. Dahil sa bawat oras na gusto na niyang sumuko, naaalala niya ang mahimbing natulog ni Biboy sa ospital.
**
Ang buong grand ballroom ay puno ng kumikislap na ilaw at dekorasyon. Ang tawanan ng mga mayayaman ay kasing-tunog ng naguumpugang baso, at banayad ang musika na bumabalot sa bawat sulok. Ang suot ni Sharon na uniporme, itim na blazer at skirt ng mga coordinators ay lalong sumisikip habang lumalalim ang gabi.
“Sharon, dalhin mo ’tong tray ng champagne sa VIP table number 3. Ngayon na!” utos ni Bambi.
“Pero, Ms. Bambi. Kailangan ko pa pong icheck ang program flow sa backstage,” magalang niyang sagot.
“Sumasagot ka na? Sabi ko dalhin mo dahil kulang tayo sa tao sa VIP area. O baka naman gusto mong ireport kita kay Mrs. Tomas dahil sa pagsuway sa utos ko?” banta ni Bambi.
Huminga si Sharon nang malalim. “Opo, Ms. Bambi.”
Dahan-dahan siyang naglakad bitbit ang tray.
Ang VIP table number 3 ay kung nasaan si Sir King, ang kaniyang ina na si Madame Sigismundo, at ang ilang matataas na investors. Ramdam ni Sharon ang panginginig ng mga kamay niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagod o dahil sa presensya ni Sir King na tila laging nakabantay sa bawat galaw niya mula sa malayo.
Nang makarating siya sa lamesa, yumuko siya nang bahagya para ilapag ang baso.
“Champagne po, Madame.”
Isang investor ang kukuha na sana ng baso nang biglang may "aksidenteng" tumama sa siko ni Sharon mula sa likuran. Isang malakas at sadyang tulak.
Ang lahat ay tila nangyari sa slow motion. Ang tray ay tumagilid, at ang tatlong baso ng mamahaling champagne ay diretsong tumapon sa kandungan ni Madame Sigismundo.
Ang katahimikan na sumunod ay nakabibingi.
“Oh my God!” tili ni Bambi, na siya palang nasa likuran ni Sharon kanina. Mabilis siyang lumapit, kunwari ay nag-aalala pero may halong panunuya. “Sharon! Ano’ng ginawa mo?! Sabi ko naman sa’yo, mag-ingat ka! Masyado ka kasing lampa, hindi mo ba alam kung gaano kaimportante ang mga bisitang ito?”
Nanginginig si Sharon habang lumuhod para pulutin ang mga basag na baso. “P-pasensya na po, Madame... Sir... hindi ko po sinasadya.”
“Hindi sinasadya?” galit na sabi ni Madame Sigismundo habang tinitingnan ang kaniyang basang gown. “Do you have any idea how much this designer gown costs? It costs more than your one year salary as a coordinator! Incompetent staff like you shouldn't be handling VIPs!”
Ang mga bulungan sa paligid ay nagsimulang gumuho kay Sharon. Ang mga mata ng mga investors ay puno ng panghuhusga.
Pakiramdam ni Sharon ay liliit siya at lalamunin ng lupa sa sobrang hiya.
“I’m so sorry, Madam... Sir King, pasensya na po talaga,” pagmamakaawa niya, hindi na siya makatingin sa kaniya.
“Enough,” malamig na sabi ni Sir King.
Tumayo si Sir King. Inasahan ni Sharon na sisigawan siya nito, o baka dito na siya tatanggalin sa trabaho. Pero laking gulat niya nang hubarin nito ang suit jacket at dahan-dahang itinakip iyon sa kandungan ng kaniyang ina para itago ang mantsa.
“Bambi,” tawag ni Sir King, hindi inaalis ang tingin sa basag na mga baso sa sahig.
“Yes, Sir King? Don't worry, I’ll handle her termination immediately...”
“Who told you to push her?” putol ni Sir King sa kaniya.
Natigilan si Bambi. Namutla ang kaniyang mukha sa harap ng mga investors. “S-Sir? Hindi ko siya tinulak... sadyang hindi lang siya marunong humawak ng tray...”
“I was watching you from the reflection of the glass wall, Bambi,” diretsong sabi ni Sir King. Ang boses niya ay kalmado pero may talim na kayang pumatay. “You were standing too close, and your hand moved. I don’t like people who play dirty games in my hotel, especially during an international press event.”
“King, what are you saying? Kakampihan mo ang coordinator na ’yan kaysa kay Bambi?” sabat ng kaniyang ina, tila hindi makapaniwala.
Tumingin kay Sharon si Sir King. Sa unang pagkakataon, tinitigan niya siya nang diretso sa mga mata. Walang awa doon, pero may isang bagay na hindi maipaliwanag ni Sharon... isang babala na dapat siyang tumayo para sa sarili niya.
“Clean this up, Garcia. And then go to my office. We’re not done,” utos niya kay Sharon bago siya lumingon muli kay Bambi. “And you, Bambi, you’re suspended for a week. Ayokong makakita ng Senior Coordinator na nambubully ng sarili niyang team sa harap ng mga bisita.”
Hindi na nakasagot si Bambi. Ang kaniyang mukha ay puno ng galit at kahihiyan habang mabilis na lumalabas ng ballroom.
Nang matapos linisin ang mga bubog, paika-ika si Sharon naglakad patungo sa executive floor. Nang pumasok siya sa opisina ni Sir King, nakita niya itong nakatanaw sa malaking bintana.
“Sir... nandito na po ako,” mahina niyang sabi.
Hinarap siya ni Sir King. Ang mukha nito ay nanatiling blangko. “I told you before, Garcia. Crying is pathetic. But letting others trample on you just because you’re scared is a waste of my time.”
“Salamat po... sa pagtatanggol sa akin kanina,” sabi ni Sharon.
“Don’t thank me. I did it for the hotel’s reputation,” sagot niya habang inilalapag ang ilang dokumento sa lamesa. “Starting tomorrow, you are no longer under Bambi’s supervision. You will be the Lead Event Coordinator for the Executive Office. Lahat ng events ko, ikaw ang hahawak. I want you where I can see you, so I can make sure you’re actually paying off your debt instead of causing more scenes in my Hotel.”
Napatitig si Sharon sa kaniya. Lead Coordinator? Ibig sabihin, mas malaki ang responsibilidad niya at mas madalas niyang makakaharap si Sir King.
“But Sir, baka lalong magalit si Bambi at ang Board...”
“Then do your job so well that they can’t find any reason to complain,” putol niya. “Go home. Take some rest. Tomorrow, your real work begins. And Garcia... don’t let anyone push you again. Because next time, I might not be there to catch the glasses.”
Lumabas si Sharon ng opisina ni King na tila lumulutang. Ang utang niya sa kaniya ay lalong lumalalim, at ang mundo niya na inakala niyang gumuho na, ay biglang nagkaroon ng bagong hamon. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot sa bagong posisyong ito.
Pagpasok ni Sharon sa hotel kinabukasan, ang mga tingin ng mga dating kasamahan niya ay kasinglamlam ng mga ilaw sa hallway. Ang naririnig niya na lang ay ang mga bulungan tungkol sa kung paano raw "naaikit" ang CEO sa loob ng elevator para makuha ang posisyong ito.Pilit niyang binalewala ang lahat. Dumiretso siya sa Executive Floor, sa opisina kung saan siya dapat mag-report. Pero bago pa siya makarating sa pinto ni King, hinarang siya ni Paulo, ang kaniyang assistant."Ms. Garcia, pinatatawag ka ni Sir sa boardroom. May emergency meeting tungkol sa Charity Gala. Pero bago 'yun..." lumapit sa kanya si Paulo at hininaan ang boses. "May naghahanap sa'yo sa staff entrance kanina. Isang lalaking nagngangalang Jessy. Mukhang nanggugulo, kaya pinaalis ng security."Naramdaman ni Sharon ang panunuyo ng lalamunan niya. "S-salamat, Paulo. Haharapin ko na lang siya mamaya."Pagpasok niya sa boardroom, ang hangin ay puno ng tensyon. Nakaupo si Sir King sa dulo ng mahabang lamesa, seryosong nak
Alas-tres na ng madaling araw. Nakasandal ang ulo ni Sharon sa malamig na pader ng hallway ng ospital, yakap ang sarili niya habang pilit na nilalabanan ang antok at gutom. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone niya, umaasa na kahit isang tuldok ay mag-reply si Sir King. Pero nanatiling madilim at tahimik ang screen nito.Napangiti siya nang mapait sa sarili niya. Ano ba ang iniisip mo, Sharon? Bakit ka aasa sa isang taong halos hindi ka nga matitigan nang diretso dahil sa baba ng tingin niya sa’yo? Para sa kanya, isa lang siya numerong pwedeng palitan sa kumpanya niya.Tumayo siya para silipin si Biboy sa salamin ng pinto. Nakita niya si Nurse Joy na may hawak na chart, mukhang seryoso ang hitsura. Lalong sumikip ang kaba sa dibdib niya. Ito na ba ’yun? Ito na ba ang sandaling kailangan niya nang tanggapin na wala na siyang magagawa?Biglang bumukas ang pinto ng elevator sa dulo ng hallway. Inasahan niyang mga janitor o mga doktor na naka-duty ang lalabas, pero natigilan siya
Gusto ni Sharon na magalit dahil sa kawalan ng puso ng boss niya, pero higit sa galit, ramdam niya ang matinding pagkapahiya. Tama naman nito. Kahit mag-iiyak pa siya ng dugo roon, hindi mabubura ang katotohanang niloko siya ni Jessy at hindi mababawasan ang singil sa ospital ni Biboy.Mabilis na lumabas si Sharon at nag-ayos ng sarili sa restroom. Pinunasan niya ang mga mata niya at pinilit na magmukhang maayos. Pagdating niya sa main lobby, sinalubong siya ng mas maraming tao at mas matinding ingay. May darating na importanteng investors ngayong gabi, at kaming mga coordinator ang kailangang sumalo sa lahat ng demands nila.“Sharon! Saan ka ba galing?!” Isang matinis na boses ang bumasag sa konsentrasyon niya.Si Bambi Rose. Senior coordinator rito sa hotel at ang pinakamatinding sakit sa ulo ni Sharon. Maganda nito, galing sa mayamang pamilya, at alam ng lahat na may gusto nito kay Sir King.“Na-trap po ako sa elevator, Ms. Bambi. Namatay po ang kuryente kanina,” paliwanag ni Sharo
May mga araw na pakiramdam ni Sharon, parang isa na lang siyang makinang de-susi. Gigising siya sa umaga, papasok sa trabaho sa hotel, aasikasuhin niya si Biboy, at kung may matira pang oras, idadaan niya na lang sa kaunting tulog bago muling ulitin ang lahat kinabukasan. Nakakapagod, oo, pero wala siyang karapatang mapagod. Sa kanilang dalawa ni Biboy, siya ang kailangang manatiling matatag.Bitbit niya ang isang plastik ng pansit at ilang pirasong tinapay, dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan ng apartment nila. Nanginginig ang mga binti niya matapos ang halos sampung oras na nakatayo bilang coordinator sa hotel. Pero kahit pagod, ang iniisip niya lang ay may pagsasaluhan sila ni Jessy ngayong gabi. Birthday nito, at kahit kapos na kapos, pinilit niyang bumili ng paborito nito.“Sana gising pa rito,” bulong niya sa sarili niya habang hinahanap niya ang susi sa bag.Pagdating niya sa tapat ng pinto, napakunot ang noo niya. Bahagyang nakawang ang pinto ng unit nila. Ang unang pumasok s







