Share

CHAPTER 28

Author: Golden Lee
last update publish date: 2026-04-11 10:43:27

Nang marinig ang mga salitang iyon, tila may kuryenteng gumapang sa mga daliri ni Lia at kusa itong nanginig.

Pinilit niyang panatilihin ang malamig na boses. "Matagal na akong hindi humahawak ng lapis para gumuhit. Wala na akong inspirasyon, Mr. Serano. Humanap ka na lang ng iba."

Akma nang tatayo si Lia para lumabas, ngunit mabilis na hinablot ni Adrian ang kanyang pulsuhan. Ang mga mata nito, na kasing-dilim ng gabi, ay nakatitig nang diretso sa ka

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 119

    Nayanig ang buong media nang tuluyang ilabas ni Adrian ang kanyang opisyal na pahayag.Walang pasubali niyang inamin sa harap ng publiko na ang wedding dress ay isang pribadong obra ni Lia Cruz, at hindi isang damit na ipinasadya niya para kay Wendy. Humingi siya ng paumanhin sa paglabag sa copyright at nag-alok ng kaukulang danyos para sa pinsalang idinulot nito.Dahil dito, ang mga komento at usap-usapan ay muling sumabog na parang bulkang nag-alboroto. Ngunit higit sa iskandalo, ang napakalaking halaga ng kompensasyon na ibinigay ni Adrian ang pumukaw sa interes ng lahat tungkol sa pambihirang talento ni Lia sa pagdidisenyo.Sa loob lang ng ilang oras, ang mga kilalang haligi at unibersidad sa mundo ng fashion ay nagsimula nang mag-unahan na kontakin si Lia sa pamamagitan ng iba't ibang channels.Ngunit habang nakatitig sa baha ng mga pribadong mensahe sa kanyang cellphone, walang ibang naramdaman

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 118

    Nang marinig iyon, buong lakas na itinulak ni Zoe si Bruce palayo. Marahas itong lumapit at kinuwelyuhan si Adrian. Matangkad si Zoe at mas lalo na ngayon dahil sa boots na suot nito kaya magkapantay lang ang mata nila."Adrian, huwag mong isiping natatakot ako sa 'yo! Isinilang ni Lili ang mga anak mo, pero iniwan mo siya noong mga oras na kailangan ka niya! At ngayon, ibinigay mo pa ang obra niya sa kutong ‘yan?! Sa mga kasalanan mo pa lang na 'yan, kulang ang kalahating oras na bugbog sa 'yo!"Itinaas ni Zoe ang kanyang kanang kamay, handang ilapat ang isang malakas na suntok sa mukha ng bilyonaryo.Napapikit na lang si Bruce sa takot. Mula pagkabata, lahat ng taong nagtangkang magbuhat ng kamay kay Adrian ay nagtamo ng hindi mabilang na ganti at kalunos-lunos na katapusan. Tahimik na lang siyang nag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ni Zoe.Ngunit lumipas ang ilang segundo, walang tunog n

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 117

    Sa litrato, nakaupo si Wendy sa isang coffee shop kasama ang isang estranghero. Pero hindi ang mukha ng lalaki ang bumasag sa konsentrasyon ni Adrian, kundi ang tattoo ng ulo ng lobo na nakabandera sa braso nito.Biglang umalingawngaw sa isip niya ang babala ni Bruce noon, ang markang iyon ang simbolo ng mga miyembro ng dayuhang mafia.Ibig sabihin, may koneksyon si Wendy sa sindikato.Nang pumasok sa utak ni Adrian ang posibilidad na ang grupong ito ang may gawa sa nangyari sa kanang kamay ni Lia, unti-unting namuti ang kanyang mga daliri sa higpit ng pagkakahawak sa larawan. Lumabas ang nagngangalit na ugat sa kanyang braso. Agad niyang dinial ang numero ni Bruce."Nasaan ka?" matigas niyang tanong pagkasagot pa lang ng linya.Bakas ang gulat sa boses ni Bruce sa kabilang linya. "Nasusunog na ang sarili mong bakod ngayong naisasapubliko palang ang pagtungtong niyo sa global

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 116

    Habang nakatitig sa mag-iina na tuluyan nang napatawad ang isa't isa, nakaramdam si Adrian ng isang hindi maipaliwanag na emosyon. May kaunting luwag, ngunit mas nangingibabaw ang lungkot. Ang buong pamilya nilang apat na sana’y pagsusumikapan niyang bawiin, ay nalulusaw sa kanyang harapan. Ang kaligayahang abot-kamay na niya sana ay winasak niya nang tuluyan.Naisip niya, wala nang mas tanga pang lalaki sa mundo kaysa sa kanya. Hawak na niya ang pinakamagandang baraha, ngunit winasak niya ang sariling laro. Ngayon, nalalasahan na niya ang mapait na bunga ng pag-iisa at pagka-ulila na ipinaranas niya kay Lia noon. Doble ang balik ng karma sa kanya; ito ang nararapat sa kanya, at wala siyang karapatang magreklamo.Gusto niyang humakbang, gusto niyang sumali sa yakap ng tatlo at maranasan ang init ng isang pamilya. Ngunit ilang beses man niyang sinubukang itaas ang kanyang kamay, nanatili itong nakalaylay sa gilid. Alam niyang wala nang

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 115

    Isang pilit at sarkastikong tawa ang kumawala sa mga labi ni Lia."Adrian, sa tingin mo ba bobo ba ako para utuin mo ulit?" Malamig ang boses niya, ngunit bawat salita ay may talim na humihiwa sa hangin. "Sa loob ng apat na taong pagsasama natin, pumasok ba kahit isang beses sa isip mo ang pakasalan ako sa harap ng altar? Hindi, 'di ba? Ang tanging inatupag mo araw-araw ay kung paano ako gagamitin at kung paano ako tuluyang palalayasin sa pamilya Serano. Ayoko na sanang magtanim ng galit sa nakaraan, pero sumobra ka na. Sinira mo ang limitasyon ko, at titiyakin kong hindi ka makakalusot ngayon."Nang magtagpo ang kanilang mga mata, halos mapaurong si Adrian sa lalim ng poot na nakita niya sa mga mata ni Lia. Para siyang sinaksak ng kutsilyo diretso sa kanyang puso.Nang magsalita siya, gumaralgal at tuluyang napaos ang kanyang boses. "Lia... handa akong makipagtulungan sa kahit anong gusto mong gawin para maayos 'to. Per

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 114

    Hinalikan ni Noah ang ulo ng kapatid at bumulong, "Huwag kang umiyak... andito lang si Kuya."Niyakap ni Bunbun ang leeg ng kapatid, na ngayo’y humahagulgol na. "Bad si Daddy... bad si Daddy."Matalas ang isip ng bata; naiintindihan niya ang lahat. Nakita niyang magpapakasal sa iba ang Daddy niya. Paano naman ang Mommy niya? Ibig bang sabihin nito ay tuluyan na sila nitong iiwan?Nasasaktan din si Noah para sa kapatid. Pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang maliit niyang kamay. "Inaway niya si Mommy. Sobrang bad guy niya. Huwag na natin siyang kakausapin kahit kailan."Tumango-tango si Bunbun habang sumisinghot. "Hm-mm!" Kahit mahal na mahal niya ang Daddy niya, mas mahal niya ang Mommy niya. Hindi niya papayagang saktan nito ang kanilang ina.Hinila ni Noah ang kamay ni Bunbun patungo kay Lia. Pagkakita sa namumulang mukha ng ina, hindi na nakatiis ang batang babae at

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 64

    Blangko at walang kahit anong emosyon ang isinalubong sa kanya ng mukha ni Lia. Naalala niya ang nangyari sa paaralan noon, ganito rin ang naging mga bitaw ng salita ni Adrian, na parurusahan nito ang babae. Ngunit sa isang pagbabanta lang ng pagpapakamatay ni Wendy, mabilis pa rin itong tumakbo

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 61

    Hindi lubos maisip ni Noah kung bakit nagagawa siyang idiin ng Tita Wendy sa isang bagay na hindi naman niya ginawa. Malinaw sa kanyang isip na wala siyang itinulak. Wala siyang ginawang masama.Tumingala siya, sinalubong ang mga mata ni Adrian habang ang kanyang sariling pan

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 60

    Sampung minuto ang mabilis na lumipas nang biglang isang marahas na sigaw ang umalingawngaw mula sa labas ng hardin. “May nahulog sa tubig! Bilisan ninyo, magtawag kayo ng saklolo!”Sa pagkakarinig ng palahaw na iyon, tila ba sinaksak ng kidlat ang buong pagkatao

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 59

    Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binanggit ni Adrian ang tungkol sa bayolohikal na ina ni Noah sa harap ng ibang tao.Bago ang araw na ito, alam ng lahat sa buong lungsod na may anak ang makapangyarihang Serano, ngunit walang sinumang nakakaalam kung sinong babae ang nagl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status