Chapter: Chapter 5"Bakit mo gusto mong ipagpaliban?" Seryosong tanong ni Professor Valdez.Napayuko ako bago sumagot sa tanong ni Professor Valdez."Pagkatapos kong maipanganak ang bata, plano ni Magnus na hiwalayan ako. Ayokong ipagpatuloy ang malas na relasyong namin. Gusto kong magsimulang muli ng sarili kong buhay." Hindi na ako nagsinungaling. Para saan pa para itago ko iyon kay Professor Valdez dahil isa naman siya sa taong buo ang tiwala sa akin.Hindi mahaba o maikli ang anim na buwan, pero para sa akin ay parang panghabambuhay na iyon.Kumunot ang noo ni Professor Valdez. Naiisip niya siguro na ang dating maaliwalas at payat na babae na kilala niya noon ay nagbago nang husto sa maikling panahon, na nagpapakita kung gaano kahirap ang aking pinagdaanan."Natutuwa akong natauhan ka na at bumangon ka na sa pagkakahimlay mo sa nararamdaman mo sa kanya. Sadya sigurong hindi talaga kayo magkasundo ni Magnus. Tiyak na makakatagpo kayo ng isang taong tunay na magmamahal sa inyo sa hinaharap."Ibinaba a
Last Updated: 2026-02-25
Chapter: Chapter 4Kalaliman ng gabi.Laking gulat ko nang makita ko si Magnus. Hindi siya umuuwi sa villa sa gabi. Dadaan lang siya sa umaga at kukumustahin ang batang dinadala ko kung maayos lang ba ito.."Ikaw…""Igawa mo ako ng isang mangkok ng sopas para sa hangover at dalhin mo sa aking study room."Pagkatapos sabihin iyon ay umakyat si Magnus sa kanyang study room.Natauhan ako at pumunta sa kusina para magluto ng sopas sa hangover para kay Magnus, na dinala ko sa study room.Binubuklat ni Magnus ang mga dokumentong hawak niya, malamig at malungkot ang ekspresyon, na nagpapakita ng isang aura ng walang pakialam sa presensya ko.Hindi ko siya ginulo at tumalikod na para lumabas ng study room matapos kong dalhin siya ang sopas na niluto ko.Kahit nasa bahay si Magnus, natulog naman kami na magkahiwalay ang kwarto.Sa master bedroom sa ikalawang palapag natutulog si Magnus, habang ako ay natulog sa isang guest room sa unang palapag.Kinabukasan.Dahil nasa bahay si Magnus, naghanda ang yaya ng masar
Last Updated: 2026-02-25
Chapter: Chapter 3"Lunes bukas, may oras ka ba sa hapon? Bakit hindi tayo pumunta sa Civil Affairs Bureau para asikasuhin iyon nang maaga? Pero, hindi naman dapat maging problema kung pupunta tayo nang dalawang buwan nang mas maaga, di’ ba?" dagdag ko habang tahimik si Magnus na halatang nagulat sa pagpayag ko.Pagkatapos pirmahan ang mga papeles, kailangan ko pang maghintay ng isang buwan para sa isang cooling-off period, at hindi magtatagal ay manganak na ako.Tumingin si Magnus sa akin, kalmado at mahinahon ang ekspresyon nito, ngunit may bahid ng pagkausisa ang lumitaw sa mga mata niya na hindi makapaniwala. "Anuman ang oras na sabihin ko, iyon na ang oras, ako ang magpapasya." sabi ni Magnus saka binawi ang tingin niya sa akin.Binawi ko rin ang tingin ko kay Magnus at hindi na nagsalita pa. Wala na rin naman akong idadag pa tungkol sa aming pinag-uusapan.Ilang sandali pa ay dumating na kami sa mansyon ng pamilya Alvaro.Ang dahilan kung bakit kami tinawag pabalik ng lolo ni Magnus ay dahil nga
Last Updated: 2026-02-25
Chapter: Chapter 2Habang nasa kalaliman ako ng pag iisip, narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone.Nabaling doon ang aking pansin. Kinuha ko ang cellphone sa bag, sandali akong natigilan ng makita kung sino ang tumatawag sa akin.Ang adviser ko noon ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot.“Professor Valdez, napatawag kayo?”“May bakanteng posisyon para sa isang PhD program sa Quirino State University. Gusto mo bang subukan?”Natigilan ako nang marinig ko ang balitang iyon kay Professor Valdez.Ilang sigundo rin akong natahimik at hindi nakasagot.“Hindi mo na ba kailangan…”“Pupunta ako!” agad kong sagot ng muling magsalita si Professor Valdez na parang gustong bawiin ang sinabi nito sa akin. Puno ng determinasyon ang boses ko.Sa kabilang linya ay si Professor Valdez naman ang natigilan. Dahil kilang kilala niya ako. Kung paano ko pinagsikapan na makalapit kay Magnus. At ngayon na natupad na ang isa sa pangarap ko, na maging asawa si Magnus at magkakaroon na rin kami ng anak, hindi na basta-basta ako
Last Updated: 2026-02-25
Chapter: Chapter 1Ika-dalawamput siyam na linggo na ang pinagbubuntis ko. At habang ako ay nasa ospital para magpacheck-up, nakita ko si Magnus, ang aking asawa na may ibang babaeng kasama.Hindi ako pwedeng magkamali, sa tangkad at gwapong mukha ng aking asawa na nakasuot ng itim na amerikana. Si Magnus iyon. Walang pagdududa.Isang maganda at mahinhin na babae ang nasa mga bisig niya, nakaalalay ang aking asawa sa babaeng iyon.Ang babae ay nakasuot ng puting mabalahibong diyaket, ang pisngi nito ay namumula, at ang maliit na mukha nito ay nababalot ng malambot na lana na bandana. Ang kulay ng kutis ay parang isang manikang porselana.Humigpit ang hawak ko sa resulta ng pinagbubuntis ko, nanlalamig ang aking mga kamay. Parang may humampas na malamig na hangin sa aking mga pisngi, ngunit mas naging malamig ang aking pakiramdam sa kakaibang pagtibok ng aking puso. Parang pinipiga at may kung anong tumatarak sa aking puso.Ang sakit.Nakita ako ni Magnus mula sa malayo. Ngunit nakita kong wala man lang
Last Updated: 2026-02-25