LOGINHabang nasa kalaliman ako ng pag iisip, narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone.
Nabaling doon ang aking pansin. Kinuha ko ang cellphone sa bag, sandali akong natigilan ng makita kung sino ang tumatawag sa akin.
Ang adviser ko noon ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot.
“Professor Valdez, napatawag kayo?”
“May bakanteng posisyon para sa isang PhD program sa Quirino State University. Gusto mo bang subukan?”
Natigilan ako nang marinig ko ang balitang iyon kay Professor Valdez.
Ilang sigundo rin akong natahimik at hindi nakasagot.
“Hindi mo na ba kailangan…”
“Pupunta ako!” agad kong sagot ng muling magsalita si Professor Valdez na parang gustong bawiin ang sinabi nito sa akin. Puno ng determinasyon ang boses ko.
Sa kabilang linya ay si Professor Valdez naman ang natigilan. Dahil kilang kilala niya ako. Kung paano ko pinagsikapan na makalapit kay Magnus. At ngayon na natupad na ang isa sa pangarap ko, na maging asawa si Magnus at magkakaroon na rin kami ng anak, hindi na basta-basta ako makakaalis.
Wala namang balak si professor Valdez na hikayatin ako na mag aral ulit ngunit hindi siguro nito napaghandaan ang agad kong pagpayag.
“Professor Valdez?” tawag ko kay professor Valdez ng ilang segundo din itong natahimik sa kabilang linya.
“Kung gayon, pumunta ka sa opisina ko bukas ng alas-diyes ng umaga.”
“Sige, Professor Valdez.”
Hindi na nagsalita pa si Professor Valdez at ibinaba na ang telepono.
Ibinaba ko na rin ang aking cellphone.
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga, hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot.
Kailan ko maihahalintulad ang nararamdaman ko sa pag liwanag ng buwan pagkatapos magtago sa makapal na ulap. Dapat ganun din ako ngayon. Dapat magising na ako sa katotohanan na ang lalaking mahal ko ay hindi kailanman mapapasakin.
Sa aking pagmumuni-muni ay muli akong nakatanggap ng tawag mula sa matandang Alvaro, na hinihiling sa akin na bumalik sa lumang mansyon ng pamilya Alvaro. Pumayag ako, marahil dahil sa sanggol na aking dinadala.
Muli akong nagpakawala ng isang malalim na paghinga.
Pumunta na muna ako sa banyo para maligo at makapag ayos kahit papano.
Habang nakaupo sa harap ng dressing table, tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Namamaga at bilugan ang aking mukha, may maitim na bilog, eyebags, lumubog na eye sockets, at mga tuldok sa buong pisngi.
Ang isang pangit na anyo na tiyak na mangingilabot ang sinumang makakakita sa akin.
Paano magiging kwalipikado ang isang taong katulad ko na makatabi ang isang mayaman at gwapong tulad ni Magnus?
Nag-makeup ako ng kaunti para itago lang ang pamamaga ng mukha ko, nagpalit ng pink na down jacket, at nagsuot ng puting bilog na sumbrero, para kahit papano ay mag mukha akong masigla.
Plano ko sa simula na magmaneho pabalik sa lumang mansyon.
Ngunit paglabas ko pa lang ng kwarto ko, nakatanggap ako ng tawag mula kay Magnus.
"Lumabas ka." nahimigan ko ang kalamigan sa boses ni Magnus ng sabihin iyon sa akin.
Nagulat ako sa pagtawag niya pero hindi na nakakagulat ang kalamigan ng pakikipag usap niya sa akin.
Malamang ang lolo niya ang nag-utos sa kanya na sunduin ako para na bumalik sa lumang mansyon.
"Sige." matipid kong sagot.
Lumabas na ako ng villa.
Nakaparada ang isang itim na magarang sasakyan sa tarangkahan. Naalala ko pa dalawang oras bago ngayon, sakay ng sasakyan na ito ang isang babae kasama si Magnus kanina.
Huminga ako nang malalim, humakbang paharap, binuksan ang pinto ng kotse, at sumakay.
Pagkapasok ko pa lang sa kotse, naamoy ko agad ang matapang na amoy ng pabango, isang matamis at nakakabatang halimuyak. Mayroon ding kulay rosas na teddy bear sa loob ng kotse, na malinaw na nagpapakita na mahilig ang babaeng kasama ni Magnus kanina sa mga malalambot na laruan.
Napatingin pa ako sa kamay ni Magnus, mayroon siyang suot na panali ng buhok ng isang babae.
Ganito iginigiit ng babaeng iyon ang soberanya nito. Na si Magnus ay pagmamay ari na ng babaeng iyon.
Siguradong may gusto talaga si Magnus sa babaeng 'yun kaya hinayaan niyang isuot ang panali ng buhok na iyon.
Nakaramdam man ako ng paninikip ng dibdib ay pinigilan ko na makaramdam ng pait sa aking puso, umayos ako ng upo. Nagsuot ng seatbelt.
Hanggang sa dahan dahan ng nagmaneho si Magnus paalis.
Tumingin ako sa bintana ng kotse, pinili ko ang manahimik.
Dati, tuwing may oras akong kasama siya, pinahahalagahan ko at sinisikap na mapalapit sa kanya. Kahit halata na ayaw niyang makasama ako, matiyaga akong naghahanap ng mga paksang mapag-uusapan naming dalawa.
Dahil lamang sa walang kabuluhan kong pantasya na balang araw ay mapapansin niya ako. Na ngayon mag-asawa na kami at magkakaroon ng anak, umaasa ako na magkakaroon ako ng pagkakataong mapaibig siya. Naniniwala ako noon na hanggat magiging mabuti akong asawa kay Magnus ay iibig din siya sa akin.
Pero nagkamali ako, dahil alam kong niloloko ko na lang ang aking sarili.
Dahil matigas ang puso si Magnus, wala itong pakialam sa aking nararamdaman. At ngayon ay natauhan na ako, kaninang nakita si Magnus na may kasamang ibang babae, nagising na ako sa katotohanan na hindi ko siya mapapaibig. Dahil may mahal na itong iba.
“Anong kasarian ng bata?” malamig at tila hindi naman interesado si Magnus na tanong sa akin na bumasag sa katahimikan bumalot sa amin sa loob ng sasakyan.
“Tulad pa rin ng dati.” tipid kong sagot.
Hindi ko na rin naman iyon mababago. Gustuhin man kong lalaki sana ang maging anak namin para hindi niya ako hiwalayan ay mas mabuting naging babae na rin. Dahil mawawakasan na ang aming pagsasama.
Nanatili ang kaseryosohan sa gwapong mukha ni Magnus.
“Magdidiborsyo tayo pagkatapos ipanganak ang bata." sabi niya sa malamig na tinig.
Hindi ako nagkamali, iyon na ang inaasahan kong maririnig kay Magnus.
Humigpit ang hawak ako sa aking seatbelt.
Pakiramdam niya ay parang pinipiga na naman ng husto ang puso ako, hindi ako makahinga ng maayos.
Alam kong hindi na kailanman magtatagal ang kasal na nagtatali sa amin. At kahit na inaasahan ko na iyon, masakit pa rin marinig na si Magnus mismo ang nagsasabi tungkol sa bagay na iyon. Dahil anak lang na babae ang kailangan niya sa akin. Dahil iyon ang gusto ng kanyang lolo at lola na magkaroon ng prinsesa ang kanilang angkan.
Napalunok ako. Kagat ang ibabang labi. Ilang sigundo kong kinalma ang sarili bago sumagot.
"Sige."
Napansin ko ang pagsumulyap si Magnus sa akin, tila nagulat sa mabilis kong pagsang-ayon sa sinabi niyang magdidiboryo kami.
"Bakit mo gusto mong ipagpaliban?" Seryosong tanong ni Professor Valdez.Napayuko ako bago sumagot sa tanong ni Professor Valdez."Pagkatapos kong maipanganak ang bata, plano ni Magnus na hiwalayan ako. Ayokong ipagpatuloy ang malas na relasyong namin. Gusto kong magsimulang muli ng sarili kong buhay." Hindi na ako nagsinungaling. Para saan pa para itago ko iyon kay Professor Valdez dahil isa naman siya sa taong buo ang tiwala sa akin.Hindi mahaba o maikli ang anim na buwan, pero para sa akin ay parang panghabambuhay na iyon.Kumunot ang noo ni Professor Valdez. Naiisip niya siguro na ang dating maaliwalas at payat na babae na kilala niya noon ay nagbago nang husto sa maikling panahon, na nagpapakita kung gaano kahirap ang aking pinagdaanan."Natutuwa akong natauhan ka na at bumangon ka na sa pagkakahimlay mo sa nararamdaman mo sa kanya. Sadya sigurong hindi talaga kayo magkasundo ni Magnus. Tiyak na makakatagpo kayo ng isang taong tunay na magmamahal sa inyo sa hinaharap."Ibinaba a
Kalaliman ng gabi.Laking gulat ko nang makita ko si Magnus. Hindi siya umuuwi sa villa sa gabi. Dadaan lang siya sa umaga at kukumustahin ang batang dinadala ko kung maayos lang ba ito.."Ikaw…""Igawa mo ako ng isang mangkok ng sopas para sa hangover at dalhin mo sa aking study room."Pagkatapos sabihin iyon ay umakyat si Magnus sa kanyang study room.Natauhan ako at pumunta sa kusina para magluto ng sopas sa hangover para kay Magnus, na dinala ko sa study room.Binubuklat ni Magnus ang mga dokumentong hawak niya, malamig at malungkot ang ekspresyon, na nagpapakita ng isang aura ng walang pakialam sa presensya ko.Hindi ko siya ginulo at tumalikod na para lumabas ng study room matapos kong dalhin siya ang sopas na niluto ko.Kahit nasa bahay si Magnus, natulog naman kami na magkahiwalay ang kwarto.Sa master bedroom sa ikalawang palapag natutulog si Magnus, habang ako ay natulog sa isang guest room sa unang palapag.Kinabukasan.Dahil nasa bahay si Magnus, naghanda ang yaya ng masar
"Lunes bukas, may oras ka ba sa hapon? Bakit hindi tayo pumunta sa Civil Affairs Bureau para asikasuhin iyon nang maaga? Pero, hindi naman dapat maging problema kung pupunta tayo nang dalawang buwan nang mas maaga, di’ ba?" dagdag ko habang tahimik si Magnus na halatang nagulat sa pagpayag ko.Pagkatapos pirmahan ang mga papeles, kailangan ko pang maghintay ng isang buwan para sa isang cooling-off period, at hindi magtatagal ay manganak na ako.Tumingin si Magnus sa akin, kalmado at mahinahon ang ekspresyon nito, ngunit may bahid ng pagkausisa ang lumitaw sa mga mata niya na hindi makapaniwala. "Anuman ang oras na sabihin ko, iyon na ang oras, ako ang magpapasya." sabi ni Magnus saka binawi ang tingin niya sa akin.Binawi ko rin ang tingin ko kay Magnus at hindi na nagsalita pa. Wala na rin naman akong idadag pa tungkol sa aming pinag-uusapan.Ilang sandali pa ay dumating na kami sa mansyon ng pamilya Alvaro.Ang dahilan kung bakit kami tinawag pabalik ng lolo ni Magnus ay dahil nga
Habang nasa kalaliman ako ng pag iisip, narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone.Nabaling doon ang aking pansin. Kinuha ko ang cellphone sa bag, sandali akong natigilan ng makita kung sino ang tumatawag sa akin.Ang adviser ko noon ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot.“Professor Valdez, napatawag kayo?”“May bakanteng posisyon para sa isang PhD program sa Quirino State University. Gusto mo bang subukan?”Natigilan ako nang marinig ko ang balitang iyon kay Professor Valdez.Ilang sigundo rin akong natahimik at hindi nakasagot.“Hindi mo na ba kailangan…”“Pupunta ako!” agad kong sagot ng muling magsalita si Professor Valdez na parang gustong bawiin ang sinabi nito sa akin. Puno ng determinasyon ang boses ko.Sa kabilang linya ay si Professor Valdez naman ang natigilan. Dahil kilang kilala niya ako. Kung paano ko pinagsikapan na makalapit kay Magnus. At ngayon na natupad na ang isa sa pangarap ko, na maging asawa si Magnus at magkakaroon na rin kami ng anak, hindi na basta-basta ako
Ika-dalawamput siyam na linggo na ang pinagbubuntis ko. At habang ako ay nasa ospital para magpacheck-up, nakita ko si Magnus, ang aking asawa na may ibang babaeng kasama.Hindi ako pwedeng magkamali, sa tangkad at gwapong mukha ng aking asawa na nakasuot ng itim na amerikana. Si Magnus iyon. Walang pagdududa.Isang maganda at mahinhin na babae ang nasa mga bisig niya, nakaalalay ang aking asawa sa babaeng iyon.Ang babae ay nakasuot ng puting mabalahibong diyaket, ang pisngi nito ay namumula, at ang maliit na mukha nito ay nababalot ng malambot na lana na bandana. Ang kulay ng kutis ay parang isang manikang porselana.Humigpit ang hawak ko sa resulta ng pinagbubuntis ko, nanlalamig ang aking mga kamay. Parang may humampas na malamig na hangin sa aking mga pisngi, ngunit mas naging malamig ang aking pakiramdam sa kakaibang pagtibok ng aking puso. Parang pinipiga at may kung anong tumatarak sa aking puso.Ang sakit.Nakita ako ni Magnus mula sa malayo. Ngunit nakita kong wala man lang







