Share

Chapter 3

Author: Lash Autumn
last update Last Updated: 2026-02-25 08:35:18

"Lunes bukas, may oras ka ba sa hapon? Bakit hindi tayo pumunta sa Civil Affairs Bureau para asikasuhin iyon nang maaga? Pero, hindi naman dapat maging problema kung pupunta tayo nang dalawang buwan nang mas maaga, di’ ba?" dagdag ko habang tahimik si Magnus na halatang nagulat sa pagpayag ko.

Pagkatapos pirmahan ang mga papeles, kailangan ko pang maghintay ng isang buwan para sa isang cooling-off period, at hindi magtatagal ay manganak na ako.

Tumingin si Magnus sa akin, kalmado at mahinahon ang ekspresyon nito, ngunit may bahid ng pagkausisa ang lumitaw sa mga mata niya na hindi makapaniwala. 

"Anuman ang oras na sabihin ko, iyon na ang oras, ako ang magpapasya." sabi ni Magnus saka binawi ang tingin niya sa akin.

Binawi ko rin ang tingin ko kay Magnus at hindi na nagsalita pa. Wala na rin naman akong idadag pa tungkol sa aming pinag-uusapan.

Ilang sandali pa ay dumating na kami sa mansyon ng pamilya Alvaro.

Ang dahilan kung bakit kami tinawag pabalik ng lolo ni Magnus ay dahil nga sa hindi pa isinisilang ang anak namin.

Ang pamilyang Alvaro ay puro kalalakihan ang angkan, at wala pang isa sa kanilang mga angkan ang nagkaroon ng anak na babae.

Ang matadang babae, ang lola ni Magnus ay may dalawang anak na lalaki, ang panganay ay si Marco at ang pangalawa ay si Kristian.

Si Marco ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay na anak ay lalaki, si Tristan, ay ikinasal ilang taon na ang nakalilipas at nagkaroon ng kambal na lalaki na limang taong gulang ngayong taon. Ang pangalawang anak na lalaki, si Warren, ay 24 taong gulang at wala pang asawa.

Si Kristian ay may iisang anak na lalaki lamang, si Magnus.

Kaya naman, parehong tuwang-tuwa ang lolo at lola ni Magnus ng malaman na ang dinadala ko ay babae.

Kaya para sa mga pamilyang Alvaro ay isang masayang biyaya ang pagdating ko sa kanila dahil biniyayaan sila ng isang munting prinsesa. Dahilan para bumuti ang pakiramdam ng dalawang matanda sa kanilang pamilya.

“Hindi na ako makapaghintay sa pagdating ng ating munting prinsesa.” sabi ng Lola ni Magnus.

Nang makita naman ni Hannah-ang ina ni Magnus, kung gaano pinahahalagahan ng kanyang biyenan ang hindi pa isinisilang na anak ko, sinang-ayunan nito ang sinabi ng matanda kahit na mabigat sa loob ay nabitaw ilang magagandang salita sa akin.

Hindi ako bulag at hindi ako manhid na hindi maramdaman ang pagkadisgusto nito sa akin. Pero pagtitiisan ko na lang dahil dalawang buwan na rin lang naman ako magtitiis na makasalamuha sila.

“Maupo ka, Atasha.” magiliw na alok ni Hannah sa akin.

Umupo ako sa isang tabi at masunuring sumunod.

Nang makita ni Hannah ang aking matambok at namamaga kong mukha, hindi iyon ikinatuwa ni Hannah kahit gaano pa ako nito tingnan, ngunit dahil sa konsiderasyon sa matandang babae, hindi nito iyon pinahalata.

Sa magandang kalooban at pasasalamat, binigyan ako ng Matandang Alvaro ng isang mahalagang pulseras na jade.

Nakaramdam ako ng kagalakan sa kabutihan ng matanda sa akin ngunit magalang kong tinanggihan iyon.

"Binibigay sa iyo ni mama, kunin mo na lang." sabi naman ni Hannah.

Hindi nagustuhan ni Hannah na makitang binibigyan ako ng matanda ng isang mamahalin at napakagandang pulseras, para itong may inggit na hindi ko mawari.

"Salamat po, Lola."

Kahit na ayaw ko sanang tanggapin iyon ay napilitan ako dahil halatang naging masama na ang tingin sa akin ng mama ni Magnus.

"Alagaan mong mabuti ang iyong sarili habang nagbubuntis at manganak ka ng isang malusog na sanggol."

Ngumiti ako at tumango. Alam kong ang kabaitan sa akin nig Matandang Alvaro ay hindi dahil sa akin. Kundi para lamang sa batang dinadala ko.

Ako at si Magnus ay nagpasyang manatili para maghahapunan sa lumang mansyon.

Hanggang sa nakatanggap ng tawag si Magnus.

Ang mga mata niya ay nakangiti, puno ng magkagiliw at pagmamahal, may lambing. Hindi tulad ng lagi niyang pakikipag usap sa akin na walang kaemo-emosyon at puro kalamigan lang.

Kung ang babaeng mahal ni Magnus ang kasama niya, malamang na magiging mabuting ama at asawa siya.

"Sige, pupunta ako diyan."

Binaba na niya ang telepono.

Lumingon si Magnus at lumabas sa balkonahe, kung saan nakita niya ako na nakatayo sa labas. Nagulat ako at hindi agad nakapag-react ng makita ko siya. Nang tumingala ako sa kanya, sumalubong sa akin ang malamig niyang mukha.

"Gusto ni Lola na pumunta ako sa study room." malamig ang tono na sabi niya sa akin.

“Okay!”

Wala ng sinabi si Magnus at naglakad palayo.

Nakatayo lang ako roon, kakaiba na naman ang tibok ng puso ko, para na naman iyong pinipiga sa sakit.

Matagal bago ako natauhan ng hindi na matanaw ng aking mga mata si Magnus.

Narating ko ang study room ng aking lolo.

Naroon na sina lolo at lola na naghihintay sa akin.

"Magnus, alam ni Lola na ayaw mo kay Atasha, pero malapit ng isilang ang sanggol. Nakikita ko na si Atasha ay isang napakagandang tao, isang mahusay na estudyante mula sa isang prestihiyosong unibersidad, at siya rin ay mabait. Ang kailangan mo sa inyong pagsasama ay katatagan, at si Atasha ang pinakaangkop na babae upang maging isang mabuting asawa at ina para sayo."

Nanatiling akong tahimik habang pinagkikinggan ko ang sinasabi ni lola.

Pero ang aking nakakunot na mga kilay ay nagpapakita ng aking pagkadismaya.

Paanong hindi nakikita ni lola na ang hitsura ni Atasha ay talagang ordinaryo lang, at hindi kaaya ayang pagmasdan ang mukha niya ngayon.

"Hindi dapat baguhin ang kasal ninyo sa ngayon. Kung wala naman siyang pagkukulang ay huwag ka na munang makipaghiwalay sa kanya. Para sa magiging anak niyo.” sabi naman ni lolo.

"Oo, napakaraming mata ang nakatingin sa iyo ngayon, naghihintay na magkagulo tungkol sa iyo. Hindi pa huli ang lahat para iwan mo si Atasha matapos mong mapalaki nang maayos ang bata." pasigunda naman ni lola.

Nag-isip ako, hindi agad nagsalita, ngunit alam ko na halata nina lola na ang lalim ng aking iniisip.

"Lolo at Lola, naiintindihan ko po." sagot ko na sa kanila sa ilang segundo kong pananahimik.

Para sa aking magiging anak kay Atasha ay pakikisamahan ko na muna niya siya ng ilang taon.

Nakita muli ako ni Lola Sandra.

"Biglang may nangyari sa kompanya ni Magnus, kaya kailangan muna niyang umalis. Ipapahatid kita sa driver pauwi mamaya." sabi sa akin ni Lola Sandra ng mapasulyap sa akin.

Tumango ako.

"Sige po."

Bago ako umalis, piinaalalahanan pa ako ni Lola Sandra.

"Kahit buntis ka, kailangan mo pa ring mag-ehersisyo nang mas madalas at alagaan ang iyong sarili. Noong buntis ang iyong isang manugang ko at ang iba pa, hindi lamang namin kailangang samahan ang aming mga asawa sa mga kaganapan, kundi pati na rin ang mga gawaing-bahay. Tandaan mo, may mga bagay na madaling dumarating, ngunit hindi madaling panghawakan ang mga iyon magpakailanman."

Agad na naunawaan ko ang kahulugan sa likod ng mga salita ni Lola Sandra sa akin. Hindi man diretsang sinabi sa akin ang totoo, ay para na rin nitong sinabi na huwag kong panghawakan ang kabaitan nila ngayon.

Hindi madali ang pagiging manugang sa pamilyang Alvaro. Para masiguro ang aking posisyon, kailangan kong baguhin ang aking sarili.

Ang aking kaanyuan ngayon ay lalo lamang nagpapahiya kay Magnus.

Sinubukan ko naman iyon noon, sa pamamagitan ng pag-eehersisyo, pagsasanay ng yoga, at pagbabawas ng timbang, ngunit kulang ako sa determinasyon na magpatuloy ako at napagod sa pisikal at mental na aspeto, at ang aking katawan ay lalong tumaba.

Gayunpaman, tama si Lola Sandra. Hindi ko maaaring hayaan ang aking sarili na maging labis na nalulumbay, hindi para masiguro ang aking posisyon, kundi para sa aking kinabukasan.

"Lola, naiintindihan ko po."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back   Chapter 5

    "Bakit mo gusto mong ipagpaliban?" Seryosong tanong ni Professor Valdez.Napayuko ako bago sumagot sa tanong ni Professor Valdez."Pagkatapos kong maipanganak ang bata, plano ni Magnus na hiwalayan ako. Ayokong ipagpatuloy ang malas na relasyong namin. Gusto kong magsimulang muli ng sarili kong buhay." Hindi na ako nagsinungaling. Para saan pa para itago ko iyon kay Professor Valdez dahil isa naman siya sa taong buo ang tiwala sa akin.Hindi mahaba o maikli ang anim na buwan, pero para sa akin ay parang panghabambuhay na iyon.Kumunot ang noo ni Professor Valdez. Naiisip niya siguro na ang dating maaliwalas at payat na babae na kilala niya noon ay nagbago nang husto sa maikling panahon, na nagpapakita kung gaano kahirap ang aking pinagdaanan."Natutuwa akong natauhan ka na at bumangon ka na sa pagkakahimlay mo sa nararamdaman mo sa kanya. Sadya sigurong hindi talaga kayo magkasundo ni Magnus. Tiyak na makakatagpo kayo ng isang taong tunay na magmamahal sa inyo sa hinaharap."Ibinaba a

  • When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back   Chapter 4

    Kalaliman ng gabi.Laking gulat ko nang makita ko si Magnus. Hindi siya umuuwi sa villa sa gabi. Dadaan lang siya sa umaga at kukumustahin ang batang dinadala ko kung maayos lang ba ito.."Ikaw…""Igawa mo ako ng isang mangkok ng sopas para sa hangover at dalhin mo sa aking study room."Pagkatapos sabihin iyon ay umakyat si Magnus sa kanyang study room.Natauhan ako at pumunta sa kusina para magluto ng sopas sa hangover para kay Magnus, na dinala ko sa study room.Binubuklat ni Magnus ang mga dokumentong hawak niya, malamig at malungkot ang ekspresyon, na nagpapakita ng isang aura ng walang pakialam sa presensya ko.Hindi ko siya ginulo at tumalikod na para lumabas ng study room matapos kong dalhin siya ang sopas na niluto ko.Kahit nasa bahay si Magnus, natulog naman kami na magkahiwalay ang kwarto.Sa master bedroom sa ikalawang palapag natutulog si Magnus, habang ako ay natulog sa isang guest room sa unang palapag.Kinabukasan.Dahil nasa bahay si Magnus, naghanda ang yaya ng masar

  • When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back   Chapter 3

    "Lunes bukas, may oras ka ba sa hapon? Bakit hindi tayo pumunta sa Civil Affairs Bureau para asikasuhin iyon nang maaga? Pero, hindi naman dapat maging problema kung pupunta tayo nang dalawang buwan nang mas maaga, di’ ba?" dagdag ko habang tahimik si Magnus na halatang nagulat sa pagpayag ko.Pagkatapos pirmahan ang mga papeles, kailangan ko pang maghintay ng isang buwan para sa isang cooling-off period, at hindi magtatagal ay manganak na ako.Tumingin si Magnus sa akin, kalmado at mahinahon ang ekspresyon nito, ngunit may bahid ng pagkausisa ang lumitaw sa mga mata niya na hindi makapaniwala. "Anuman ang oras na sabihin ko, iyon na ang oras, ako ang magpapasya." sabi ni Magnus saka binawi ang tingin niya sa akin.Binawi ko rin ang tingin ko kay Magnus at hindi na nagsalita pa. Wala na rin naman akong idadag pa tungkol sa aming pinag-uusapan.Ilang sandali pa ay dumating na kami sa mansyon ng pamilya Alvaro.Ang dahilan kung bakit kami tinawag pabalik ng lolo ni Magnus ay dahil nga

  • When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back   Chapter 2

    Habang nasa kalaliman ako ng pag iisip, narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone.Nabaling doon ang aking pansin. Kinuha ko ang cellphone sa bag, sandali akong natigilan ng makita kung sino ang tumatawag sa akin.Ang adviser ko noon ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot.“Professor Valdez, napatawag kayo?”“May bakanteng posisyon para sa isang PhD program sa Quirino State University. Gusto mo bang subukan?”Natigilan ako nang marinig ko ang balitang iyon kay Professor Valdez.Ilang sigundo rin akong natahimik at hindi nakasagot.“Hindi mo na ba kailangan…”“Pupunta ako!” agad kong sagot ng muling magsalita si Professor Valdez na parang gustong bawiin ang sinabi nito sa akin. Puno ng determinasyon ang boses ko.Sa kabilang linya ay si Professor Valdez naman ang natigilan. Dahil kilang kilala niya ako. Kung paano ko pinagsikapan na makalapit kay Magnus. At ngayon na natupad na ang isa sa pangarap ko, na maging asawa si Magnus at magkakaroon na rin kami ng anak, hindi na basta-basta ako

  • When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back   Chapter 1

    Ika-dalawamput siyam na linggo na ang pinagbubuntis ko. At habang ako ay nasa ospital para magpacheck-up, nakita ko si Magnus, ang aking asawa na may ibang babaeng kasama.Hindi ako pwedeng magkamali, sa tangkad at gwapong mukha ng aking asawa na nakasuot ng itim na amerikana. Si Magnus iyon. Walang pagdududa.Isang maganda at mahinhin na babae ang nasa mga bisig niya, nakaalalay ang aking asawa sa babaeng iyon.Ang babae ay nakasuot ng puting mabalahibong diyaket, ang pisngi nito ay namumula, at ang maliit na mukha nito ay nababalot ng malambot na lana na bandana. Ang kulay ng kutis ay parang isang manikang porselana.Humigpit ang hawak ko sa resulta ng pinagbubuntis ko, nanlalamig ang aking mga kamay. Parang may humampas na malamig na hangin sa aking mga pisngi, ngunit mas naging malamig ang aking pakiramdam sa kakaibang pagtibok ng aking puso. Parang pinipiga at may kung anong tumatarak sa aking puso.Ang sakit.Nakita ako ni Magnus mula sa malayo. Ngunit nakita kong wala man lang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status