Share

When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back
When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back
Author: Lash Autumn

Chapter 1

Author: Lash Autumn
last update Last Updated: 2026-02-25 08:33:25

Ika-dalawamput siyam na linggo na ang pinagbubuntis ko. At habang ako ay nasa ospital para magpacheck-up, nakita ko si Magnus, ang aking asawa na may ibang babaeng kasama.

Hindi ako pwedeng magkamali, sa tangkad at gwapong mukha ng aking asawa na nakasuot ng itim na amerikana. Si Magnus iyon. Walang pagdududa.

Isang maganda at mahinhin na babae ang nasa mga bisig niya, nakaalalay ang aking asawa sa babaeng iyon.

Ang babae ay nakasuot ng puting mabalahibong diyaket, ang pisngi nito ay namumula, at ang maliit na mukha nito ay nababalot ng malambot na lana na bandana. Ang kulay ng kutis ay parang isang manikang porselana.

Humigpit ang hawak ko sa resulta ng pinagbubuntis ko, nanlalamig ang aking mga kamay. Parang may humampas na malamig na hangin sa aking mga pisngi, ngunit mas naging malamig ang aking pakiramdam sa kakaibang pagtibok ng aking puso. Parang pinipiga at may kung anong tumatarak sa aking puso.

Ang sakit.

Nakita ako ni Magnus mula sa malayo. Ngunit nakita kong wala man lang siyang naging reaksyon ng makita ako. Taas ang noo siyang diretso lang ang paghakbang palabas ng ospital kasama ang babae. Maingat ang pagbukas ng pinto para sa babae, napakabanayad ng ekspresyon niya.

Hindi ko akalain na makikita ko si Magnus ng ganun ka banayad sa isang tao. Kilala siya bilang isang malupit na tao ngunit hindi ko akalain na ang isang tulad ni Magnus ay may tinatago ng banayad na ekspresyon.

Tila napansin naman ako ng babaeng kasama niya. Bahagya itong tumigil at napa sulyap sa akin na may nagtatakang tingin.

“Bakit nakatingin ang manang na iyon sa atin? Kilala mo ba siya, Kuya Magnus?” tanong ng babae kay Magnus.

Muli akong nakaramdam ng malamig na hangin na tila humampas sa aking pandinig. Tila ako nabingi. Tinawag akong manang ng babae gayung dalawampu't-apat na taong gulang lamang ako.

Gayunpaman, dahil sa medyo bumilog na ang aking pangangatawan dahil sa aking pagbubuntis. Idagdag pa ang aking suot, nakabalot ako ng itim na malaking diyaket at nakasuot ng itim na sumbrerong lana, ang aking katawan, na nasa huling dalawang buwang pagbubuntis, ay namamaga na ang aking mga balat at mabigat sa aking pakiramdam. Kasama ang aking pagod na mukha, talagang mapagkakamalan akong manang na nasa edad trenta o kwarenta. At hindi na maihahambing sa isang bata at magandang babae.

Tinulungan na ni Magnus ang babae na makasakay sa kotse. Habang nanatili lang ako sa aking kinatatayuan, pinanood ang pag-alis ng sasakyan.

Pinakasalan ako ni Magnus dahil nabuntis niya ako. Ang sapilitang pagpapakasal namin ay parang isang dagok sa buhay ni Magnus, na kilala bilang isang batang bilyonaryo.

At para kay Magnus ay ang batang nasa sinapupunan ko ay ginamit kong kasangkapan para mapilitan siyang pakasalan ako. Dahilan para kamuhian niya ako ng todo.

Walong taon kong lihim na pinangarap na makasama siya, ngunit alam ko na hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na malayang makalapit kay Magnus.

Kaya pinagbuti ko ang aking pag-aaral para sundan ang yapak ni Magnus na kilalang pinakamagaling na estudyante.

Dumating ang araw na aking pinakahihintay, natupad ang aking pangarap na mapalapit kay Magnus, naging sekretarya niya ako sa sariling mga negosyo. Naging malaya ako na makalapit sa lalaking lihim kong iniirog.

Ngunit nasira ang lahat ng aking pangarap dahil sa isang gabing pagkalimot. May nangyari sa amin ni Magnus, isang gabing minsan na rin kong pinangarap pero hindi sa ganung pag angkin niya sa akin. Winasak niya ako, ang buo kong pagkatao. Hindi pinahalagaan ang aking kalinisan. Na sa unang gabi ay nawala ang dangal ko na aking iniingatan.

At ang isa sa hindi ko malilimutan ay ng makita ko kinaumagahan ang tila pandidiri niya ng makita akong katabi niya sa kama, na para bang may nakakahawa akong sakit kaya siya nasusuklam sa akin.

Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga ng maalala ko ang gabing iyon na may nangyari sa amin ni Magnus. Hanggang sa malaman ko na lang na nagbunga na ang nangyari sa amin ng gabing iyon.

Wala naman akong balak ipalaam ang aking pagbubuntis kay Magnus pero naisip ko na may karapatan din siyang malaman. Ngunit sa ginawa kong iyon ay mas lalong namuhi sa akin si Magnus at sinabihan akong ginagamit ko ang batang pinagbubuntis ko para tuluyan siyang matali sa akin.

Hindi ko hinangad ang ganitong relasyon, mas gusto pa kong makipag hiwalay na lang kay Magnus pero mas nanaig sa akin na mabigyan ng isang buong pamilya ang aking anak kahit na alam kong hindi matutupad ang isang masayang pamilya na aking hinahangad.

Napakurap ako ng maramdaman ang mainit na tubig na dumaloy sa aking pisngi, lumuluha ako.

Kasunod ng aking pagluha ay ang matinding pagkirot ng aking tiyan. Napangiwi ako sa sakit habang hawak ko ang bigat ng aking tiyan. Agad akong napahawak sa malaking haligi sa tabi ko.

Nakita naman ako ng isang nurse na napadaan, dali-dali akong tinulungan, at dinala sa emergency room.

Sumakit ang tiyan ko sa pagiging sobrang emosyonal at pagkabalisa. Sinabihan ako ng doktor na kailangan kong kumalma para hindi ako mapaanak ng maaga at wala sa tamang oras.

Hindi na rin ako nagtagal sa ospital matapos kong mapakalma ang sarili sa magkakahalong emosyon na aking nararamdaman.

Kahit pagod na pagod na ako sa pisikal at mental na aspeto, pinilit kong magmaneho pabalik ng Golden Bay nang mag-isa.

Ang Golden Bay kung saan ang villa ni Magnus na inayos sa akin ng lolo niya para doon ako tumira.

Kasama ko sa villa ang dalawang katulong na galing pa sa lumang mansyon ng pamilyang Alvaro.

Sa oras na nakapasok ako sa villa, naabutan ko ang dalawang katulong na kasama ko sa bahay na komportableng nakaupo sa sala, masayang nagkukwentuhan na parang sarili nilang bahay ang villa.

Narinig nila ang aking pagdating. Sabay na lumingon ang dalawa sa akin.

Isa sa katulong ang unang tumayo at sinalubong ako.

“Kumusta ang resulta ng iyong check up?” Puno ng kaarogantehan na tanong sa akin ng katulong.

Sa naging tono nito sa pagtatanong sa akin ay parang hindi ito katulong kung umasta. Daig pa nito ang may ari ng bahay na binabantayan ako na parang isa lang kabit na nakikitira lang sa kanila.

Malamig na sinulyapan ko lang ang katulong, hindi ko na kami pinansin, dumiretso ako paakyat ng hagdan.

“Nagtatanong ako sayo.” Kunot ang noo na pagsita pa nito sa akin.

Hindi ko pa rin ito pinansin. Ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagdura at sa huling sinabi nito.

“Para naman siyang matabang baboy. Akala mo naman siya ang mistress ng pamilyang Alvaro. Halata naman na mapagpanggap lang siya.”

Iyon ang mga sinabi ng katulong ng nakatalikod na ako. Ngunit para sa akin ay para saan pa para patulan ito. Para ko na rin sinabi na magka level lang kami ng katulong kung pinatulan ko ito sa kagaspangan ng ugali.

Maliban sa galit lang sa akin si Magnus ay hindi naman ako nito sinasadyang minamaliit tulad ng pagmamaliit sa akin ng katulong at maayos din ang pakikitungo sa akin ng matandang Alvaro bilang asawa ng apo nito.

Ang lolo mismo ni Magnus ang nag ayos ng pagpaparehistro ng aming kasal kahit na malaki ang pagtutol ni Magnus sa bagay na iyon.

Gayunpaman, walang nagawa si Magnus dahil sa malubhang karamdaman ng kanyang lolo at ng malaman na buntis ako sa magiging apo nila sa tuhod ay agad nitong isinaayos ang aming kasal.

Nagkataon man o talagang nagdala ako ng swerte sa kanila dahil unti-unting bumuti ang kalagayan ng lolo ni Magnus.

Naging mabuti ang pakikitungo sa akin ng matandang Alvaro. Ngunit minamaliit pa rin ako ng ibang miyembro ng pamilya nila. At dahil doon kaya hindi maganda ang trato sa akin ng mga katulong na kasama ko sa bahay na galing pa nga sa lumang mansyon.

Nagpunta ako sa ospital kanina para muling magpacheck-up na muling malaman ang kasarian ng aking dinadala, at hindi nagbago ang unang resulta noon dahil babae talaga ang nakitang kasarian ng baby ko.

At alam ko na may abiso na ang ospital sa lolo ni Magnus na babae ang anak ko at malamang ay tuwang tuwa na sila sa resulta.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back   Chapter 5

    "Bakit mo gusto mong ipagpaliban?" Seryosong tanong ni Professor Valdez.Napayuko ako bago sumagot sa tanong ni Professor Valdez."Pagkatapos kong maipanganak ang bata, plano ni Magnus na hiwalayan ako. Ayokong ipagpatuloy ang malas na relasyong namin. Gusto kong magsimulang muli ng sarili kong buhay." Hindi na ako nagsinungaling. Para saan pa para itago ko iyon kay Professor Valdez dahil isa naman siya sa taong buo ang tiwala sa akin.Hindi mahaba o maikli ang anim na buwan, pero para sa akin ay parang panghabambuhay na iyon.Kumunot ang noo ni Professor Valdez. Naiisip niya siguro na ang dating maaliwalas at payat na babae na kilala niya noon ay nagbago nang husto sa maikling panahon, na nagpapakita kung gaano kahirap ang aking pinagdaanan."Natutuwa akong natauhan ka na at bumangon ka na sa pagkakahimlay mo sa nararamdaman mo sa kanya. Sadya sigurong hindi talaga kayo magkasundo ni Magnus. Tiyak na makakatagpo kayo ng isang taong tunay na magmamahal sa inyo sa hinaharap."Ibinaba a

  • When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back   Chapter 4

    Kalaliman ng gabi.Laking gulat ko nang makita ko si Magnus. Hindi siya umuuwi sa villa sa gabi. Dadaan lang siya sa umaga at kukumustahin ang batang dinadala ko kung maayos lang ba ito.."Ikaw…""Igawa mo ako ng isang mangkok ng sopas para sa hangover at dalhin mo sa aking study room."Pagkatapos sabihin iyon ay umakyat si Magnus sa kanyang study room.Natauhan ako at pumunta sa kusina para magluto ng sopas sa hangover para kay Magnus, na dinala ko sa study room.Binubuklat ni Magnus ang mga dokumentong hawak niya, malamig at malungkot ang ekspresyon, na nagpapakita ng isang aura ng walang pakialam sa presensya ko.Hindi ko siya ginulo at tumalikod na para lumabas ng study room matapos kong dalhin siya ang sopas na niluto ko.Kahit nasa bahay si Magnus, natulog naman kami na magkahiwalay ang kwarto.Sa master bedroom sa ikalawang palapag natutulog si Magnus, habang ako ay natulog sa isang guest room sa unang palapag.Kinabukasan.Dahil nasa bahay si Magnus, naghanda ang yaya ng masar

  • When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back   Chapter 3

    "Lunes bukas, may oras ka ba sa hapon? Bakit hindi tayo pumunta sa Civil Affairs Bureau para asikasuhin iyon nang maaga? Pero, hindi naman dapat maging problema kung pupunta tayo nang dalawang buwan nang mas maaga, di’ ba?" dagdag ko habang tahimik si Magnus na halatang nagulat sa pagpayag ko.Pagkatapos pirmahan ang mga papeles, kailangan ko pang maghintay ng isang buwan para sa isang cooling-off period, at hindi magtatagal ay manganak na ako.Tumingin si Magnus sa akin, kalmado at mahinahon ang ekspresyon nito, ngunit may bahid ng pagkausisa ang lumitaw sa mga mata niya na hindi makapaniwala. "Anuman ang oras na sabihin ko, iyon na ang oras, ako ang magpapasya." sabi ni Magnus saka binawi ang tingin niya sa akin.Binawi ko rin ang tingin ko kay Magnus at hindi na nagsalita pa. Wala na rin naman akong idadag pa tungkol sa aming pinag-uusapan.Ilang sandali pa ay dumating na kami sa mansyon ng pamilya Alvaro.Ang dahilan kung bakit kami tinawag pabalik ng lolo ni Magnus ay dahil nga

  • When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back   Chapter 2

    Habang nasa kalaliman ako ng pag iisip, narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone.Nabaling doon ang aking pansin. Kinuha ko ang cellphone sa bag, sandali akong natigilan ng makita kung sino ang tumatawag sa akin.Ang adviser ko noon ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot.“Professor Valdez, napatawag kayo?”“May bakanteng posisyon para sa isang PhD program sa Quirino State University. Gusto mo bang subukan?”Natigilan ako nang marinig ko ang balitang iyon kay Professor Valdez.Ilang sigundo rin akong natahimik at hindi nakasagot.“Hindi mo na ba kailangan…”“Pupunta ako!” agad kong sagot ng muling magsalita si Professor Valdez na parang gustong bawiin ang sinabi nito sa akin. Puno ng determinasyon ang boses ko.Sa kabilang linya ay si Professor Valdez naman ang natigilan. Dahil kilang kilala niya ako. Kung paano ko pinagsikapan na makalapit kay Magnus. At ngayon na natupad na ang isa sa pangarap ko, na maging asawa si Magnus at magkakaroon na rin kami ng anak, hindi na basta-basta ako

  • When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back   Chapter 1

    Ika-dalawamput siyam na linggo na ang pinagbubuntis ko. At habang ako ay nasa ospital para magpacheck-up, nakita ko si Magnus, ang aking asawa na may ibang babaeng kasama.Hindi ako pwedeng magkamali, sa tangkad at gwapong mukha ng aking asawa na nakasuot ng itim na amerikana. Si Magnus iyon. Walang pagdududa.Isang maganda at mahinhin na babae ang nasa mga bisig niya, nakaalalay ang aking asawa sa babaeng iyon.Ang babae ay nakasuot ng puting mabalahibong diyaket, ang pisngi nito ay namumula, at ang maliit na mukha nito ay nababalot ng malambot na lana na bandana. Ang kulay ng kutis ay parang isang manikang porselana.Humigpit ang hawak ko sa resulta ng pinagbubuntis ko, nanlalamig ang aking mga kamay. Parang may humampas na malamig na hangin sa aking mga pisngi, ngunit mas naging malamig ang aking pakiramdam sa kakaibang pagtibok ng aking puso. Parang pinipiga at may kung anong tumatarak sa aking puso.Ang sakit.Nakita ako ni Magnus mula sa malayo. Ngunit nakita kong wala man lang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status