
His Forbidden Maid
Si Cyzrie, simpleng probinsyana, ay napunta sa mansyon ng lalaking kinatatakutan ng lahat—si Luiz. Marangal at masipag sa trabaho, tahimik siyang sumusunod sa bawat patakaran.Pinili na lamang ni Cyzrie na umaktong walang nangyari at iwasan si Luiz hangga’t maaari. Nagtiis siya sa sitwasyon, ngunit nang matuklasan niyang buntis siya, napagdesisyunan niyang tumakas— sana. Kasabay nito, nalaman din niya ang delikadong mundong ginagalawan ng kanyang boss—kaya lalo siyang natakot na madamay, lalo na ang batang dinadala niya.
Nalaman ni Luiz na buntis pala si Cyzrie. Nag-alok siya ng kasal para protektahan ang pamilya ng kanilang magiging anak at nangako ring tulungan siya sa utang at lupa ng pamilya sa probinsya. Dahil dito, pumayag si Cyzrie —bagama’t natatakot, wala na siyang ibang pagpipilian. Unti-unti rin niyang nakikilala ang totoong Luiz: ang lalaking dati’y mabigat ang aura at bihirang ngumiti ay naging mahinahon at gentle, lalo na para sa baby.
Ngunit dumating si Belle, fiancée at greatest love ni Luiz, at sinubukang sirain ang kanilang mundo. Isang gabi, muntik pang mapanganib ang baby nila dahil sa galit at inggit ni Belle—at dito sumiklab ang galit ni Luiz. Mula noon, hindi na niya iniwan si Cyzrie, at unti-unti niyang na-realize na minamahal na pala niya ang babaeng dati’y simpleng maid lamang— sa paraan na alam niya.
Read
Chapter: CHAPTER 8Sa mismong private office ni Luiz ginanap ang pagpaplano ng kasal.Malawak ang silid—kombinasyon ng pagiging elegante at malamig na personalidad ng binata. Nasa gitna ang isang mahabang blackwood table habang napapalibutan ng floor-to-ceiling shelves na puno ng business books at mga mamahaling dekorasyon. Sa likod naman ay ang malaking glass window kung saan tanaw ang city lights kahit maghahatinggabi na.Ngunit sa gabing iyon… hindi negosyo ang laman ng opisina ni Luiz.Kundi ang kasal nila.Nakakalat sa mesa ang samu’t saring wedding catalogs, fabric samples, flower arrangements, at mga sketch ng posibleng venue design. May ilang wedding coordinators ding abalang nag-aayos ng mga proposal habang si Cyzrie ay tahimik na nakaupo sa gitna ng lahat, halatang naiilang.“Ma’am Cyzrie, what theme do you prefer?” magalang na tanong ng coordinator.Napakurap siya habang tumitingin sa mga larawan.“Pwede po bang hindi masyadong engrande?” mahinang sabi niya. “Gusto ko lang sana… iyong parang
Last Updated: 2026-05-12
Chapter: Chapter 7Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa kurtina ng kwartong tinutuluyan ko. Ilang segundo akong nakatulala sa kisame bago dahan-dahang bumangon. Hanggang ngayon hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa’kin ang lahat—ang kontrata, ang malaking mansion, at ang lalaking dahilan kung bakit nandito ako.Paglingon ko sa gilid ng cabinet ay agad akong natigilan.May nakasabit na dress.Isang eleganteng kulay champagne na damit na halatang mamahalin. Maayos iyong nakaplantsa at tila sinadyang ihanda bago pa ako magising.Napakunot-noo ako nang mapansin ang maliit na papel na nakaipit dito.Wear it.Maikli. Diretso. Walang kahit anong emosyon.Pero hindi ko na kailangang hulaan kung kanino galing.“Siya na naman…” mahina kong bulong habang napapabuntong-hininga.Mabilis akong nag-asikaso. Habang sinusuklay ko ang buhok ko sa harap ng salamin ay hindi ko maiwasang kabahan. Pakiramdam ko bawat kilos ko rito kailangan tama. Isang pagkakamali lang yata, baka mapahiy
Last Updated: 2026-05-12
Chapter: CHAPTER 6Matapos pirmahan ni Cyzrie ang kontrata, agad ding inilipat ng mga kasambahay ang mga gamit niya sa bagong silid—ang kwartong nasa tabi mismo ng kay Luiz.Tahimik lamang siyang nakatayo sa gitna ng malawak na kwarto habang isa-isang inaayos ng mga katulong ang mga gamit niya.Mas malaki iyon kumpara sa dati niyang silid.Mas maganda.Mas komportable.Pero bakit parang mas mabigat sa pakiramdam?Nang tuluyan siyang maiwang mag-isa, dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama saka napatingin sa malaking salamin sa harapan niya.Unti-unting bumaba ang tingin niya sa tiyan niya.Hindi pa man gaanong halata… alam niyang may buhay nang nabubuo roon.Anak ni Luiz.Isang marahang buntong hininga ang pinakawalan niya.“Para sa pamilya… at kinabukasan,” mahina niyang bulong sa sarili.Pinipilit niyang paniwalaan ang mga salitang iyon.Na tama ang naging desisyon niya.Na kakayanin niya.Pero habang tumatagal, mas lalo niyang nararamdaman ang takot.Takot sa bagong buhay na papasukin niya.Takot s
Last Updated: 2026-05-10
Chapter: CHAPTER 5ILANG linggo na ang lumipas mula nang magsimula ang kakaibang pakiramdam sa katawan ko—ang hilo, ang pagsusuka, at ang biglaang pagkapagod na kahit anong pilit kong balewalain ay paulit-ulit pa ring bumabalik.Sa una, sinubukan kong ipagsawalang-bahala.Hanggang sa hindi ko na kaya.Sa tulong nina Lila at Dalia, napilit nila akong magpatingin, kahit pa pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na wala lang iyon.Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa maliit na clinic na ’yon, pero pakiramdam ko bawat segundo ay lalong bumibigat ang hangin. Pawis ang palad ko at hindi mapakali ang mga mata ko, habang ang dibdib ko ay parang pinipisil ng kaba na hindi ko maipaliwanag.Hanggang sa—“Miss. Cyzrie?”Napatingin ako sa nurse. “Pwede ka nang pumasok, ma'am.”Parang kusa na lang gumalaw ang mga paa ko, kahit hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa harap ng doktor o kung paano ako sumagot sa mga tanong niya.Ang malinaw lang sa akin ay ang kaba.At ang takot na unti-unting sumis
Last Updated: 2026-05-04
Chapter: CHAPTER 4ARAW ang lumipas at mas lalo akong nag-pursigi sa trabaho para sa pamilya ko. Iniiwasan ko rin si Sir Luiz hangga’t maaari—hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil mas ligtas na ganoon.Dumating ang araw ng sahod.Parang gumaan kahit papaano ang dibdib ko.Agad akong nakisuyo kay Nay Vivian na makahiram ng telepono. Medyo nanginginig pa ang mga daliri ko habang dinidiin ang mga numero.Pagkatapos ng ilang ring….“Nay, kamusta po kayo?” bungad ko agad, pilit pinipigilan ang pananabik sa boses ko.“Anak?” agad niyang sagot. Halata ang gulat at tuwa. “Ayos kami… pero ikaw ba? Hindi ka ba nahihirapan diyan? Hindi ka man lang namin nahatid ng ama mo… pasensya ka na, anak ha—”“‘Nay…” napapikit ako sandali, pinipigilan ang bigat na biglang umakyat sa dibdib ko. “Ano ba sabi ko sa inyo? Gagawin ko ’to para makatulong sa inyo. Makakapagpadala na rin po ako.”“Hindi mo kailangang akuin lahat, anak,” mahina niyang sagot. “Bata ka pa… dapat nag-aaral ka, hindi nagtatrabaho nang ganito kalayo.”Napaka
Last Updated: 2026-05-04
Chapter: CHAPTER 3TULAD ng sabi niya, nagtungo ako sa opisina niya na nasa loob lang din ng mansyon. May dala akong mga panlinis, tahimik ang bawat hakbang ko habang papalapit sa pinto. Buong akala ko wala si Sir Luiz doon.Pero bigla itong bumukas.Napahinto ako.Nakatayo siya sa harap ko—nakasuot ng itim na polo at slacks, maayos ang tikas, at may suot pang salamin na lalo lang nagbigay ng lamig sa aura niya."Ay, sir—" naputol ang sasabihin ko."Clean this room." malamig niyang utos, parang walang pakialam kung nagulat man ako o hindi. Dumiretso siya sa loob at umupo sa swivel chair niya, saka nagbukas ng isang itim na folder.Napakagat ako sa labi bago tuluyang pumasok."Opo, sir..."Isinara ko ang pinto at nagsimula akong maglinis. Maingat ang bawat galaw ko—mula sa pagpunas ng mesa hanggang sa pag-aayos ng mga gamit. Halatang mamahalin ang lahat; bawat detalye ay parang hindi dapat nagagalaw nang basta-basta.Ngunit higit sa lahat...ramdam ko ang mga mata niya.Tahimik siya, ngunit ang presensya
Last Updated: 2026-05-04