LOGINARAW ang lumipas at mas lalo akong nag-pursigi sa trabaho para sa pamilya ko. Iniiwasan ko rin si Sir Luiz hangga’t maaari—hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil mas ligtas na ganoon.
Dumating ang araw ng sahod. Parang gumaan kahit papaano ang dibdib ko. Agad akong nakisuyo kay Nay Vivian na makahiram ng telepono. Medyo nanginginig pa ang mga daliri ko habang dinidiin ang mga numero. Pagkatapos ng ilang ring…. “Nay, kamusta po kayo?” bungad ko agad, pilit pinipigilan ang pananabik sa boses ko. “Anak?” agad niyang sagot. Halata ang gulat at tuwa. “Ayos kami… pero ikaw ba? Hindi ka ba nahihirapan diyan? Hindi ka man lang namin nahatid ng ama mo… pasensya ka na, anak ha—” “‘Nay…” napapikit ako sandali, pinipigilan ang bigat na biglang umakyat sa dibdib ko. “Ano ba sabi ko sa inyo? Gagawin ko ’to para makatulong sa inyo. Makakapagpadala na rin po ako.” “Hindi mo kailangang akuin lahat, anak,” mahina niyang sagot. “Bata ka pa… dapat nag-aaral ka, hindi nagtatrabaho nang ganito kalayo.” Napakagat ako sa labi. Kung pwede lang… “Okay lang po ako dito,” pilit kong sabi, kahit hindi ko sigurado kung totoo pa iyon. “Mabait naman sila.” Isang kasinungalingan na kahit ako, hirap paniwalaan. “Sigurado ka ba, anak?” tanong niya, halatang nag-aalala. “Pakiramdam ko… parang may tinatago ka.” Natahimik ako. Gusto kong magsabi. Gusto kong umiyak. Pero hindi pwede. “Wala po, ’Nay…” pilit kong pinatatag ang boses ko. “Namimiss ko lang kayo.” Sa kabilang linya, narinig ko ang mahina niyang paghinga. “Namimiss ka rin namin, anak. Mag-iingat ka diyan, ha? Kahit anong mangyari… huwag mong pababayaan ang sarili mo.” “Opo…” pabulong kong sagot. Ilang sandali pa, naputol na ang tawag. Dahan-dahan kong ibinaba ang telepono. Hindi ko namalayang may tumulong luha sa pisngi ko. Mabilis ko itong pinunasan. Kailangan kong maging matatag. Wala akong ibang choice. --- Bumalik ako sa trabaho. Tahimik ang buong mansyon. Tanging tunog ng mop na sumasayad sa sahig ng living room ang naririnig. Abala ako sa paglinis, pilit inuubos ang sarili sa gawain para hindi na mag-isip pa. Hanggang sa— “Still working hard, I see.” Napahinto ako. Unti-unti akong tumayo at napalingon. Nandoon si Sir Luiz, nakatayo sa may hagdan, nakatingin sa akin. Malamig pa rin ang aura niya, pero ngayon… parang may iba. “Good afternoon, sir,” maingat kong bati, sabay yuko nang bahagya. Lumapit siya, bawat hakbang mabagal at kalkulado. “You don’t have to overdo it,” sabi niya, bahagyang nakakunot ang noo. “This isn’t a race.” Napahigpit ang hawak ko sa mop. “Trabaho ko po ito, sir.” Saglit siyang natahimik, parang pinag-aaralan ang sagot ko. “You’ve been avoiding me.” Diretso. Walang paligoy-ligoy. Napatigil ang paghinga ko. “H-hindi po…” mahinang tanggi ko, kahit alam kong halata. Lumapit pa siya ng isang hakbang. “Don’t lie.” Mababa ang boses niya, pero sapat para maramdaman ko ang bigat nito. Napayuko ako. “I’m just… doing my job, sir.” Tahimik. Mabigat. Ilang segundo kaming ganon—ako, nakayuko. Siya, nakatingin. “Good,” sa wakas ay sabi niya. “Then keep it that way.” Hindi ko alam kung bakit— pero parang may kakaibang kirot sa dibdib ko sa sinabi niya. Tumango na lang ako. “Opo, sir.” Lumampas siya sa akin, ngunit pagdaan niya, bahagya siyang huminto. “Don’t exhaust yourself,” dagdag niya, hindi nakatingin. “You might break.” At pagkatapos no’n umalis siya. --- GABI na at saktong tapos na ang lahat sa trabaho. Sabay-sabay kaming kumakain sa isang kwarto—mahaba ang lamesa, simple pero sapat para sa lahat. Kasabay din namin ang ibang bodyguard ng mansyon. Kanina ko pa sila napapansin. Tahimik. Matitikas. Parang laging alerto. Nakasundo ko ang ilan sa kanila—nalaman ko na trabaho pala nilang panatilihing ligtas ang buong mansyon. Hindi ko napigilang mapangiti. “Parang sa mga napapanood ko lang,” bulong ko sa sarili ko. “Anong parang sa palabas?” tanong ni Liza habang sumusubo. “Yung mga bodyguard,” sagot ko, bahagyang natawa. “Parang ang cool lang. Hindi ko akalaing makakakita ako ng ganito sa totoong buhay.” Napangisi si Liza. “Cool? Hintayin mong marinig ang mga kwento nila.” “Hoy, huwag mo siyang takutin,” singit ni Dalia, mahinahon pero may pag-aalala sa boses. “Bagong salta pa lang ’yan.” Umupo si Lila sa tabi ko at marahang sumandal. “Pero totoo naman,” bulong niya sa akin. “Hindi biro dito. Lalo na kung hindi mo alam kung sino ang dapat iwasan.” Napatingin ako sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” Ngumiti lang siya, pero hindi umabot sa mata niya. “Hindi ako nananakot,” dagdag ni Liza, “sinasabi ko lang—huwag ka masyadong magtiwala agad.” Sa kabilang side ng lamesa, napatingin sa amin ang isang bodyguard—may edad na, matalim ang tingin. “Hindi nga,” saad niya. “Hindi ito laro.” Biglang natahimik ang grupo namin. “Ah—sorry po,” agad kong sabi. Umiling siya. “Walang dapat i-sorry. Pero tandaan mo, iha… may mga bagay dito sa mansyon na hindi dapat pinapakialaman.” Napahigpit ang hawak ko sa kutsara. Parang may tinutukoy siya. “Kuya Ben naman,” biro ni Dalia, pilit pinapagaan ang hangin. “Kumakain lang tayo, nananakot ka pa.” “Hindi ako nananakot,” sagot nito. “Binabalaan ko lang.” Natahimik ako. Biglang nagsalita ang isa pang bodyguard, mas bata, mas magaan ang aura. “Huwag kang masyadong makinig diyan. Seryoso lang talaga ’yan.” Bahagyang natawa ang iba, kahit papaano nabawasan ang bigat ng hangin. “Pero totoo naman,” dagdag niya, nakatingin sa akin. “Delikado ang trabaho namin, kaya minsan… mas mabuting wala kang masyadong alam.” Napayuko ako. “Basta ikaw,” sabi ni Lila, marahang tinapik ang braso ko, “mag-focus ka sa trabaho mo. Yun ang pinaka-safe.” “Hindi naman ako mausisa…” mahina kong depensa. “Talaga?” tukso ni Liza. “Eh sino ba yung muntik nang mapadpad sa bawal na bahagi?” “Liza!” saway ni Dalia. Pero huli na. Napatingin sa akin ang ilang bodyguard. Parang may nagbago ulit sa hangin. Napayuko ako. “Hindi na po mauulit…”Pagkaalis nila roon ay agad silang nagtungo sa isang mas tahimik na bahagi ng parke na malapit sa shopping district.Wala nang nagsasalita.Tahimik lamang silang naglalakad.Ngunit sa likod ng katahimikang iyon ay ang mabigat na emosyon na pilit nilang nilulunok.Lalo na si Czyrie.Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Luiz habang nakayuko.Pilít niyang pinipigilan ang mga luha.Pilít niyang sinasabing ayos lang siya.Pero hindi.Hindi talaga.Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Belle.Hindi tungkol sa kanya.Kundi tungkol sa kanyang mga magulang.Ang mga taong buong buhay na nagsakripisyo para sa kanya.Ang mga taong kahit hirap na hirap noon ay hindi siya pinabayaan.Ang mga taong walang ibang ginawa kundi mahalin siya.At narinig niya kung paano sila insultuhin nang harapan.Na para bang wala silang halaga.Bigla siyang huminto sa paglalakad.Napansin agad iyon ni Luiz."Baby?"Hindi na nakasagot si Czyrie.Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata
Maagang nagising ang buong pamilya kinabukasan. Matapos ang masayang almusal sa mansion, napagdesisyunan nilang lumabas upang mamasyal at maglibang.Excited si Czyrie dahil matagal na rin niyang hindi nakakasama nang ganito ang kanyang mga magulang. Kasama rin nila sina Luiz, ang mga magulang nito, at ilang bodyguards na tahimik lamang na sumusunod sa kanila.Nagpunta sila sa isang sikat na shopping district. Puno ng ilaw, mga tindahan, at masasayang tao ang paligid.Nakangiti si Czyrie habang hawak ang braso ni Luiz."Tingnan mo 'yon, ang ganda ng mga display," masayang sabi niya.Ngumiti si Luiz at hinalikan ang noo nito."Kung gusto mo, bibilhin ko lahat."Napailing si Czyrie habang natatawa."Huwag nga. Hindi lahat kailangang bilhin."Habang naglalakad sila, hindi napansin ni Czyrie ang isang pares ng matang nakatitig sa kanya mula sa hindi kalayuan.At nang makita nito kung sino ang kasama ng dalaga...Agad nagdilim ang mukha nito.Si Belle.Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang mg
Mas naging masigla ang mansyon nang dumating ang mga magulang ni Czyrie.Mula umaga hanggang hapon ay halos puno ng tawanan ang buong bahay.Habang ang iba ay abala sa paghanga kay baby, si Luiz naman ay tahimik na nakaupo sa sala kasama sina Czyrie at ang kanyang mga magulang.Hindi maiwasang mapangiti ni Czyrie habang pinagmamasdan ang eksena.Noong una ay inakala niyang magiging awkward ang lahat.Ngunit tila natural na nagkasundo ang kanyang pamilya at ang pamilya ni Luiz."At ikaw naman, hija?" tanong ng kanyang ina. "Kumusta ka na talaga?"Napangiti si Czyrie."Mabuti naman po, Ma.""Tulog ka ba nang maayos?"Bago pa siya makasagot ay agad na sumingit si Luiz."Hindi sapat."Napatingin silang lahat dito.Napakamot ito sa batok."Nagigising pa rin siya para kay baby."Napataas ang kilay ng ama ni Czyrie."At paano mo nalaman?"Napatigil si Luiz.Samantalang si Czyrie ay agad na namula.Dahil alam niyang iisa lang ang sagot doon.Dahil halos gabi-gabi itong nagpupuyat kasama niya.
Tatlong araw ang lumipas nang tuluyan nang payagan ng mga doktor na makauwi sina Czyrie at ang kanilang sanggol.Habang palabas sila ng ospital, hindi maiwasang mapatingin ni Czyrie kay Luiz na siyang may hawak sa baby carrier.Sobrang ingat nito na para bang gawa sa salamin ang anak nila."Luiz, relax," natatawang sabi niya.Agad naman siyang nilingon nito."I am relaxed."Napataas ang isang kilay ni Czyrie."Talaga? Limang beses mo nang chine-check kung maayos ang seatbelt ni baby.""It's called being a responsible father."Napailing na lamang siya habang pinipigilan ang ngiti.Pagdating nila sa mansyon ay sinalubong agad sila ng mga kasambahay.Masaya ang lahat na makita ang bagong miyembro ng bahay.Ngunit higit sa lahat ay si Luiz ang mukhang pinakamasaya.Buong maghapon ay halos hindi nito ibinababa ang anak.Kapag natutulog ang sanggol, nakatitig ito.Kapag gumagalaw ang sanggol, nakatitig pa rin ito.At kapag umiiyak naman ay parang ito pa ang mas kinakabahan."Tingin ko mas s
Maagang nagising si Czyrie dahil sa mahinang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng hospital room.Ilang segundo siyang nakatitig lamang sa kisame habang pilit inaalala kung nasaan siya.Pagkatapos ay bumalik ang lahat ng alaala.Ang panganganak.Ang takot.At si Luiz.Dahan-dahan siyang lumingon sa tabi.Natigilan siya.Nakatulog si Luiz habang nakaupo sa silya katabi ng kama niya.Nakahilig ang ulo nito sa gilid ng higaan habang mahigpit pa ring hawak ang kanyang kamay.Parang hindi talaga siya binitawan kahit kailan.Hindi niya namalayang napangiti siya.Gusot pa rin ang polo nito.Halatang pagod.Ngunit kahit natutulog ay tila hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha nito.Maya-maya ay kumilos si Luiz.Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata.Agad siyang napatuwid nang mapansing gising na si Czyrie."Good morning."Bahagyang namula si Czyrie."Good morning."Ilang segundo silang nagkatitigan.At sa unang pagkakataon ay walang umiwas.Parang may kung anong nagbago sa pagita
“The doctor said they need to monitor you and the baby, so you need to stay at the hospital for three days,” mahinang wika ni Luiz habang inaayos ang kumot ko.Tahimik lang akong tumango. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa lahat ng nangyari. Dahan-dahan kong kinakain ang pagkaing dala niya para sa akin habang si baby naman ay nasa nursery room at inaalagaan ng mga nurse.Maya-maya ay may ilang doctor na pumasok upang i-check ang lagay ko. Nang makaalis sila ay muling bumalik ang katahimikan sa silid. Tanging tunog lamang ng aircon at mahihinang yabag ng mga nurse sa labas ang maririnig.“Tell me if you need anything, okay?” tanong ni Luiz.Napatingin ako sa kanya at saka napakunot-noo.“Hindi ka pa ba uuwi?”Kaagad siyang umiling.“I'm staying here.”“Luiz—”“I'm not leaving you.”Napatigil ako.Ngayon ko lang napansin kung gaano siya kapagod. Gusot ang suot niyang polo at tila hindi man lang nakapagpahinga. Ngunit sa kabila noon ay hindi niya inaalis ang tingin sa akin.“Hin
HINDI na namalayan ni Cyzrie ang paglipas ng mga araw. Simula nang mas madalas siyang isama ni Luiz, pakiramdam niya ay unti-unting nagiging magaan ang lahat. Ngayon nga ay nasa kompanya sila nito—isang bagay na hindi niya inaasahang mangyayari.Pagpasok pa lamang nila sa lobby ay maraming empleyad
HINDI na napigilan ni Cyzrie ang pagluha matapos mawala si Belle sa paningin nila.Nanginginig ang balikat niya habang mahigpit na nakahawak sa tiyan na tila ba pinoprotektahan ang batang nasa sinapupunan niya mula sa lahat ng gulong nangyayari.“Ma’am… kalma lang po…” nag-aalalang sabi ni Lila hab
MAKALIPAS ang ilang linggo ng pagdadalang-tao ni Cyzrie ay lalo itong naging maselan sa amoy at mabilis mapagod. Minsan ay simpleng halimuyak lamang ng pabango ay agad nang nagpapahilo sa kaniya. Ngunit higit pa roon, ang paulit-ulit na panggugulo ni Belle ang unti-unting sumisira sa katahimikan ni
“Acting strong? Don’t fool Luiz,” mayabang na wika ni Belle habang nakataas ang baba at puno ng panghahamak ang tingin kay Cyzrie. “Hindi pa tayo tapos.”Saglit na natigilan si Cyzrie matapos marinig iyon. Sa unang pagkakataon ay tila nakaganti siya kay Belle, tila naiparamdam niyang hindi siya bas







