Share

CHAPTER 3

last update publish date: 2026-05-04 19:36:30

TULAD ng sabi niya, nagtungo ako sa opisina niya na nasa loob lang din ng mansyon. May dala akong mga panlinis, tahimik ang bawat hakbang ko habang papalapit sa pinto. Buong akala ko wala si Sir Luiz doon.

Pero bigla itong bumukas.

Napahinto ako.

Nakatayo siya sa harap ko—nakasuot ng itim na polo at slacks, maayos ang tikas, at may suot pang salamin na lalo lang nagbigay ng lamig sa aura niya.

"Ay, sir—" naputol ang sasabihin ko.

"Clean this room." malamig niyang utos, parang walang pakialam kung nagulat man ako o hindi. Dumiretso siya sa loob at umupo sa swivel chair niya, saka nagbukas ng isang itim na folder.

Napakagat ako sa labi bago tuluyang pumasok.

"Opo, sir..."

Isinara ko ang pinto at nagsimula akong maglinis. Maingat ang bawat galaw ko—mula sa pagpunas ng mesa hanggang sa pag-aayos ng mga gamit. Halatang mamahalin ang lahat; bawat detalye ay parang hindi dapat nagagalaw nang basta-basta.

Ngunit higit sa lahat...

ramdam ko ang mga mata niya.

Tahimik siya, ngunit ang presensya niya ay sapat na para kabahan ako. Para bang bawat kilos ko ay minamasdan, hinuhusgahan.

Sinubukan kong huwag pansinin, pero lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Careful."

Napasinghap ako nang bigla siyang magsalita sa likuran ko. Hindi ko namalayang napalapit pala ako sa mesa niya.

"That vase costs more than your salary for a year."

Napatigil ako, agad na iniatras ang kamay ko. "P-pasensya na po—"

"Don't apologize. Just don't be careless." putol niyang sagot, hindi man lang ako tiningnan.

Napayuko ako. "Opo, sir..."

Nagpatuloy ako sa paglilinis, pero mas naging maingat pa ako kaysa kanina. Halos hindi na ako humihinga nang maayos sa sobrang pag-iingat.

Ilang sandali pa, narinig ko ang pagsara ng folder.

"Come here."

Napatigil ako. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.

"M-me, sir?"

He leaned back on his chair, his gaze fixed on me behind those glasses. "Yes. I don't repeat myself."

Napalunok ako at lumapit, bawat hakbang ay mabigat.

Pagdating ko sa harap ng mesa niya, hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa sahig? Sa mesa? O sa kanya?

"Look at me."

Parang kusang gumalaw ang ulo ko. Pag-angat ng tingin ko, agad kong nasalubong ang malamig niyang mga mata.

"You were near that restricted area earlier."

Napatigil ang hininga ko.

"I told you to forget what you heard," dagdag niya, mas mababa ang boses, mas delikado ang tono. "Did you?"

"O-opo, sir..." halos hindi ko marinig ang sarili kong boses.

Matagal siyang hindi nagsalita. Tinitigan niya lang ako, tila sinusukat ang bawat reaksyon ko.

Then, slowly, he removed his glasses.

Mas lalo akong nailang.

"Good." mahinahon niyang sabi, pero hindi nawala ang bigat sa boses niya. "Keep it that way."

Tumango ako agad.

"Now finish your work," dagdag niya, ibinalik ang salamin sa mata. "And don't make me repeat myself again."

"Y-yes, sir..."

Mabilis akong tumalikod, pero kahit nakaharap na ako sa mga gamit na nililinis ko, hindi pa rin mawala ang pakiramdam na nakatingin siya.

At hindi ko alam kung bakit—

pero mas kinakabahan ako ngayon...

kaysa kanina sa garden.

jusko inday, nakakaiyak man pero kailangan ko mag tiis.

---

Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili.

Napansin ko—parang wala lang sa kanya ang lahat.

Parang... walang nangyari.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Bakit nga ba niya iintindihin? Isa lang naman akong katulong. Walang halaga. Walang puwang sa mundong ginagalawan niya.

Tahimik kong itinuloy ang paglilinis, pilit itinataboy ang kung ano mang gumugulo sa isip ko.

Biglang may kumatok.

Tok. Tok.

Hindi pa ako nakakaimik nang bumukas ang pinto.

Pumasok si Nay Vivian, may dalang tray ng kape. Agad siyang ngumiti sa akin, banayad at parang may gustong ipahiwatig.

"O, nandito ka pala," saad niya sa akin, saka inilapag ang tray sa mesa ni Sir Luiz.

Hindi man lang umimik si Sir Luiz. Nakatutok pa rin siya sa hawak niyang papeles.

Pero iba ang hangin.

Ramdam ko agad ang pagbabago.

"Nagkita na kayo?" tanong ni Nay Vivian, ngayon ay nakatingin kay Sir Luiz.

Dahan-dahang iniangat ni Sir Luiz ang tingin niya.

Malamig. Walang emosyon.

"Say what you came here for, Vivian."

Nawala ang ngiti ni Nay Vivian.

Napahinto ako sa ginagawa ko, kahit pilit kong kunwaring abala pa rin ako sa pagpunas ng mesa.

"May narinig akong may napunta raw sa bawal na bahagi kanina," wika niya, mababa ang boses. "Sabi ng mga guwardiya—"

"I already handled it."

Putol. Diretso. Walang puwang sa pagtatalo.

Bahagyang tumigas ang mukha ni Nay Vivian. "Luiz... hindi na ito basta-basta. Kung may nakarinig—"

"Then they heard nothing." malamig niyang sagot, sabay sandig sa upuan. "Or they'll learn to keep quiet."

Nanlalamig ang mga kamay ko.

Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy nila—pero parang ako.

"Hindi tayo pwedeng maging kampante," dugtong ni Nay Vivian, mas mariin na ngayon ang tono. "Alam mo kung gaano kadelikado ang sitwasyon."

"Tapos na ang usapan na 'yan," putol niyang muli, mas mababa ang boses pero mas mabigat. "Sinabi ko na sa'yo, huwag kang makialam."

Hindi agad sumagot si Nay Vivian. Saglit siyang napatingin sa akin.

Parang may babala.

Parang may awa.

"Oo," mahina niyang tugon. "Pero kung magkamali tayo, hindi lang tayo ang madadamay."

Tahimik.

Sobrang tahimik.

Kahit ang tunog ng paghinga ko, parang masyadong malakas sa pandinig ko.

Biglang tumayo si Sir Luiz.

Napaatras ako nang bahagya.

"Then don't make mistakes," aniya, diretsong nakatingin kay Nay Vivian. "I don't tolerate them."

Mariin ang bawat salita.

Parang may tinatagong galit.

Parang may binabantayang sikreto.

Muling napatingin si Nay Vivian sa akin, saka siya tumango.

"Naiintindihan ko."

Kinuha niya ang tray, pero bago siya tuluyang lumabas, bahagya siyang lumapit sa akin.

"Mag-ingat ka," bulong niya—mahina, pero sapat para marinig ko.

Napatingin ako sa kanya, naguguluhan.

Hindi na siya nagsalita pa. Lumabas na siya ng kwarto, iniwang mas mabigat ang hangin kaysa kanina.

Pagkasara ng pinto...

napatingin ako kay Sir Luiz.

At sa unang pagkakataon—

hindi na lang kaba ang naramdaman ko.

Kundi takot.

__

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 8

    Sa mismong private office ni Luiz ginanap ang pagpaplano ng kasal.Malawak ang silid—kombinasyon ng pagiging elegante at malamig na personalidad ng binata. Nasa gitna ang isang mahabang blackwood table habang napapalibutan ng floor-to-ceiling shelves na puno ng business books at mga mamahaling dekorasyon. Sa likod naman ay ang malaking glass window kung saan tanaw ang city lights kahit maghahatinggabi na.Ngunit sa gabing iyon… hindi negosyo ang laman ng opisina ni Luiz.Kundi ang kasal nila.Nakakalat sa mesa ang samu’t saring wedding catalogs, fabric samples, flower arrangements, at mga sketch ng posibleng venue design. May ilang wedding coordinators ding abalang nag-aayos ng mga proposal habang si Cyzrie ay tahimik na nakaupo sa gitna ng lahat, halatang naiilang.“Ma’am Cyzrie, what theme do you prefer?” magalang na tanong ng coordinator.Napakurap siya habang tumitingin sa mga larawan.“Pwede po bang hindi masyadong engrande?” mahinang sabi niya. “Gusto ko lang sana… iyong parang

  • His Forbidden Maid    Chapter 7

    Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa kurtina ng kwartong tinutuluyan ko. Ilang segundo akong nakatulala sa kisame bago dahan-dahang bumangon. Hanggang ngayon hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa’kin ang lahat—ang kontrata, ang malaking mansion, at ang lalaking dahilan kung bakit nandito ako.Paglingon ko sa gilid ng cabinet ay agad akong natigilan.May nakasabit na dress.Isang eleganteng kulay champagne na damit na halatang mamahalin. Maayos iyong nakaplantsa at tila sinadyang ihanda bago pa ako magising.Napakunot-noo ako nang mapansin ang maliit na papel na nakaipit dito.Wear it.Maikli. Diretso. Walang kahit anong emosyon.Pero hindi ko na kailangang hulaan kung kanino galing.“Siya na naman…” mahina kong bulong habang napapabuntong-hininga.Mabilis akong nag-asikaso. Habang sinusuklay ko ang buhok ko sa harap ng salamin ay hindi ko maiwasang kabahan. Pakiramdam ko bawat kilos ko rito kailangan tama. Isang pagkakamali lang yata, baka mapahiy

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 6

    Matapos pirmahan ni Cyzrie ang kontrata, agad ding inilipat ng mga kasambahay ang mga gamit niya sa bagong silid—ang kwartong nasa tabi mismo ng kay Luiz.Tahimik lamang siyang nakatayo sa gitna ng malawak na kwarto habang isa-isang inaayos ng mga katulong ang mga gamit niya.Mas malaki iyon kumpara sa dati niyang silid.Mas maganda.Mas komportable.Pero bakit parang mas mabigat sa pakiramdam?Nang tuluyan siyang maiwang mag-isa, dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama saka napatingin sa malaking salamin sa harapan niya.Unti-unting bumaba ang tingin niya sa tiyan niya.Hindi pa man gaanong halata… alam niyang may buhay nang nabubuo roon.Anak ni Luiz.Isang marahang buntong hininga ang pinakawalan niya.“Para sa pamilya… at kinabukasan,” mahina niyang bulong sa sarili.Pinipilit niyang paniwalaan ang mga salitang iyon.Na tama ang naging desisyon niya.Na kakayanin niya.Pero habang tumatagal, mas lalo niyang nararamdaman ang takot.Takot sa bagong buhay na papasukin niya.Takot s

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 5

    ILANG linggo na ang lumipas mula nang magsimula ang kakaibang pakiramdam sa katawan ko—ang hilo, ang pagsusuka, at ang biglaang pagkapagod na kahit anong pilit kong balewalain ay paulit-ulit pa ring bumabalik.Sa una, sinubukan kong ipagsawalang-bahala.Hanggang sa hindi ko na kaya.Sa tulong nina Lila at Dalia, napilit nila akong magpatingin, kahit pa pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na wala lang iyon.Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa maliit na clinic na ’yon, pero pakiramdam ko bawat segundo ay lalong bumibigat ang hangin. Pawis ang palad ko at hindi mapakali ang mga mata ko, habang ang dibdib ko ay parang pinipisil ng kaba na hindi ko maipaliwanag.Hanggang sa—“Miss. Cyzrie?”Napatingin ako sa nurse. “Pwede ka nang pumasok, ma'am.”Parang kusa na lang gumalaw ang mga paa ko, kahit hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa harap ng doktor o kung paano ako sumagot sa mga tanong niya.Ang malinaw lang sa akin ay ang kaba.At ang takot na unti-unting sumis

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 4

    ARAW ang lumipas at mas lalo akong nag-pursigi sa trabaho para sa pamilya ko. Iniiwasan ko rin si Sir Luiz hangga’t maaari—hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil mas ligtas na ganoon.Dumating ang araw ng sahod.Parang gumaan kahit papaano ang dibdib ko.Agad akong nakisuyo kay Nay Vivian na makahiram ng telepono. Medyo nanginginig pa ang mga daliri ko habang dinidiin ang mga numero.Pagkatapos ng ilang ring….“Nay, kamusta po kayo?” bungad ko agad, pilit pinipigilan ang pananabik sa boses ko.“Anak?” agad niyang sagot. Halata ang gulat at tuwa. “Ayos kami… pero ikaw ba? Hindi ka ba nahihirapan diyan? Hindi ka man lang namin nahatid ng ama mo… pasensya ka na, anak ha—”“‘Nay…” napapikit ako sandali, pinipigilan ang bigat na biglang umakyat sa dibdib ko. “Ano ba sabi ko sa inyo? Gagawin ko ’to para makatulong sa inyo. Makakapagpadala na rin po ako.”“Hindi mo kailangang akuin lahat, anak,” mahina niyang sagot. “Bata ka pa… dapat nag-aaral ka, hindi nagtatrabaho nang ganito kalayo.”Napaka

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 3

    TULAD ng sabi niya, nagtungo ako sa opisina niya na nasa loob lang din ng mansyon. May dala akong mga panlinis, tahimik ang bawat hakbang ko habang papalapit sa pinto. Buong akala ko wala si Sir Luiz doon.Pero bigla itong bumukas.Napahinto ako.Nakatayo siya sa harap ko—nakasuot ng itim na polo at slacks, maayos ang tikas, at may suot pang salamin na lalo lang nagbigay ng lamig sa aura niya."Ay, sir—" naputol ang sasabihin ko."Clean this room." malamig niyang utos, parang walang pakialam kung nagulat man ako o hindi. Dumiretso siya sa loob at umupo sa swivel chair niya, saka nagbukas ng isang itim na folder.Napakagat ako sa labi bago tuluyang pumasok."Opo, sir..."Isinara ko ang pinto at nagsimula akong maglinis. Maingat ang bawat galaw ko—mula sa pagpunas ng mesa hanggang sa pag-aayos ng mga gamit. Halatang mamahalin ang lahat; bawat detalye ay parang hindi dapat nagagalaw nang basta-basta.Ngunit higit sa lahat...ramdam ko ang mga mata niya.Tahimik siya, ngunit ang presensya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status