LOGINILANG linggo na ang lumipas mula nang magsimula ang kakaibang pakiramdam sa katawan ko—ang hilo, ang pagsusuka, at ang biglaang pagkapagod na kahit anong pilit kong balewalain ay paulit-ulit pa ring bumabalik.
Sa una, sinubukan kong ipagsawalang-bahala. Hanggang sa hindi ko na kaya. Sa tulong nina Lila at Dalia, napilit nila akong magpatingin, kahit pa pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na wala lang iyon. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa maliit na clinic na ’yon, pero pakiramdam ko bawat segundo ay lalong bumibigat ang hangin. Pawis ang palad ko at hindi mapakali ang mga mata ko, habang ang dibdib ko ay parang pinipisil ng kaba na hindi ko maipaliwanag. Hanggang sa— “Miss. Cyzrie?” Napatingin ako sa nurse. “Pwede ka nang pumasok, ma'am.” Parang kusa na lang gumalaw ang mga paa ko, kahit hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa harap ng doktor o kung paano ako sumagot sa mga tanong niya. Ang malinaw lang sa akin ay ang kaba. At ang takot na unti-unting sumisiksik sa dibdib ko. Ilang sandali pa, tumahimik ang doktor habang nakatingin sa papel na hawak niya. “Miss… kailangan kitang direktahin.” Napahigpit ang kapit ko sa damit ko. “Ano po…?” Tumingin siya sa akin. “You’re pregnant.” Sa isang iglap, parang tumigil ang mundo ko. Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ako agad nakahinga. Para akong nawala sa sarili kong katawan. “A-Ano po…?” halos pabulong kong ulit, umaasang mali ang narinig ko. “You’re pregnant,” inulit niya, mas mahinahon na ngayon ang boses. Dahan-dahan akong napailing. “H-Hindi… parang… hindi po pwede…” Pero kahit sinasabi ko ’yon, ramdam kong unti-unting bumabagsak ang realidad sa akin—mabigat, masakit, at hindi ko kayang takasan. Napahawak ako sa tiyan ko, nanginginig ang kamay ko habang pilit kong inuunawa ang lahat. Paano…? Paano nangyari ’to…? Alam ko kung paano. Pero hindi ko matanggap. Biglang uminit ang mga mata ko, at bago ko pa mapigilan, tumulo na ang luha ko. “Miss, okay ka lang ba?” tanong ng doktor. Hindi ako nakasagot. Dahil sa isip ko, iisa lang ang umiikot— Ano na ang mangyayari sa’kin…? --- Nang makauwi kami, hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Magulo ang isip ko at kahit anong pilit kong i-distract ang sarili ko, bumabalik pa rin sa akin ang lahat—lalo na ang gabing pilit kong kinakalimutan. Kinagabihan, hindi ako mapakali sa kwarto, hanggang sa hindi ko namalayang napadpad na naman ako sa hardin—sa bawal na bahagi ng mansyon. Tahimik ang paligid. Malamig ang hangin. Pero mas malamig ang pakiramdam ko. Habang naglalakad ako, may narinig akong mahihinang boses mula sa loob ng bakuran, kaya dahan-dahan akong lumapit at sumilip sa maliit na siwang. At doon ko siya nakita— isang lalaking sugatan, nakaupo, at halatang ilang araw nang pinahirapan. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Hanggang sa— “What are you doing.” Napapikit ako sa gulat. Si Sir Luiz. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, at sa sobrang takot, wala akong ibang naisip kundi tumakbo. “Stop.” Narinig ko ang malamig niyang boses, mabigat at walang emosyon. Pero hindi ako huminto. Hanggang sa maramdaman ko ang mariin niyang hawak sa braso ko. “Bitawan n’yo po ako…” hingal kong sabi, nanginginig ang boses ko. Hindi siya sumagot. Sa halip, hinila niya ako pabalik. Diretso sa opisina niya. Isinara ang pinto. Napapitlag ako sa lakas ng tunog. Inilapag niya ang isang folder sa mesa. “Sit.” Dahan-dahan akong naupo, parang wala na akong sariling kontrol. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Ilang sandali siyang tahimik, saka niya binuksan ang folder at inangat ang ilang papel. “Do you know what this is?” malamig niyang tanong. Hindi ako sumagot. Hindi ko kaya. “Your medical results.” Nanlamig ako. Dahan-dahan kong nakita ang laman—mga resulta ng test ko. Buntis ako. “A-ano po…” mahina kong bulong. “Confirmed,” diretso niyang sabi. Hindi ako makagalaw. “Pinasundan n’yo po ako…?” nanginginig kong tanong. “Of course.” Mas lalo akong nanlamig. “Because I needed to know everything,” dagdag niya. “Alam n’yo na…?” “Everything.” Parang wala na akong matatakasan. Parang hubad na ang buong pagkatao ko sa harap niya. Tumayo siya at lumapit sa mesa. “Because I’m taking responsibility.” Napatingin ako sa kanya. “Ano po…?” Inilabas niya ang isang papel. “Contract.” “Hindi ka mag-iisa,” sabi niya. “I will provide financial support. I will clear your family’s debts.” Parang may kumislap na pag-asa— pero agad ding nalunod. “Bilang kapalit…” mas mababa ang boses niya ngayon, “you will agree to a marriage arrangement.” Nanigas ako. “A-ano po…?” “Dahil anak ko ang dinadala mo.” Parang tuluyang gumuho ang mundo ko. “Hindi ko hahayaang lumaki ang anak ko na walang pamilya.” Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makahinga. “Think carefully,” dagdag niya. “You accept the contract… or you handle everything alone.” Napapikit ako. Umiiyak. Tahimik. Pero wasak na. “I’m not rushing you… but if you run away…” malamig siyang ngumiti, “I can still find you.” Nakaharap ako sa mesa, nanginginig ang mga kamay ko. “Hindi kita pinipilit,” dagdag niya. “Pinapakita ko lang ang kaya kong ibigay… at ang kapalit.” Pumasok sa isip ko ang pamilya ko. Ang nanay ko. Ang tatay ko. At doon ako tuluyang nadurog. “Ito na lang…” mahina kong bulong. Dahan-dahan kong inabot ang bolpen. Mabigat. Parang may humihila sa akin pabalik. Pero mas malakas ang dahilan kung bakit kailangan kong magpatuloy. Hindi na ako tumingin sa kanya. Hindi ko na kaya. At sa gitna ng pagkalito— pumirma ako. Isang pirma na walang kasiguraduhan. Pagkababa ng bolpen, nanatili akong nakaupo, tulala. “Good choice,” sabi niya. Hindi ako sumagot. Hindi ko kaya. Kung ito ang kailangan para sa pamilya ko… kakayanin ko. Kahit manatili ako sa tabi ni Luiz.Pagkaalis nila roon ay agad silang nagtungo sa isang mas tahimik na bahagi ng parke na malapit sa shopping district.Wala nang nagsasalita.Tahimik lamang silang naglalakad.Ngunit sa likod ng katahimikang iyon ay ang mabigat na emosyon na pilit nilang nilulunok.Lalo na si Czyrie.Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Luiz habang nakayuko.Pilít niyang pinipigilan ang mga luha.Pilít niyang sinasabing ayos lang siya.Pero hindi.Hindi talaga.Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Belle.Hindi tungkol sa kanya.Kundi tungkol sa kanyang mga magulang.Ang mga taong buong buhay na nagsakripisyo para sa kanya.Ang mga taong kahit hirap na hirap noon ay hindi siya pinabayaan.Ang mga taong walang ibang ginawa kundi mahalin siya.At narinig niya kung paano sila insultuhin nang harapan.Na para bang wala silang halaga.Bigla siyang huminto sa paglalakad.Napansin agad iyon ni Luiz."Baby?"Hindi na nakasagot si Czyrie.Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata
Maagang nagising ang buong pamilya kinabukasan. Matapos ang masayang almusal sa mansion, napagdesisyunan nilang lumabas upang mamasyal at maglibang.Excited si Czyrie dahil matagal na rin niyang hindi nakakasama nang ganito ang kanyang mga magulang. Kasama rin nila sina Luiz, ang mga magulang nito, at ilang bodyguards na tahimik lamang na sumusunod sa kanila.Nagpunta sila sa isang sikat na shopping district. Puno ng ilaw, mga tindahan, at masasayang tao ang paligid.Nakangiti si Czyrie habang hawak ang braso ni Luiz."Tingnan mo 'yon, ang ganda ng mga display," masayang sabi niya.Ngumiti si Luiz at hinalikan ang noo nito."Kung gusto mo, bibilhin ko lahat."Napailing si Czyrie habang natatawa."Huwag nga. Hindi lahat kailangang bilhin."Habang naglalakad sila, hindi napansin ni Czyrie ang isang pares ng matang nakatitig sa kanya mula sa hindi kalayuan.At nang makita nito kung sino ang kasama ng dalaga...Agad nagdilim ang mukha nito.Si Belle.Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang mg
Mas naging masigla ang mansyon nang dumating ang mga magulang ni Czyrie.Mula umaga hanggang hapon ay halos puno ng tawanan ang buong bahay.Habang ang iba ay abala sa paghanga kay baby, si Luiz naman ay tahimik na nakaupo sa sala kasama sina Czyrie at ang kanyang mga magulang.Hindi maiwasang mapangiti ni Czyrie habang pinagmamasdan ang eksena.Noong una ay inakala niyang magiging awkward ang lahat.Ngunit tila natural na nagkasundo ang kanyang pamilya at ang pamilya ni Luiz."At ikaw naman, hija?" tanong ng kanyang ina. "Kumusta ka na talaga?"Napangiti si Czyrie."Mabuti naman po, Ma.""Tulog ka ba nang maayos?"Bago pa siya makasagot ay agad na sumingit si Luiz."Hindi sapat."Napatingin silang lahat dito.Napakamot ito sa batok."Nagigising pa rin siya para kay baby."Napataas ang kilay ng ama ni Czyrie."At paano mo nalaman?"Napatigil si Luiz.Samantalang si Czyrie ay agad na namula.Dahil alam niyang iisa lang ang sagot doon.Dahil halos gabi-gabi itong nagpupuyat kasama niya.
Tatlong araw ang lumipas nang tuluyan nang payagan ng mga doktor na makauwi sina Czyrie at ang kanilang sanggol.Habang palabas sila ng ospital, hindi maiwasang mapatingin ni Czyrie kay Luiz na siyang may hawak sa baby carrier.Sobrang ingat nito na para bang gawa sa salamin ang anak nila."Luiz, relax," natatawang sabi niya.Agad naman siyang nilingon nito."I am relaxed."Napataas ang isang kilay ni Czyrie."Talaga? Limang beses mo nang chine-check kung maayos ang seatbelt ni baby.""It's called being a responsible father."Napailing na lamang siya habang pinipigilan ang ngiti.Pagdating nila sa mansyon ay sinalubong agad sila ng mga kasambahay.Masaya ang lahat na makita ang bagong miyembro ng bahay.Ngunit higit sa lahat ay si Luiz ang mukhang pinakamasaya.Buong maghapon ay halos hindi nito ibinababa ang anak.Kapag natutulog ang sanggol, nakatitig ito.Kapag gumagalaw ang sanggol, nakatitig pa rin ito.At kapag umiiyak naman ay parang ito pa ang mas kinakabahan."Tingin ko mas s
Maagang nagising si Czyrie dahil sa mahinang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng hospital room.Ilang segundo siyang nakatitig lamang sa kisame habang pilit inaalala kung nasaan siya.Pagkatapos ay bumalik ang lahat ng alaala.Ang panganganak.Ang takot.At si Luiz.Dahan-dahan siyang lumingon sa tabi.Natigilan siya.Nakatulog si Luiz habang nakaupo sa silya katabi ng kama niya.Nakahilig ang ulo nito sa gilid ng higaan habang mahigpit pa ring hawak ang kanyang kamay.Parang hindi talaga siya binitawan kahit kailan.Hindi niya namalayang napangiti siya.Gusot pa rin ang polo nito.Halatang pagod.Ngunit kahit natutulog ay tila hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha nito.Maya-maya ay kumilos si Luiz.Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata.Agad siyang napatuwid nang mapansing gising na si Czyrie."Good morning."Bahagyang namula si Czyrie."Good morning."Ilang segundo silang nagkatitigan.At sa unang pagkakataon ay walang umiwas.Parang may kung anong nagbago sa pagita
“The doctor said they need to monitor you and the baby, so you need to stay at the hospital for three days,” mahinang wika ni Luiz habang inaayos ang kumot ko.Tahimik lang akong tumango. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa lahat ng nangyari. Dahan-dahan kong kinakain ang pagkaing dala niya para sa akin habang si baby naman ay nasa nursery room at inaalagaan ng mga nurse.Maya-maya ay may ilang doctor na pumasok upang i-check ang lagay ko. Nang makaalis sila ay muling bumalik ang katahimikan sa silid. Tanging tunog lamang ng aircon at mahihinang yabag ng mga nurse sa labas ang maririnig.“Tell me if you need anything, okay?” tanong ni Luiz.Napatingin ako sa kanya at saka napakunot-noo.“Hindi ka pa ba uuwi?”Kaagad siyang umiling.“I'm staying here.”“Luiz—”“I'm not leaving you.”Napatigil ako.Ngayon ko lang napansin kung gaano siya kapagod. Gusot ang suot niyang polo at tila hindi man lang nakapagpahinga. Ngunit sa kabila noon ay hindi niya inaalis ang tingin sa akin.“Hin
MAKALIPAS ang ilang linggo ng pagdadalang-tao ni Cyzrie ay lalo itong naging maselan sa amoy at mabilis mapagod. Minsan ay simpleng halimuyak lamang ng pabango ay agad nang nagpapahilo sa kaniya. Ngunit higit pa roon, ang paulit-ulit na panggugulo ni Belle ang unti-unting sumisira sa katahimikan ni
“Acting strong? Don’t fool Luiz,” mayabang na wika ni Belle habang nakataas ang baba at puno ng panghahamak ang tingin kay Cyzrie. “Hindi pa tayo tapos.”Saglit na natigilan si Cyzrie matapos marinig iyon. Sa unang pagkakataon ay tila nakaganti siya kay Belle, tila naiparamdam niyang hindi siya bas
Maingat na lumabas si Cyzrie mula sa puting mamahaling sasakyan habang mahigpit ang kapit niya sa bouquet na hawak. Bahagyang nanginginig ang kamay niya sa kaba habang inayos ng mga staff ang mahabang laylayan ng wedding gown niya. Umihip ang malamig na hangin dahilan para bahagyang gumalaw ang bel
Mahigit limang oras ang naging biyahe bago tuluyang makarating sina Luiz at Cyzrie sa baryo nila sa Nueva Ecija.Habang papalapit ang sasakyan sa makitid na daang napapalibutan ng palayan at mga puno ng niyog ay lalong kinakabahan si Cyzrie. Hindi niya maiwasang paglaruan ang laylayan ng dress niya







