Chapter: Kabanata 5HINDI parin nawawala sa aking isipan ang sinasabi ni Aling Belen. Narito ako ngayon sa kwarto ni Sir Cassian kung saan busy sa paglilinis. Hindi naman mahirap linisin dahil konting alikabok lang meron at mas mabilis akong natapos.Hindi ko nga namalayan ang oras. Kung hindi pa ako kinatok ni Yshie ay malamang hindi ko malalaman na oras na pala ng pananghalian."Masyado kang seryoso ate.""Oo naman para walang ika-pintas sa atin si Sir Cassian.""Tumulong ako kay Aling Belen sa kusina. No'ng una ayaw niya pero dahil makulit ako kaya wala siyang nagawa," nakangiting sabi sa akin ng kapatid."Dapat lang, hindi pwedeng wala kang gagawin. Kung sa tingin mo'y may dapat kang tulungan, aba, dapat lang na gumawa ka rin. Kung tamad ka ay huwag kang kakain," sabi ko pa. Mula sa silid ni Sir Cassian ay lumabas na kami ni Yshie. Dumiretso na kami sa kusina kung nasaan ang lahat na kasalukuyang naghihintay sa aming magkapatid. "Sa wakas at narito na ang dalawa. Halina at tayo'y kakain na," nakang
Last Updated: 2026-05-28
Chapter: Kabanata 4Tinawagan ko kaagad ang adviser ng aking kapatid at pinaalam ang nangyaring hindi maganda sa bahay namin. Para may pruweba ay sinabihan ko itong pwedeng bisitahin ang aming maliit na kubo kung saan kami nakatira ng aking kapatid. "Ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyong magkapatid, Liora.""Pasensiya na po talaga at kailangan naming umalis na Tuguegarao, Mrs. Francisco.""Kung kaligtasan niyo naman ang dapat protektahan ay walang problema, pero possible na hihingin parin ng paaralan ang ilang dokumento tulad ng report card, birth certificate and form 137.""Pwede naman siguro po i-send niyo sa akin through online, like photocopy lang po siguro," pakiusap ko pa."Alright, i-send ko sa'yo. Sabihin mo nalang sa paaralan na pag-transferan ni Yshie na due to safety reasons ay online copies muna ang maibibigay niyo. Ipa-follow-up nalang ang original documents."Lumawak ang aking ngiti nang marinig ang sinabi ni Mrs. Francisco. Samantalang tutulungan naman ako ni Aling Belen na makapasok s
Last Updated: 2026-05-26
Chapter: Kabanata 3Kapwa kami nagulat ni Yshie nang masilayan ang tila old house na yari pa sa panahon ng Espanyol.Mula sa kotse ay bumaba kami ni Yshie. Pansin kong may dalang ilang groceries si Manong Danilo. Ibig sabihin ang lahat ng dala niya ay para rito? Ilang tao ba ang narito sa lumang-rest house na ito? "Ate, ang laki at sobrang ganda," mahinang sabi ng aking kapatid na tulad ko'y namangha rin sa laki at lawak ng naturang rest house. May malaking gate na halatang kagagaling lang sa renovation. May ilang cameras sa bawat area kaya malalaman talaga kung sino ang magnanakaw. May apat na guards pa. "Maligayang pagdating, Manong Danilo," sabay na bati ng mga guards kay Manong Danilo. Nakangiting bumati naman pabalik si Manong Danilo sa mga ito saka kami ipinakilala. "Si Liora at ang kanyang kapatid, sila ang ilalagay namin dito ni Manang Teresita niyo na mag-aalaga nitong rest house.""Maligayang pagdating, Ms. Liora at Ms. Yshie," halos sabay ding sabi ng apat na guards sa aming magkapatid. P
Last Updated: 2026-05-26
Chapter: Kabanata 2"SANDALI, sino kayo?" Kakarating ko lang galing sa paglalako ng Biko at gano'n na lamang ang gulat ko ng umiyak ang kapatid kong si Yshie."Ate..."Nadatnan ko ang ilang lalaking armado na may dalang-baril. Halos hindi ako makahinga na tila ba biglang namanhid ang aking buong-katawan. Sino ang mga taong ito? Niyakap ko ang nanginginig kong kapatid dahil siguro sa sobrang takot. Gulung-gulo ang bahay namin at halos hindi mahitsura."Pakiusap, wala kaming kasalanan sa inyo. Maawa kayo sa amin," pakiusap ko.Walang tutulong sa amin dahil malayo sa kabihasnan itong bahay namin. Hindi kami maririnig kahit patayin pa kami ng mga ito.Nag-isip kaagad ako ng paraan kung ano'ng dapat gawin. Since malapit sa akin ang isang lalaki kailangan kong makuha ang isang baril na nasa tagiliran niya. Kaya lang kailangan ko ng tiyempo."Dating-gawi, handa ka na ba?" bulong ko kay Yshie. Tumango ng dahan-dahan ang aking kapatid.Isang malakas na pagtulak ang ginawa ni Yshie sa isang lalaki dahilan upang
Last Updated: 2026-05-26
Chapter: Kabanata 1"WAKE UP!" "Hmmm..." ungol ko na tila tamad pang idilat ang mga mata. Pagdakay nagulat ako sa ilang mura na pinakawalan ng tila boses ng isang lalaki. Awtomatikong idinilat ko ang aking mga mata. Saka ko napagtantong nasa loob nga pala ako ng kotse sa may likuran natutulog. Nagproseso kaagad sa aking utak ang mga nangyari kagabi. "Who are you?"Tumigil ang aking mundo ng mag-tama ang paningin namin ng isang gwapong lalaki. Siya na nga ba si Cassian? "Hey, I'm asking," pukaw niya sa akin. Paano ba naman kasi ay nabatu-balani ako sa taglay nitong karisma."P—Pasensiya na po kayo, sir. Wala na po kasi akong masakyan na taxi pauwi sa amin kaya dito na muna ako natulog na sa tingin ko naman ay safe para magpalipas ako ng gabi," sagot ko na medyo nauutal pa. Tinutukoy ko ang convertible design na Ferrari na gamit niya papunta rito sa hospital. Ewan ko ba pero sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso. Hindi ko alam kung dahil ba sa nahuli niya akong natutulog sa kotse o dahil sa kakaiban
Last Updated: 2026-05-26
Chapter: SimulaKUMUNOT ang aking noo nang may marinig na pagsabog. Nagkatinginan kami ng kapatid kong si Yshie."Ate, ano iyon?" "Sandali at titingnan ng ate," sabi ko. Kinakabahan man ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa bintana. Sumilip, at gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang magarang kotse. "Ate, ano'ng meron?""Sshhh... huwag kang maingay."Napalunok ako nang makitang may tao sa loob at mukhang buhay pa. Awtomatikong napatakip ako sa aking bibig. "Dito ka lang at huwag na 'wag kang lalabas ng bahay. Tutulungan ko lang iyong tao na mukhang na trapped sa looban ng sasakyan.""Naku, kawawa naman siya, ate. Dalian mo na!" Kinakabahan man ay kailangan kong maging isang good Samaritan sa pagkakataong ito. Lumabas ako mula sa bahay saka dali-daling nilapitan ang kotseng halatang wasak at masasabi ko talagang pàtày na ang nasa loob dahil sa pagka-yupi nito."H—Help me..." Narinig ko ang tila mahinang pagtawag ng isang lalaki. Napalunok ako at halu-halo ang nararamdaman ko. Tako
Last Updated: 2026-05-26