
A Mistake Worth Keeping
Sabi nila, relationships come and go but friendship stays forever. Kaya para kela Julian at Belinda, kahit may namumuong spark sa pagitan nila, mas mahalaga ang kanilang pinagsamahan mula pagkabata. Bakit mo nga naman isusugal ang panghabambuhay na pagkakaibigan para sumubok sa walang kasiguraduhang pag-ibig?
But values and boundaries become blurred when the heart is vulnerable.
Kaya noong gabing nabasag ang puso ni Julian dahil sa hiwalayan ng kaniyang ex-girlfiriend, si Belinda ang sumalo sa bawat piraso nito. Drunk, hurting, and seeking comfort, Julian crossed the line, and Belinda let him. Ang gabing ito ang naging saksi ng mapusok na pag-iibigan na matagal nilang ipinagkait sa sarili.
Ngunit kinabukasan, ang malamig na katotohanan ang agad ding gumising sa kanila. “It was a mistake,” pag-amin ni Julian.
Lubos na nasaktan si Belinda sa narinig, at hindi niya maatim na patawarin si Julian when that ‘mistake’ left her pregnant. So Belinda packed her bags and disappeared, carrying a secret that would redefine who they were.
Seven years later, sinubok silang muli ng tadhana.
Julian crosses paths with Belinda and a six-year-old child who looks exactly like him. Unti-unting nabunyag ang sikreto, ngunit mabilis na sumiklab ang galit na nararamdaman nila para sa isa’t isa, as if the trust they spent a lifetime building is gone.
But their son has other plans. Longing for the father he never knew, the little boy becomes the unexpected bridge between two estranged hearts, encouraging them to risk all that they have for a second chance.
Kaya ba ng inosenteng pagmamahal ng kanilang anak na hilumin ang malalalim na sugat ng kanilang nakaraan? Or will the seven years of secrets keep them from becoming the family they were always meant to be?
Read
Chapter: Chapter 8In the first few months after I found out I was pregnant with Vier, walang gabing hindi ko inisip kung ano sana ang estado ng pagkakaibigan namin ni Julian kung hindi nangyari ang gabing iyon. Kung walang nangyari sa amin noong gabing iyon.And on those same nights, I was crying myself to sleep. Daig ko pa ang babaeng hiniwalayan ng boyfriend matapos ang sampung taong relasyon, matapos pagsamahan ang lahat ng saya at hirap na dumating sa aming buhay. Indeed, friendship breakups hurt more than romantic ones. Isa ay dahil mas mahirap magkaroon ng closure ‘pag magkaibigan lang, which left me to endlessly question what went wrong, at kailanma’y hindi ako nakakuha ng sagot tungkol doon.Sa mga sumunod pang buwan at taon, nang iluwal ko na si Vier at pinalaki nang mag-isa, tapos na akong isipin ang what ifs, at sa halip ay mas ibinuhos ang atensyon sa kung anong meron at dapat kong gawin sa kasalukuyan. Kaya’t ang araw-araw na pagod sa pag-aalaga ang nagsilbing paalala ko that my son was th
Last Updated: 2026-06-17
Chapter: Chapter 7It has become Vier and my ritual to find the nearest convenience store to eat ice cream after our fights. ‘Gaya kapag napapagalitan ko siya sa tuwing nakakalimutan niyang i-flush ang toilet pagkatapos umihi o kaya’y kapag sobra na ang screen time sa gabi, o kapag naman nagtatampo siya sa akin dahil mahigit 30 minutes na akong late sa pagsundo sa kaniya sa AMS. Palaging ice cream ang sagot para magpalamig ng mga ulo namin, pagkatapos no’n, kaunting usap nang mas mahinahon at magkabati na ulit kami. I used to think Vier is growing up so fast because he’s becoming more understandable na kahit tig-sampung pisong ice cream ay napapatawad na namin ang isa’t isa, no matter how small or big the fight is. Dati’y kahit mamahaling laruan na nasa christmas wishlist niya’y hindi ko siya masuhulan, kahit na August pa lang ay handa na akong bilhin. However, today reminds me na bata pa rin pala ng isip niya. Hindi pa niya nauunawan na hindi lahat kayang madaan sa ice cream, katulad na lang ng nangya
Last Updated: 2026-06-17
Chapter: Chapter 6Kabaliktaran ng good news ni Vier ang agad na bumalot sa aking puso nang marinig iyon. Tila ba isinabay ng hangin ang ngayo’y nararamdaman kong takot sa bilis ng pag-ihip nito sa direksyon ko, na nagpataas pa ng aking balahibo sa braso.“What good news?” kunwaring kaswal kong tanong kahit sa loob-loob ay pinangungunahan na ako ng matinding emosyon.Vier smiled more eagerly at me. “My Ninong will bigay me more basketball shoes po!”“What?” kunot-noo kong tanong kahit na klaro naman ang narinig. “What are you talking about?”Imbes na magpaliwanag, umalis si Vier sa aking mga braso at tumakbo papunta kay Julian na pasimpleng naglalakad papunta sa amin. Suot ang army green na polo shirt at khaki shorts
Last Updated: 2026-06-16
Chapter: Chapter 5Napangiti sa akin si Julian nang marinig ang sagot ko at walang sabi-sabing kinuha sa mga braso ko si Vier para siya naman ang magbuhat.“It’s gonna be a long walk, Belinda. Medyo malayo rito ang parking lot,” paliwanag niya kahit hindi pa naman ako nakakapagsalita para pigilan siya.“But…”“No buts, please,” habol niya at wala na tuloy akong nagawa.Julian started leading the way to the parking lot, and I followed him behind. Walang naglakas-loob magsalita sa aming dalawa sa mga oras na ito, kaya naman mas nanaig ang mga boses sa utak ko. At habang pinagmamasdan siya at ang mukha ng anak kong natutulog sa balikat niya, may parte sa akin ang biglang nakararamdam na parang maling desisyon ito. Mali ang nakita ko si Julian ngayon, pero mas maling desisyon na kausapin siya, na payagang makipag-usap ang anak ko sa kaniya, at ngayon ay ang ihatid kaming mag-ina. And all of these decisions were on me. It was me who made everything else happened, at
Last Updated: 2026-06-16
Chapter: Chapter 4“Mommy! Mommy! Mommy!” paulit-ulit na tawag ni Vier, nangungulit sa tabihan ko.Hindi ko nga lang siya magawang tingnan pa because I am making sure na walang defects sa napili niyang sapatos bago ito bayaran. Ayos na naman ang size at sakto sa kaniya, may kaunting allowance pa kung sakaling lumaki agad ang paa niya. Salamat kay Julian na tumulong sa kaniya kanina, na wari ko’y hanggang ngayon ay nakatulala pa rin sa akin, nakasandal sa isang sulok na para bang nakakita ng multo. It’s half true, though. I am a ghost of his past. Seeing me right now probably reminds him that I am only an unresolved issue that suddenly reappeared in his life and not as his best friend anymore.The thought of it forced me to glance at Julian. Sa sandaling nagtama ang mga mata namin, muling nagkumahog ang puso ko. Actually, it has been beating fast and crazy the very moment our eyes met a few minutes ago. Sobrang bilis, sobrang lakas. Daig ko pa ang estudyanteng kinakabahan mag-deliver ng kaniyang imprompt
Last Updated: 2026-06-10
Chapter: Chapter 3It has been seven long years since the last time I visited Manila. Gusto kong isipin na wala lang akong pera o panahon para bumiyahe, pero sa likod ng isip ko, batid kong kaya hindi ko magawang ihakbang ang aking paa papasok sa barko ay dahil sa pangamba sa napakaraming bagay. The thing is, when someone’s filled with anxiety, pakiramdam niya, kahit ang pinakaimposibleng mangyari sa buhay niya ay posible, kahit 1% lang ang tiyansa. And to deal with that feeling, they try their best to avoid the situation that triggers them until avoidance is no longer an option, at least for me. Kaya nang matanggap namin ang memorandum tungkol sa gaganaping field trip sa Maynila, hindi na ako maka-hindi nang isa ako sa mga gurong magbabantay sa mga estudyante. I wanted to explain my situation to the school administrators para kahit papaano’y makalusot, na kesyo mahirap iwanan ang six year old kong anak sa bahay at wala ring magbabantay sa kaniya. Sa kasamaang palad, pamalit lamang pala ako sa isang gu
Last Updated: 2026-06-10