Share

Chapter 14

Penulis: Berry Wilder
last update Tanggal publikasi: 2026-06-24 00:31:35

Alas sais y media na ng umaga nang magising ako kinabukasan. Mabuti ay naka-isa’t kalahating bote lamang ako ng beer, kaya hindi masyado masakit ang ulo ko, pero kabaliktaran naman nito ang aking mga mata. Halos hindi ko maimulat nang tumunog ang alarm ko kaninang alas singko, kaya naman ngayon lang ako babangon sa kama.

Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin bago pumasok sa banyo. Namamaga ang ilalim ng mga mata ko sa puyat at kakaiyak kagabi. Habang naliligo ngayon ay hinihiling ko na kahit
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 14

    Alas sais y media na ng umaga nang magising ako kinabukasan. Mabuti ay naka-isa’t kalahating bote lamang ako ng beer, kaya hindi masyado masakit ang ulo ko, pero kabaliktaran naman nito ang aking mga mata. Halos hindi ko maimulat nang tumunog ang alarm ko kaninang alas singko, kaya naman ngayon lang ako babangon sa kama. Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin bago pumasok sa banyo. Namamaga ang ilalim ng mga mata ko sa puyat at kakaiyak kagabi. Habang naliligo ngayon ay hinihiling ko na kahit papaano’y mabawasan naman sana ang puffiness ng paligid ng aking mga mata. Nang hindi pa rin ito umayos, nag-cold compress ako saglit at ginamitan ko na rin concealer ang eyebags, kaya nang matapos ako sa pag-iintindi ng sarili, hindi na ito ganoon ka-visible tingnan. Ginising ko na si Vier nang 7:00 AM na. Pinaligo ko na siya mag-isa habang hinahanda ko ang kaniyang bag at lunch box. 7:30 na nang makalabas kami ng bahay, ngunit 10 minutes pa ulit ang naubos sa pag-aantay namin ng masasakyang

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 13

    Matapos tulungan si Vier sa paglilinis ng kaniyang katawan, hinatid ko na siya sa kaniyang kwarto at inintay makatulog. Pagod siya sa mga nangyari ngayong araw, kaya naman wala pang ilang minuto ay nakapikit na at hindi na ako nagtagal doon. Sinilip ko lang din si Aria at Aya sa kabilang kwarto na parehas nakasuot ng earphones, may sari-sariling mundo habang nag-aaral. Saka pa lang ako lumabas ng bahay, kung saan naghihintay si Maverick sa patio, may hawak ng bukas na beer sa kamay. Tahimik akong naupo sa tabi niya at kumuha ng aking beer sa lamesa. It took me a few sips before I gathered enough courage to look at Maverick, na pansin kong kanina pang nakatitig sa akin at nag-aantay ng pulutan—ang problema ko.“Nawala si Vier noong nagpunta kami ng MOA,” panimula ko. “Pagkakita ko sa kaniya, kasama niya na si Julian… Sa dami ng tao roon that time, si Julian pa talaga… Alam mo, Maverick, parang teleserye lang eh… Nawala lang saglit ‘yung anak ko, tapos kasama niya na agad ‘yung tatay

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 12

    Pinagmasdan kong bumaba ng sasakyan si Maverick. Mukhang dito na siya dumiretso sa bahay matapos ang mahabang biyahe galing Japan dahil sa suot-suot na windbreaker jacket at jogging pants, may bitbit pang ilang paper bags ng pasalubong.“Maverick,” tawag ko nang papalapit na siya sa akin. “Si Julian pala… kaibigan ko dati.”Tumabi muna sa akin si Maverick, saka nagbaling ng tingin kay Julian. Nag-abot siya ng kamay rito. “Maverick Belmonte.”Tinanggap naman ni Julian ang kamay ni Maverick, kahit halatang nagtataka kung sino siya. “Julian San Agustin III,” pakilala niya pabalik.I watched them shake each other’s hand. Ngunit wala pang dalawang segundo, nagbitaw din agad at seryosong nagkatitigan na lamang na para bang sapat na iyon para mas makilala ang isa’t isa. Habang ako, pabalik-balik ang tingin sa kanila. It feels as if I am the only one feeling the awkwardness between us three.Mabuti na lamang at sandali ko lang tiniis iyon dahil binasag na ni Maverick ang katahimikan. “Nasaan

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 11

    Tatlong buwan akong buntis nang makilala ko si Maverick. Tito siya ng noo’y tutee ko na si Marcus, at sa bahay nila kami may everyday session, tuwing hapon pagkatapos ng klase niya sa school. Palagi kong nakikita si Maverick na umuuwi bandang alas syete ng gabi, dala ang kaniyang malaking Hydro Flask tumbler. Sa isip ko’y he was the mysterious kind of guy dahil kapag nagtatama ang mga mata namin, he would always simply nod his head para bumati. Never nagsalita, never man lang ngumiti. Inakala kong suplado’t masungit siya, palagi pang kunot ang noo, kaya naman hindi ko kailanman pinangarap na magkaroon kami ng mas malalim na interaction, lalo’t baka masama pa siya sa listahan ng mga taong kinamumuhian ko dahil sa pinagsasabay ang pagiging mayaman at hindi magandang pag-uugali. But all it took me to prove that he was different was one chance. Tandang-tanda ko pa, mag-aalas syete rin ng gabi iyon, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nasa kanilang bahay pa ako’t nagtu-tutor kay Marcus,

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 10

    Hawak ko ang kamay ni Vier nang papalabas na kami sa AMS matapos ang awarding, patalon-talon pa habang naglalakad sa sobrang saya.“Mommy, are we going to kain po sa Jollibee?” tanong niya.Nagbaba ako ng tingin kay Vier at nakangiting tumango. “Of course! You’ve done a great job eh!”Simula noong nagka-muwang siya, I am making it a habit to treat him to his favorite fast food chain or buy him simple gifts when he has done a great job, lalo kapag may awards ‘gaya ng pagiging MVP niya ngayon. Some parents may not agree with me, kesyo inii-spoil ko ang bata o kaya’y baka ma-associate niya na palaging may reward ‘pag may award at dumating sa puntong maging externally motivated na lang si Vier. Ang sa akin naman, gusto ko lang tumatak kay Vier na naa-appreciate ko ang effort niya, ang mga ginagawa niya para maging magaling. Hindi rin naman ako nagkulang sa pagpapaalala sa kaniya, kaya hindi ako nababahala na magiging masama ang kahahantungan ng ganitong pagpapalaki. “Si Ninong po kasama

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 9

    Iyon na lamang ang tumatak sa isip ko hanggang sa pinatay ko na ang tawag at hinintay siyang dumating. Habang umiikot ang kamay ng orasan, pabalik-balik ang tingin ko sa entrance ng gymnasium at kay Vier na nakasubsob pa rin sa kaniyang mga tuhod. Maya-maya, nabaling ang atensyon ko sa iba nang nag-vibrate ang phone ko sa panibagong message. I was expecting it’s from Maverick na kausap ko pa kanina, but it’s from Julian. Julian San Agustin III:Here!Nag-angat ako ng tingin sa entrance at andito na nga siya, pasimpleng nagtaas ng kamay pagkatama ng mga mata namin para bumati. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang kaunti habang pinagmamasdan siyang papalapit, suot ang black shades, black hoodie, at navy blue shorts na terno sa kaniyang sneakers.“Vier!” masiglang tawag ko sa anak. “Look who’s here, oh!”Still, no response from him, marahil nagbibingi-bingihan. Lalapit na sana ako sa kaniya upang suyuin siya nang si Julian na mismo ang tumawag sa nagtatampong bata.“Hi, Vier! Hindi m

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 3

    It has been seven long years since the last time I visited Manila. Gusto kong isipin na wala lang akong pera o panahon para bumiyahe, pero sa likod ng isip ko, batid kong kaya hindi ko magawang ihakbang ang aking paa papasok sa barko ay dahil sa pangamba sa napakaraming bagay. The thing is, when so

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 2

    Lumaki akong maraming dala-dalang sikreto sa buhay. Hindi naituro sa akin ng aking mga magulang na isa pala ito sa mga hindi matapos-tapos na pagsubok sa kagaya naming isang kayod, isang tuka. Itinatago ko kapag kulang na ang pera ko para makabili ng mas healthy na pagkain pamalit sa noodles o de l

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 1

    Kasalukuyang malakas ang buhos ng ulan sa labas, ngunit mas naririnig ko ang kabog ng aking puso. Julian is staring at me with his gentle and alluring eyes, as if the person in front of him is not only his best friend but someone more fulfilling for me—the woman he loves the most. Bumilis pa lalo a

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 8

    In the first few months after I found out I was pregnant with Vier, walang gabing hindi ko inisip kung ano sana ang estado ng pagkakaibigan namin ni Julian kung hindi nangyari ang gabing iyon. Kung walang nangyari sa amin noong gabing iyon.And on those same nights, I was crying myself to sleep. Da

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status