TWINS FOR CEO
Akala ni Adeline, tuluyan na niyang naiwan ang nakaraan. Pero isang aksidente ang muling nagdala sa kanya sa buhay ng ex-husband niyang si Harrison. Habang hinahanap ni Harisson ang katotohanan, nadiskubre niyang hindi lang isa, kundi kambal pala ang mga anak nila. Pero kung anak niya ang mga ito, bakit itinago ni Adeline sa loob ng maraming taon?
**
"Ikaw ang nakasagasa sa anak ko?" tanong ni Adeline kay Harrison. Kahit galit siya, hininaan niya ang boses niya para hindi makabulabog ng ibang pasyente.
"Anak?" Hindi maitago ni Harrison ang gulat nang sabihin ni Adeline na siya ang nanay ng batang nabangga niya. "Anak mo siya?"
Hindi sinagot ni Adeline ang tanong ni Harrison. Patuloy lang siyang nakatitig sa anak nang may awa habang nakahiga ito sa hospital bed.
"Adeline, sabihin mo sa 'kin ang totoo, anak ko ba siya?" tanong ni Harrison habang pinipilit na iharap sa kanya si Adeline.
Read
Chapter: Chapter 4Hindi kayang bayaran ni Adeline ang bill, pero ayaw niyang tumanggap ng tulong kay Harrison dahil ayaw niyang mabunyag ang pagkatao ng mga anak niyang kambal. Patuloy niyang itatago ang totoong pagkatao nina Anita at Alan hanggang sa handa na siyang sabihin ito sa dalawa balang-araw.Hindi madaling maloko si Harrison. Sa inuugali ni Adeline, lalo lang siyang naghihinala na para bang may itinatago ang babae."Bakit mo ba 'ko sinusundan? Sinabi ko naman sa 'yong nagsasabi ako ng totoo. Depende na sa 'yo kung naniniwala ka o hindi!" Mukhang frustrated na si Adeline habang sinusundan pa rin ng ex niya."Gusto ko lang namang bayaran ang gulo at pinsala na ako ang may gawa, pero pinagbabawalan mo 'ko." Ang tigas ng ulo ni Harrison. Wala siyang pakiusap sa bawal ni Adeline."O sige, kung gusto mong managot, ikaw muna ang magbantay kay Anita sa kwarto niya. Uuwi muna ako sandali para kumuha ng mga gamit niya," sabi ni Adeline sabay tulak nang bahagya sa katawan ni Harrison para hindi ito masy
Last Updated: 2026-07-22
Chapter: Chapter 3"Sa labas tayo mag-usap," sabi ni Adeline.Tumayo si Adeline mula sa upuan bago iwan ang anak. Inayos muna niya ang kumot ni Anita para hindi ito lamigin.Unang lumabas si Adeline na sinundan ni Harrison. Sinadya niyang sa labas makipag-usap para hindi marinig ni Anita sakaling magising ito.Hindi pwedeng marinig ni Anita ang usapan nila ni Harrison, lalo na’t ang tungkol sa kanya ang pinag-uusapan.Ayaw ng batang ina na malaman ni Harrison ang totoo tungkol sa kambal niya.Nagtungo sina Adeline at Harrison sa hardin ng ospital sa likod mismo ng ward ni Anita. Umupo ang batang ina sa isa sa mga bangko roon. Gusto sanang umupo ni Harrison sa kabilang upuan pero alam niyang tatanggi ang ex-wife niya na maupo nang malapit sa kanya."Adeline, sagutin mo 'ko nang matapat!" tanong ni Harrison. "Anak ko ba si Anita?"Paulit-ulit na itinatanong ni Harrison kay Adeline ang parehong tanong. Umaasa siyang mag-iiba ang isasagot ng ex-wife niya kumpara kanina.Natahimik nang sandali si Adeline nan
Last Updated: 2026-07-22
Chapter: Chapter 2Nagulat ang babaeng tinawag na Adeline. Binitawan ng labi niya ang pangalan ni Harrison kahit walang boses na lumabas sa kanya."Adeline, anong ginagawa mo rito?" tanong niya.Pabalik-balik ang tingin ni Harrison kay Anita at Adeline, dalawang babaeng magkaiba ang edad pero magkakamukhang-magkakamukha.Pumasok si Adeline sa ER. Bumuhos ang luha niya nang makita ang anak na nakahandusay at may balot na bandage ang ulo."Ikaw ang nakasagasa sa anak ko?" tanong ni Adeline kay Harrison. Kahit galit siya, hininaan niya ang boses niya para hindi makabulabog ng ibang pasyente."Anak?" Hindi maitago ni Harrison ang gulat nang sabihin ni Adeline na siya ang nanay ng batang nabangga niya. "Anak mo siya?"Hindi sinagot ni Adeline ang tanong ni Harrison. Patuloy lang siyang nakatitig sa anak nang may awa habang nakahiga ito sa hospital bed."Adeline, sabihin mo sa 'kin ang totoo, anak ko ba siya?" tanong ni Harrison habang pinipilit na iharap sa kanya si Adeline. Pero mabilis na itinabig ng batan
Last Updated: 2026-07-22
Chapter: Chapter 1Isang tili ang umalingawngaw bago tumalsik at bumagsak ang katawan ng bata sa kalsada. Nakadapa siya at duguan. Mabuti na lang at kahit papaano ay nasalo ng bag niya ang ulo niya, pero wala man lang marinig na daing o iyak mula sa kanta."Nakasagasa ka ng bata, Boss." Saksi mismo si Nelson sa pagkatalsik ng bata.Mabilis na bumaba ng kotse ang lalaking naka-puting shirt. Hating-hati ang hininga niya nang makita ang bata na nakahandusay at may dugo.Yung lalaking bumaba sa kaliwang pintuan ay napabulong na lang sa sarili habang nakatitig sa nabangga ng boss niya. Dinampot niya ang bag nito na may pangalan na Anita.Binuhat ng boss ang katawan ni Anita. "Nelson, mag-drive ka. Bilis!" utos ni Harrison bago sumakay sa kotse."Sige, Boss." Mabilis na pinatakbo ni Nelson ang kotse sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang at bagamat maraming sasakyan ay tuloy-tuloy naman ang daloy ng trapiko.Si Harrison, na CEO ng H&S Corporation, ay mukhang bata at gwapo pa rin sa edad na trenta. Hindi niya mai
Last Updated: 2026-07-21