Mag-log in
Isang tili ang umalingawngaw bago tumalsik at bumagsak ang katawan ng bata sa kalsada. Nakadapa siya at duguan. Mabuti na lang at kahit papaano ay nasalo ng bag niya ang ulo niya, pero wala man lang marinig na daing o iyak mula sa kanta.
"Nakasagasa ka ng bata, Boss." Saksi mismo si Nelson sa pagkatalsik ng bata.
Mabilis na bumaba ng kotse ang lalaking naka-puting shirt. Hating-hati ang hininga niya nang makita ang bata na nakahandusay at may dugo.
Yung lalaking bumaba sa kaliwang pintuan ay napabulong na lang sa sarili habang nakatitig sa nabangga ng boss niya. Dinampot niya ang bag nito na may pangalan na Anita.
Binuhat ng boss ang katawan ni Anita. "Nelson, mag-drive ka. Bilis!" utos ni Harrison bago sumakay sa kotse.
"Sige, Boss." Mabilis na pinatakbo ni Nelson ang kotse sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang at bagamat maraming sasakyan ay tuloy-tuloy naman ang daloy ng trapiko.
Si Harrison, na CEO ng H&S Corporation, ay mukhang bata at gwapo pa rin sa edad na trenta. Hindi niya maihiwalay ang tingin niya sa mukha ng bata na namumutla at walang malay sa kandungan niya dahil sa pagkakamali niya sa pagmamaneho.
"Boss, humihinga pa ba yung bata?" Sumulyap saglit si Nelson sa rear-view mirror para tingnan ang lagay ni Anita, tsaka muling nag-focus sa pagmamaneho.
Sinusubukan ni Nelson na mag-focus, kahit na pumapasok sa isip niya ang nanay ng batang nabangga ng boss niya.
'Paano ko 'to ipapaliwanag?' bulong ng lalaki sa driver's seat. Hindi niya sinabi sa boss niya na kilala niya ang bata.
Tinitigan ni Harrison ang mukha ng batang nakasandal sa kandungan niya. Maganda at cute pa rin ang bata kahit na napakaputla na nito.
Inilagay ng lalaking may dugo ang puting shirt ang hintuturo niya sa ilalim ng ilong ni Anita. Nakahinga siya nang maluwag nang maramdaman niyang humihinga pa ito.
Hindi nagtagal, nakarating na sila sa ospital. Mabilis na inilagay ng mga nurse si Anita sa ER. Sumunod agad sina Harrison at Nelson sa gurney na itinutulak ng nurse.
Pinasok ng nurse si Anita sa loob ng ER habang si Harrison naman ay nag-aabang sa labas. Natatakot siyang may mangyaring masama sa bata. Kapag may nangyaring masama rito, hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya.
Lumapit si Nelson sa boss niyang nakatayo sa p***o ng ER. "Boss, mas maganda sigurong tawagan natin ang pamilya niya."
"Damn. I almost forgot it. Pero saan natin hahanapin? Hindi ko kilala ang mga magulang niya."
Naalala ni Harrison ang bag ng bata na ibinigay sa kanya ng nurse. Baka may impormasyon doon tungkol sa pamilya nito. Inabot ni Harrison ang kulay pink na bag sa assistant niya.
"Sige, Boss." Kinuha ni Nelson ang bag. "Kakausapin ko agad ang mga magulang ni Anita."
"Anita?" Kumunot ang noo ni Harrison. "Anita ang pangalan ng bata?"
"Opo, Boss," sagot ni Nelson.
"Paano mo nalaman? Kilala mo ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Harrison sa assistant niya.
"May pangalan o." Ipinakita ni Nelson ang pangalan ni Anita na nakasulat sa bag. "Pangalan 'to ng bata siguro."
"Oo nga, pangalan niya 'yan," sabi ni Harrison. "Hanapin mo kung saang kindergarten siya nag-aaral at hingin mo ang number ng magulang niya," dagdag pa niya habang itinuturo ang pangalan ng eskwelahan na nakatatak sa bag.
Tumango si Nelson tsaka lumayo nang kaunti sa boss niya. Nang makalayo na, tinawagan niya ang tunay na nanay ni Anita.
"Hello... naaksidente ang anak mo. Pumunta ka agad dito, i-text ko ang address." Bago pa makasagot ang nasa kabilang linya, ibinaba agad ni Nelson ang telepono. Hindi niya kayang sagutin ang mga itatanong ng magulang ni Anita.
Bumalik si Nelson kay Harrison pagkatapos tumawag.
"Natawagan ko na ang nanay niya," sabi ni Nelson. "Papunta na siya."
"Mabuti naman." 'Yun lang ang nasabi ni Harrison. Ngayon, ang iniisip na lang niya ay kung paano humingi ng tawad sa mga magulang ng bata.
Pagkalipas ng ilang oras, lumabas ang doktor mula sa ER.
"Kayo po ba ang pamilya ng batang naaksidente?" tanong ng Doktor.
"Ako po, Doc," sagot ni Harrison. "Ako ang tatay."
Nanlaki ang mga mata ni Nelson nang magpanggap ang boss niya na tatay ng batang nabangga nito.
"Maraming dugong nawala sa bata. At ubos na ang stock ng ospital para sa blood type AB," paliwanag ng Doktor.
Natahimik si Harrison sa sinabi ng Doktor.
"Paki-asikaso na lang po agad ang registration at papeles sa front desk para maasikaso agad ang gamot niya," dagdag pa ng Doktor bago umalis.
Di-mapakali si Harrison. Pabalik-balik ang tingin ng lalaki sa bintana ng ER. Gustong-gusto niyang malaman kung ano na ang lagay ng bata.
Hindi niya iyon sinasadya. Kung alam lang niyang mangyayari ito, mas mabagal sana ang pagpapatakbo niya.
Kahit na nagprisinta na si Nelson na mag-drive kanina, nagpumilit pa rin si Harrison. Eto tuloy ang nangyari, dahil sa kawalan niya ng ingat, nakasagasa siya ng bata.
Handa naman siyang harapin kung magagalit man ang mga magulang ni Anita, at bukal sa loob niyang papanagutan ang lahat kung hihilingin nila.
Gulong-gulo pa rin ang isip ni Harrison. Naaalala niya ang mukha ng bata habang hawak niya ito, na tila napakapamiliar sa kanya.
"Boss, kung gusto niyo nang umuwi, ako na lang ang bahala rito," alok ni Nelson.
"Paano ako uuwi habang may napahamak akong bata? Paano kung hindi siya okay?" medyo paangil na sagot ni Harrison sa pag-aalala.
Natahimik si Nelson. Bubuhatin pa sana niya ang bibig niya para magsalita pero nanahimik na lang siya nang makita ang mukha ng boss niya na lalong nag-aalala.
Lumabas ang isang nurse mula sa ER, at agad itong nilapitan ni Harrison. "Pwede na ba akong pumasok?" tanong ni Harrison, sabik na makita ang batang nabangga niya.
"Sige po, Sir!" mabait na sagot ng nurse.
Tumango si Harrison. Agad siyang pumasok sa silid habang si Nelson naman ang nag-asikaso ng registration ni Anita.
Pumasok si Harrison sa ER na halo-halo ang nararamdaman: kaba, takot, at pagsisi. Mas mabilis ang kabog ng dibdib niya habang nakatitig sa mukha ng bata.
Dahan-dahang hinaplos ng malaking kamay ni Harrison ang kamay ni Anita. Napakalalamig ng kamay ng bata. May mga balot ng bandage ang ulo at kamay nito.
"Little girl, gising ka na. I didn't mean it. Pasensya ka na kung nabaggaan kita. Sabihan mo lang kung anong kailangan mo, ibibigay ko kahit ano. Bibilhan kita ng malaking doll at magiging magkaibigan tayo. Pagaling ka agad, ha?" Maingat na hinaplos ni Harrison ang kamay ni Anita habang nakatitig sa magandang mukha nito.
Kamukha ito ng babaeng matagal na niya hindi nakikita...
"Anita, gising ka na—"
"Anita!" Ang sigaw ng isang babae ang nagpatigil kay Harrison sa pagsasalita at napalingon siya sa pinagmulan ng boses.
Isang babae na kilalang-kilala ni Harrison ang nakatayo ngayon sa kanang bahagi ng kama. Bakas sa mukha nito ang gulo-gulong buhok at matinding pag-aalala. Nagulat si Harrison nang marealize kung sino ang nanay ng batang nabangga niya.
"Adeline..."
Hindi kayang bayaran ni Adeline ang bill, pero ayaw niyang tumanggap ng tulong kay Harrison dahil ayaw niyang mabunyag ang pagkatao ng mga anak niyang kambal. Patuloy niyang itatago ang totoong pagkatao nina Anita at Alan hanggang sa handa na siyang sabihin ito sa dalawa balang-araw.Hindi madaling maloko si Harrison. Sa inuugali ni Adeline, lalo lang siyang naghihinala na para bang may itinatago ang babae."Bakit mo ba 'ko sinusundan? Sinabi ko naman sa 'yong nagsasabi ako ng totoo. Depende na sa 'yo kung naniniwala ka o hindi!" Mukhang frustrated na si Adeline habang sinusundan pa rin ng ex niya."Gusto ko lang namang bayaran ang gulo at pinsala na ako ang may gawa, pero pinagbabawalan mo 'ko." Ang tigas ng ulo ni Harrison. Wala siyang pakiusap sa bawal ni Adeline."O sige, kung gusto mong managot, ikaw muna ang magbantay kay Anita sa kwarto niya. Uuwi muna ako sandali para kumuha ng mga gamit niya," sabi ni Adeline sabay tulak nang bahagya sa katawan ni Harrison para hindi ito masy
"Sa labas tayo mag-usap," sabi ni Adeline.Tumayo si Adeline mula sa upuan bago iwan ang anak. Inayos muna niya ang kumot ni Anita para hindi ito lamigin.Unang lumabas si Adeline na sinundan ni Harrison. Sinadya niyang sa labas makipag-usap para hindi marinig ni Anita sakaling magising ito.Hindi pwedeng marinig ni Anita ang usapan nila ni Harrison, lalo na’t ang tungkol sa kanya ang pinag-uusapan.Ayaw ng batang ina na malaman ni Harrison ang totoo tungkol sa kambal niya.Nagtungo sina Adeline at Harrison sa hardin ng ospital sa likod mismo ng ward ni Anita. Umupo ang batang ina sa isa sa mga bangko roon. Gusto sanang umupo ni Harrison sa kabilang upuan pero alam niyang tatanggi ang ex-wife niya na maupo nang malapit sa kanya."Adeline, sagutin mo 'ko nang matapat!" tanong ni Harrison. "Anak ko ba si Anita?"Paulit-ulit na itinatanong ni Harrison kay Adeline ang parehong tanong. Umaasa siyang mag-iiba ang isasagot ng ex-wife niya kumpara kanina.Natahimik nang sandali si Adeline nan
Nagulat ang babaeng tinawag na Adeline. Binitawan ng labi niya ang pangalan ni Harrison kahit walang boses na lumabas sa kanya."Adeline, anong ginagawa mo rito?" tanong niya.Pabalik-balik ang tingin ni Harrison kay Anita at Adeline, dalawang babaeng magkaiba ang edad pero magkakamukhang-magkakamukha.Pumasok si Adeline sa ER. Bumuhos ang luha niya nang makita ang anak na nakahandusay at may balot na bandage ang ulo."Ikaw ang nakasagasa sa anak ko?" tanong ni Adeline kay Harrison. Kahit galit siya, hininaan niya ang boses niya para hindi makabulabog ng ibang pasyente."Anak?" Hindi maitago ni Harrison ang gulat nang sabihin ni Adeline na siya ang nanay ng batang nabangga niya. "Anak mo siya?"Hindi sinagot ni Adeline ang tanong ni Harrison. Patuloy lang siyang nakatitig sa anak nang may awa habang nakahiga ito sa hospital bed."Adeline, sabihin mo sa 'kin ang totoo, anak ko ba siya?" tanong ni Harrison habang pinipilit na iharap sa kanya si Adeline. Pero mabilis na itinabig ng batan
Isang tili ang umalingawngaw bago tumalsik at bumagsak ang katawan ng bata sa kalsada. Nakadapa siya at duguan. Mabuti na lang at kahit papaano ay nasalo ng bag niya ang ulo niya, pero wala man lang marinig na daing o iyak mula sa kanta."Nakasagasa ka ng bata, Boss." Saksi mismo si Nelson sa pagkatalsik ng bata.Mabilis na bumaba ng kotse ang lalaking naka-puting shirt. Hating-hati ang hininga niya nang makita ang bata na nakahandusay at may dugo.Yung lalaking bumaba sa kaliwang pintuan ay napabulong na lang sa sarili habang nakatitig sa nabangga ng boss niya. Dinampot niya ang bag nito na may pangalan na Anita.Binuhat ng boss ang katawan ni Anita. "Nelson, mag-drive ka. Bilis!" utos ni Harrison bago sumakay sa kotse."Sige, Boss." Mabilis na pinatakbo ni Nelson ang kotse sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang at bagamat maraming sasakyan ay tuloy-tuloy naman ang daloy ng trapiko.Si Harrison, na CEO ng H&S Corporation, ay mukhang bata at gwapo pa rin sa edad na trenta. Hindi niya mai







