Share

Chapter 3

Author: JE-ANN
last update publish date: 2026-07-22 08:16:49

"Sa labas tayo mag-usap," sabi ni Adeline.

Tumayo si Adeline mula sa upuan bago iwan ang anak. Inayos muna niya ang kumot ni Anita para hindi ito lamigin.

Unang lumabas si Adeline na sinundan ni Harrison. Sinadya niyang sa labas makipag-usap para hindi marinig ni Anita sakaling magising ito.

Hindi pwedeng marinig ni Anita ang usapan nila ni Harrison, lalo na’t ang tungkol sa kanya ang pinag-uusapan.

Ayaw ng batang ina na malaman ni Harrison ang totoo tungkol sa kambal niya.

Nagtungo sina Adeline at Harrison sa hardin ng ospital sa likod mismo ng ward ni Anita. Umupo ang batang ina sa isa sa mga bangko roon. Gusto sanang umupo ni Harrison sa kabilang upuan pero alam niyang tatanggi ang ex-wife niya na maupo nang malapit sa kanya.

"Adeline, sagutin mo 'ko nang matapat!" tanong ni Harrison. "Anak ko ba si Anita?"

Paulit-ulit na itinatanong ni Harrison kay Adeline ang parehong tanong. Umaasa siyang mag-iiba ang isasagot ng ex-wife niya kumpara kanina.

Natahimik nang sandali si Adeline nang marinig ang tanong ni Harrison na higit dalawang beses nang itinatanong sa kanya. Huminga siya nang malalim tsaka madiing sumagot.

"Hindi mo siya anak!" muling paglilinaw ni Adeline. "Anak ko siya!"

"Anak natin siya, Adeline. Kayong dalawa ni Anita ang pamilya ko, 'di ba?" Hangad talaga ni Harrison na maging anak niya si Anita.

"Hindi mo ba maiintindihan ang sinasabi ko? Hindi mo anak si Anita!" Sa inis ni Adeline, muli niyang pinagdiinan ang sagot niya.

"Pero magkapareho kami ng blood type, Adeline. Huwag ka namang magsinungaling sa 'kin."

"Hindi ako nagsisinungaling sa 'yo! Nagsasabi ako ng totoo, hindi mo anak si Anita!" hirit pa ni Adeline. Hindi siya mapapagod na sabihing hindi anak ng ex-husband niya si Anita.

"Kung hindi ko siya anak, bakit magkapareho kami ng blood type?" Hindi pa rin kumpyansa si Harrison sa mga sinasabi ng ex-wife niya. Patuloy niyang pinipilit si Adeline na maging tapat sa kanya.

Umaasa siyang magsasabi si Adeline ng totoo. Sa kaibuturan ng puso ni Harrison, sigurado siyang sarili niyang dugo't laman si Anita.

"Bakit, ikaw lang ba ang may blood type na AB?" sarkastikong tanong ni Adeline. "Pero nagpapasalamat pa rin ako nang marami dahil tinulungan mo si Anita."

"Kung hindi ko siya anak, kaninong anak siya? Six years pa lang tayong hiwalay, pero may anak ka nang four or five years old. Ibig sabihin, anak ko siya, Adeline!" diin ni Harrison.

"Pag sinabi kong hindi, hindi!" madiing sagot ni Adeline pero hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ni Harrison na nakatayo sa harap niya.

"Tingnan mo 'ko sa mata at sabihin mong hindi ko siya anak!" utos ng lalaki.

Nanahimik si Adeline. Sa halip na tumingin sa mga mata ng ex-husband niya, yumuko na lang siya.

"Ano, natatakot ka?" medyo sarkastikong tanong ni Harrison.

Nagalit nang kaunti si Adeline sa tanong na 'yun. Tinitigan niya nang mariin si Harrison.

"Gusto mo ng totoong sagot? O sige, sasagutin kita. Hindi mo siya anak!" sabi ni Adeline habang nakatitig sa mga mata ng ex-husband niya.

Kahit na nakipagtitigan na si Adeline, hindi pa rin agad naniwala si Harrison. Patuloy pa rin niyang pinipilit ang ex-wife niya na umamin.

"Anak namin si Anita ng bago kong asawa," sabi ni Adeline.

"Nakasama mo na agad 'yung bago mo?" Napatitig si Harrison sa ex-wife niya.

"Pagkatapos nating maghiwalay, hindi nagtagal ay nagpakasal ako at nabuntis kay Anita. Four years old pa lang siya ngayon, hindi five," sabi ni Adeline para sirain ang hinala ni Harrison.

"Pagkatapos ng diborsyo natin, nagpakasal ka agad? Galing mo rin, ah!" sarkastikong boses ni Harrison. Naglakas-loob pa ang lalaki na umupo sa tabi ng ex-wife niya. Medyo dumingog naman si Adeline.

"Oo, magaling talaga ako. Hindi mahirap sa 'king makahanap ng kapalit mo nung naghiwalay tayo."

Pilit na sinasabi 'yun ni Adeline para hindi na magtanong pa si Harrison tungkol sa anak niya.

"Anak ba siya ng naging lalaki mo nung tayo pa?" Napangisi nang nang-uuyam si Harrison.

"Tama ka! Si Anita ang anak ko sa unang lalaking nakasama ko nung tayo pa. Kaya huwag mo nang itanong ulit si Anita dahil hindi mo siya anak!" madiing sabi ni Adeline.

Sa loob-loob ni Adeline, nakakaramdam siya ng guilt sa pagtatago ng totoo, pero wala siyang ibang magagawa kundi 'yun lang.

Nanatiling nakaupo sina Harrison at Adeline sa bangko sa hardin. Pareho silang natahimik habang mabilis na tumatakbo ang kani-kanilang isip. Puno pa rin ang utak ni Harrison ng mga tanong tungkol kay Anita.

"Ako pa rin ang magbabayad ng lahat ng gastusin sa ospital." Sa wakas, nagsalita rin si Harrison pagkatapos ng mahabang katahimikan. Tumayo na rin ang lalaki para maghanda sa pag-alis.

"Huwag na! Hindi mo kailangang gawin 'yan!" mabilis na sagot ni Adeline.

Tumayo rin ang babae para humarang sa daan ni Harrison. Kumunot ang noo ng lalaki habang nakatitig sa ex-wife niya.

"Kailangan kong gawin 'to!" Nagpumilit pa rin si Harrison na managot para mas makalapit kay Anita, dahil gusto niyang malaman ang totoo sa sarili niyang paraan. "Pananagutan ko siya."

"Pero hindi mo nga siya anak," sagot ni Adeline.

"Oo, hindi ko siya anak, pero ako ang nakabangga sa kanya. Kaya pananagutan ko ang buong bayarin sa ospital."

Magagamit 'yun ni Harrison na dahilan para patuloy na makita si Anita at alamin ang totoo tungkol sa batang nabangga niya.

"Huwag na, kaya ko 'to. Umuwi ka na lang. Iwan mo na kami rito," sabi ni Adeline sabay lakad palayo. Pero hinawakan ng ex-husband niya ang kamay niya para pigilan siya.

"Adeline, I only have good intentions for you. I'm sorry for making you uncomfortable, but I must do this. Mahal ang magpahospital, lalo pa sa hospital na ito dahil private ito—"

"Titingin ka ba sa 'kin na parang walang-wala pa rin ako? Akala mo ba mahirap pa rin ako katulad ng dati?" putol ni Adeline sa sinasabi ng ex-husband niya habang nakatagilid ang ngiti. "Huwag mong kakalimutan! May asawa na ako. Siya ang mananagot sa 'kin at kay Anita."

Bumalik sa isip ni Adeline ang mga nangyari ilang taon na ang nakararaan nung ayaw sa kanya ng mga biyenan niya dahil mahirap lang siyang babae. Ngayon naman, pinararamdam sa kanya ni Harrison na para bang hindi niya kayang bayaran ang bill sa ospital.

"Adeline, hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang—"

"Kahit mahirap lang akong babae, kayang-kaya kong magtrabaho para sa anak ko. At may asawa rin ako, kaya hindi mo na kailangang gawin 'to," paliwanag ni Adeline na muling pumutol sa salita ni Harrison.

"Anong masama kung ako ang magbayad? Huwag ka namang matigas ang ulo, Adeline!" Medyo napalakas ang boses ni Harrison.

"Anak ko si Anita. Responsibilidad ko siya!" madiing sabi ni Adeline sabay hawak at pilit na itinabig ang kamay ng ex-husband niya.

Hindi naman sa ayaw ni Adeline na managot ang ex-husband niya. Ayaw lang niyang mabunyag ang totoong pagkatao ng anak niya. Ayaw niyang malaman ni Harrison na ito ang tunay na ama ni Anita.

Hanggang ngayon, mag-isa niyang itinaguyod ang anak niya. Sa kahit anong sitwasyon, ipinaglalaban niya ang kaligayahan nina Anita at Alan. Tapos ngayon, babalik si Harrison noong limang taong gulang na si Anita? Hindi papayag si Adeline na kunin ni Harrison ang mga anak niya.

Tumakbo si Adeline patungong billing department para bayaran ang gamot at ospital ng anak niya. Napaluha na lang ang babae nang makita ang napakalaking halaga sa bill.

"Saan ako kukuha ng ganito kalaking pera?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TWINS FOR CEO   Chapter 4

    Hindi kayang bayaran ni Adeline ang bill, pero ayaw niyang tumanggap ng tulong kay Harrison dahil ayaw niyang mabunyag ang pagkatao ng mga anak niyang kambal. Patuloy niyang itatago ang totoong pagkatao nina Anita at Alan hanggang sa handa na siyang sabihin ito sa dalawa balang-araw.Hindi madaling maloko si Harrison. Sa inuugali ni Adeline, lalo lang siyang naghihinala na para bang may itinatago ang babae."Bakit mo ba 'ko sinusundan? Sinabi ko naman sa 'yong nagsasabi ako ng totoo. Depende na sa 'yo kung naniniwala ka o hindi!" Mukhang frustrated na si Adeline habang sinusundan pa rin ng ex niya."Gusto ko lang namang bayaran ang gulo at pinsala na ako ang may gawa, pero pinagbabawalan mo 'ko." Ang tigas ng ulo ni Harrison. Wala siyang pakiusap sa bawal ni Adeline."O sige, kung gusto mong managot, ikaw muna ang magbantay kay Anita sa kwarto niya. Uuwi muna ako sandali para kumuha ng mga gamit niya," sabi ni Adeline sabay tulak nang bahagya sa katawan ni Harrison para hindi ito masy

  • TWINS FOR CEO   Chapter 3

    "Sa labas tayo mag-usap," sabi ni Adeline.Tumayo si Adeline mula sa upuan bago iwan ang anak. Inayos muna niya ang kumot ni Anita para hindi ito lamigin.Unang lumabas si Adeline na sinundan ni Harrison. Sinadya niyang sa labas makipag-usap para hindi marinig ni Anita sakaling magising ito.Hindi pwedeng marinig ni Anita ang usapan nila ni Harrison, lalo na’t ang tungkol sa kanya ang pinag-uusapan.Ayaw ng batang ina na malaman ni Harrison ang totoo tungkol sa kambal niya.Nagtungo sina Adeline at Harrison sa hardin ng ospital sa likod mismo ng ward ni Anita. Umupo ang batang ina sa isa sa mga bangko roon. Gusto sanang umupo ni Harrison sa kabilang upuan pero alam niyang tatanggi ang ex-wife niya na maupo nang malapit sa kanya."Adeline, sagutin mo 'ko nang matapat!" tanong ni Harrison. "Anak ko ba si Anita?"Paulit-ulit na itinatanong ni Harrison kay Adeline ang parehong tanong. Umaasa siyang mag-iiba ang isasagot ng ex-wife niya kumpara kanina.Natahimik nang sandali si Adeline nan

  • TWINS FOR CEO   Chapter 2

    Nagulat ang babaeng tinawag na Adeline. Binitawan ng labi niya ang pangalan ni Harrison kahit walang boses na lumabas sa kanya."Adeline, anong ginagawa mo rito?" tanong niya.Pabalik-balik ang tingin ni Harrison kay Anita at Adeline, dalawang babaeng magkaiba ang edad pero magkakamukhang-magkakamukha.Pumasok si Adeline sa ER. Bumuhos ang luha niya nang makita ang anak na nakahandusay at may balot na bandage ang ulo."Ikaw ang nakasagasa sa anak ko?" tanong ni Adeline kay Harrison. Kahit galit siya, hininaan niya ang boses niya para hindi makabulabog ng ibang pasyente."Anak?" Hindi maitago ni Harrison ang gulat nang sabihin ni Adeline na siya ang nanay ng batang nabangga niya. "Anak mo siya?"Hindi sinagot ni Adeline ang tanong ni Harrison. Patuloy lang siyang nakatitig sa anak nang may awa habang nakahiga ito sa hospital bed."Adeline, sabihin mo sa 'kin ang totoo, anak ko ba siya?" tanong ni Harrison habang pinipilit na iharap sa kanya si Adeline. Pero mabilis na itinabig ng batan

  • TWINS FOR CEO   Chapter 1

    Isang tili ang umalingawngaw bago tumalsik at bumagsak ang katawan ng bata sa kalsada. Nakadapa siya at duguan. Mabuti na lang at kahit papaano ay nasalo ng bag niya ang ulo niya, pero wala man lang marinig na daing o iyak mula sa kanta."Nakasagasa ka ng bata, Boss." Saksi mismo si Nelson sa pagkatalsik ng bata.Mabilis na bumaba ng kotse ang lalaking naka-puting shirt. Hating-hati ang hininga niya nang makita ang bata na nakahandusay at may dugo.Yung lalaking bumaba sa kaliwang pintuan ay napabulong na lang sa sarili habang nakatitig sa nabangga ng boss niya. Dinampot niya ang bag nito na may pangalan na Anita.Binuhat ng boss ang katawan ni Anita. "Nelson, mag-drive ka. Bilis!" utos ni Harrison bago sumakay sa kotse."Sige, Boss." Mabilis na pinatakbo ni Nelson ang kotse sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang at bagamat maraming sasakyan ay tuloy-tuloy naman ang daloy ng trapiko.Si Harrison, na CEO ng H&S Corporation, ay mukhang bata at gwapo pa rin sa edad na trenta. Hindi niya mai

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status