Chapter: Chapter 5Tahimik akong naka titig sa labas ng bintana dahil sobrang lakas ng ulan. Pareho kaming walang dalang payong ni Kaia kaya hindi namin alam kung paano kami makakauwi nito nang hindi nababasa.Naagaw ng bagong dating na propesor sa matematika ang atensyon ko kaya wala na akong ginawa buong oras kung hindi tahimik na makinig na diskusyon.Hindi ko hinayaan ang sarili kong isip na lumipad dahil sa mathematics ako pinaka nahihirapan."Wala akong payong! Paano tayong uuwi nito?" Naka ngiwing tanong ni Kaia sa akin.Lunch break na namin, gutom kaming pareho nang matapos ang last subject namin."Hindi ko rin alam, hindi ko rin kasi nadala ang payong na binigay sa akin ni mama eh,""Bakit hindi mo naman dinala?" pag bibintang nito sa akin. Umirap naman ako sa kanya. Hindi ba niya narinig 'yung sinabi ko na hindi ko nadala?Hindi ko sinadyang maiwan iyon. Hays.Habang nag iisip ako kung paano kami uuwi ay nahagip ng tingin ko si Prof Isandro palabas ng cafeteria, nasa likuran niya si Ma'am Cind
Huling Na-update: 2026-09-13
Chapter: Chapter 4"Finally done!" nakangiting sambit ng isang ka grupo ko.Natapos na namin ang group project na pinagawa sa amin ni Prof. Tinitigan ko ang mga kasama ko na bumilib sa nagawa namin. Habang ako naman ay iniisip ko kung paano ko sila ma kukumbinsing ako nalang ang mag papasa ng project namin."So sinong mag papasa kay prof?" tanong ni Meia, ang leader namin.Isa isa kong tinignan ang mga kaklase ko na halos walang gustong mag volunteer kaya agad na akong nag taas ng kamay.Sabay sabay na tumingin sa akin ang mga kasama ko. "Ako na ang mag papasa!""Sigurado ka ba, Valeria? mukha pa namang masungit si prof,""Ayos lang, sanay naman akong maki halubilo rin sa mga masusungit eh," naka ngising sagot ko sa kanila.Nag aalangan man ay tumango na si Meia sa akin at agad na inabot sa akin ang project na natapos namin.Kami palang ata ang unang natapos kaya naman sabay sabay na kaming nag lakad papunta sa faculty.Agad akong sumimangot nang makitang lumabas ng faculty si ma'am Cindy na malaki ang
Huling Na-update: 2026-09-13
Chapter: Chapter 3"Saan ka pupunta, Valeria?" Aligagang tanong sa akin ng kaibigan ko.Ngumuso ako sa kanya at tinignan si propesor Isandro na pumasok sa faculty room niya.Isang linggo na akong nagpapa pansin sa kanya pero ayaw talaga niya akong pansinin kaya naiinis ako sa kanya. Pero hindi naman ako susuko.Gagawin ko ang gusto ko."Pupuntahan ko si prof," nakangising sagot ko.Agad na ngumiwi si Kaia sa sinabi ko. Aalis na sana ako nang pigilan niya ako."Ano ka ba? Ano namang gagawin mo roon?" hindi maka paniwalang tanong niya sa akin."Kakausapin ko lang, may hindi ako naiintindihan sa lesson na diniscuss niya kanina," nakangising sagot ko sa kanya.Pagod naman itong napa buntong hininga sa sinabi ko kaya natawa ako."Ano ka ba? Don't worry, wala akong gagawin!" Tinaas ko pa ang kaliwang kamay ko na parang nangangako pa sa kanya na wala nga akong gagawin."Baliw kana,""Baliw na siguro sa kanya, sige na! Kita nalang tayo sa cafeteria mamaya okay?"Tamad na tamad niya akong tinanguan, ngumisi lang
Huling Na-update: 2026-09-13
Chapter: Chapter 2“Tandaan mo ang sinabi ko sa’yo, Valeria. Huwag kang papayag na makipag lapit sa lalaking walang kayang ibigay sa’yo,” ani mama. Pagod kong tinanguan ang nanay ko sa litanya niya ngayong umaga. Ito ang unang araw ng eskwela namin, dahil pinauna muna naming makapag tapos si kuya ay na late na ako ng taon sa pag aaral. “Opo mama,” “Mabuti nang hindi mo nakakalimutan,” Maganda si mama, halata naman. Hindi naman siya magugustuhan ng tatay ko kung hindi kaso ayun nga lang, pagka tapos mamuhay ng marangya sa ibang bansa, bigla nalang kaming bumagsak pailalim dahil nawala nalang bigla si papa. Huminga ako nang malalim at tinignan ko nang maayos ang uniform ko. Education ang program na kinuha ko dahil gusto kong makapag tapos nang maaga at makapag abroad, may dalawang kapatid pa ako na kailangang pag aralin. Hindi naman nakakatulong si kuya dahil pagka graduate niya ay binuntis niya ang gilfriend niya, tangina talaga. “Aalis na po ako mama,” “Mga make up mo nandyan ba? pabango mo?” “
Huling Na-update: 2026-09-13
Chapter: Chapter 1Valeria Isla Montclair’s point of view.. “Valeria! Ano ba? Kanina ka pang hinihintay ng kaibigan mo!” Sumimangot ako nang marinig ko ang sigaw ni mama. Ano ba ‘yan! “Wait lang mama! Patapos na ako!” sigaw ko pabalik habang nag mamadali na ako sa pag susuot ko ng sandals. Bakit ba kasi sobrang aga naman niyang dumating? Alam naman niyang sobrang bagal kong kumilos pero sobrang aga niyang pumunta rito sa bahay. Padabog akong lumabas ng kwarto ko, nadatnan ko ang kaibigan ko na sobrang laki ng ngiti sa akin ngayon. Palibhasa alam niyang makaka libre siya kapag sa akin siya sumama. Pareho lang kaming mahirap ni Kaia kaya lahat ng libreng pwede naming matanggap ay hindi namin tinatanggihan. “Bakit ba napaka tagal mo naman? Sabi ni tita maaga kana raw nag asikaso ah?”“Alam mo namang mabagal akong kumilos diba?” iritadong sagot ko sa kanya. Naawa nalang siya at tumayo na para lapitan ako. "Tita aalis na po kami!" Siya na ang nag paalam kay mama dahil agaran na niya akong hinila palab
Huling Na-update: 2026-09-13