LOGINTahimik akong naka titig sa labas ng bintana dahil sobrang lakas ng ulan. Pareho kaming walang dalang payong ni Kaia kaya hindi namin alam kung paano kami makakauwi nito nang hindi nababasa.
Naagaw ng bagong dating na propesor sa matematika ang atensyon ko kaya wala na akong ginawa buong oras kung hindi tahimik na makinig na diskusyon.
Hindi ko hinayaan ang sarili kong isip na lumipad dahil sa mathematics ako pinaka nahihirapan.
"Wala akong payong! Paano tayong uuwi nito?" Naka ngiwing tanong ni Kaia sa akin.
Lunch break na namin, gutom kaming pareho nang matapos ang last subject namin.
"Hindi ko rin alam, hindi ko rin kasi nadala ang payong na binigay sa akin ni mama eh,"
"Bakit hindi mo naman dinala?" pag bibintang nito sa akin. Umirap naman ako sa kanya. Hindi ba niya narinig 'yung sinabi ko na hindi ko nadala?
Hindi ko sinadyang maiwan iyon. Hays.
Habang nag iisip ako kung paano kami uuwi ay nahagip ng tingin ko si Prof Isandro palabas ng cafeteria, nasa likuran niya si Ma'am Cindy.
Hindi katulad noon na nag uusap sila ngayon ay parang matamlay si Ma'am.
"Anong meron? Nag away ba sila?" Tanong ni Kaia. Tinitignan niya rin kung anong tinitignan ko.
Inirapan ko naman siya. "Nag away? bakit sila mag aaway? Hindi naman sila,"
Bumunghalit ng tawa si Kaia. "Mag on lang ba ang pwedeng mag away, Valeria Isla? Hindi ba pwedeng may hindi sila pagkaka intindihan bilang mag kaibigan?"
Diniinan pa niya ang salitang kaibigan pero tumayo na ako. Susundan ko sila, sumunod naman si Kaia sa akin.
Tumaas ang kilay ko nang dumiretso sila sa liblib na lugar ng university.
"Anong gagawin nila rito?" tanong sa akin ni Kaia. Hindi ko sinagot ang tanong ng kaibigan ko at lumapit na kami.
Lumapit kami hanggang sa marinig namin ang boses nilang dalawa na nag uusap.
"Isandro.."
"What is it Ma'am" nandoon pa rin ang galang ni Isandro sa kaharap.
Bahagya akong sumilip para makita sila na agad naman akong hinila ni Kaia. Nakayuko si Ma'am Cindy.
"Makinig ka nalang! Susulyap ka pa eh,"
"I actually like you, Isandro.. college pa tayo, kaya rin ako rito nag apply ng trabaho para sa'yo.."
"I am very grateful on your confession Ma'am but I don't think I can reciprocate your feelings for me,"
Ngumuso ako sa narinig ko.
"Kahit subukan lang sana, Isandro.."
"I am so sorry Ma'am, but I really can't."
"Ang ganda na ni Ma'am Cindy pero rejected pa rin, paano ka pa?" Bulong sa akin ni Kaia. Inambahan ko naman siya ng sapak at hinila na siya paalis doon.
Natapos ang mga subjects namin na iyon ang nasa isip ko, alam ko ay ka edad na niya si Ma'am Cindy, maganda rin ito, mukha rin namang may kaya sa buhay pero hindi niya gusto.
Bumuntong hininga ako at bahagyang yumuko. Nag lalakad na ako palabas ng university nang maka salubong ko si prof.
"Hi Prof Isandro," nakangising bati ko rito.
"I haven't seen you the whole day, miss Montclair," kaswal nitong sagot sa akin.
Bahagyang namilog ang bibig ko sa sinabi niya. Hinanap ba niya ako? Sana oo!
"Mhm, busy lang po. Pauwi kana?"
"Yeah, I'll just get my things,"
"Okay, see you tomorrow prof!"
Hindi na niya ako sinagot. Sumimangot ako. Akala ko pa naman ay aayain niya akong ihatid sa bahay.
Tinakbo ko nalang ang palabas ng university, may shed doon na pwede naming pag silungan.
"Bakit ang tagal mo naman?" Naka simangot na tanong sa akin ni Kaia.
"Nakausap ko pa si prof Isandro, akala ko ay aayain akong ihatid sa bahay kasi umuulan, umasa lang pala ako sa wala!"
"Asa ka naman? Hindi ka pwedeng makita ng mga students kasama ang prof natin, Valeria."
Umirap ako. "Bakit naman? eh kung ganitong emergency no?"
"Kahit na! Code of ethics gaga ka! Mag t-teacher ka pa man din tapos hindi mo alam 'yon?"
Imbes na ma insulto ay natawa nalang ako. Hindi ko nakakalimutan ang code of ethics, baliw ba siya? Pero kung si Isandro ang pinag uusapan ay wala akong pakielam sa code of ethics na 'yan.
Gagawin ko ang gusto kong gawin.
"Ang dami mong manliligaw na pwede mong maka sex, gusto mo pa talaga 'yung bawal sa'yo," naiiling na sambit ni Kaia.
"Ewan ko ba, mas na eexcite kasi ako kapag naiisip kong may gagawin kaming milagro sa faculty room niya," naka ngising sagot ko.
Nandidiri namang umiwas ng tingin sa akin ang kaibigan ko. Anong magagawa ko eh iyon ang gusto ko?
"Patilain muna natin ang ulan baka mabasa tayo," tinanguan ko si Kaia at pagod akong umupo sa upuan.
Hindi pa ako nakakatagal sa pag upo ay pumarada sa harapan namin ang pamilyar na kotse ni Prof Isandro.
Malaki na agad ang ngisi ko. This is it Valeria! Isasabay kana niya!
"Good afternoon prof.." bati ni Kaia.
"You don't have umbrella, miss Montclair?"
Imbes na sagutin si Kaia ay sa akin siya bumaling.
"Wala prof.. bakit? Isasabay mo ba kami?" Nakangising tanong ko sa kanya.
Sandali pa itong tumulala sa harapan ko bago may inabot sa likuran ng sasakyan niya. Ilang sandali pa ay inabutan niya kami ng payong ni Kaia.
"You need to go home, stay safe," huling sambit nito bago sinara ang bintana ng kotse niya at tuluyang umalis.
Nalaglag ang balikat ko dahil sa nangyari, habang si Kaia ay malakas ang naging pag tawa niya.
"P*****a!" Gigil na sigaw ko habang masamang masama ang tingin ko sa payong na nasa kamay ko.
"I told you! Hindi ka isasabay non, nahihibang kana, Valeria," nag pupunas pa ng luha sa gilid ng mata niya si Kaia habang naka titig sa akin.
"Can't you be supportive naman kahit kaunti lang?" Nakangiwing tanong ko sa kanya.
Agad naman siyang sumeryoso sa sinabi ko.
"Kaya kong suportahan lahat ng kalokohan mo Valeria pero hindi ito, mukha namang walang pakielam sa'yo yung tao, tigilan mo na,"
"Ayoko... tsaka fubu lang naman ang habol ko! I told you masarap siya sa kama!"
"Baliw kana talaga,"
"Malapit na kapag hindi ko pa siya naakit,"
Tahimik akong naka titig sa labas ng bintana dahil sobrang lakas ng ulan. Pareho kaming walang dalang payong ni Kaia kaya hindi namin alam kung paano kami makakauwi nito nang hindi nababasa.Naagaw ng bagong dating na propesor sa matematika ang atensyon ko kaya wala na akong ginawa buong oras kung hindi tahimik na makinig na diskusyon.Hindi ko hinayaan ang sarili kong isip na lumipad dahil sa mathematics ako pinaka nahihirapan."Wala akong payong! Paano tayong uuwi nito?" Naka ngiwing tanong ni Kaia sa akin.Lunch break na namin, gutom kaming pareho nang matapos ang last subject namin."Hindi ko rin alam, hindi ko rin kasi nadala ang payong na binigay sa akin ni mama eh,""Bakit hindi mo naman dinala?" pag bibintang nito sa akin. Umirap naman ako sa kanya. Hindi ba niya narinig 'yung sinabi ko na hindi ko nadala?Hindi ko sinadyang maiwan iyon. Hays.Habang nag iisip ako kung paano kami uuwi ay nahagip ng tingin ko si Prof Isandro palabas ng cafeteria, nasa likuran niya si Ma'am Cind
"Finally done!" nakangiting sambit ng isang ka grupo ko.Natapos na namin ang group project na pinagawa sa amin ni Prof. Tinitigan ko ang mga kasama ko na bumilib sa nagawa namin. Habang ako naman ay iniisip ko kung paano ko sila ma kukumbinsing ako nalang ang mag papasa ng project namin."So sinong mag papasa kay prof?" tanong ni Meia, ang leader namin.Isa isa kong tinignan ang mga kaklase ko na halos walang gustong mag volunteer kaya agad na akong nag taas ng kamay.Sabay sabay na tumingin sa akin ang mga kasama ko. "Ako na ang mag papasa!""Sigurado ka ba, Valeria? mukha pa namang masungit si prof,""Ayos lang, sanay naman akong maki halubilo rin sa mga masusungit eh," naka ngising sagot ko sa kanila.Nag aalangan man ay tumango na si Meia sa akin at agad na inabot sa akin ang project na natapos namin.Kami palang ata ang unang natapos kaya naman sabay sabay na kaming nag lakad papunta sa faculty.Agad akong sumimangot nang makitang lumabas ng faculty si ma'am Cindy na malaki ang
"Saan ka pupunta, Valeria?" Aligagang tanong sa akin ng kaibigan ko.Ngumuso ako sa kanya at tinignan si propesor Isandro na pumasok sa faculty room niya.Isang linggo na akong nagpapa pansin sa kanya pero ayaw talaga niya akong pansinin kaya naiinis ako sa kanya. Pero hindi naman ako susuko.Gagawin ko ang gusto ko."Pupuntahan ko si prof," nakangising sagot ko.Agad na ngumiwi si Kaia sa sinabi ko. Aalis na sana ako nang pigilan niya ako."Ano ka ba? Ano namang gagawin mo roon?" hindi maka paniwalang tanong niya sa akin."Kakausapin ko lang, may hindi ako naiintindihan sa lesson na diniscuss niya kanina," nakangising sagot ko sa kanya.Pagod naman itong napa buntong hininga sa sinabi ko kaya natawa ako."Ano ka ba? Don't worry, wala akong gagawin!" Tinaas ko pa ang kaliwang kamay ko na parang nangangako pa sa kanya na wala nga akong gagawin."Baliw kana,""Baliw na siguro sa kanya, sige na! Kita nalang tayo sa cafeteria mamaya okay?"Tamad na tamad niya akong tinanguan, ngumisi lang
“Tandaan mo ang sinabi ko sa’yo, Valeria. Huwag kang papayag na makipag lapit sa lalaking walang kayang ibigay sa’yo,” ani mama. Pagod kong tinanguan ang nanay ko sa litanya niya ngayong umaga. Ito ang unang araw ng eskwela namin, dahil pinauna muna naming makapag tapos si kuya ay na late na ako ng taon sa pag aaral. “Opo mama,” “Mabuti nang hindi mo nakakalimutan,” Maganda si mama, halata naman. Hindi naman siya magugustuhan ng tatay ko kung hindi kaso ayun nga lang, pagka tapos mamuhay ng marangya sa ibang bansa, bigla nalang kaming bumagsak pailalim dahil nawala nalang bigla si papa. Huminga ako nang malalim at tinignan ko nang maayos ang uniform ko. Education ang program na kinuha ko dahil gusto kong makapag tapos nang maaga at makapag abroad, may dalawang kapatid pa ako na kailangang pag aralin. Hindi naman nakakatulong si kuya dahil pagka graduate niya ay binuntis niya ang gilfriend niya, tangina talaga. “Aalis na po ako mama,” “Mga make up mo nandyan ba? pabango mo?” “
Valeria Isla Montclair’s point of view.. “Valeria! Ano ba? Kanina ka pang hinihintay ng kaibigan mo!” Sumimangot ako nang marinig ko ang sigaw ni mama. Ano ba ‘yan! “Wait lang mama! Patapos na ako!” sigaw ko pabalik habang nag mamadali na ako sa pag susuot ko ng sandals. Bakit ba kasi sobrang aga naman niyang dumating? Alam naman niyang sobrang bagal kong kumilos pero sobrang aga niyang pumunta rito sa bahay. Padabog akong lumabas ng kwarto ko, nadatnan ko ang kaibigan ko na sobrang laki ng ngiti sa akin ngayon. Palibhasa alam niyang makaka libre siya kapag sa akin siya sumama. Pareho lang kaming mahirap ni Kaia kaya lahat ng libreng pwede naming matanggap ay hindi namin tinatanggihan. “Bakit ba napaka tagal mo naman? Sabi ni tita maaga kana raw nag asikaso ah?”“Alam mo namang mabagal akong kumilos diba?” iritadong sagot ko sa kanya. Naawa nalang siya at tumayo na para lapitan ako. "Tita aalis na po kami!" Siya na ang nag paalam kay mama dahil agaran na niya akong hinila palab







