author-banner
Celine Vale
Celine Vale
Author

Novels by Celine Vale

Fake Date, Real Problem

Fake Date, Real Problem

FAKE DATE, REAL PROBLEM Fake dating was supposed to solve their problems. Instead, it became their biggest one. Para kay Samantha Reyes, ang pag-ibig ay isang choice, hindi obligasyong kailangang tuparin para mapasaya ang pamilya. She wants freedom, not a marriage arranged by people who think they know what's best for her. Samantalang, si Nicolas Alcantara ay isang hakbang na lang mula sa pagiging CEO ng Alcantara Corporation. Pero may isang kondisyong kailangan niyang sundin bago makuha ang posisyong pinaghirapan niya—magpakasal. Marriage? Not in his plans. Nang muling magkrus ang landas ng dalawang taong matagal nang magkaaway, isang absurd idea ang naging posibleng solusyon sa kanilang problema: fake dating. Simple ang arrangement. Magpapanggap silang magkasintahan, iiwas sa pangungulit ng kanilang mga pamilya, at maghihiwalay kapag wala nang dahilan para magpatuloy. No commitment. No real feelings. Just rules they swear never to break. Pero paano kung ang pinakamaling taong puwede mong piliin ay siya ring taong kailangan mong makasama araw-araw? Sa bawat sarcastic remark, petty argument, at pilit na pagpapakitang sila ang perfect couple, mas nagiging mahirap para kina Sam at Nico na paghiwalayin ang kanilang pagpapanggap sa katotohanan. At habang unti-unting nababasag ang mga pader na matagal nilang itinayo, bumabalik din ang mga bagay na pareho nilang gustong kalimutan. They agreed to fake a relationship, not to fall in love. Pero kung ang kasinungalingang ginawa nila ang maglalapit sa kanilang mga pusong matagal nang nagtatago sa likod ng galit at pride, sino ang unang lalabag sa rules? And when pretending starts to feel real, will they risk everything—or walk away before it's too late?
Read
Chapter: Chapter 8
The Things You Shouldn't Have ReadSam's POVFour Years AgoHindi ko alam kung bakit may mga taong kahit hindi mo naman hinahanap, palaging nasa paligid mo.At sa lahat ng taong puwede kong makasalubong sa university, si Nicolas Alcantara pa talaga."You're blocking the way."Hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Sa halip, nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng notes ko habang nakaupo sa isang bench sa hallway."Then take another route.""There's no other route, Sam."Napataas ang tingin ko. Nakatayo siya sa harap ko, hawak ang cellphone niya at may pamilyar na ngisi sa labi."Then wait."He glanced at his watch. "You're really making me late.""Not my problem.""You're impossible.""And you're annoying. We're even."Umiling siya bago tuluyang lumakad palayo. Akala ko ay ‘yon na ang huli naming interaction for the day, pero ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na naman siya kasama si Gabe sa kabilang dulo ng hallway.Hindi ko na lang pinansin.Sa totoo lang, sanay na akong mak
Last Updated: 2026-11-06
Chapter: Chapter 7
Getting to Know You Sam's POV Nagising ako sa sunod-sunod na vibration ng cellphone ko sa tabi ng unan. Dinukot ko ito nang hindi pa tuluyang dumidilat. Akala ko may importanteng message, kaya agad kong inabot ang cellphone at binuksan ang notifications. Pero nang makita ko ang pangalan ng nag-message, napahinto ako. Nicolas Alcantara. Napatingin ako sa oras. Alas otso pa lang ng umaga. I unlocked my phone and opened our conversation. Nicolas: Good morning. Nicolas: Are you awake? Nicolas: Sam? Nicolas: Don't tell me you're still sleeping. Nicolas: Wake up, woman. Nicolas: Let's get to know each other nang hindi tayo matameme kapag may nag tanong. I stared at the messages for a moment. Kainis. Bakit ko pa kasi in-unblock ‘to? Mas malala, bakit ko pa nilagay sa contacts ko? I was about to put my phone down when another message came in. Nicolas: Unless you're planning to ignore your boyfriend already? Napairap ako. Me: You're not my boyfriend. Nicolas: Noted. Your ver
Last Updated: 2026-11-06
Chapter: Chapter 6
The Rules of PretendingHindi pa man umaabot ng dalawampu't apat na oras mula nang pumayag si Sam sa plano ni Nico, nagsisimula na siyang magsisi.Hindi dahil may nararamdaman siya para sa lalaki. Malayo roon. Ang problema, hindi pa nga sila nagsisimulang magpanggap, pero parang gusto na niyang bawiin ang lahat."You're late."Napatingin si Sam sa kaniyang relo bago tumingin sa lalaking naghihintay sa labas ng café."Three minutes lang.""Three minutes is still late.""At least marunong kang magbilang. Proud ako sa progress mo."Napailing si Nico. Siya ang nagmungkahi na magkita sila para ayusin ang detalye ng kanilang kasunduan, pero ngayon ay nagsisimula na siyang magtanong sa sarili kung bakit si Sam pa ang pinili niya.Ah, oo. Dahil hindi siya nito gusto.Sa ngayon, mukhang hindi lang ‘yon ang magiging problema niya.Pumasok sila sa café at pumili ng mesang medyo malayo sa ibang customers. Umorder si Nico ng kape, habang tubig lang muna ang kinuha ni Sam."Okay," panimula ng lalak
Last Updated: 2026-10-29
Chapter: Chapter 5
A Ridiculous ProposalSa lahat ng café sa buong Maynila, bakit naman sa café na iyon pa nagkita sina Sam at Nico?Galing sa isang meeting si Sam at balak sanang magtrabaho muna sa labas bago umuwi. Malapit lang ang café sa opisina ng Reyes Group, tahimik ang lugar, at hindi ganoon karami ang customers kapag hapon. Perfect sana para sa isang taong gusto lang uminom ng kape at tapusin ang ilang documents.Samantala, doon naman pumunta si Nico dahil may kailangan siyang basahin na contracts bago ang susunod niyang meeting. Ayaw niyang bumalik agad sa opisina, kaya naghanap siya ng lugar na puwedeng magtrabaho nang hindi naaabala ng mga empleyado.Pareho silang may sariling dahilan sa pagpunta roon.Wala sa kanilang umaasang makikita ang isa't isa.Kaya nang makapasok si Sam at makita ang lalaking nakaupo malapit sa bintana, agad na nawala ang magandang mood niya.Nico.Napansin din siya ng lalaki. Saglit itong natigilan bago ngumiti, halatang natutuwa sa hindi inaasahang pagkakataon."We
Last Updated: 2026-10-29
Chapter: Chapter 4
The First ProblemFour Years AgoHindi pa man nagsisimula nang maayos ang araw ni Samantha Reyes, gusto na niyang umuwi.Hindi dahil mahirap ang university na pinasukan niya. Hindi rin dahil kinakabahan siya sa bago niyang environment. Ang problema, halos labinlimang minuto na siyang paikot-ikot sa campus habang hawak ang schedule niya, at hindi pa rin niya mahanap ang tamang building.“Great. First day, lost na agad.”Napahinto siya nang makarinig ng tawanan mula sa may fountain.May ilang estudyanteng nagkukumpulan roon, pero isang lalaki ang agad nakakuha ng atensyon niya. Matangkad, maayos manamit, at may ngiting parang sanay na sanay na nakukuha ang gusto niya.Nakatayo ito sa harap ng isang babae, nakayuko nang bahagya habang may ibinubulong sa tainga nito. Nang tumawa ang babae, marahang hinawakan ng lalaki ang baywang nito para ilapit sa kaniya. Pagkatapos, inayos pa nito ang buhok ng babae at hinalikan ang noo nito na para bang matagal na silang magkasintahan.Hindi alam ni S
Last Updated: 2026-10-29
Chapter: Chapter 3
The Face I Never ForgotThird-Person POV — Sam“Sam, kapag hindi ka pa bumangon in the next five minutes, pupunta ako sa bahay ninyo at ako mismo ang magbibihis sayo.”Napatingin si Samantha Reyes sa cellphone niya. Sunod-sunod ang messages ni Alessandra Mendoza, o Alex, ang best friend niyang hindi marunong tumanggap ng no bilang sagot.Nakahiga pa rin siya sa kama, suot ang oversized shirt at pajama shorts. Wala siyang balak lumabas. Kung siya ang masusunod, gugugulin niya ang buong gabi sa panonood ng series habang kumakain ng snacks.Unfortunately, may ibang plano ang kaibigan niya.Sam: I'm not going.Ilang segundo lang ang lumipas bago tumunog ang cellphone niya.“Anong hindi ka pupunta?” bungad ni Alex nang sagutin niya ang tawag.“Exactly what I said.”“Sam, nakapag-reserve na ako!”“Then enjoy your reservation.”“Girl, we've been planning this since last week!”“Eh, nagbago ang isip ko. Isn't that allowed?”“Hindi kapag ako ang kaibigan mo.”Napabuntong-hininga si Sam. “You'r
Last Updated: 2026-10-29
You May Also Like
The Desire of a CEO
The Desire of a CEO
Romance · AVA NAH
172.6K views
I love you, Sister
I love you, Sister
Romance · Author Rain
172.0K views
MY PROFESSOR IS MY HUSBAND
MY PROFESSOR IS MY HUSBAND
Romance · KayeEinstein
170.4K views
NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT
NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT
Romance · CALLIEYAH JULY
170.1K views
NINONG CONGRESSMAN
NINONG CONGRESSMAN
Romance · CALLIEYAH JULY
168.0K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status