author-banner
Lira Luna
Lira Luna
Author

Nobela ni Lira Luna

When Two Broken Hearts Collide, Again

When Two Broken Hearts Collide, Again

SYNOPSIS Noong kolehiyo, naging tapat ang pag-iibigan nina Lori at Gabriel. Si Lori ay iskolar sa pamantasan na pagmamay-ari ng pamilya ni Gabriel para sa mga mahihirap, habang si Gabriel naman ay nag-aaral doon para maranasan ang maging simpleng estudyante. Ngunit nang matuklasan ni Lori na si Gabriel pala ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa, lumayo siya at naglahong parang bula pagka-graduate, na walang kahit anong pasabi. Makalipas ang limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas sa ospital nang isugod ni Lori ang kanyang limang taong gulang na anak na babae na inatake sa sakit, habang kasunod ang isang lalaking may hawak namang batang lalaki. Habang si Gabriel ay may kasamang magandang doktor. Tila tumigil ang mundo nila sa akalang may kani-kaniya na silang pamilya. Nang masuri ang bata, pinaalam ng doktor kay Lori na kailangan agad operahan ang bata at si Gabriel lamang ang tanging may kakayahang gumawa nito, lumapit at humingi ng tulong si Lori. Pumayag si Gabriel dahil tungkulin niya ito bilang doktor at hiwalay ito sa sakit na idinulot ni Lori sa kanya. Habang sinusuri ang bata para ihanda sa operasyon ay nakaramdam si Gabriel ng lukso ng dugo, Ngunit hindi iyon pinansin ni Gabriel, kahit nalilito siya sa nararamdaman. Bago ang nakatakdang operasyon, umuwi si Gabriel sa kanila, naabutan niya ang mga magulang na masayang nagbubuklat ng mga lumang album. Naupo siya’t nakitingin nang biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Sa larawan nakita niyang kamukha niya ang kambal ni Lori, doon na sumagi ang katanungan sa kanyang isip na hindi kaya anak niya ang kambal? Para makakasiguro pinaimbistigahan ni Gabriel ang buhay ni Lori, five years ago, at doon niya natuklasan ang bagay na magpapabago sa galit na matagal na niyang kinikimkim.
Basahin
Chapter: CHAPTER SEVEN
Ngunit bago pa man magpatuloy ang magandang sandali ng pamilya, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng silid. Mabilis na pumasok si Enid na may hawak ng tablet, kunwaring nag-aalala ang mukha.“Gabriel! Lori!” nagmamadaling tawag ni Enid. “May malaking problema sa labas ng ospital!”“Ano ‘yon, Dr. Delmonte?” kumunot ang noo ni Gabriel habang tumatayo.Ipinakita ni Enid ang screen ng tablet kung saan nakasulat ang isang trending headline sa mga news site:“SECRET FAMILY OF BILLIONAIRE SURGEON DR. GABRIEL DEL FUEGO EXPOSED? SCHOLAR FROM THE PAST CLAIMS TO HAVE HIS TWINS FOR MONEY!”Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lori nang mabasa ang artikulo. Sinisiraan siya roon at pinalabas na ginagamit niya ang mga bata upang makahingi ng pera sa pamilya Del Fuego.“G-Gabriel… hindi ko ginawa ‘to…” umiiyak na giit ni Lori habang nanginginig ang buong katawan. “Wala akong pinagsabihan na kahit sino!”Tumingin si Enid kay Lori nang may halong paninira. “Misis Santiago, marami nang reporte
Huling Na-update: 2026-10-28
Chapter: CHAPTER SIX
Tahimik ang silid. Tanging ang mahinang tunog ng mga makina at ang nanginginig na paghinga nina Gabriel at Lori ang bumabasag sa katahimikan matapos ang kanilang matinding pagtatalo.“Karapatan ko, Lori…” pabulong ngunit may matinding diin na ulit ni Gabriel. Dahan-dahang lumambot ang kanyang pagkakahawak sa mga balikat ng babae, ngunit naroon pa rin ang pait sa kanyang boses. “I-I suffered for five years, thinking you just threw me away like I was worth nothing. But it hurts even more to realize that for those five years, my children grew up without me beside them.”Mabilis na pinunasan ni Lori ang mga luhang mabilis na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Umiling siya habang napapaatras.“Hindi mo alam kung gaano kahirap, Gabriel,” pait na tugon ni Lori. “Nang nalaman ko ang totoong pagkatao mo, narealize ko kung—kung gaano ka layo ang agwat ng mundo natin,” bahagya siyang natahimik at lumunok dahil sa sakit na nararamdaman. “Isa lang akong scholar na walang maipagmamalaki, samantalang
Huling Na-update: 2026-10-23
Chapter: CHAPTER 5
Matapos ang tatlong mahabang oras ng nakapapagod na operasyon, bumukas ang pinto ng Operating Room. Unang lumabas si Gabriel, at dahan-dahang tinatanggal ang kanyang surgical mask. Bakas ang matinding pagod sa kanyang mukha, ngunit naroon ang isang pambihirang kaginhawaan sa kanyang dibdib.Agad na patakbong lumapit si Lori, kasunod nito si Kiven at Malachi.“Gabriel! Dok… kumusta po ang anak ko? Ligtas ba si Mishael… m-maayos po ba siya?” umiiyak at nanginginig na tanong ni Lori, hawak ang sariling mga kamay na tila nananalangin.Tinitigan ni Gabriel si Lori. For the first time in five years, the coldness in his eyes changed—replaced by the familiar warmth that he had long buried away.“The operation was complete success, Lori,” mahinang pahayag ni Gabriel. “Ligtas na si Mishael.”Sa sobrang kagalakan at labis na ginhawang naramdaman, hindi na napigilan ni Lori ang sarili. Napahagulgol siya at mabilis na napayakap nang mahigpit sa leeg ni Gabriel.“Salamat… Maraming salamat, Gabriel!
Huling Na-update: 2026-10-21
Chapter: CHAPTER FOUR
Araw-araw nakikita ni Gabriel si Lori sa pasilyo ng ospital. Bawat pagtatagpo ng kani-kanilang mga mata ay may dalang matinding digmaan sa kanyang dibdib. Despite the anger and bitterness of the past that he desperately tries to let prevail—yet he diligently hides it behind cold words and formal demeanor.Habang naglalakad si Lori sa pasilyo bitbit ang isang basong tubig, ay bigla siyang hinarangan ni Dr. Enid Del Monte sa gilid ng nurse’s station.“Misis Santiago,” malamig at puno ng pang-uuyam na bati ni Enid. “Hindi mo ba naisip na nakakagulo ka sa focus ni Dr. Del Fuego? Palagi kang nakabuntot at nakatitig sa kanya.”At ako pa talaga ang palaging nakabuntot, samantalang siya itong parang inasinan kapag nawawala si Gabriel sa paningin niya. Bulong ni Lori sa kanyang isip.Tumingin si Lori kay Enid, pilit na pinapatibay ang sarili. “Narito ako para sa anak ko, Dr. Delmonte. Wala akong ibang hangarin kundi ang gumaling si Mishael.”“Talaga ba?” pabalang na ngumisi si Enid habang daha
Huling Na-update: 2026-10-21
Chapter: CHAPTER 3
Nakatayo si Gabriel sa malaking bintana ng kanyang silid sa Hacienda Del Fuego. Malayo ang tingin niya sa malawak na lupain at mga punong sumasayaw sa ihip ng hangin. Umuwi siya upang magpahinga at ihanda ang sarili bago ang maselang operasyon ni Mishael. Ngunit sa halip na kapahingahan, isang matinding kaguluhan sa kanyang isip at puso ang sumalubong sa kanya. “Gabriel, anak?”Nabasag ang katahimikan nang pumasok ang kanyang ina na si Donya Celestina, may bitbit itong mainit na tsaa at nakangiti ng matamis papalapit kay Gabriel.“Ma,” bati ni Gabriel habang dahan-dahang humaharap sa ina. Pilit niyang inayos ang kaniyang tindig upang hindi halata ang matinding pagod at abala sa kanyang isip.“Buhat nang maging tanyag kang doktor sa lungsod, bihira ka nang umuwi rito sa hacienda,” malambing na pangaral ng ina habang ibinababa ang tsaa sa mesa. “Inabot ka nanaman ng madaling-araw sa pag-iisp. Tungkol ba ito sa nakatakda mong operasyon sa bata sa ospital?” Bumuntong-hininga muna si Gab
Huling Na-update: 2026-10-21
Chapter: CHAPTER TWO
Malamig at tahimik ang paligid sa loob ng silid kung saan nakalipat na si Mishael para sa kanyang confinement. Tanging ang pulit-ulit na pag-beep ng cardiac monitor ang bumabasag sa katahimikan ng gabi.Nakatayo si Lori sa tabi ng kama ng anak, dahan-dahang hinahaplos ang malambot nitong buhok. Sa kabila ng pagod, hindi niya kayang ipikit ang kanyang mga mata. Bawat paghinga ni Mishael ay binabantayan niya, natatakot na baka sa isang iglap ay bigla naman itong kapusin ng hangin.“Lori, maupo ka muna,” pabulong na gising ni Kiven mula sa maliit na sofa sa gilid ng kwarto. “Kanina ka pa nakatayo diyan. Ako na muna ang magbabantay kay Mishael.”Umiling si Lori habang nakatitig sa anak. “Hindi ako makatulog, Kiven. Maraming salamat, pero gusto kong nandito lang ako sa tabi niya.”“Aso rin ‘tong si Malachi, nakatulog na sa kandungan ko,” dugtong ni Kiven habang inaayos ang pagkakahiga ng kambal ni Mishael na tuluyan nang nilamon ng pagod. “Sigurado ka bang okay ka lang? Kanina pa malamig a
Huling Na-update: 2026-10-21
Maaari mong magustuhan
The Devil CEO'S  FATHER OF MY CHILD?
The Devil CEO'S FATHER OF MY CHILD?
Romance · Lazy writer ✍️
2.9K views
Love and Pain
Love and Pain
Romance · Reya Andales
2.9K views
Vows Of Vengeance
Vows Of Vengeance
Romance · Luna Marie
2.9K views
Fighter of Love (Tagalog)
Fighter of Love (Tagalog)
Romance · SleepyGrey
2.9K views
SEAL OF LOVE
SEAL OF LOVE
Romance · MIKS DELOSO
2.9K views
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status