LOGINMalamig at tahimik ang paligid sa loob ng silid kung saan nakalipat na si Mishael para sa kanyang confinement. Tanging ang pulit-ulit na pag-beep ng cardiac monitor ang bumabasag sa katahimikan ng gabi.
Nakatayo si Lori sa tabi ng kama ng anak, dahan-dahang hinahaplos ang malambot nitong buhok. Sa kabila ng pagod, hindi niya kayang ipikit ang kanyang mga mata. Bawat paghinga ni Mishael ay binabantayan niya, natatakot na baka sa isang iglap ay bigla naman itong kapusin ng hangin.
“Lori, maupo ka muna,” pabulong na gising ni Kiven mula sa maliit na sofa sa gilid ng kwarto. “Kanina ka pa nakatayo diyan. Ako na muna ang magbabantay kay Mishael.”
Umiling si Lori habang nakatitig sa anak. “Hindi ako makatulog, Kiven. Maraming salamat, pero gusto kong nandito lang ako sa tabi niya.”
“Aso rin ‘tong si Malachi, nakatulog na sa kandungan ko,” dugtong ni Kiven habang inaayos ang pagkakahiga ng kambal ni Mishael na tuluyan nang nilamon ng pagod. “Sigurado ka bang okay ka lang? Kanina pa malamig ang mga kamay mo.”
“Hindi ako magiging okay hangga’t hindi pa natatapos ang operasyon,” sagot ni Lori.
Biglang pumasok sa kanyang isip ang lamig at galit sa mata ni Gabriel kanina sa ER. His gaze was as if she were a complete stranger. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lori bago pabulong na nagwika. “At lalong hindi ako okay na si Gabriel ang gagamot sa kanya…”
Clack.
Pumihit ang doorknob ng silid. Dahan-dahang bumukas ang p***o at pumasok ang isang matangkad na pigura na nakasuot ng malinis na white coat.
Napatigil ang tibok ng puso ni Lori. Maging ang paligid ay tila naglaho ang ingay habang dahan-dahang lumalapit ang lalaki. It was still the same handsome face—ang mukhang limang taon niyang iningatan at pinangarap sa kanyang mga alaala. Yet the sweetness and affection that once lived in his eyes had vanished.
Pumasok si Dr. Gabriel Del Fuego.
“Good evening,” malamig at pormal na bati ni Gabriel habang nakatingin sa chart na hawak ng kanyang nars. “I’m here for the night rounds to check the patient’s baseline readings.”
“D-dok…” nauutal na tugon ni Lori habang pilit na itinatayo ang sarili upang maging maayos ang harap sa lalaki.
Bahagyang nag-angat ng tingin si Gabriel mula sa chart. Sinalubong niya ang mga mata ni Lori. Sa kabila ng malamig nitong ekspresyon, naroon ang isang palihim na pait na pilit nitong ibinabaon sa kaibuturan ng kanyang dibdib.
“How is her breathing?” tanong ni Gabriel sa pormal na boses, pinaparamdam nito kay Lori na walang anumang espesyal sa kanilang paghaharap.
“S-stable naman po, Dok,” sagot ni Lori. “Nakakatulog na po siya pagkatapos ibigay ang gamot.”
Lumapit si Gabriel sa gilid ng kama. Dahan-dahan niyang inilabas ang kanyang stethoscope at inilagay ito sa dibdib ni Mishael. Habang nakatitig sa natutulog na mukha ng bata, muling humampas sa kanyang dibdib ang pamilyar na lukso ng dugo—isang kakaibang pakiramdam na tila nag-uugnay sa kanya sa maliit na batang ito.
Napatitig si Gabriel sa mga pilikmata at ilong ng bata. Bakit tila nakikita ko ang sarili ko sa kanya? Tanong niya sa kanyang sarili, ngunit mabilis din niyang itinaboy ang pagdududa. Habang sinusuri ni Gabriel ang bata, napatingin siya sa sofa kung saan nakaupo si Kiven. Doon ay nakita niya ang isa pang batang lalaki na mahimbing na natutulog—si Malachi.
Bahagyang napakunot ang noo ni Gabriel. “Is that… her twin?” tanong niya habang nakatitig sa batang lalaki.
Biglang napatigil si Lori at napatingin kay Kiven. “A-ah… oo. Kambal sila. Si Malachi.”
Tinitigan ni Gabriel si Malachi nang ilang segundo. May kakaibang kurot sa kanyang puso habang pinagmamasdan ang hugis ng mukha ng batang lalaki. Ngunit bago pa man niya maiproseso ang nararamdaman, muling bumukas ang p***o ng kwarto.
“Gabriel?”
Isang pamilyar at malambing na boses ang sumira sa katahimikan ng silid. Pumasok si Dr. Enid Delmonte, nakasabit ang stethoscope sa leeg at may dala-dalang panibagong folder. Nakatitig ito kay Lori bago naglakad ng mabilis patungo sa tabi ni Gabriel.
“I saw you heading here for rounds,” nakangiting sabi ni Enid habang dahan-dahan nitong ipinupulupot ang kanyang kamay sa braso ni Gabriel. “I brought the updated lab results for Mishael. Naiproseso na sa laboratory.”
Hindi itinaboy ni Gabriel ang kamay ni Enid. Sa halip ay kinuha niya ang folder mula sa doktora. “Thank you, Dr. Delmonte.”
Nakita ni Lori ang nakatagong ngisi sa mga labi ni Enid habang nakatingin ito sa kanya. Tila ba malinaw ang mensaheng gustong iparating ng doktora—na wala nang lugar si Lori sa buhay ni Gabriel.
“Misis Santiago,” baling ni Enid kay Lori sa isang pilit at nakakairitang matamis na boses. “As Dr. Del Fuego’s main surgical assistant and colleague, I assure you that we are doing everything we can do. Dr. Del Fuego is very busy with complex cases, so please make sure to follow all hospital policies regarding visiting hours and caregiving limits to avoid unnecessary delays.”
Nakaramdam ng matinding panliliit si Lori sa pangaral ni Enid, ngunit pilit siyang tumango. “Naiintindihan ko po, Doktora. Maraming salamat.”
“We will head out now,” malamig na pahayag ni Gabriel habang ibinabalik ang chart sa nars. Bago siya tuluyang humakbang palabas, muli siyang tumingin kay Lori. “Get some rest, Miss Santiago. You’ll need your strength for the operation day.”
“Salamat, Gabriel— I mean, Dr. Del Fuego,” pabulong na tugon ni Lori.
Tumingin si Gabriel kay Kiven, bago tumalikod at tuluyang lumabas ng silid kasama si Enid na nakabuntot at nakahawak pa rin sa kanyang braso.
Nang tuluyang masara ang p***o, napabuntong-hininga nang malalim si Kiven. “Napakataray naman ng doktora na ‘yon! Makakapit sa braso ni Gabriel, akala mo kung sinong linta!”
Napaupo si Lori sa gilid ng kama at napahawak sa kanyang mukha habang patuloy na pumapatak ang kanyang mga luha. “Wala tayong magagawa, Kiven… Siya ang kasama ni Gabriel ngayon. Siya ang nababagay sa mundo niya.”
“Lori, nakita mo ba kung paano tumingin si Gabriel sa kambal?” seryosong tanong ni Kiven. “May pagtataka sa mga mata niya. Hindi mo ba talaga sasabihin na anak niya sina Mishael at Malachi?”
“Natatakot ako, Kiven…” umiiyak na sagot ni Lori. “Galit siya sa akin. Kung malalaman niyang inilayo ko ang mga anak niya sa loob ng limang taon, baka bawiin niya ang mga bata sa akin gamit ang kapangyarihan at yaman ng pamilya niya. Hindi ko kakayanin kapag nawala sila sa akin… hindi, Kiven.”
Hinagod ni Kiven ang likod ni Lori. “Matalino ang mga anak mo Mars, alam mo ‘yan. At alam nila kung anong hirap ang pinagdaanan mo maibigay mo lang ang lahat para sa kanila… alam nila ‘yun, at ako ang buhay na saksi kung paano mo sila minahal at ginawang mundo mo.”
“Alam ko, Kiven…” naiiyak na sagot ni Lori.
“Isa pa, ‘yang Doktora na ‘yan, sinasadya niya talagang inisin ka. Halata namang ayaw ni Gabriel sa kanya… ayaw lang ng ex mo na mapahiya ang bruhang ‘yon.”
Habang naglalakad sa tahimik na pasilyo ng ospital sina Gabriel at Enid, kapansin-pansin ang pagiging lutang ni Gabriel. Dahil dito, dahan-dahang tinanggal ni Enid ang kanyang kamay sa braso ng doktor at humarang sa tapat nito.
“Gabriel, are you okay?” tanong ni Enid, may halong pag-aalala ngunit naroon ang panunuri sa kanyang mga mata. “Parang malayo ang isip mo buhat nang pumasok tayo sa kwarto ng batang ‘yon.”
Napatigil si Gabriel sa paglalakad. Tinitigan niya si Enid bago malamig na sumagot. “Im just focused on the upcoming surgery, Dr. Delmonte.”
“Is it really just the surgery?” pilit ni Enid. “O dahil sa ina ng bata? Gabriel , nakikita ko kung paano ka tumingin sa kanya. Sinong babae ba’yon sa nakaraan mo?”
Tumatag ang tinding ni Gabriel, at ang kanyang mga mata ay naging kasinglamig ng yelo. “My past is none of your business, Enid. Stick to your job as my assistant surgeon.”
Napatigil si Enid. Bagamat nasaktan sa pambabalewala ni Gabriel, pilit siyang ngumiti at tumango. “I’m sorry… Nag-aalala lang ako sa’yo.”
Nang tumalikod si Gabriel at magpatuloy sa paglalakad patungo sa kanyang opisina, naiwan si Enid sa gitna ng pasilyo. Nawala ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi at napalitan ng isang madilim at galit na ekspresyon.
“Hindi ko hahayaang masira ng babaeng ‘yon at ng mga anak niya ang lahat ng pinaghirapan ko,” pabulong na ganti ni Enid habang nakakuyom ang kanyang mga kamay. “Akin si Gabriel… at sisiguraduhin kong lalayo ka ulit sa kanya, Lori Santiago.”
Ngunit bago pa man magpatuloy ang magandang sandali ng pamilya, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng silid. Mabilis na pumasok si Enid na may hawak ng tablet, kunwaring nag-aalala ang mukha.“Gabriel! Lori!” nagmamadaling tawag ni Enid. “May malaking problema sa labas ng ospital!”“Ano ‘yon, Dr. Delmonte?” kumunot ang noo ni Gabriel habang tumatayo.Ipinakita ni Enid ang screen ng tablet kung saan nakasulat ang isang trending headline sa mga news site:“SECRET FAMILY OF BILLIONAIRE SURGEON DR. GABRIEL DEL FUEGO EXPOSED? SCHOLAR FROM THE PAST CLAIMS TO HAVE HIS TWINS FOR MONEY!”Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lori nang mabasa ang artikulo. Sinisiraan siya roon at pinalabas na ginagamit niya ang mga bata upang makahingi ng pera sa pamilya Del Fuego.“G-Gabriel… hindi ko ginawa ‘to…” umiiyak na giit ni Lori habang nanginginig ang buong katawan. “Wala akong pinagsabihan na kahit sino!”Tumingin si Enid kay Lori nang may halong paninira. “Misis Santiago, marami nang reporte
Tahimik ang silid. Tanging ang mahinang tunog ng mga makina at ang nanginginig na paghinga nina Gabriel at Lori ang bumabasag sa katahimikan matapos ang kanilang matinding pagtatalo.“Karapatan ko, Lori…” pabulong ngunit may matinding diin na ulit ni Gabriel. Dahan-dahang lumambot ang kanyang pagkakahawak sa mga balikat ng babae, ngunit naroon pa rin ang pait sa kanyang boses. “I-I suffered for five years, thinking you just threw me away like I was worth nothing. But it hurts even more to realize that for those five years, my children grew up without me beside them.”Mabilis na pinunasan ni Lori ang mga luhang mabilis na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Umiling siya habang napapaatras.“Hindi mo alam kung gaano kahirap, Gabriel,” pait na tugon ni Lori. “Nang nalaman ko ang totoong pagkatao mo, narealize ko kung—kung gaano ka layo ang agwat ng mundo natin,” bahagya siyang natahimik at lumunok dahil sa sakit na nararamdaman. “Isa lang akong scholar na walang maipagmamalaki, samantalang
Matapos ang tatlong mahabang oras ng nakapapagod na operasyon, bumukas ang pinto ng Operating Room. Unang lumabas si Gabriel, at dahan-dahang tinatanggal ang kanyang surgical mask. Bakas ang matinding pagod sa kanyang mukha, ngunit naroon ang isang pambihirang kaginhawaan sa kanyang dibdib.Agad na patakbong lumapit si Lori, kasunod nito si Kiven at Malachi.“Gabriel! Dok… kumusta po ang anak ko? Ligtas ba si Mishael… m-maayos po ba siya?” umiiyak at nanginginig na tanong ni Lori, hawak ang sariling mga kamay na tila nananalangin.Tinitigan ni Gabriel si Lori. For the first time in five years, the coldness in his eyes changed—replaced by the familiar warmth that he had long buried away.“The operation was complete success, Lori,” mahinang pahayag ni Gabriel. “Ligtas na si Mishael.”Sa sobrang kagalakan at labis na ginhawang naramdaman, hindi na napigilan ni Lori ang sarili. Napahagulgol siya at mabilis na napayakap nang mahigpit sa leeg ni Gabriel.“Salamat… Maraming salamat, Gabriel!
Araw-araw nakikita ni Gabriel si Lori sa pasilyo ng ospital. Bawat pagtatagpo ng kani-kanilang mga mata ay may dalang matinding digmaan sa kanyang dibdib. Despite the anger and bitterness of the past that he desperately tries to let prevail—yet he diligently hides it behind cold words and formal demeanor.Habang naglalakad si Lori sa pasilyo bitbit ang isang basong tubig, ay bigla siyang hinarangan ni Dr. Enid Del Monte sa gilid ng nurse’s station.“Misis Santiago,” malamig at puno ng pang-uuyam na bati ni Enid. “Hindi mo ba naisip na nakakagulo ka sa focus ni Dr. Del Fuego? Palagi kang nakabuntot at nakatitig sa kanya.”At ako pa talaga ang palaging nakabuntot, samantalang siya itong parang inasinan kapag nawawala si Gabriel sa paningin niya. Bulong ni Lori sa kanyang isip.Tumingin si Lori kay Enid, pilit na pinapatibay ang sarili. “Narito ako para sa anak ko, Dr. Delmonte. Wala akong ibang hangarin kundi ang gumaling si Mishael.”“Talaga ba?” pabalang na ngumisi si Enid habang daha
Nakatayo si Gabriel sa malaking bintana ng kanyang silid sa Hacienda Del Fuego. Malayo ang tingin niya sa malawak na lupain at mga punong sumasayaw sa ihip ng hangin. Umuwi siya upang magpahinga at ihanda ang sarili bago ang maselang operasyon ni Mishael. Ngunit sa halip na kapahingahan, isang matinding kaguluhan sa kanyang isip at puso ang sumalubong sa kanya. “Gabriel, anak?”Nabasag ang katahimikan nang pumasok ang kanyang ina na si Donya Celestina, may bitbit itong mainit na tsaa at nakangiti ng matamis papalapit kay Gabriel.“Ma,” bati ni Gabriel habang dahan-dahang humaharap sa ina. Pilit niyang inayos ang kaniyang tindig upang hindi halata ang matinding pagod at abala sa kanyang isip.“Buhat nang maging tanyag kang doktor sa lungsod, bihira ka nang umuwi rito sa hacienda,” malambing na pangaral ng ina habang ibinababa ang tsaa sa mesa. “Inabot ka nanaman ng madaling-araw sa pag-iisp. Tungkol ba ito sa nakatakda mong operasyon sa bata sa ospital?” Bumuntong-hininga muna si Gab
Malamig at tahimik ang paligid sa loob ng silid kung saan nakalipat na si Mishael para sa kanyang confinement. Tanging ang pulit-ulit na pag-beep ng cardiac monitor ang bumabasag sa katahimikan ng gabi.Nakatayo si Lori sa tabi ng kama ng anak, dahan-dahang hinahaplos ang malambot nitong buhok. Sa kabila ng pagod, hindi niya kayang ipikit ang kanyang mga mata. Bawat paghinga ni Mishael ay binabantayan niya, natatakot na baka sa isang iglap ay bigla naman itong kapusin ng hangin.“Lori, maupo ka muna,” pabulong na gising ni Kiven mula sa maliit na sofa sa gilid ng kwarto. “Kanina ka pa nakatayo diyan. Ako na muna ang magbabantay kay Mishael.”Umiling si Lori habang nakatitig sa anak. “Hindi ako makatulog, Kiven. Maraming salamat, pero gusto kong nandito lang ako sa tabi niya.”“Aso rin ‘tong si Malachi, nakatulog na sa kandungan ko,” dugtong ni Kiven habang inaayos ang pagkakahiga ng kambal ni Mishael na tuluyan nang nilamon ng pagod. “Sigurado ka bang okay ka lang? Kanina pa malamig a







