ログインAraw-araw nakikita ni Gabriel si Lori sa pasilyo ng ospital. Bawat pagtatagpo ng kani-kanilang mga mata ay may dalang matinding digmaan sa kanyang dibdib. Despite the anger and bitterness of the past that he desperately tries to let prevail—yet he diligently hides it behind cold words and formal demeanor.
Habang naglalakad si Lori sa pasilyo bitbit ang isang basong tubig, ay bigla siyang hinarangan ni Dr. Enid Del Monte sa gilid ng nurse’s station.
“Misis Santiago,” malamig at puno ng pang-uuyam na bati ni Enid. “Hindi mo ba naisip na nakakagulo ka sa focus ni Dr. Del Fuego? Palagi kang nakabuntot at nakatitig sa kanya.”
At ako pa talaga ang palaging nakabuntot, samantalang siya itong parang inasinan kapag nawawala si Gabriel sa paningin niya. Bulong ni Lori sa kanyang isip.
Tumingin si Lori kay Enid, pilit na pinapatibay ang sarili. “Narito ako para sa anak ko, Dr. Delmonte. Wala akong ibang hangarin kundi ang gumaling si Mishael.”
“Talaga ba?” pabalang na ngumisi si Enid habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. “Huwag kang magpanggap na walang nakaraan sa inyo ni Gabriel. Pero ipapaalala ko lang sa’yo— limang taon ka niyang kinamuhian. Ako ang kasama niya noong panahong nasasaktan siya. Huwag mong isipin na dahil sa operasyong ito ay magkakaroon ka pa ng lugar sa buhay niya.”
Hindi na nakasagot si Lori nang mabilis na tumalikod si Enid habang nakataas ang ulo. Napahawak si Lori sa kanyang dibdib—masakit man ang mga salita ng doktora, ang tanging mahalaga lang sa kanya ngayon ay ang buhay ng kanyang anak.
Dumating na ang nakatakdang operasyon.
Binabalot ng matinding tensyon ang buong Surgical Suite. Sa labas ng Operating Room, nanginginig na nakatayo si Lori habang nakahawak sa kamay ni Kiven at Malachi. Mababanaag sa kanyang buong sistema ang magkahalong kaba at pangamba para sa kanyang anak.
“Lori, magdasal tayo. Kakayanin ito ni Mishael,” pabulong na paalala ni Kiven.
“Mommy, Dada, let’s also pray for the kind doctor. I hope the Lord guides his hand in healing Mishael,” bulong ni Malachi.
Nagkatinginan naman si Kiven at Lori. Napatango si Lori sa kanya at hinagod ang buhok ng bata habang nag-uunahan ang kanyang mga luha.
Sa loob ng OR, nakasuot na si Gabriel ng kanyang green surgical scrub suit, sterile gloves, at mask. Sa kabila ng kanyang malamig at perpektong aura, mayroong kakaibang kaba na lumulukob sa kanyang dibdib. Nakahiga sa operating table ang maliit na katawan ni Mishael, sa paligid nito ay ang mga kagamitan at mga makina.
“Dr. Del Fuego, ready for incision,” pahayag ng anesthesiologist.
“Scalpel,” malamig na utos ni Gabriel.
Mabilis ngunit maingat na sinimulan ni Gabriel ang operasyon. Ang bawat paghiwa at galaw ng kanyang mga kamay ay may pambihirang precision. Sa tabi niya nakatayo si Enid bilang assistant surgeon na maingat na sumusunod sa bawat utos ng doktor.
Ngunit sa gitna nang maselang proseso, biglang sumigaw ang anesthesiologist!
“Dr. Del Fuego! Massive bleeding in the right atrium! The BP is dropping rapidly—60 over 40! We are losing her!”
Tumunog ang matinding alarm ng cardiac monitor na nagbigay ng mabigat na tensyon at pag-aalala ng mga nasa OR.
“Suction, fast!” sigaw ni Gabriel habang mabilis na hinahanap ang pinagmumulan ng pagdurugo. “Clamp the vessel! Dr. Delmonte, hold the retractor steady!”
Nanginginig ang mga kamay ni Enid sa biglang kaguluhan sa OR. “Gabriel, masyadong mabilis ang pagbagsak ng dugo! Dynamic shock na ito!”
“We need an immediate blood transfusion!” utos ni Gabriel habang pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. “Call the blood bank now! Prepare four units of packed RBCs!”
Mabilis na tumakbo ang circulating nurse patungo sa intercom, ngunit pagkalipas ng ilang segundo ay bumalik ito na may dalang masamang balita.
“Dok! The bloodbank has no stock for her specific blood type! It’s O-Negative with rare AB-Subgroup antigens! Masyadong bihirang blood type po ito”
Napatigil ang buong surgical team. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong silid.
“What!?” sigaw ni Enid. “How can a five-year-old child have such a rare blood type?!”
Parang nahinto ang paghinga ni Gabriel. Napatitig siya sa nakapikit na mukha ni Mishael. Ang blood type na iyon… ang bihirang blood type na iyon ay ang mismong pagmamay-ari niya! Iisa lamang sa bawat sampung libong tao ang may ganoong uri ng dugo.
My blood type… bulong ng kanyang isip.
“Dr. Del Fuego, bumabagsak na po ang heart rate sa 45!” sigaw ng nars.
Walang pag-aalinlangang nag-angat ng ulo si Gabriel at tumingin sa circulating nurse. “Go directly to my private office! Inside my personal blood bank refrigerator, there are four units of freshly donated O-Negative blood with rare antigen markers!”
Napatitig si Enid kay Gabriel, nanlalaki ang mga mata niya sa gulat. “Gabriel? Bakit may nakatagong sarili mong dugo sa opisina mo?!”
“Don’t ask questions, Dr. Delmonte! Just do your job!” sigaw ni Gabriel sa kauna-unahang pagkakataon na nawalan siya ng pasensya sa loob ng OR. Binalingan niya ang nars. “Run to my office now! The key is under my desk pad! Go!”
“Y-yes Dok!” mabilis na tumakbo ang nars palabas ng silid.
Habang hinihintay ang dugo, ipinagpatuloy ni Gabriel ang pag-suture sa pinakamaliit na ugat ng puso ng bata. Ang bawat patak ng pawis sa kanyang noo ay mabilis na pinupunasan ng assistant nurse. Sa loob-loob ni Gabriel, nananalangin siya sa paraang hindi niya ginagawa sa loob ng limang taon. Stricken by the pain and wrath brought by Lori’s absence, prayer slipped entirely from his mind.
Huwag ngayon… pakiusap, iligtas mo ang batang ito…
Ilang minuto ang lumipas, mabilis na pumasok ang nars na dala ang mga bag ng dugo. Mabilis itong ikinabit sa IV line ni Mishael.
“Transfusion started, Dr. Del Fuego!”
Habang pumapasok ang sariling dugo ni Gabriel sa mga ugat ni Mishael, unti-unting tumigil ang pagdurugo. Ang mababang pagtibok ng puso ng bata ay dahan-dahang bumabalik sa normal na kumpas. Maririnig sa buong OR ang normal na tunog ng cardiac monitor.
“BP is stabilizing! 90 over 60! Heart rate is returning to normal rhythm!” masayang pahayag ng anesthesiologist.
Bumuntong-hininga ng malalim si Gabriel, ramdam niya ang matinding pagod ngunit naroon ang isang malalim na ginhawa sa kanyang dibdib.
Ipinagpatuloy niya ang huling bahagi ng operasyon nang may matindi at buong pag-iingat. Sa bawat tahi niya sa puso ni Mishael, tila may isang bahagi rin ng kanyang sariling nasirang puso ang dahan-dahang nabubuo—dahil sa dugong dumaloy mula sa kanya patungo sa maliit na batang ito.
Nakatitig si Enid mula sa kabilang dulo ng operating table. Ang kanyang mga mata ay puno ng matinding paghihinala at galit.
Ang dugong ‘yon… sa isip ni Enid habang nakakuyom ang kanyang mga kamay sa loob ng sterile gloves. Hindi pwedeng magkatugma ang bihirang blood type nila nang walang malalim na dahilan… Naglulukso ang dugo niya para sa batang ito. Hindi ito pwedeng mangyari! Hindi pwede!
Ang bawat pag-flash ng mga camera sa press room ay tila nag-iwan ng permanenteng marka sa buhay ng pamilya Del Fuego. Matapos ang matapang na pahayag ni Gabriel, mabilis niyang inakay si Lori at ang mga bata pabalik sa exclusive suit ng ospital upang ilayo sa nandidilat na mga mata ng media at staff ng ospital.Sa loob ng silid, naghahari ang isang kakaibang katahimikan. Nakaupo si Lori sa gilid ng malambot na kama habang nakatitig sa kanyang mga daliri na patuloy na nanginginig. Sa kabila ng ligaya at gulat sa mga binitawang salita ni Gabriel, may isang matinding kaba ang pumupunit sa kanyang dibdib.“Lori,” mahinang tawag ni Gabriel habang dahan-dahang lumapit at lumuluhod sa kanyang tapat. Inabot ng doktor ang malamig na mga kamay ng dalaga. “Patawarin mo ako kung nagdesisyon ako nang hindi muna nagtatanong sa’yo. Pero hindi ko na kayang panatilihin kayo sa dilim.”Tumingin si Lori sa mga mata ni Gabriel, naroon ang katapatang limang taon niyang hindi nakikita, ngunit bakas din ang
Ngunit bago pa man magpatuloy ang magandang sandali ng pamilya, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng silid. Mabilis na pumasok si Enid na may hawak ng tablet, kunwaring nag-aalala ang mukha.“Gabriel! Lori!” nagmamadaling tawag ni Enid. “May malaking problema sa labas ng ospital!”“Ano ‘yon, Dr. Delmonte?” kumunot ang noo ni Gabriel habang tumatayo.Ipinakita ni Enid ang screen ng tablet kung saan nakasulat ang isang trending headline sa mga news site:“SECRET FAMILY OF BILLIONAIRE SURGEON DR. GABRIEL DEL FUEGO EXPOSED? SCHOLAR FROM THE PAST CLAIMS TO HAVE HIS TWINS FOR MONEY!”Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lori nang mabasa ang artikulo. Sinisiraan siya roon at pinalabas na ginagamit niya ang mga bata upang makahingi ng pera sa pamilya Del Fuego.“G-Gabriel… hindi ko ginawa ‘to…” umiiyak na giit ni Lori habang nanginginig ang buong katawan. “Wala akong pinagsabihan na kahit sino!”Tumingin si Enid kay Lori nang may halong paninira. “Misis Santiago, marami nang reporte
Tahimik ang silid. Tanging ang mahinang tunog ng mga makina at ang nanginginig na paghinga nina Gabriel at Lori ang bumabasag sa katahimikan matapos ang kanilang matinding pagtatalo.“Karapatan ko, Lori…” pabulong ngunit may matinding diin na ulit ni Gabriel. Dahan-dahang lumambot ang kanyang pagkakahawak sa mga balikat ng babae, ngunit naroon pa rin ang pait sa kanyang boses. “I-I suffered for five years, thinking you just threw me away like I was worth nothing. But it hurts even more to realize that for those five years, my children grew up without me beside them.”Mabilis na pinunasan ni Lori ang mga luhang mabilis na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Umiling siya habang napapaatras.“Hindi mo alam kung gaano kahirap, Gabriel,” pait na tugon ni Lori. “Nang nalaman ko ang totoong pagkatao mo, narealize ko kung—kung gaano ka layo ang agwat ng mundo natin,” bahagya siyang natahimik at lumunok dahil sa sakit na nararamdaman. “Isa lang akong scholar na walang maipagmamalaki, samantalang
Matapos ang tatlong mahabang oras ng nakapapagod na operasyon, bumukas ang pinto ng Operating Room. Unang lumabas si Gabriel, at dahan-dahang tinatanggal ang kanyang surgical mask. Bakas ang matinding pagod sa kanyang mukha, ngunit naroon ang isang pambihirang kaginhawaan sa kanyang dibdib.Agad na patakbong lumapit si Lori, kasunod nito si Kiven at Malachi.“Gabriel! Dok… kumusta po ang anak ko? Ligtas ba si Mishael… m-maayos po ba siya?” umiiyak at nanginginig na tanong ni Lori, hawak ang sariling mga kamay na tila nananalangin.Tinitigan ni Gabriel si Lori. For the first time in five years, the coldness in his eyes changed—replaced by the familiar warmth that he had long buried away.“The operation was complete success, Lori,” mahinang pahayag ni Gabriel. “Ligtas na si Mishael.”Sa sobrang kagalakan at labis na ginhawang naramdaman, hindi na napigilan ni Lori ang sarili. Napahagulgol siya at mabilis na napayakap nang mahigpit sa leeg ni Gabriel.“Salamat… Maraming salamat, Gabriel!
Araw-araw nakikita ni Gabriel si Lori sa pasilyo ng ospital. Bawat pagtatagpo ng kani-kanilang mga mata ay may dalang matinding digmaan sa kanyang dibdib. Despite the anger and bitterness of the past that he desperately tries to let prevail—yet he diligently hides it behind cold words and formal demeanor.Habang naglalakad si Lori sa pasilyo bitbit ang isang basong tubig, ay bigla siyang hinarangan ni Dr. Enid Del Monte sa gilid ng nurse’s station.“Misis Santiago,” malamig at puno ng pang-uuyam na bati ni Enid. “Hindi mo ba naisip na nakakagulo ka sa focus ni Dr. Del Fuego? Palagi kang nakabuntot at nakatitig sa kanya.”At ako pa talaga ang palaging nakabuntot, samantalang siya itong parang inasinan kapag nawawala si Gabriel sa paningin niya. Bulong ni Lori sa kanyang isip.Tumingin si Lori kay Enid, pilit na pinapatibay ang sarili. “Narito ako para sa anak ko, Dr. Delmonte. Wala akong ibang hangarin kundi ang gumaling si Mishael.”“Talaga ba?” pabalang na ngumisi si Enid habang daha
Nakatayo si Gabriel sa malaking bintana ng kanyang silid sa Hacienda Del Fuego. Malayo ang tingin niya sa malawak na lupain at mga punong sumasayaw sa ihip ng hangin. Umuwi siya upang magpahinga at ihanda ang sarili bago ang maselang operasyon ni Mishael. Ngunit sa halip na kapahingahan, isang matinding kaguluhan sa kanyang isip at puso ang sumalubong sa kanya. “Gabriel, anak?”Nabasag ang katahimikan nang pumasok ang kanyang ina na si Donya Celestina, may bitbit itong mainit na tsaa at nakangiti ng matamis papalapit kay Gabriel.“Ma,” bati ni Gabriel habang dahan-dahang humaharap sa ina. Pilit niyang inayos ang kaniyang tindig upang hindi halata ang matinding pagod at abala sa kanyang isip.“Buhat nang maging tanyag kang doktor sa lungsod, bihira ka nang umuwi rito sa hacienda,” malambing na pangaral ng ina habang ibinababa ang tsaa sa mesa. “Inabot ka nanaman ng madaling-araw sa pag-iisp. Tungkol ba ito sa nakatakda mong operasyon sa bata sa ospital?” Bumuntong-hininga muna si Gab







