共有

CHAPTER SEVEN

作者: Lira Luna
last update 公開日: 2026-10-28 21:12:45

Ngunit bago pa man magpatuloy ang magandang sandali ng pamilya, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng silid. Mabilis na pumasok si Enid na may hawak ng tablet, kunwaring nag-aalala ang mukha.

“Gabriel! Lori!” nagmamadaling tawag ni Enid. “May malaking problema sa labas ng ospital!”

“Ano ‘yon, Dr. Delmonte?” kumunot ang noo ni Gabriel habang tumatayo.

Ipinakita ni Enid ang screen ng tablet kung saan nakasulat ang isang trending headline sa mga news site:

“SECRET FAMILY OF BILLIONAIRE SURGEON
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER EIGHT

    Ang bawat pag-flash ng mga camera sa press room ay tila nag-iwan ng permanenteng marka sa buhay ng pamilya Del Fuego. Matapos ang matapang na pahayag ni Gabriel, mabilis niyang inakay si Lori at ang mga bata pabalik sa exclusive suit ng ospital upang ilayo sa nandidilat na mga mata ng media at staff ng ospital.Sa loob ng silid, naghahari ang isang kakaibang katahimikan. Nakaupo si Lori sa gilid ng malambot na kama habang nakatitig sa kanyang mga daliri na patuloy na nanginginig. Sa kabila ng ligaya at gulat sa mga binitawang salita ni Gabriel, may isang matinding kaba ang pumupunit sa kanyang dibdib.“Lori,” mahinang tawag ni Gabriel habang dahan-dahang lumapit at lumuluhod sa kanyang tapat. Inabot ng doktor ang malamig na mga kamay ng dalaga. “Patawarin mo ako kung nagdesisyon ako nang hindi muna nagtatanong sa’yo. Pero hindi ko na kayang panatilihin kayo sa dilim.”Tumingin si Lori sa mga mata ni Gabriel, naroon ang katapatang limang taon niyang hindi nakikita, ngunit bakas din ang

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER SEVEN

    Ngunit bago pa man magpatuloy ang magandang sandali ng pamilya, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng silid. Mabilis na pumasok si Enid na may hawak ng tablet, kunwaring nag-aalala ang mukha.“Gabriel! Lori!” nagmamadaling tawag ni Enid. “May malaking problema sa labas ng ospital!”“Ano ‘yon, Dr. Delmonte?” kumunot ang noo ni Gabriel habang tumatayo.Ipinakita ni Enid ang screen ng tablet kung saan nakasulat ang isang trending headline sa mga news site:“SECRET FAMILY OF BILLIONAIRE SURGEON DR. GABRIEL DEL FUEGO EXPOSED? SCHOLAR FROM THE PAST CLAIMS TO HAVE HIS TWINS FOR MONEY!”Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lori nang mabasa ang artikulo. Sinisiraan siya roon at pinalabas na ginagamit niya ang mga bata upang makahingi ng pera sa pamilya Del Fuego.“G-Gabriel… hindi ko ginawa ‘to…” umiiyak na giit ni Lori habang nanginginig ang buong katawan. “Wala akong pinagsabihan na kahit sino!”Tumingin si Enid kay Lori nang may halong paninira. “Misis Santiago, marami nang reporte

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER SIX

    Tahimik ang silid. Tanging ang mahinang tunog ng mga makina at ang nanginginig na paghinga nina Gabriel at Lori ang bumabasag sa katahimikan matapos ang kanilang matinding pagtatalo.“Karapatan ko, Lori…” pabulong ngunit may matinding diin na ulit ni Gabriel. Dahan-dahang lumambot ang kanyang pagkakahawak sa mga balikat ng babae, ngunit naroon pa rin ang pait sa kanyang boses. “I-I suffered for five years, thinking you just threw me away like I was worth nothing. But it hurts even more to realize that for those five years, my children grew up without me beside them.”Mabilis na pinunasan ni Lori ang mga luhang mabilis na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Umiling siya habang napapaatras.“Hindi mo alam kung gaano kahirap, Gabriel,” pait na tugon ni Lori. “Nang nalaman ko ang totoong pagkatao mo, narealize ko kung—kung gaano ka layo ang agwat ng mundo natin,” bahagya siyang natahimik at lumunok dahil sa sakit na nararamdaman. “Isa lang akong scholar na walang maipagmamalaki, samantalang

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER 5

    Matapos ang tatlong mahabang oras ng nakapapagod na operasyon, bumukas ang pinto ng Operating Room. Unang lumabas si Gabriel, at dahan-dahang tinatanggal ang kanyang surgical mask. Bakas ang matinding pagod sa kanyang mukha, ngunit naroon ang isang pambihirang kaginhawaan sa kanyang dibdib.Agad na patakbong lumapit si Lori, kasunod nito si Kiven at Malachi.“Gabriel! Dok… kumusta po ang anak ko? Ligtas ba si Mishael… m-maayos po ba siya?” umiiyak at nanginginig na tanong ni Lori, hawak ang sariling mga kamay na tila nananalangin.Tinitigan ni Gabriel si Lori. For the first time in five years, the coldness in his eyes changed—replaced by the familiar warmth that he had long buried away.“The operation was complete success, Lori,” mahinang pahayag ni Gabriel. “Ligtas na si Mishael.”Sa sobrang kagalakan at labis na ginhawang naramdaman, hindi na napigilan ni Lori ang sarili. Napahagulgol siya at mabilis na napayakap nang mahigpit sa leeg ni Gabriel.“Salamat… Maraming salamat, Gabriel!

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER FOUR

    Araw-araw nakikita ni Gabriel si Lori sa pasilyo ng ospital. Bawat pagtatagpo ng kani-kanilang mga mata ay may dalang matinding digmaan sa kanyang dibdib. Despite the anger and bitterness of the past that he desperately tries to let prevail—yet he diligently hides it behind cold words and formal demeanor.Habang naglalakad si Lori sa pasilyo bitbit ang isang basong tubig, ay bigla siyang hinarangan ni Dr. Enid Del Monte sa gilid ng nurse’s station.“Misis Santiago,” malamig at puno ng pang-uuyam na bati ni Enid. “Hindi mo ba naisip na nakakagulo ka sa focus ni Dr. Del Fuego? Palagi kang nakabuntot at nakatitig sa kanya.”At ako pa talaga ang palaging nakabuntot, samantalang siya itong parang inasinan kapag nawawala si Gabriel sa paningin niya. Bulong ni Lori sa kanyang isip.Tumingin si Lori kay Enid, pilit na pinapatibay ang sarili. “Narito ako para sa anak ko, Dr. Delmonte. Wala akong ibang hangarin kundi ang gumaling si Mishael.”“Talaga ba?” pabalang na ngumisi si Enid habang daha

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER 3

    Nakatayo si Gabriel sa malaking bintana ng kanyang silid sa Hacienda Del Fuego. Malayo ang tingin niya sa malawak na lupain at mga punong sumasayaw sa ihip ng hangin. Umuwi siya upang magpahinga at ihanda ang sarili bago ang maselang operasyon ni Mishael. Ngunit sa halip na kapahingahan, isang matinding kaguluhan sa kanyang isip at puso ang sumalubong sa kanya. “Gabriel, anak?”Nabasag ang katahimikan nang pumasok ang kanyang ina na si Donya Celestina, may bitbit itong mainit na tsaa at nakangiti ng matamis papalapit kay Gabriel.“Ma,” bati ni Gabriel habang dahan-dahang humaharap sa ina. Pilit niyang inayos ang kaniyang tindig upang hindi halata ang matinding pagod at abala sa kanyang isip.“Buhat nang maging tanyag kang doktor sa lungsod, bihira ka nang umuwi rito sa hacienda,” malambing na pangaral ng ina habang ibinababa ang tsaa sa mesa. “Inabot ka nanaman ng madaling-araw sa pag-iisp. Tungkol ba ito sa nakatakda mong operasyon sa bata sa ospital?” Bumuntong-hininga muna si Gab

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status