ログインNakatayo si Gabriel sa malaking bintana ng kanyang silid sa Hacienda Del Fuego. Malayo ang tingin niya sa malawak na lupain at mga punong sumasayaw sa ihip ng hangin. Umuwi siya upang magpahinga at ihanda ang sarili bago ang maselang operasyon ni Mishael. Ngunit sa halip na kapahingahan, isang matinding kaguluhan sa kanyang isip at puso ang sumalubong sa kanya.
“Gabriel, anak?”
Nabasag ang katahimikan nang pumasok ang kanyang ina na si Donya Celestina, may bitbit itong mainit na tsaa at nakangiti ng matamis papalapit kay Gabriel.
“Ma,” bati ni Gabriel habang dahan-dahang humaharap sa ina. Pilit niyang inayos ang kaniyang tindig upang hindi halata ang matinding pagod at abala sa kanyang isip.
“Buhat nang maging tanyag kang doktor sa lungsod, bihira ka nang umuwi rito sa hacienda,” malambing na pangaral ng ina habang ibinababa ang tsaa sa mesa. “Inabot ka nanaman ng madaling-araw sa pag-iisp. Tungkol ba ito sa nakatakda mong operasyon sa bata sa ospital?”
Bumuntong-hininga muna si Gabriel at tumango. “Napakaselang kaso, Ma. Complex Congenital Heart Defect sa isang limang taong gulang na pasyente. Kailangang maging perfect ang bawat galaw ng aking kamay.”
“Naniniwala ako sa kakayahan mo, Gabriel. Mula bata ka, ginagawa mo ang lahat nang may kahusayan,” nakangiting wika ni Donya Celestina. Dahan-dahan itong lumapit sa mga lumang kabinet at naglabas ng ilang makakapal na album ng pamilya. “Halika rito sa tabi ko. Nag-aayos kami ng papa mo ng mga lumang larawan kanina habang hinihintay ka.”
Naupo si Gabriel sa tabi ng kanyang ina sa malambot na sofa. Dahan-dahang binuklat ni Donya Celestina ang unang pahina ng album. Naroon ang mga larawan ni Gabriel noong ipinanganak siya, noong nag-aaral siyang lumakad, at noong umabot siya sa edad na limang taon—ang mismong edad ni Mishael at ng kambal nitong si Malachi.
Habang tinititigan ni Gabriel ang sarili sa larawan noong limang taong gulang pa lamang siya— na nakatayo sa ilalim ng puno, may matatalas na mata at seryosong mukha—biglang lumakas at bumilis ang kabog ng kanyang dibdib.
Dug-dug… dug-dug…
It felt as though time itself had frozen in place. Gabriel caught the edge of the sofa, his eyes wide with disbelief as he stared at the picture.”
“Tingnan mo ito, Gabriel,” natutuwang kwento ng ina. “Ito ‘yung edad mong limang taon. Napakaseryoso mong bata, hindi gaanong ngumingiti, at napakatalas ng iyong mga mata. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ama nung bata pa siya.”
Ngunit hindi ang kanyang ama ang nakikita ni Gabriel sa larawan.
Ang nakikita niya ay ang mukha ng dalawang bata sa ospital—inaalala niya ang mga pilikmata ni Mishael na nakahiga sa kama, at ang matitigas at matatalas na tingin ng kakambal nitong si Malachi na nakahiga sa sofa.
They look exactly like me… bulong ng isang tinig sa kanyang isip.
Isang matinding pagdududa ang sumagi sa kanyang dibdib na tila kumuryente sa buo niyang pagkatao. Bakit napakapamilyar ng mga mukha ng kambal? Bakit may di-maipaliwanag na lukso ng dugo ang pumipintig sa kanyang dibdib sa tuwing humahawak sa kamay ni Mishael?
“Gabriel? Anak, may problema ba?” alalang tanong ng kanyang ina nang mapansin ang biglang pamumutla ng doktor.
Dali-daling tumayo si Gabriel at inayos ang kanyang amerikana. “Patawad, Ma… kailangan ko lang gumawa ng isang importanteng tawag sa telepono.”
“Sige, anak. Mag-iingat ka,” sagot ng ina na may pagtataka sa mga mata.
Mabilis na lumabas si Gabriel patungo sa balkonahe ng bahay. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang binubuksan ang kanyang telepono at hinanap ang numero ng isang pinagkakatiwalaan na private investigator. Agad namang nag-ring ang telepono ng kabilang linya, hindi na naghintay ng matagal si Gabriel sapagkat sinagot din agad ng nasa kabilang linya ang kanyang tawag.
“Hello, Dr, Del Fuego?” tugon ng lalaki sa kabilang linya.
“I need your service immediately,” deretsong pahayag ni Gabriel, malamig ngunit naroon ang matinding pagdadalamhati at panginginig sa kanyang boses.
“Ano po ang ipapagawa niyo, Dok?”
Huminga ng malalim si Gabriel, at pumikit nang bahagya habang bumabalik sa kanyang isip ang mukha ng babaeng tumakbo at naglaho limang taon na ang nakararaan.
“I want a full background check on a woman named Lori Santiago,” utos ni Gabriel. “I want to know everything about her life for the past five years. Every single detail—where she lived, who she was with, her pregnancy, her children’s birth record, and her current situation.”
Napatigil ang imbestigador sa kabilang linya. “Naiintindihan ko po, Dr. Del Fuego. Sisimulan ko agad ang imbestigasyon ngayon din.”
“Gawin mo nang mabilis at tahimik,” paalala ni Gabriel. “I want the complete report before the scheduled operation.”
“Copy, Dok.”
Nang maputol ang tawag, napahawak si Gabriel sa hawakan ng balkunahe at tumitig sa madilim na kalangitan. Binalot siya ng halo-halong emosyon—galit, pag-aalinlangan, at matinding takot sa katotohanang maaari niyang matuklasan.
“Lori…” pabulong at nanginginig na usal ni Gabriel. “Anong tinatago mo sa akin? Hindi kaya… anak ko ang kambal?”
Isang malaking katanungan ang naiwan sa kanyang isip. Kung totoo man ang kanyang hinala, mas lalong lalalim ang sugat sa kanyang puso. Limang taon siyang nabubuhay sa pag-aakalang itinapon siya ni Lori dahil hindi siya nito tunay na minahal. Limang taon siyang nagpakatigas at hindi nagbukas ng p***o para sa ibang babae dahil nakakulong pa rin siya sa alaala ng dating kasintahan.
And if the twins are indeed his children, that means Lori bore and raised them single-handedly for five years—completely on her own without help or backing from him.
SAMANTALA, sa Pediatric Intensive Care Unit ng ospital, nakaupo si Lori sa gilid ng kama ni Mishael. Hawak niya ang maliit na kamay ng anak habang ang kabilang kamay naman ay nakahawak sa kamay ni Malachi na nakasandal sa kanya.
“Mommy,” pabulong na tanong ni Malachi habang nakatingin sa kapatid. “Who was that tall doctor who came here last night? The one with the female doctor next to him?”
Napatigil si Lori sa paghaplos sa buhok ng anak. “A-ah… Siya si Dr. Gabriel, baby. He will be Mishael’s doctor, so that her heart will heal.”
Tumingin si Malachi kay Lori nang may kakaibang talas ng mga mata. “Mommy, why does he look angry when he looks at me, but also kind of sad? Why does it seem like he knows you?”
Natigilan si Lori. Sa edad na limang taon, napaka-observant at matalino ni Malachi—mga katangian nito na nakuha sa sariling ama.
“Because… we got to know each other back when Mommy was still a student in the old days,” mahinang paliwanag ni Lori, pilit iniiwasan ang matatalas na tingin ng anak. “But it was a long time ago, baby.”
“Dada Kiven said he’s really a good doctor,” dugtong ni Malachi. “Does that mean he’s going to make Mishael better?”
Ngumiti ng bahagya si Lori at masuyong h******n ang noo ng anak. “Yes, Malachi. He will save your sister. He is the only one who can do that.”
“But Lord can do that too,” sagot ni Malachi sa kanya.
Napangiti si Lori at napatango, habang hinahaplos ang kamay ng anak na si Mishael. H******n niya si Malachi at napapikit. “I know, baby. God is above everything, and Dr. Gabriel is the one He sent to help us.”
Habang nakatitig si Lori sa dalawang anak, isang tahimik na panalangin at pakiusap ang umagos sa kanyang puso.
Gabriel… iligtas mo lang ang anak natin. Kahit hindi mo na ako kailangang patawarin… tatanggapin ko… basta manatiling buhay at ligtas ang ating mga anak.
Ang bawat pag-flash ng mga camera sa press room ay tila nag-iwan ng permanenteng marka sa buhay ng pamilya Del Fuego. Matapos ang matapang na pahayag ni Gabriel, mabilis niyang inakay si Lori at ang mga bata pabalik sa exclusive suit ng ospital upang ilayo sa nandidilat na mga mata ng media at staff ng ospital.Sa loob ng silid, naghahari ang isang kakaibang katahimikan. Nakaupo si Lori sa gilid ng malambot na kama habang nakatitig sa kanyang mga daliri na patuloy na nanginginig. Sa kabila ng ligaya at gulat sa mga binitawang salita ni Gabriel, may isang matinding kaba ang pumupunit sa kanyang dibdib.“Lori,” mahinang tawag ni Gabriel habang dahan-dahang lumapit at lumuluhod sa kanyang tapat. Inabot ng doktor ang malamig na mga kamay ng dalaga. “Patawarin mo ako kung nagdesisyon ako nang hindi muna nagtatanong sa’yo. Pero hindi ko na kayang panatilihin kayo sa dilim.”Tumingin si Lori sa mga mata ni Gabriel, naroon ang katapatang limang taon niyang hindi nakikita, ngunit bakas din ang
Ngunit bago pa man magpatuloy ang magandang sandali ng pamilya, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng silid. Mabilis na pumasok si Enid na may hawak ng tablet, kunwaring nag-aalala ang mukha.“Gabriel! Lori!” nagmamadaling tawag ni Enid. “May malaking problema sa labas ng ospital!”“Ano ‘yon, Dr. Delmonte?” kumunot ang noo ni Gabriel habang tumatayo.Ipinakita ni Enid ang screen ng tablet kung saan nakasulat ang isang trending headline sa mga news site:“SECRET FAMILY OF BILLIONAIRE SURGEON DR. GABRIEL DEL FUEGO EXPOSED? SCHOLAR FROM THE PAST CLAIMS TO HAVE HIS TWINS FOR MONEY!”Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lori nang mabasa ang artikulo. Sinisiraan siya roon at pinalabas na ginagamit niya ang mga bata upang makahingi ng pera sa pamilya Del Fuego.“G-Gabriel… hindi ko ginawa ‘to…” umiiyak na giit ni Lori habang nanginginig ang buong katawan. “Wala akong pinagsabihan na kahit sino!”Tumingin si Enid kay Lori nang may halong paninira. “Misis Santiago, marami nang reporte
Tahimik ang silid. Tanging ang mahinang tunog ng mga makina at ang nanginginig na paghinga nina Gabriel at Lori ang bumabasag sa katahimikan matapos ang kanilang matinding pagtatalo.“Karapatan ko, Lori…” pabulong ngunit may matinding diin na ulit ni Gabriel. Dahan-dahang lumambot ang kanyang pagkakahawak sa mga balikat ng babae, ngunit naroon pa rin ang pait sa kanyang boses. “I-I suffered for five years, thinking you just threw me away like I was worth nothing. But it hurts even more to realize that for those five years, my children grew up without me beside them.”Mabilis na pinunasan ni Lori ang mga luhang mabilis na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Umiling siya habang napapaatras.“Hindi mo alam kung gaano kahirap, Gabriel,” pait na tugon ni Lori. “Nang nalaman ko ang totoong pagkatao mo, narealize ko kung—kung gaano ka layo ang agwat ng mundo natin,” bahagya siyang natahimik at lumunok dahil sa sakit na nararamdaman. “Isa lang akong scholar na walang maipagmamalaki, samantalang
Matapos ang tatlong mahabang oras ng nakapapagod na operasyon, bumukas ang pinto ng Operating Room. Unang lumabas si Gabriel, at dahan-dahang tinatanggal ang kanyang surgical mask. Bakas ang matinding pagod sa kanyang mukha, ngunit naroon ang isang pambihirang kaginhawaan sa kanyang dibdib.Agad na patakbong lumapit si Lori, kasunod nito si Kiven at Malachi.“Gabriel! Dok… kumusta po ang anak ko? Ligtas ba si Mishael… m-maayos po ba siya?” umiiyak at nanginginig na tanong ni Lori, hawak ang sariling mga kamay na tila nananalangin.Tinitigan ni Gabriel si Lori. For the first time in five years, the coldness in his eyes changed—replaced by the familiar warmth that he had long buried away.“The operation was complete success, Lori,” mahinang pahayag ni Gabriel. “Ligtas na si Mishael.”Sa sobrang kagalakan at labis na ginhawang naramdaman, hindi na napigilan ni Lori ang sarili. Napahagulgol siya at mabilis na napayakap nang mahigpit sa leeg ni Gabriel.“Salamat… Maraming salamat, Gabriel!
Araw-araw nakikita ni Gabriel si Lori sa pasilyo ng ospital. Bawat pagtatagpo ng kani-kanilang mga mata ay may dalang matinding digmaan sa kanyang dibdib. Despite the anger and bitterness of the past that he desperately tries to let prevail—yet he diligently hides it behind cold words and formal demeanor.Habang naglalakad si Lori sa pasilyo bitbit ang isang basong tubig, ay bigla siyang hinarangan ni Dr. Enid Del Monte sa gilid ng nurse’s station.“Misis Santiago,” malamig at puno ng pang-uuyam na bati ni Enid. “Hindi mo ba naisip na nakakagulo ka sa focus ni Dr. Del Fuego? Palagi kang nakabuntot at nakatitig sa kanya.”At ako pa talaga ang palaging nakabuntot, samantalang siya itong parang inasinan kapag nawawala si Gabriel sa paningin niya. Bulong ni Lori sa kanyang isip.Tumingin si Lori kay Enid, pilit na pinapatibay ang sarili. “Narito ako para sa anak ko, Dr. Delmonte. Wala akong ibang hangarin kundi ang gumaling si Mishael.”“Talaga ba?” pabalang na ngumisi si Enid habang daha
Nakatayo si Gabriel sa malaking bintana ng kanyang silid sa Hacienda Del Fuego. Malayo ang tingin niya sa malawak na lupain at mga punong sumasayaw sa ihip ng hangin. Umuwi siya upang magpahinga at ihanda ang sarili bago ang maselang operasyon ni Mishael. Ngunit sa halip na kapahingahan, isang matinding kaguluhan sa kanyang isip at puso ang sumalubong sa kanya. “Gabriel, anak?”Nabasag ang katahimikan nang pumasok ang kanyang ina na si Donya Celestina, may bitbit itong mainit na tsaa at nakangiti ng matamis papalapit kay Gabriel.“Ma,” bati ni Gabriel habang dahan-dahang humaharap sa ina. Pilit niyang inayos ang kaniyang tindig upang hindi halata ang matinding pagod at abala sa kanyang isip.“Buhat nang maging tanyag kang doktor sa lungsod, bihira ka nang umuwi rito sa hacienda,” malambing na pangaral ng ina habang ibinababa ang tsaa sa mesa. “Inabot ka nanaman ng madaling-araw sa pag-iisp. Tungkol ba ito sa nakatakda mong operasyon sa bata sa ospital?” Bumuntong-hininga muna si Gab







