author-banner
M. Zidene
M. Zidene
Author

Nobela ni M. Zidene

My Ex-Wife, My Wife Now: REVENGE OF THE BETRAYED WIFE

My Ex-Wife, My Wife Now: REVENGE OF THE BETRAYED WIFE

“Pumirma ka lang, Lena. For fomality lang naman ‘to.” Ang huling kasinungalingang narinig ni Selene Altamirano sa asawang si Adrian Villareal. Sa loob lamang ng isang oras, nawala ang kasal niya, ang architecture firm na itinayo niya mula sa wala, at ang tahanang pinaghirapan niya. Na ang iniwan sa kaniya? Isang pekeng papel, isang buntis na pinsang si Chloe, at isang pangalang pinagtatawanan ng buong lipunan. Sa gabing pinalayas siya ng asawa, ipinangako ni Selene sa sarili nya na hindi na siya iiyak para sa mga taong hindi marunong magmahal. Tatayo siya, babawi, at sisingilin ang bawat luhang ibinuhos niya. Wala na siyang natira kundi galit. Hanggang sa lumapit ang isang lalaking hindi niya inaasahan. Si Dante Valderrama, ang malamig at misteryosong CEO ng Valderrama Group, na nag-alok ng contract marriage. Magpapanggap si Selene na asawa niya para matupad ang kondisyon sa mana ng kaniyang lolo. Kapalit nito, ibibigay ni Dante ang pera, kapangyarihan, at koneksyon para ibagsak ang mga taong sumira sa kaniya. Walang pakialaman, walang sikreto, at walang pag-ibig. Iyon ang kasunduan. Isa lang ang bilin ni Dante: “Huwag kang ma-in love sa akin.” Habang unti-unting binabawi ni Selene ang kaniyang firm at isa-isang inilalantad ang mga kasinungalingan ni Adrian, may mga bagay siyang hindi maintindihan sa lalaking pinakasalan niya. Bakit alam nito ang pangalan ng yumao niyang ama? Bakit tila matagal na siya nitong binabantayan? Bakit ayaw nitong sabihin ang totoo? At bakit tuwing hinahawakan siya nito ay parang takot itong mawala siya? Samantala, si Adrian, na akala’y panalo na, ay nagsisimulang makaramdam ng pagsisisi at selos. Ngayong asawa na ng bilyonaryo ang babaeng iniwan niya, siya naman ang humahabol. Ngunit paano kung ang lalaking tumulong kay Selene ay may sikretong kayang sirain ang lahat? At kapag lumabas ang katotohanan, kaya pa ba niyang magmahal muli?
Basahin
Chapter: Chapter 5
ANG VIP lounge sa ika-38 palapag ng Valderrama Tower ay tahimik na parang vault. Makapal ang carpet, madilim ang ilaw, at sa labas ng salamin ay kumikislap ang buong Maynila.Nakatayo si Selene sa gitna, at suot pa rin niya ang tuxedo jacket ni Dante. Hindi siya naupo at hindi rin siya nagpasalamat.“May isang minuto ka,” sabi ni Selene. “Sabihin mo kung anong pinaplano o laro mo, bago ako sumigaw.”“Hindi ito laro.” Naupo si Dante sa sofa, kalmado, na para bang normal na gabi lng na pag-uusap. “Marco.”Tinawag ni Dante.Lumapit ang lalaking naka-itim na suit na si Marco. Siya iyong lalaking nag-iwan ng payong sa kaniya noong gabing umuulan. Nang magtagpo ang tingin nila ni Selene, bahagyang yumuko ito.“Ikaw,” sabi ni Selene.Napayuko lamang ito, at isang makapal na folder ang inilapag ni Marco sa mesa, at ito”y tahimik lamang na lumabas.Tumingin si Selene at tinanong si Dante. “Ikaw yung nasa kotse.” tama?“Oo.”“Bakit nandoon ka nung araw na umuulan?”Hindi sumagot ito.At ibinali
Huling Na-update: 2026-11-08
Chapter: Chapter 4
ANG Grand Ballroom ng Valderrama Tower ay parang kisame ng langit na ibinaba sa lupa. May chandelier na kasinglaki ng kotse, mga bulaklak na inangkat pa sa ibang bansa, at maraming mga taong nakangiti na akala mo’y mga perpekto na dahil sa antas ng kanilang mga pamumuhay.Si Selene ay pumasok siya’y naka-itim na backless gown na galing kay Steph, nakalugay ang buhok, matalim ang pulang lipstick. Sa bawat hakbang niya, may lumilingon at may mga nag chichismisan.“Siya ’yon, ’di ba? Ang asawang iniwan?”“Ang lakas ng loob niyang dumalo.”Hindi siya nag-atubili. Kumuha siya ng champagne mula sa dumaang waiter, itinaas ang baba, at nagpatuloy.“Smile,” bulong ni Steph, at kumapit sa braso niya. “Tigre ka ngayong gabi. Hindi biktima.”“Oo, Hindi ako biktima.”“Kaya nga ngumiti ka.”Ngumiti si Selene. Malamig. Walang kasamang init.Habang nakatayo siya malapit sa pasukan, naramdaman ni Selene ang bawat matang nakatitig sa kaniya. Dati, ganito rin ang pakiramdam niya sa tuwing may gala: mali
Huling Na-update: 2026-11-08
Chapter: Chapter 3
NAKAHIGA si Selene sa sofa ni Steph, nakatitig sa kisame, yakap ang unan habang kinakausap siya ni Steph.“Isang tanong na lang, tapos hindi na ako magtatanong,” sabi ni Steph mula sa kusina, na nagpapakulo ng tubig. “Ilang porsyento ng sarili mo ang gustong pumatay, at ilan ang gustong gumanti nang legal?”Sagot ni Selene “Seventy-thirty.”“Alin ang seventy?” tanong ni Steph.“Hulaan mo.”“Hay, Lena.” Lumabas si Steph na may dalawang mug ng instant noodles at isang malaking tuwalya. Si Stephanie Delgado, PR manager ng isang hotel group, ang kaisa-isang taong hindi nagbago ng pakikitungo sa kaniya sa loob ng sampung taon. “Kain ka muna. Hindi nakakapag-isip ang babaeng gutom.” sambit ni Steph.Habang kumakain sila, pinanood ni Steph ang story ni Chloe sa phone nang nakangiwi. “‘Home sweet home, finally.’ Sino ang nag-edit ng caption na ’yan, ang kaluluwa niyang ahas?”Habang humihigop ng sabaw, hindi napigilan ni Steph ang magkuwento ng mga naririnig niya sa hotel. “Alam mo bang nagpa
Huling Na-update: 2026-11-08
Chapter: Chapter 2
NAKA-LOCK na ang gate sa Mansiyon nila.May, isang guwardiya ang nakatayo sa harap nito, hindi makatingin sa kaniya ng deretso.“Pasensya na po, Ma’am Selene,” sabi ni Ben. “Utos po ni Sir Adrian. Hindi na po kayo puwedeng pumasok.”“Kuya Ben, tatlong taon mo na akong pinagbubuksan ng gate.”“Opo, Ma’am. Kaya nga po nahihiya ako.” Napakamot ito sa batok. “Pero baka ako ang matanggal sa trabaho po.”Hindi na siya nakipagtalo. Walang silbi ang pakikipagtalo sa taong may pamilyang pinapakain at naiintindihan niya ito.Naghintay siya roon, dahil nasabi naman ng kaibigan niyang pupuntahan siya eh. At habang naghihintay sa labas ay bumukas ang pinto ng kabahayan. Lumabas ang dalawang kasambahay, buhat ang tatlong maleta at isang kahon. Isa-isa nilang inilapag sa semento nang hindi nakatingin sa kaniya.“Nasa maleta na po lahat ng damit niyo, Ma’am,” bulong ni Aling Nena. “Pasensya na po talaga.”“Salamat po, Aling Nena. Huwag kayong mag-alala hindi ako galit o ano pa man. Alam kong ginagawa
Huling Na-update: 2026-11-08
Chapter: Chapter 1
NAKAPIRMA na si Selene bago pa niya naintindihan ang binabasa niya.Nasa gitna pa lang siya ng ikalawang pahina nang matapos ng kamay niya ang huling guhit ng pirma niya.“Good girl,” sabi ni Adrian, sabay hila sa folder papunta sa tabi niya. “Akala ko mahihirapan pa ako.”“Teka.” Kumunot ang noo ni Selene. Galing pa siya sa site visit sa Tagaytay. May alikabok pa ang sapatos niya at nasa tabi ng upuan ang roll ng blueprint. “Sabi mo update lang ’to ng shares para sa bagong investor.”“Update naman talaga.”“Eh bakit nakasulat dito ‘Agreement for Dissolution of Marriage’?”Hindi sumagot si Adrian. Sumandal lang ito sa upuan, nakangiting pagod na pagod, parang taong tapos nang maglinis ng bahay.Binuklat ni Selene ang susunod na pahina. Tapos ang isa pa. Biglang may kung anong kaba siyang naramdaman. Deed of Assignment. Fifty percent of AV Studio shares. Assignee: Chloe Montenegro.Tumingin siya kay Atty. Gonzales, ang abogadong ilang taon nang kumakain sa mga Christmas party nila. Ng
Huling Na-update: 2026-11-08
Maaari mong magustuhan
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status