Share

Chapter 2

Author: M. Zidene
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-08 15:08:04

NAKA-LOCK na ang gate sa Mansiyon nila.

May, isang guwardiya ang nakatayo sa harap nito, hindi makatingin sa kaniya ng deretso.

“Pasensya na po, Ma’am Selene,” sabi ni Ben. “Utos po ni Sir Adrian. Hindi na po kayo puwedeng pumasok.”

“Kuya Ben, tatlong taon mo na akong pinagbubuksan ng gate.”

“Opo, Ma’am. Kaya nga po nahihiya ako.” Napakamot ito sa batok. “Pero baka ako ang matanggal sa trabaho po.”

Hindi na siya nakipagtalo. Walang silbi ang pakikipagtalo sa taong may pamilyang pinapakain at naiintindihan niya ito.

Naghintay siya roon, dahil nasabi naman ng kaibigan niyang pupuntahan siya eh. At habang naghihintay sa labas ay bumukas ang p***o ng kabahayan. Lumabas ang dalawang kasambahay, buhat ang tatlong maleta at isang kahon. Isa-isa nilang inilapag sa semento nang hindi nakatingin sa kaniya.

“Nasa maleta na po lahat ng damit niyo, Ma’am,” bulong ni Aling Nena. “Pasensya na po talaga.”

“Salamat po, Aling Nena. Huwag kayong mag-alala hindi ako galit o ano pa man. Alam kong ginagawa niyo lang ang trabaho niyo.”

Ngumiti ito para mabawasan ang pagkailang ng mga kasambahay nila. Maya-maya’y simple siyang inabutan ni Aling Nena ng nakatuping tatlong tig-isandaang piso. “Para po sa tubig, Ma’am, narinig naming ipinasara ni sir ang lahat ng bank accounts niyo. At kilala namin kayong hindi basta nagdadala ng cash sa wallet,” bulong nito, na nanginginig ang kamay. “Huwag po kayong mag-alala. May mga taong nakakaalam kung sino talaga ang tama.” Hindi na nakasagot si Selene. Mas masakit pala ang awa ng iba kaysa sa kalupitan ng mga kalaban.

Samantala sa itaas, sa balkonahe ng master bedroom na tinulugan ni Selene sa loob ng tatlong taon, nakatayo si Chloe. Naka-robe, may hawak na baso ng gatas, nakatingin sa kaniya na parang reyna sa palasyo.

Itinaas ni Chloe ang baso. “Ingat ka, Ate!” sigaw nito. “Baka mabasa ka!”

Tumingala si Selene. Kahit na may kalayuan ay narinig niya iyon. At ang pagtinging ginawa niya’y naputol lang ng bumagsak ang unang patak ng ulan sa pisngi niya.

Pero hindi siya sumigaw, nagmura o kahit nagwala. Ngunit may isang masakit na bagay siyang ayaw nang alalahanin pa sana, hindi lang niya maiwasan.

Akin ’yan. Ako ang gumawa ng bahay na ‘yan! 

Naalala niya noong unang buwan ng kasal nila, nagbitin siya ng wind chime sa may pintuan. Si Adrian mismo ang nag-angat sa kaniya para abutin ang kawit. Tumatawa pa sila noon, masayang-masaya. Ngayon, kita niya sa bintana na inaalis ng isang kasambahay ang wind chime at ibinabato sa basurahan, mukhang utos ni Chloe iyon. 

Beep.

Nang kapain niya ang phone ay isang I*******m notification ang nag-pop up. Naka-tag siya sa isang story ni Chloe. Pinindot niya iyon, at nakita ang sala ng bahay niya, ang mga kurtinang pinili niya ay napalitan na, at ang mukha ni Chloe na nakangiti sa camera ang isa pang bumungad sa kaniya.

Home sweet home, finally! Sa gitna ng ulan, may bagong simula! 💕

May labing-apat na libong views agad ito. Sa comment section, may pumalakpak, may nag-heart, may nagsabing “Deserve mo ’yan, girl.”

Pagkatapos ay lumabas naman ang group chat nila ng mga dating kaibigan. May isang mensahe na nakahighlight para sa kaniya. 

Bea removed you from the group.

Huminga nang malalim si Selene, hindi na niya kinakaya ang mga nangyayri…

At nang hindi pa dumating si Steph ay tumayo muna siya upang bumili ng pwedeng ipanlaman sa kanyang tiyan. Sandwich at tubig ang binili niya sa isang-daan na bigay ng kasambahay niya. Sinubukan niya ang mga cards, puro declined.

Pagbalik niya sa harap ng bahay ay umuulan na nang malakas. Naupo siya sa ibabaw ng maleta, nakayuko, basang-basa ang buhok. At dito siya pinakanalungkot. Hindi dahil umiiyak siya, kundi dahil hindi na siya makaiyak nang maayos.

Tama na. Sapat na ang tatlong taon, ang tatlong taong pagtitiis ko. Oras para sa sarili ko naman ang uunahin ko.

Kumuha siya ng papel at ballpen mula sa bag. Hindi para magsulat ng farewell letter, kundi para gumawa ng listahan. Mga bagay na kailangan kong gawin. Una: humanap ng matutuluyan. Pangalawa: kumuha ng kopya ng bawat dokumentong napirmahan ko. Pangatlo: alamin kung bakit pumirma si Don Armando bilang witness. Napahinto siya sa ikatlo. Hindi niya alam kung bakit iyon ang isinulat ng kamay niya. 

Ngunit sa kabilang kalye, hindi napapansin ni Selene na may nakaparadang itim na Sedan. Kanina pa iyon nandoon. Naka-hazard ang ilaw, nakababa nang kaunti ang bintana sa likod.

Sa maliit na siwang, may kamay na nakapatong sa gilid ng bintana. Malaking kamay, maayos ang daliri, may suot na relo na gold plated pa.

Kalaunan ng mapansin niya iyon ay sinubukan ni Selene na alamin kung sino ang naroon. Ngunit hindi niya makita ang mukha ng nasa backseat. Pero ramdam niyang nakatingin ang may-ari ng sasakyan na iyon sa kaniya.

Tumayo si Selene at naglakas ng loob na nagtungo roon. “Sino ka?” bulong niya.

Walang sagot mula rito, na itinaas lang nito ang bintana niya. Ang akala niya’y ‘yon na iyon kaya naglakad na siya pabalik sa kaniyang mga gamit. Ngunit nagulat na lang siya nang bumukas ang p***o sa harapang bahagi ng sasakyan. Bumaba ang isang lalaking naka-itim na suit, nakatungo, mabilis ang lakad kahit umuulan. Lumapit ito sa kaniya nang hindi nagsasalita at inilapag ang isang itim na payong sa ibabaw ng maleta niya.

At bago pa siya makapagtanong, tumalikod na ito at bumalik sa kotse.

“Teka lang!” sigaw ni Selene.

Hindi lumingon ang lalaki’t sumara lang ang p***o ng sasakyan nito pagkapasok niya. Pinulot naman ni Selene ang payong. Mabigat ito at mamahalin. May nakaukit sa hawakan, maliliit na letra sa ginto.

D.V.

Sa kabilang banda’y isang sasakyan pang, humarurot patungo sa harapan niya, huminto ito’t bumukas ang windshield. “LENA!” sigaw ni Steph. “Sumakay ka na bago ka magkasakit!”

Agad na sumakay si Selene sa utos ng kaibigan niya. Pero habang papalayo, nakatingin pa rin siya sa payong, 

D.V.

 Sino ka naman? 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Ex-Wife, My Wife Now: REVENGE OF THE BETRAYED WIFE   Chapter 5

    ANG VIP lounge sa ika-38 palapag ng Valderrama Tower ay tahimik na parang vault. Makapal ang carpet, madilim ang ilaw, at sa labas ng salamin ay kumikislap ang buong Maynila.Nakatayo si Selene sa gitna, at suot pa rin niya ang tuxedo jacket ni Dante. Hindi siya naupo at hindi rin siya nagpasalamat.“May isang minuto ka,” sabi ni Selene. “Sabihin mo kung anong pinaplano o laro mo, bago ako sumigaw.”“Hindi ito laro.” Naupo si Dante sa sofa, kalmado, na para bang normal na gabi lng na pag-uusap. “Marco.”Tinawag ni Dante.Lumapit ang lalaking naka-itim na suit na si Marco. Siya iyong lalaking nag-iwan ng payong sa kaniya noong gabing umuulan. Nang magtagpo ang tingin nila ni Selene, bahagyang yumuko ito.“Ikaw,” sabi ni Selene.Napayuko lamang ito, at isang makapal na folder ang inilapag ni Marco sa mesa, at ito”y tahimik lamang na lumabas.Tumingin si Selene at tinanong si Dante. “Ikaw yung nasa kotse.” tama?“Oo.”“Bakit nandoon ka nung araw na umuulan?”Hindi sumagot ito.At ibinali

  • My Ex-Wife, My Wife Now: REVENGE OF THE BETRAYED WIFE   Chapter 4

    ANG Grand Ballroom ng Valderrama Tower ay parang kisame ng langit na ibinaba sa lupa. May chandelier na kasinglaki ng kotse, mga bulaklak na inangkat pa sa ibang bansa, at maraming mga taong nakangiti na akala mo’y mga perpekto na dahil sa antas ng kanilang mga pamumuhay.Si Selene ay pumasok siya’y naka-itim na backless gown na galing kay Steph, nakalugay ang buhok, matalim ang pulang lipstick. Sa bawat hakbang niya, may lumilingon at may mga nag chichismisan.“Siya ’yon, ’di ba? Ang asawang iniwan?”“Ang lakas ng loob niyang dumalo.”Hindi siya nag-atubili. Kumuha siya ng champagne mula sa dumaang waiter, itinaas ang baba, at nagpatuloy.“Smile,” bulong ni Steph, at kumapit sa braso niya. “Tigre ka ngayong gabi. Hindi biktima.”“Oo, Hindi ako biktima.”“Kaya nga ngumiti ka.”Ngumiti si Selene. Malamig. Walang kasamang init.Habang nakatayo siya malapit sa pasukan, naramdaman ni Selene ang bawat matang nakatitig sa kaniya. Dati, ganito rin ang pakiramdam niya sa tuwing may gala: mali

  • My Ex-Wife, My Wife Now: REVENGE OF THE BETRAYED WIFE   Chapter 3

    NAKAHIGA si Selene sa sofa ni Steph, nakatitig sa kisame, yakap ang unan habang kinakausap siya ni Steph.“Isang tanong na lang, tapos hindi na ako magtatanong,” sabi ni Steph mula sa kusina, na nagpapakulo ng tubig. “Ilang porsyento ng sarili mo ang gustong pumatay, at ilan ang gustong gumanti nang legal?”Sagot ni Selene “Seventy-thirty.”“Alin ang seventy?” tanong ni Steph.“Hulaan mo.”“Hay, Lena.” Lumabas si Steph na may dalawang mug ng instant noodles at isang malaking tuwalya. Si Stephanie Delgado, PR manager ng isang hotel group, ang kaisa-isang taong hindi nagbago ng pakikitungo sa kaniya sa loob ng sampung taon. “Kain ka muna. Hindi nakakapag-isip ang babaeng gutom.” sambit ni Steph.Habang kumakain sila, pinanood ni Steph ang story ni Chloe sa phone nang nakangiwi. “‘Home sweet home, finally.’ Sino ang nag-edit ng caption na ’yan, ang kaluluwa niyang ahas?”Habang humihigop ng sabaw, hindi napigilan ni Steph ang magkuwento ng mga naririnig niya sa hotel. “Alam mo bang nagpa

  • My Ex-Wife, My Wife Now: REVENGE OF THE BETRAYED WIFE   Chapter 2

    NAKA-LOCK na ang gate sa Mansiyon nila.May, isang guwardiya ang nakatayo sa harap nito, hindi makatingin sa kaniya ng deretso.“Pasensya na po, Ma’am Selene,” sabi ni Ben. “Utos po ni Sir Adrian. Hindi na po kayo puwedeng pumasok.”“Kuya Ben, tatlong taon mo na akong pinagbubuksan ng gate.”“Opo, Ma’am. Kaya nga po nahihiya ako.” Napakamot ito sa batok. “Pero baka ako ang matanggal sa trabaho po.”Hindi na siya nakipagtalo. Walang silbi ang pakikipagtalo sa taong may pamilyang pinapakain at naiintindihan niya ito.Naghintay siya roon, dahil nasabi naman ng kaibigan niyang pupuntahan siya eh. At habang naghihintay sa labas ay bumukas ang pinto ng kabahayan. Lumabas ang dalawang kasambahay, buhat ang tatlong maleta at isang kahon. Isa-isa nilang inilapag sa semento nang hindi nakatingin sa kaniya.“Nasa maleta na po lahat ng damit niyo, Ma’am,” bulong ni Aling Nena. “Pasensya na po talaga.”“Salamat po, Aling Nena. Huwag kayong mag-alala hindi ako galit o ano pa man. Alam kong ginagawa

  • My Ex-Wife, My Wife Now: REVENGE OF THE BETRAYED WIFE   Chapter 1

    NAKAPIRMA na si Selene bago pa niya naintindihan ang binabasa niya.Nasa gitna pa lang siya ng ikalawang pahina nang matapos ng kamay niya ang huling guhit ng pirma niya.“Good girl,” sabi ni Adrian, sabay hila sa folder papunta sa tabi niya. “Akala ko mahihirapan pa ako.”“Teka.” Kumunot ang noo ni Selene. Galing pa siya sa site visit sa Tagaytay. May alikabok pa ang sapatos niya at nasa tabi ng upuan ang roll ng blueprint. “Sabi mo update lang ’to ng shares para sa bagong investor.”“Update naman talaga.”“Eh bakit nakasulat dito ‘Agreement for Dissolution of Marriage’?”Hindi sumagot si Adrian. Sumandal lang ito sa upuan, nakangiting pagod na pagod, parang taong tapos nang maglinis ng bahay.Binuklat ni Selene ang susunod na pahina. Tapos ang isa pa. Biglang may kung anong kaba siyang naramdaman. Deed of Assignment. Fifty percent of AV Studio shares. Assignee: Chloe Montenegro.Tumingin siya kay Atty. Gonzales, ang abogadong ilang taon nang kumakain sa mga Christmas party nila. Ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status