Mag-log in
NAKAPIRMA na si Selene bago pa niya naintindihan ang binabasa niya.
Nasa gitna pa lang siya ng ikalawang pahina nang matapos ng kamay niya ang huling guhit ng pirma niya.
“Good girl,” sabi ni Adrian, sabay hila sa folder papunta sa tabi niya. “Akala ko mahihirapan pa ako.”
“Teka.” Kumunot ang noo ni Selene. Galing pa siya sa site visit sa Tagaytay. May alikabok pa ang sapatos niya at nasa tabi ng upuan ang roll ng blueprint. “Sabi mo update lang ’to ng shares para sa bagong investor.”
“Update naman talaga.”
“Eh bakit nakasulat dito ‘Agreement for Dissolution of Marriage’?”
Hindi sumagot si Adrian. Sumandal lang ito sa upuan, nakangiting pagod na pagod, parang taong tapos nang maglinis ng bahay.
Binuklat ni Selene ang susunod na pahina. Tapos ang isa pa. Biglang may kung anong kaba siyang naramdaman.
Deed of Assignment. Fifty percent of AV Studio shares. Assignee: Chloe Montenegro.
Tumingin siya kay Atty. Gonzales, ang abogadong ilang taon nang kumakain sa mga Christmas party nila. Ngayon ay sa kisame ito nakatingin.
“Attorney.”
“Notarized na po ’yan, Ma’am Selene,” mahinang sagot nito. “Kanina pa.”
Kanina pa. Ibig sabihin, bago pa siya dumating.
Hinanap ni Selene sa mukha ng abogado ang kahit konting bakas ng konsensya. Nakita niya ang pawis sa noo nito at ang nanginginig na kamay na nakahawak sa panyo. “Attorney, alam mong hindi ko binasa ang mga ito.”
“Ma’am, ang sabi po ni Sir Adrian, alam niyo na raw ang laman.”
“At naniwala ka naman?”
Hindi sumagot si Attorney, at mukhang iyon na ang pinakamalakas niyang sagot.
Bumukas ang p***o ng conference room at pumasok ang amoy ng mamahaling pabango, kasunod ang pagpasok ng pamilyar na pigura sa kanyang mga mata. Naka-puting dress si Chloe, ang pinsan niya, hawak ang tiyan na parang may nakahandang camera.
“Sorry, I’m late,” malambing nitong sabi. “Ang hirap kasing mag-drive kapag buntis.”
Napatayo si Selene. “B-buntis?”
“Eleven weeks na. ”Ngumiti si Chloe at kumapit sa braso ni Adrian. “Hindi ba sinabi sa ’yo ni Adrian? Naku, akala ko alam mo na.”
Tiningnan ni Selene ang asawa na puno nng pagtatanong ang mga mata. Tatlong taon silang kasal. Tatlong taon niyang iniyakan ang bawat gabing late itong umuuwi, at tatlong taon din niyang pinaniwala ang sarili na pagod lang ito sa trabaho.
Naalala niya ang gabing nag-propose si Adrian, sa rooftop ng unang opisina nila, may mga ilaw na nakasabit sa pagitan ng dalawang lumang mesa. Umiiyak pa siya noon sa tuwa. Hindi niya alam na may mas matinding iyak palang naghihintay, iyong hindi na kayang itago sa likod ng ngiti. Ngayon, kitang-kita niya ang bawat bitak sa pagmamahal na inakala niyang buo. Sa bawat gabing hindi umuuwi si Adrian, may dahilan pala. Sa bawat birthday niyang nakalimutan nito, may dahilan din. At sa bawat pagkakataong pinili niyang magtiwala, iyon pala ang pinakamalaking pagkakamali niya.
“Adrian.”
“Selene, huwag mong gawing eksena ’to.” Mahinahon ang boses nito. Iyon ang pinakamasakit. Hindi man lang ito nahihiya. “Magkakaanak na kami ni Chloe. Kailangan kong ayusin ang lahat.”
“Ayusin?” Natawa si Selene, pero hindi tawa ang lumabas sa lalamunan niya. “Ako ang nagtayo ng AV Studio. Ako ang nag-design ng bawat project sa portfolio natin. Ikaw ang nagdala ng pera, oo, pero ako ang—”
“Ikaw ang pumirma,” putol ni Adrian.
Parang sinampal siya ng tatlong salitang iyon.
Hindi siya sumigaw. At mas lalong hindi rin siya umiyak. Parang may kumawala sa loob niya na hindi niya malaman kung ano. Naririnig niya ang tibok ng sarili niyang puso, mabagal, mabigat, parang martilyong paulit-ulit na tumatama sa pakong ayaw namang bumaon. Ganito pala ang pakiramdam ng taong hinatulan nang hindi man lang pinakinggan.
Hinablot ni Selene ang folder at pinunit ang unang pahina. Napunit nga. Pero kumuha lang si Adrian ng isa pang kopya mula sa drawer at inilapag sa harap niya, kumpleto at malinis, may pirma niya.
“Marami akong kopya, Lena. Hindi ako ganung katanga.”
“Kakasuhan kita Adrian, Adultery! ” Nanginginig ang boses niya, pero hindi ang mga mata niya.
“Subukan mo.” Tumayo si Adrian at inayos ang kuwelyo ng polo. “Pumirma ka sa harap ng abOgado. Sinabi mong nabasa mo. Tingnan natin kung sino ang paniniwalaan ng korte.”
“Hindi ba sinabi mo noon na mahal mo ako?” tanong ni Selene rito.
Bahagya namang lumambot ang mukha ni Adrian, ngunit isang segundo lang. “Mahal nga kita,” sabi nito. “Pero mas mahal ko ang kinabukasan ng anak ko".
Humigpit ang hawak ni Selene sa gilid ng lamesa. Hindi siya makapaniwalang kayang gawin ng mabait niyang asawa ang bagay na ito sa kaniya.
Subalit mula sa labas ng silid na iyon, tumunog ang telepono sa desk ng receptionist.
“Umalis ka na sa bahay bago magdilim ang paningin ko sa ‘yo,” dagdag ni Adrian. “Nakapangalan na ’yon kay Chloe. Pati ang mga card mo, ipapa-suspend ko na. Joint accounts, remember?”
Lumapit si Chloe at bumulong, sapat lang ang lakas para marinig niya. “Salamat sa pirma, Ate.”
Kumalma ang paghinga ni Selene. Hindi dahil gumaan ang loob niya, kundi dahil may isang malamig na bagay lang na pakiramdam niya’y sumara sa dibdib niya, parang pintong ayaw nang bumukas.
Dahan-dahan niyang kinuha ang blueprint roll. Isinukbit ang bag, at saka tumingin kay Adrian nang diretso, nang walang luha.
“Tandaan mo ang araw na ’to Adrian,” sabi niya. “Isinusumpa ko, ibabalik ko sa ‘yo… sa inyo ang pang-aaping ginawa niyo sa akin. Fine! You want divorce then do it!”
Marahas na isinampa ni Selene ang dalawang palad niya sa lamesa dahilan upang mapa-atras bahagya ang pinsang si Chloe.
“Tignan natin kung sino ang gagapang pabalik sa pagmamakaawa!”
...
SAMANTALA, mula sa labas ay nagsimulang mag-umpisa ang usap-usapan. Alam na ng receptionist, ng guard, ng mga empleyadong ilang taon ni Selene na kasamang magpuyat sa deadline. Umiwas sila nang tingin rito, ngunit hindi napigilan ang mga bunganga nila sa chismisan.
“Siya ’yon, ’di ba?”
“Kawawa naman.”
“Hindi, siya raw ang may kasalanan. Pinabayaan daw niya ang asawa.”
Walang ganoong balita kaninang umaga. Ngayon pa lang nila ginagawa.
Nag-vibrate ang cellphone nito. Your joint account ending 4471 has been temporarily restricted at the request of the co-account holder. Sumunod ang pangalawa, mula sa credit card. At ang ikatlo mula sa saving account na minsan ay pinapasukan rin ni Adrian ng allowance niya.
Huminto siya sa harap ng glass door. Sa repleksyon niya, puwede nang pagbasehan kung gaano siya kalugmok ngayong araw. Wala siya sa tamang huwisyo, ni hindi na nga niya maayos ang pagkakasukbit ng blueprint sa balikat niya.
Hanggang sa tumigil siya sa harap ng plake ng founding partners sa dingding ng lobby. Hinaplos niya ang malamig na metal. AV Studio. Founded by Selene Altamirano and Adrian Villareal. Dalawang pangalan ngunit iisa na lang ang matitira bukas. Kinunan niya ng litrato ang plake at saka itinago ang cellphone sa bulsa..
For remembrance lang, patunay na minsan siyang naging parte ng kumpanyang ito sa loob ng mahabang panahon.
Balak na niyang lisanin ang lugar nang mag-vibrate ulit ang cellphone niya.
Si Steph—her bestfriend.
Nabalitaan ko ang nangyari. Huwag kana munang uuwi. Pupuntahan kita ngayon din.
Hindi siya nag-reply, hanggang sa may sumunod pang isa pa.
At Lena, huwag mong sunugin ang bahay ha.
Hindi niya napigilang mapangiti. Pero hindi pa rin siya sumagot. Dahil sa dulo ng isip niya, may isang bagay na kanina pa bumabagabag sa kaniya.
Sa huling pahina ng papeles, sa ilalim ng notary stamp, may nakasulat na pangalan ng witness. Isang pangalang pamilyar na pamilyar sa kaniya.
Don Armando Villareal—ang ama ni Adrian. Ang taong nakangiting nagbigay ng blessing sa kasal nila. At ang taong huling nakausap ng tatay niya bago ito namatay.
Pero, wala naman siya doon kanina.
ANG VIP lounge sa ika-38 palapag ng Valderrama Tower ay tahimik na parang vault. Makapal ang carpet, madilim ang ilaw, at sa labas ng salamin ay kumikislap ang buong Maynila.Nakatayo si Selene sa gitna, at suot pa rin niya ang tuxedo jacket ni Dante. Hindi siya naupo at hindi rin siya nagpasalamat.“May isang minuto ka,” sabi ni Selene. “Sabihin mo kung anong pinaplano o laro mo, bago ako sumigaw.”“Hindi ito laro.” Naupo si Dante sa sofa, kalmado, na para bang normal na gabi lng na pag-uusap. “Marco.”Tinawag ni Dante.Lumapit ang lalaking naka-itim na suit na si Marco. Siya iyong lalaking nag-iwan ng payong sa kaniya noong gabing umuulan. Nang magtagpo ang tingin nila ni Selene, bahagyang yumuko ito.“Ikaw,” sabi ni Selene.Napayuko lamang ito, at isang makapal na folder ang inilapag ni Marco sa mesa, at ito”y tahimik lamang na lumabas.Tumingin si Selene at tinanong si Dante. “Ikaw yung nasa kotse.” tama?“Oo.”“Bakit nandoon ka nung araw na umuulan?”Hindi sumagot ito.At ibinali
ANG Grand Ballroom ng Valderrama Tower ay parang kisame ng langit na ibinaba sa lupa. May chandelier na kasinglaki ng kotse, mga bulaklak na inangkat pa sa ibang bansa, at maraming mga taong nakangiti na akala mo’y mga perpekto na dahil sa antas ng kanilang mga pamumuhay.Si Selene ay pumasok siya’y naka-itim na backless gown na galing kay Steph, nakalugay ang buhok, matalim ang pulang lipstick. Sa bawat hakbang niya, may lumilingon at may mga nag chichismisan.“Siya ’yon, ’di ba? Ang asawang iniwan?”“Ang lakas ng loob niyang dumalo.”Hindi siya nag-atubili. Kumuha siya ng champagne mula sa dumaang waiter, itinaas ang baba, at nagpatuloy.“Smile,” bulong ni Steph, at kumapit sa braso niya. “Tigre ka ngayong gabi. Hindi biktima.”“Oo, Hindi ako biktima.”“Kaya nga ngumiti ka.”Ngumiti si Selene. Malamig. Walang kasamang init.Habang nakatayo siya malapit sa pasukan, naramdaman ni Selene ang bawat matang nakatitig sa kaniya. Dati, ganito rin ang pakiramdam niya sa tuwing may gala: mali
NAKAHIGA si Selene sa sofa ni Steph, nakatitig sa kisame, yakap ang unan habang kinakausap siya ni Steph.“Isang tanong na lang, tapos hindi na ako magtatanong,” sabi ni Steph mula sa kusina, na nagpapakulo ng tubig. “Ilang porsyento ng sarili mo ang gustong pumatay, at ilan ang gustong gumanti nang legal?”Sagot ni Selene “Seventy-thirty.”“Alin ang seventy?” tanong ni Steph.“Hulaan mo.”“Hay, Lena.” Lumabas si Steph na may dalawang mug ng instant noodles at isang malaking tuwalya. Si Stephanie Delgado, PR manager ng isang hotel group, ang kaisa-isang taong hindi nagbago ng pakikitungo sa kaniya sa loob ng sampung taon. “Kain ka muna. Hindi nakakapag-isip ang babaeng gutom.” sambit ni Steph.Habang kumakain sila, pinanood ni Steph ang story ni Chloe sa phone nang nakangiwi. “‘Home sweet home, finally.’ Sino ang nag-edit ng caption na ’yan, ang kaluluwa niyang ahas?”Habang humihigop ng sabaw, hindi napigilan ni Steph ang magkuwento ng mga naririnig niya sa hotel. “Alam mo bang nagpa
NAKA-LOCK na ang gate sa Mansiyon nila.May, isang guwardiya ang nakatayo sa harap nito, hindi makatingin sa kaniya ng deretso.“Pasensya na po, Ma’am Selene,” sabi ni Ben. “Utos po ni Sir Adrian. Hindi na po kayo puwedeng pumasok.”“Kuya Ben, tatlong taon mo na akong pinagbubuksan ng gate.”“Opo, Ma’am. Kaya nga po nahihiya ako.” Napakamot ito sa batok. “Pero baka ako ang matanggal sa trabaho po.”Hindi na siya nakipagtalo. Walang silbi ang pakikipagtalo sa taong may pamilyang pinapakain at naiintindihan niya ito.Naghintay siya roon, dahil nasabi naman ng kaibigan niyang pupuntahan siya eh. At habang naghihintay sa labas ay bumukas ang pinto ng kabahayan. Lumabas ang dalawang kasambahay, buhat ang tatlong maleta at isang kahon. Isa-isa nilang inilapag sa semento nang hindi nakatingin sa kaniya.“Nasa maleta na po lahat ng damit niyo, Ma’am,” bulong ni Aling Nena. “Pasensya na po talaga.”“Salamat po, Aling Nena. Huwag kayong mag-alala hindi ako galit o ano pa man. Alam kong ginagawa
NAKAPIRMA na si Selene bago pa niya naintindihan ang binabasa niya.Nasa gitna pa lang siya ng ikalawang pahina nang matapos ng kamay niya ang huling guhit ng pirma niya.“Good girl,” sabi ni Adrian, sabay hila sa folder papunta sa tabi niya. “Akala ko mahihirapan pa ako.”“Teka.” Kumunot ang noo ni Selene. Galing pa siya sa site visit sa Tagaytay. May alikabok pa ang sapatos niya at nasa tabi ng upuan ang roll ng blueprint. “Sabi mo update lang ’to ng shares para sa bagong investor.”“Update naman talaga.”“Eh bakit nakasulat dito ‘Agreement for Dissolution of Marriage’?”Hindi sumagot si Adrian. Sumandal lang ito sa upuan, nakangiting pagod na pagod, parang taong tapos nang maglinis ng bahay.Binuklat ni Selene ang susunod na pahina. Tapos ang isa pa. Biglang may kung anong kaba siyang naramdaman. Deed of Assignment. Fifty percent of AV Studio shares. Assignee: Chloe Montenegro.Tumingin siya kay Atty. Gonzales, ang abogadong ilang taon nang kumakain sa mga Christmas party nila. Ng







