Mag-log inANG VIP lounge sa ika-38 palapag ng Valderrama Tower ay tahimik na parang vault. Makapal ang carpet, madilim ang ilaw, at sa labas ng salamin ay kumikislap ang buong Maynila.
Nakatayo si Selene sa gitna, at suot pa rin niya ang tuxedo jacket ni Dante. Hindi siya naupo at hindi rin siya nagpasalamat.
“May isang minuto ka,” sabi ni Selene. “Sabihin mo kung anong pinaplano o laro mo, bago ako sumigaw.”
“Hindi ito laro.” Naupo si Dante sa sofa, kalmado, na para bang normal na gabi lng na pag-uusap. “Marco.”
Tinawag ni Dante.
Lumapit ang lalaking naka-itim na suit na si Marco. Siya iyong lalaking nag-iwan ng payong sa kaniya noong gabing umuulan. Nang magtagpo ang tingin nila ni Selene, bahagyang yumuko ito.
“Ikaw,” sabi ni Selene.
Napayuko lamang ito, at isang makapal na folder ang inilapag ni Marco sa mesa, at ito”y tahimik lamang na lumabas.
Tumingin si Selene at tinanong si Dante. “Ikaw yung nasa kotse.” tama?
“Oo.”
“Bakit nandoon ka nung araw na umuulan?”
Hindi sumagot ito.
At ibinaling nito ang tingin sa folder. At kanyang binigkas lamang,
“Umupo ka, Selene.”
Nagulat siya sa pagbanggit nito sa buong pangalan niya. Hindi “Lena.” Hindi “Mrs. Villareal.” Selene lang. Na para bang matagal na siyang kilala nito.
Umupo si Selene sa kabilang dulo ng sofa, na may sapat na distansya para makatakbo kung kinakailangan.
At siya’y napatingin sa salamin na kitang kita ang buong paligid sa labas, na kumikislap ang mga ilaw ng mga gusaling dati niyang pinangarap iguhit. Tinitigan niya ang mga iyon. Sa isang sulok ng lungsod, may bahay na hindi na niya matatawag na kaniya. Sa kabila, may firm na hawak na ng iba. At sa harap niya, may lalaking handang ibigay ang kapangyarihang hindi niya hiniling, kapalit ng isang bagay na ayaw pa niyang pangalanan. Alam niyang may kapalit ang lahat. Ang tanong, kaya ba niyang bayaran?
“Sa testamento ng lolo ko,” panimula ni Dante, “kailangan kong ikasal sa loob ng isang taon. Kung hindi, mapupunta ang kontrol ng Valderrama Group sa tiyuhin kong si Don Ricardo. Gusto niyang ibenta ang kumpanya sa pinakamataas na bidder. Libu-libong empleyado ang mawawalan ng trabaho.”
“Kaya naghahanap ka ng asawa.” sabay sabi ni Selene.
“Kaya naghahanap ako ng asawang hindi mahuhulog sa akin.”
Napatawa si Selene, mapait at maikli. “Ang yabang mo.”
“Praktikal lang.” Binuksan ni Dante ang folder. “Ikaw, kailangan mo ng pangalan, kapangyarihan, at abogado na hindi matatakot sa pamilya Villareal. Ako, kailangan ko ng asawa sa papel. Isang taon. Pagkatapos, pareho tayong magiging malaya.”
Nagsalita si Selene, kung ganoon “Contract marriage.” ang iyong pinaplano.
“Tama.”
Tumingin si Selene sa folder. Makapal ang nilalaman nito at tatlumpung pahina yata.
“Alam mo bang kaninang umaga lang, pumirma ako ng papeles na hindi ko binasa?”
“Kaya nga basahin mo ang bawat pahina,” sagot ni Dante. “Take your time”
Iniabot nito ang ballpen at hindi nakatagal sa paghawak ng ito’y inabot sakanya. Napansin ni Selene na bahagyang nanginginig ang daliri ni Dante nang magdikit ang mga kamay nila. Isang segundo lang, pero sapat para mapatingin siya. Na mabilis nitong binawi ang kamay at ibinulsa. Para bang may mahalagang lihim na dapat niyang malaman kung bakit siya ang napiling tulungan nito.
Tahimik na binasa ni Selene ang kontrata. Bawat linya. Bawat sub-clause. Bawat footnote. Labinlimang minuto siyang hindi nagsalita, at ganoon rin si Dante na nakatingin at pinanonood lang siya nito hanggang sa matapos.
Nang tumigil siya sa ika-siyam na pahina, tumaas ang kilay ni Selene.
“Clause nine.”
“Ano ang tungkol dito?”
“No emotional attachment. Walang romantic involvement.” Itinaas niya ang tingin. “Serious ka ba?”
Nagsalita si Dante “Huwag kang ma-in love sa akin, Selene.”
Isang segundo lang ang katahimikan.
Tapos tumawa si Selene. Hindi masaya. Pero hindi rin mahina.
“Hindi mo kailangang ipaalala,” sabi niya. “Ngayong araw, wala ng pagmamahal na puwang sa puso ko.”
Hindi nagbago ang mukha ni Dante, pero parang may anino na dumaan sa mata nito.
“Mas mabuti.” bigkas ni Dante sakanya.
Sa katahimikan ng gabi, kitang kita ang mahinang pagpatak ng ulan sa salamin. Napapikit si Selene at naalala ang malamig na gabing nakaupo siya sa ibabaw ng maleta na walang kakampi. Pero ngayon, isang lalaking hindi niya kilala ng lubusan na nag-aalok sa kaniya ng proteksyon at pagkakataong lumaban. Hindi siya sigurado kung tama ang pasyang gagawin niya, pero sigurado siyang hindi na siya babalik sa dating Selene. Na biglang napatingin siya kay Dante, nakataas ang baba nito, tahimik at nakatingin lamang sakanya.
Na kanyang nabasa sa natitirang mga pahina. Legal team ng Valderrama Group para sa kaso laban kay Adrian. Access sa PR at media. Isang bahay. Pangalan. At isang exit clause sa dulo ng taon, kasama ang isang malinis na annulment na walang kondisyon.
“Bakit ako?” tanong niya kay Dante.
Na sumagot ito, “Dahil galit ka at sa kagustuhan mong makaganti, sapat naiyon .”
“Iyon lang?”
Tumingin si Selene sa kamay nito na may relong gold plated.
May dalawang tanong siyang gustong sambitin pero isa lang ang nasabi niya.
“Kung pipirma ako, may itatago ka ba sa akin?”
Tumagal ang tingin ni Dante. “Marami,” sagot niya. “Pero wala akong gagawing makakasakit sa ’yo.”
“Hindi ’yan ang tanong ko.”
“Pero iyon ang sagot ko.”
Hindi na siya nagtanong pang muli, kahit hindi pa niya alam kung ano ang nasa likod ng kasunduan nila. Sa ngayon, sapat nang may kumakampi sa kaniya. Sapat nang may pangalang ihaharap siya sa mundong tumalikod. Na napaisip siya na ang pinakadelikadong kasunduan ay iyong hindi mo alam kung sino talaga ang kapartner mo.
Hinawakan ni Selene ang ballpen. Huminga nang malalim. Sa isip niya, nakita niya si Adrian, si Chloe, si Don Armando, at ang pangalang Fernando sa email.
Kung kailangan kong makipagsapalaran sa isang estranghero para ibagsak sila, gagawin ko.
Kaya pumirma siya sa bawat pahina.
Pagkatapos, dahan-dahan niyang ibinalik ang ballpen kay Dante. Kinuha nito ang kontrata at tiningnan ang bawat pirma, nang matagal, na payuko ito na nakatitig sakanya.
“Welcome, Mrs. Valderrama.”
“Don’t call me that.”
“Malapit ka nang masanay.” Tumayo si Dante at inayos ang manggas. Na saglit itong hindi ito, na nakatingin sa labas ng salamin, sa mga ilaw ng lungsod.
Pagkatapos, napakahina ng boses nito, halos hindi niya marinig ang sinasabi.
“Limang taon ko nang hinihintay ang araw na ’to.”
Napatigil si Selene.
Limang taon.
Limang taon na ang nakakaraan nang bumagsak ang kumpanya ng tatay niya.
Limang taon na nang mamatay ito.
“Dante,” tawag niya. “Anong ibig mong sabihin?”
Humarap ito na walang ngiti at walang sagot.
“Bukas ng umaga, ililipat ka na ni Marco sa bahay ko,” sabi ni Dante. “Magpahinga ka na, Selene.”
Iniwan siya nitong mag-isa sa lounge, katabi ng pirmadong kontrata, hawak ang payong at maraming katanungang sumagi sa isip niya.
ANG VIP lounge sa ika-38 palapag ng Valderrama Tower ay tahimik na parang vault. Makapal ang carpet, madilim ang ilaw, at sa labas ng salamin ay kumikislap ang buong Maynila.Nakatayo si Selene sa gitna, at suot pa rin niya ang tuxedo jacket ni Dante. Hindi siya naupo at hindi rin siya nagpasalamat.“May isang minuto ka,” sabi ni Selene. “Sabihin mo kung anong pinaplano o laro mo, bago ako sumigaw.”“Hindi ito laro.” Naupo si Dante sa sofa, kalmado, na para bang normal na gabi lng na pag-uusap. “Marco.”Tinawag ni Dante.Lumapit ang lalaking naka-itim na suit na si Marco. Siya iyong lalaking nag-iwan ng payong sa kaniya noong gabing umuulan. Nang magtagpo ang tingin nila ni Selene, bahagyang yumuko ito.“Ikaw,” sabi ni Selene.Napayuko lamang ito, at isang makapal na folder ang inilapag ni Marco sa mesa, at ito”y tahimik lamang na lumabas.Tumingin si Selene at tinanong si Dante. “Ikaw yung nasa kotse.” tama?“Oo.”“Bakit nandoon ka nung araw na umuulan?”Hindi sumagot ito.At ibinali
ANG Grand Ballroom ng Valderrama Tower ay parang kisame ng langit na ibinaba sa lupa. May chandelier na kasinglaki ng kotse, mga bulaklak na inangkat pa sa ibang bansa, at maraming mga taong nakangiti na akala mo’y mga perpekto na dahil sa antas ng kanilang mga pamumuhay.Si Selene ay pumasok siya’y naka-itim na backless gown na galing kay Steph, nakalugay ang buhok, matalim ang pulang lipstick. Sa bawat hakbang niya, may lumilingon at may mga nag chichismisan.“Siya ’yon, ’di ba? Ang asawang iniwan?”“Ang lakas ng loob niyang dumalo.”Hindi siya nag-atubili. Kumuha siya ng champagne mula sa dumaang waiter, itinaas ang baba, at nagpatuloy.“Smile,” bulong ni Steph, at kumapit sa braso niya. “Tigre ka ngayong gabi. Hindi biktima.”“Oo, Hindi ako biktima.”“Kaya nga ngumiti ka.”Ngumiti si Selene. Malamig. Walang kasamang init.Habang nakatayo siya malapit sa pasukan, naramdaman ni Selene ang bawat matang nakatitig sa kaniya. Dati, ganito rin ang pakiramdam niya sa tuwing may gala: mali
NAKAHIGA si Selene sa sofa ni Steph, nakatitig sa kisame, yakap ang unan habang kinakausap siya ni Steph.“Isang tanong na lang, tapos hindi na ako magtatanong,” sabi ni Steph mula sa kusina, na nagpapakulo ng tubig. “Ilang porsyento ng sarili mo ang gustong pumatay, at ilan ang gustong gumanti nang legal?”Sagot ni Selene “Seventy-thirty.”“Alin ang seventy?” tanong ni Steph.“Hulaan mo.”“Hay, Lena.” Lumabas si Steph na may dalawang mug ng instant noodles at isang malaking tuwalya. Si Stephanie Delgado, PR manager ng isang hotel group, ang kaisa-isang taong hindi nagbago ng pakikitungo sa kaniya sa loob ng sampung taon. “Kain ka muna. Hindi nakakapag-isip ang babaeng gutom.” sambit ni Steph.Habang kumakain sila, pinanood ni Steph ang story ni Chloe sa phone nang nakangiwi. “‘Home sweet home, finally.’ Sino ang nag-edit ng caption na ’yan, ang kaluluwa niyang ahas?”Habang humihigop ng sabaw, hindi napigilan ni Steph ang magkuwento ng mga naririnig niya sa hotel. “Alam mo bang nagpa
NAKA-LOCK na ang gate sa Mansiyon nila.May, isang guwardiya ang nakatayo sa harap nito, hindi makatingin sa kaniya ng deretso.“Pasensya na po, Ma’am Selene,” sabi ni Ben. “Utos po ni Sir Adrian. Hindi na po kayo puwedeng pumasok.”“Kuya Ben, tatlong taon mo na akong pinagbubuksan ng gate.”“Opo, Ma’am. Kaya nga po nahihiya ako.” Napakamot ito sa batok. “Pero baka ako ang matanggal sa trabaho po.”Hindi na siya nakipagtalo. Walang silbi ang pakikipagtalo sa taong may pamilyang pinapakain at naiintindihan niya ito.Naghintay siya roon, dahil nasabi naman ng kaibigan niyang pupuntahan siya eh. At habang naghihintay sa labas ay bumukas ang pinto ng kabahayan. Lumabas ang dalawang kasambahay, buhat ang tatlong maleta at isang kahon. Isa-isa nilang inilapag sa semento nang hindi nakatingin sa kaniya.“Nasa maleta na po lahat ng damit niyo, Ma’am,” bulong ni Aling Nena. “Pasensya na po talaga.”“Salamat po, Aling Nena. Huwag kayong mag-alala hindi ako galit o ano pa man. Alam kong ginagawa
NAKAPIRMA na si Selene bago pa niya naintindihan ang binabasa niya.Nasa gitna pa lang siya ng ikalawang pahina nang matapos ng kamay niya ang huling guhit ng pirma niya.“Good girl,” sabi ni Adrian, sabay hila sa folder papunta sa tabi niya. “Akala ko mahihirapan pa ako.”“Teka.” Kumunot ang noo ni Selene. Galing pa siya sa site visit sa Tagaytay. May alikabok pa ang sapatos niya at nasa tabi ng upuan ang roll ng blueprint. “Sabi mo update lang ’to ng shares para sa bagong investor.”“Update naman talaga.”“Eh bakit nakasulat dito ‘Agreement for Dissolution of Marriage’?”Hindi sumagot si Adrian. Sumandal lang ito sa upuan, nakangiting pagod na pagod, parang taong tapos nang maglinis ng bahay.Binuklat ni Selene ang susunod na pahina. Tapos ang isa pa. Biglang may kung anong kaba siyang naramdaman. Deed of Assignment. Fifty percent of AV Studio shares. Assignee: Chloe Montenegro.Tumingin siya kay Atty. Gonzales, ang abogadong ilang taon nang kumakain sa mga Christmas party nila. Ng







