Mag-log inANG Grand Ballroom ng Valderrama Tower ay parang kisame ng langit na ibinaba sa lupa. May chandelier na kasinglaki ng kotse, mga bulaklak na inangkat pa sa ibang bansa, at maraming mga taong nakangiti na akala mo’y mga perpekto na dahil sa antas ng kanilang mga pamumuhay.
Si Selene ay pumasok siya’y naka-itim na backless gown na galing kay Steph, nakalugay ang buhok, matalim ang pulang lipstick. Sa bawat hakbang niya, may lumilingon at may mga nag chichismisan.
“Siya ’yon, ’di ba? Ang asawang iniwan?”
“Ang lakas ng loob niyang dumalo.”
Hindi siya nag-atubili. Kumuha siya ng champagne mula sa dumaang waiter, itinaas ang baba, at nagpatuloy.
“Smile,” bulong ni Steph, at kumapit sa braso niya. “Tigre ka ngayong gabi. Hindi biktima.”
“Oo, Hindi ako biktima.”
“Kaya nga ngumiti ka.”
Ngumiti si Selene. Malamig. Walang kasamang init.
Habang nakatayo siya malapit sa pasukan, naramdaman ni Selene ang bawat matang nakatitig sa kaniya. Dati, ganito rin ang pakiramdam niya sa tuwing may gala: maliit, hindi sapat, laging kailangang patunayan na nararapat siya roon. Pero ngayong gabi, wala na siyang pakialam. Dahil wala nang natira sa kaniyang kailangang protektahan.
Hindi pa siya nakakalayo sa pasukan nang marinig niya ang malambing na boses na kinamumuhian niya.
“Ate! Hindi ko inakalang makikita kita rito!”
Bati ni Chloe sa kaniya na naka-pulang gown at kumikinang ang hikaw, na naglalakad na nakakapit sa braso ni Adrian. At hawak nito ang tiyan na parang may spotlight dito.
“Imbitado ako,” kalmadong sagot ni Selene.
“Naku, kawawa ka naman. Ang daming tao.” Huminto si Chloe sa harap niya, nakangiti. “Ang hirap siguro magpanggap na bagay ka sa ganitong lugar, ’no? Alam mo na, mga taong may pangalan.”
May tumawa sa likod. Tatlong babae, hawak ang mga clutch nila, sabay-sabay na umiling.
Tiningnan ni Selene si Adrian. Nakatingin lang ito sa sahig, parang bata na nahuli.
“Lena,” mahinang sabi nito. “Huwag mo nang palakihin ang isyu ngayong gabi.”
“Hindi ko palalakihin. Pero hindi rin ako aalis.”
“Sayang naman,” bulong ni Chloe.
Sa isang kisapmata, gumalaw ang kamay nito. Tumagilid ang baso ng red wine sa kamay niya at bumuhos sa balakang at likod ng gown ni Selene. Malamig ang likido, pero mas malamig ang katahimikan na sumunod.
“Oh my God!” sigaw ni Chloe, na nakatakip ang bibig gamit ang kanyang sariling kamay, at kumikislap ang mga mata nito. “Sorry! Hindi ko sinasadya!”
Tumunog ang mga camera ng cellphone. Sa paligid, narinig ni Selene ang mahihinang “oohh” at tawa.
Hindi siya gumalaw. Dahan-dahan niyang ibinaba ang baso ng champagne sa tray ng waiter. Lumapit siya kay Chloe hanggang halos magdikit ang mukha nila.
“Enjoy mo ang gown mo,” bulong niya. “Bayad ’yan ng pera ko.”
Nawala ang ngiti ni Chloe. Isang segundo lang, pero nakita ni Selene ang takot nito sa pagkabigla na kanyang sinabi..
Pagkatapos, umatras si Chloe nang isang hakbang, dalawang hakbang, at bumagsak sa sahig habang hawak ang tiyan. “Aray! Ang baby ko!”
“Chloe!” sigaw na pag-aalala ni Adrian.
Na-freeze ang buong ballroom.
Sa gilid ng mata niya, nakita niya ang mga cellphone na nakaangat. May isang matandang ginang na nakatakip ang bibig. May isang binata sa tabi ng bar na hindi mapigilang sumilip. Sa malayo, nakita niya si Steph na nakakuyom ang kamao, handang tumakbo palapit. Pero umiling si Selene, na halos hindi halata. Hayaan mo ako sa labang ito. Sambit nito sa sarili.
Mabilis na hinablot ni Adrian ang pulso ni Selene, sapat ang lakas para mamula ang balat. “Humingi ka ng tawad!”
“Hindi ko siya ginalaw,” malamig na sabi ni Selene.
“Humingi ka ng tawad, Lena! Alam mong buntis si Chloe!”
“Bitiwan mo ako.”
“Hindi, hangga’t hindi ka humingi ng tawad”
Sa kabilang dulo ng ballroom, may bumagsak na mahinang tunog ng takong sa marmol. Na naglalakad at ang bawat tunog ay parang may sariling bigat. At nagsalita ito,
“Bitawan mo ang asawa ko.”
Baritono. Mababa. Hindi sumisigaw. Pero narinig ito ng lahat.
Napalingon si Selene. Sa tuktok ng hagdan ng ballroom, nakatayo ang isang lalaking naka-itim na tuxedo, matangkad, malapad ang balikat, maayos na maayos ang buhok. Kulay black ang mga mata nito, na ang uri ng mata na hindi mahuhulaan ng sinuman ang iniisip nito.
Lumuwag ang kamay ni Adrian sa paghawak sa pulso ni Selene. Parang biglang may kuryenteng dumaan.
“Mr. Valderrama,” bulong ng isang babae sa gilid.
Valderrama.
Huminga si Selene nang malalim. Na nasambit sa sarili Valderrama? Parang pamilyar ang pangalan. Hindi ang mukha.
May bumulong sa likod niya na si Dante Valderrama raw ay hindi pumapansin ng kahit sino sa mga ganitong okasyon. Hindi sumasayaw, hindi nakikipag-usap, hindi ngumingiti sa camera. Tatlong beses na raw itong pinangalanang pinakamayamang bachelor ng bansa, at tatlong beses na ring tumanggi sa interview. Kaya mas lalong nagtaka ang lahat kung bakit ngayong gabi, mula sa tuktok ng hagdan, ang unang tinitigan nito ay si Selene na basang-basa ng alak.
Bumaba si Dante. Naghihiwalay ang karamihan sa daraanan niya, parang dagat na nahahati sa gitna ang mga nakapaligid na mga tao. Na huminto ito sa harap nila ni Adrian. Ngunit hindi nito tiningnan si Chloe na nakahandusay at hindi rin kay Adrian. Kundi sa mukha ni Selene lamang.
Hinawakan nito ang kamay ni Adrian at inalis ang pagkakahawak nito kay Selene. Pagkatapos, hinubad nito ang tuxedo jacket at ipinatong sa balikat ni Selene, tinatakpan ang mantsa ng alak.
Tumigil ang paghinga ni Selene.
Amoy cedar, ang kamay na may gold plated na relo na nasa backseat ng sasakyan naiyon at payong na may nakaukit na “D.V”.
“Pasensya na sa pagkaantala, mahal,” mahinahong sabi ni Dante, sapat ang lakas para marinig ng lahat.
Parang sumabog ang ballroom sa bulungan. May nahulog na baso. May nagsabi ng “mahal?”
“A-ano?” utal ni Adrian. “Mr. Valderrama, hindi ko—”
“Hindi mo alam na may asawa na siya?” Bumaling si Dante Valderrama kay Adrian, malamig ang tingin. “Natural lang. Hindi ka naman pinaimbita sa kasal namin.”
Nanlaki ang mata ni Chloe na nasa sahig. At nakalimutan na nitong umarte.
Lumapit si Dante sa tainga ni Selene. Mainit ang hininga niya, pero malamig ang boses.
“Kung gusto mong singilin silang lahat, sumunod ka sa akin.”
Hindi nag-atubiling mag dalawang isip si Selene at agad siyang sumunod kay Dante.
ANG VIP lounge sa ika-38 palapag ng Valderrama Tower ay tahimik na parang vault. Makapal ang carpet, madilim ang ilaw, at sa labas ng salamin ay kumikislap ang buong Maynila.Nakatayo si Selene sa gitna, at suot pa rin niya ang tuxedo jacket ni Dante. Hindi siya naupo at hindi rin siya nagpasalamat.“May isang minuto ka,” sabi ni Selene. “Sabihin mo kung anong pinaplano o laro mo, bago ako sumigaw.”“Hindi ito laro.” Naupo si Dante sa sofa, kalmado, na para bang normal na gabi lng na pag-uusap. “Marco.”Tinawag ni Dante.Lumapit ang lalaking naka-itim na suit na si Marco. Siya iyong lalaking nag-iwan ng payong sa kaniya noong gabing umuulan. Nang magtagpo ang tingin nila ni Selene, bahagyang yumuko ito.“Ikaw,” sabi ni Selene.Napayuko lamang ito, at isang makapal na folder ang inilapag ni Marco sa mesa, at ito”y tahimik lamang na lumabas.Tumingin si Selene at tinanong si Dante. “Ikaw yung nasa kotse.” tama?“Oo.”“Bakit nandoon ka nung araw na umuulan?”Hindi sumagot ito.At ibinali
ANG Grand Ballroom ng Valderrama Tower ay parang kisame ng langit na ibinaba sa lupa. May chandelier na kasinglaki ng kotse, mga bulaklak na inangkat pa sa ibang bansa, at maraming mga taong nakangiti na akala mo’y mga perpekto na dahil sa antas ng kanilang mga pamumuhay.Si Selene ay pumasok siya’y naka-itim na backless gown na galing kay Steph, nakalugay ang buhok, matalim ang pulang lipstick. Sa bawat hakbang niya, may lumilingon at may mga nag chichismisan.“Siya ’yon, ’di ba? Ang asawang iniwan?”“Ang lakas ng loob niyang dumalo.”Hindi siya nag-atubili. Kumuha siya ng champagne mula sa dumaang waiter, itinaas ang baba, at nagpatuloy.“Smile,” bulong ni Steph, at kumapit sa braso niya. “Tigre ka ngayong gabi. Hindi biktima.”“Oo, Hindi ako biktima.”“Kaya nga ngumiti ka.”Ngumiti si Selene. Malamig. Walang kasamang init.Habang nakatayo siya malapit sa pasukan, naramdaman ni Selene ang bawat matang nakatitig sa kaniya. Dati, ganito rin ang pakiramdam niya sa tuwing may gala: mali
NAKAHIGA si Selene sa sofa ni Steph, nakatitig sa kisame, yakap ang unan habang kinakausap siya ni Steph.“Isang tanong na lang, tapos hindi na ako magtatanong,” sabi ni Steph mula sa kusina, na nagpapakulo ng tubig. “Ilang porsyento ng sarili mo ang gustong pumatay, at ilan ang gustong gumanti nang legal?”Sagot ni Selene “Seventy-thirty.”“Alin ang seventy?” tanong ni Steph.“Hulaan mo.”“Hay, Lena.” Lumabas si Steph na may dalawang mug ng instant noodles at isang malaking tuwalya. Si Stephanie Delgado, PR manager ng isang hotel group, ang kaisa-isang taong hindi nagbago ng pakikitungo sa kaniya sa loob ng sampung taon. “Kain ka muna. Hindi nakakapag-isip ang babaeng gutom.” sambit ni Steph.Habang kumakain sila, pinanood ni Steph ang story ni Chloe sa phone nang nakangiwi. “‘Home sweet home, finally.’ Sino ang nag-edit ng caption na ’yan, ang kaluluwa niyang ahas?”Habang humihigop ng sabaw, hindi napigilan ni Steph ang magkuwento ng mga naririnig niya sa hotel. “Alam mo bang nagpa
NAKA-LOCK na ang gate sa Mansiyon nila.May, isang guwardiya ang nakatayo sa harap nito, hindi makatingin sa kaniya ng deretso.“Pasensya na po, Ma’am Selene,” sabi ni Ben. “Utos po ni Sir Adrian. Hindi na po kayo puwedeng pumasok.”“Kuya Ben, tatlong taon mo na akong pinagbubuksan ng gate.”“Opo, Ma’am. Kaya nga po nahihiya ako.” Napakamot ito sa batok. “Pero baka ako ang matanggal sa trabaho po.”Hindi na siya nakipagtalo. Walang silbi ang pakikipagtalo sa taong may pamilyang pinapakain at naiintindihan niya ito.Naghintay siya roon, dahil nasabi naman ng kaibigan niyang pupuntahan siya eh. At habang naghihintay sa labas ay bumukas ang pinto ng kabahayan. Lumabas ang dalawang kasambahay, buhat ang tatlong maleta at isang kahon. Isa-isa nilang inilapag sa semento nang hindi nakatingin sa kaniya.“Nasa maleta na po lahat ng damit niyo, Ma’am,” bulong ni Aling Nena. “Pasensya na po talaga.”“Salamat po, Aling Nena. Huwag kayong mag-alala hindi ako galit o ano pa man. Alam kong ginagawa
NAKAPIRMA na si Selene bago pa niya naintindihan ang binabasa niya.Nasa gitna pa lang siya ng ikalawang pahina nang matapos ng kamay niya ang huling guhit ng pirma niya.“Good girl,” sabi ni Adrian, sabay hila sa folder papunta sa tabi niya. “Akala ko mahihirapan pa ako.”“Teka.” Kumunot ang noo ni Selene. Galing pa siya sa site visit sa Tagaytay. May alikabok pa ang sapatos niya at nasa tabi ng upuan ang roll ng blueprint. “Sabi mo update lang ’to ng shares para sa bagong investor.”“Update naman talaga.”“Eh bakit nakasulat dito ‘Agreement for Dissolution of Marriage’?”Hindi sumagot si Adrian. Sumandal lang ito sa upuan, nakangiting pagod na pagod, parang taong tapos nang maglinis ng bahay.Binuklat ni Selene ang susunod na pahina. Tapos ang isa pa. Biglang may kung anong kaba siyang naramdaman. Deed of Assignment. Fifty percent of AV Studio shares. Assignee: Chloe Montenegro.Tumingin siya kay Atty. Gonzales, ang abogadong ilang taon nang kumakain sa mga Christmas party nila. Ng







