Mag-log inNAKAHIGA si Selene sa sofa ni Steph, nakatitig sa kisame, yakap ang unan habang kinakausap siya ni Steph.
“Isang tanong na lang, tapos hindi na ako magtatanong,” sabi ni Steph mula sa kusina, na nagpapakulo ng tubig. “Ilang porsyento ng sarili mo ang gustong pumatay, at ilan ang gustong gumanti nang legal?”
Sagot ni Selene “Seventy-thirty.”
“Alin ang seventy?” tanong ni Steph.
“Hulaan mo.”
“Hay, Lena.” Lumabas si Steph na may dalawang mug ng instant noodles at isang malaking tuwalya. Si Stephanie Delgado, PR manager ng isang hotel group, ang kaisa-isang taong hindi nagbago ng pakikitungo sa kaniya sa loob ng sampung taon. “Kain ka muna. Hindi nakakapag-isip ang babaeng gutom.” sambit ni Steph.
Habang kumakain sila, pinanood ni Steph ang story ni Chloe sa phone nang nakangiwi. “‘Home sweet home, finally.’ Sino ang nag-edit ng caption na ’yan, ang kaluluwa niyang ahas?”
Habang humihigop ng sabaw, hindi napigilan ni Steph ang magkuwento ng mga naririnig niya sa hotel. “Alam mo bang nagpa-reserve na si Chloe ng buong function room para sa baby shower? Eleven weeks pa lang, ha!” Napailing siya. “May mga taong hindi marunong maghintay magwagi, kaya nagsisimulang manloko.” Hindi napigilan ni Selene ang mapangiti. Iyon ang unang tunay na ngiti niya sa buong araw.
“Steph.”
“Oo, tigil na.” Ibinaba nito ang phone. “Pero alam mo, may magandang balita.”
“Ano?”
“Valderrama Foundation Gala, bukas ng gabi. Invited ako dahil hotel namin ang catering. Kasama ang buong high society. Kasama si Adrian. Kasama si Chloe.” Kumindat ito. “Ikaw ang plus one ko.”
“Wala akong isusuot.”
“May gown ako na may tag pa. Black. Backless. Bagay na bagay sayo.”
“Hindi ako pupunta para magpapansin.”
“Pupunta ka para makita ka nila,” sagot ni Steph. “Para malaman nilang buhay ka pa. At mas maganda kaysa kahapon.”
Tumahimik si Selene. Tinitigan niya ang usok ng noodles. Sa isip niya, bumalik ang pangalang nakita niya sa notary page.
Naalala niya ang huling beses na nagkita ang tatay niya at si Don Armando, sa isang dinner isang linggo bago bumagsak ang kumpanya ng pamilya nila. Nagtatawanan pa ang dalawa sa hapag. Magkaakbay. Parang magkapatid. Pagkalipas ng limang araw, tumawag ang bangko, nag-withdraw ang mga investor, at nagsara ang buong opisina. Hindi niya iyon naiugnay noon. Ngayon, parang may gusto siyang malaman sa likod ng pangalang.
Don Armando Villareal.
“Steph, may laptop ka ba?”
Oo naman, nandiyan lang sa ilalim ng lamesa pwede mong kunin…
Kinuha agad ni Selene na pinatong sa lamesa at humarap sa laptop.
Na seryosong nagta-type si Selene. Habang nakadikit ang baba ni Steph sa balikat niya, na nakasilip sa screen.
“Ano bang gagawin mo?” tanong ni Steph..
“Noong itinayo namin ang AV Studio, ako ang nag-set up ng email system.” Hindi lumilingon si Selene. “Disaster recovery. Lahat ng email ng executives, may awtomatikong kopya sa private archive na ako lang ang may access. Hindi alam ni Adrian. Akala niya, ordinaryong server lang ’yon.”
“Wait.” Namilog ang mga mata ni Steph. “So may kopya ka ng lahat ng email nila?”
“Kung hindi pa nila nade-delete ang source, oo.”
Bumukas ang login page. Pumasok ang password. Ilang segundo ng pag-load, tapos nag-flash ang inbox archive: libu-libong email, nakaayos ayon sa petsa.
Nag-type siya sa search bar: Chloe.
214 results.
“Jusko,” bulong ni Steph. “Ang dami.”
Binuksan ni Selene ang pinakauna, na walong buwan na ang nakakaraan ang mensahe na mula kay Adrian, para kay Chloe.
Wala pa rin siyang alam. Tuwing umuuwi ako, nagluluto pa rin siya. Nakakatawa.
Sumagot si Chloe makalipas ang tatlong minuto.
Kailan mo siya aalisin? Ayoko nang maghintay. Ako ang dapat na Mrs. Villareal.
Nanikip ang dibdib ni Selene sa nabasa nito, pero hindi siya huminto. Binuksan ang susunod. Tapos ang susunod. Binuksan niya ang mga petsa ng bawat mensahe, nabasa niya ang mga plano, mga biro tungkol sa kanya, mga larawan ni Chloe sa hotel. At isang mensahe ang ikinagulat niya, na tatlong buwan lang ang nakakaraan.
Tumigil siya saglit at huminga ng malalim. Sinulyapan siya ni Steph, handang umawat kung kailangan. Pero hindi umiiyak si Selene. Tumitig lang siya sa screen at binasa ang iba pang mensahe.
Mula kay Adrian.
Pagkatapos pumirma ni Lena, ilipat mo agad ang shares sa pangalan mo. Si Atty. Gonzales na ang bahala sa notary.
Sagot ni Chloe: Paano kung magbasa siya ng papeles?
Sagot ni Adrian: Hindi ’yon nagbabasa kapag pagod. Ganoon din ang tatay niya noon. Madaling lokohin kapag nagtitiwala.
Nakakuyom ang kamao ni Selene sa ilalim ng mesa.
“Hayop,” mahinang sabi ni Steph. “Selene, i-save mo ’yan lahat.
“Ginagawa ko na.” sabi ni Selene.
Habang hinahanap ni Selene ang export button nang may mapansin siya sa gilid ng screen: isang thread na hindi galing kay Adrian, kundi sa ama nito. Pamagat: Re: Altamirano — Follow Up.
Binuksan niya ito at binasa.
Mensahe ni Don Armando, para kay Adrian.
Huwag kang mag-alala. Gawin natin sa anak ang ginawa natin kay Fernando. Mas madali dahil mas mahina ang loob niya.
Biglang natigilan si Selene sa kanyang nabasa.
“Sino si Fernando?” tanong ni Steph, marahan nitong sabi.
Matagal bago nakasagot si Selene. Ramdam niya ang matinding hinanakit sa kabila ng lahat ng pangyayari noon, na ngayon niya lang nalaman kung ano ang nasa likod nito. Limang taon na ang nakakaraan nang bumagsak ang kumpanya ng tatay niya, nang biglang nawala ang lahat ng investor, at nang atakihin ito sa puso sa loob ng opisina nito na ang dahilan daw ay ang investment na usap usapan ng karamihan noon.
“Ang tatay ko,” bulong ni Selene. “Fernando Altamirano ang pangalan ng tatay ko.”
So, ano nang plano Selene?, tanong ni Steph
Magbabayad silang lahat at wala akong palalagpasin ni isa sakanila, galit na pagkasabi ni Selene.
ANG VIP lounge sa ika-38 palapag ng Valderrama Tower ay tahimik na parang vault. Makapal ang carpet, madilim ang ilaw, at sa labas ng salamin ay kumikislap ang buong Maynila.Nakatayo si Selene sa gitna, at suot pa rin niya ang tuxedo jacket ni Dante. Hindi siya naupo at hindi rin siya nagpasalamat.“May isang minuto ka,” sabi ni Selene. “Sabihin mo kung anong pinaplano o laro mo, bago ako sumigaw.”“Hindi ito laro.” Naupo si Dante sa sofa, kalmado, na para bang normal na gabi lng na pag-uusap. “Marco.”Tinawag ni Dante.Lumapit ang lalaking naka-itim na suit na si Marco. Siya iyong lalaking nag-iwan ng payong sa kaniya noong gabing umuulan. Nang magtagpo ang tingin nila ni Selene, bahagyang yumuko ito.“Ikaw,” sabi ni Selene.Napayuko lamang ito, at isang makapal na folder ang inilapag ni Marco sa mesa, at ito”y tahimik lamang na lumabas.Tumingin si Selene at tinanong si Dante. “Ikaw yung nasa kotse.” tama?“Oo.”“Bakit nandoon ka nung araw na umuulan?”Hindi sumagot ito.At ibinali
ANG Grand Ballroom ng Valderrama Tower ay parang kisame ng langit na ibinaba sa lupa. May chandelier na kasinglaki ng kotse, mga bulaklak na inangkat pa sa ibang bansa, at maraming mga taong nakangiti na akala mo’y mga perpekto na dahil sa antas ng kanilang mga pamumuhay.Si Selene ay pumasok siya’y naka-itim na backless gown na galing kay Steph, nakalugay ang buhok, matalim ang pulang lipstick. Sa bawat hakbang niya, may lumilingon at may mga nag chichismisan.“Siya ’yon, ’di ba? Ang asawang iniwan?”“Ang lakas ng loob niyang dumalo.”Hindi siya nag-atubili. Kumuha siya ng champagne mula sa dumaang waiter, itinaas ang baba, at nagpatuloy.“Smile,” bulong ni Steph, at kumapit sa braso niya. “Tigre ka ngayong gabi. Hindi biktima.”“Oo, Hindi ako biktima.”“Kaya nga ngumiti ka.”Ngumiti si Selene. Malamig. Walang kasamang init.Habang nakatayo siya malapit sa pasukan, naramdaman ni Selene ang bawat matang nakatitig sa kaniya. Dati, ganito rin ang pakiramdam niya sa tuwing may gala: mali
NAKAHIGA si Selene sa sofa ni Steph, nakatitig sa kisame, yakap ang unan habang kinakausap siya ni Steph.“Isang tanong na lang, tapos hindi na ako magtatanong,” sabi ni Steph mula sa kusina, na nagpapakulo ng tubig. “Ilang porsyento ng sarili mo ang gustong pumatay, at ilan ang gustong gumanti nang legal?”Sagot ni Selene “Seventy-thirty.”“Alin ang seventy?” tanong ni Steph.“Hulaan mo.”“Hay, Lena.” Lumabas si Steph na may dalawang mug ng instant noodles at isang malaking tuwalya. Si Stephanie Delgado, PR manager ng isang hotel group, ang kaisa-isang taong hindi nagbago ng pakikitungo sa kaniya sa loob ng sampung taon. “Kain ka muna. Hindi nakakapag-isip ang babaeng gutom.” sambit ni Steph.Habang kumakain sila, pinanood ni Steph ang story ni Chloe sa phone nang nakangiwi. “‘Home sweet home, finally.’ Sino ang nag-edit ng caption na ’yan, ang kaluluwa niyang ahas?”Habang humihigop ng sabaw, hindi napigilan ni Steph ang magkuwento ng mga naririnig niya sa hotel. “Alam mo bang nagpa
NAKA-LOCK na ang gate sa Mansiyon nila.May, isang guwardiya ang nakatayo sa harap nito, hindi makatingin sa kaniya ng deretso.“Pasensya na po, Ma’am Selene,” sabi ni Ben. “Utos po ni Sir Adrian. Hindi na po kayo puwedeng pumasok.”“Kuya Ben, tatlong taon mo na akong pinagbubuksan ng gate.”“Opo, Ma’am. Kaya nga po nahihiya ako.” Napakamot ito sa batok. “Pero baka ako ang matanggal sa trabaho po.”Hindi na siya nakipagtalo. Walang silbi ang pakikipagtalo sa taong may pamilyang pinapakain at naiintindihan niya ito.Naghintay siya roon, dahil nasabi naman ng kaibigan niyang pupuntahan siya eh. At habang naghihintay sa labas ay bumukas ang pinto ng kabahayan. Lumabas ang dalawang kasambahay, buhat ang tatlong maleta at isang kahon. Isa-isa nilang inilapag sa semento nang hindi nakatingin sa kaniya.“Nasa maleta na po lahat ng damit niyo, Ma’am,” bulong ni Aling Nena. “Pasensya na po talaga.”“Salamat po, Aling Nena. Huwag kayong mag-alala hindi ako galit o ano pa man. Alam kong ginagawa
NAKAPIRMA na si Selene bago pa niya naintindihan ang binabasa niya.Nasa gitna pa lang siya ng ikalawang pahina nang matapos ng kamay niya ang huling guhit ng pirma niya.“Good girl,” sabi ni Adrian, sabay hila sa folder papunta sa tabi niya. “Akala ko mahihirapan pa ako.”“Teka.” Kumunot ang noo ni Selene. Galing pa siya sa site visit sa Tagaytay. May alikabok pa ang sapatos niya at nasa tabi ng upuan ang roll ng blueprint. “Sabi mo update lang ’to ng shares para sa bagong investor.”“Update naman talaga.”“Eh bakit nakasulat dito ‘Agreement for Dissolution of Marriage’?”Hindi sumagot si Adrian. Sumandal lang ito sa upuan, nakangiting pagod na pagod, parang taong tapos nang maglinis ng bahay.Binuklat ni Selene ang susunod na pahina. Tapos ang isa pa. Biglang may kung anong kaba siyang naramdaman. Deed of Assignment. Fifty percent of AV Studio shares. Assignee: Chloe Montenegro.Tumingin siya kay Atty. Gonzales, ang abogadong ilang taon nang kumakain sa mga Christmas party nila. Ng







