
My Second Life belongs to the Ruthless Prince
“If fate gives me another chance, hahanapin kita. Kahit buong mundo pa ang kailangan kong libutin, I will find you.”
Iyon ang huling pangako ni Luna Villareal bago lamunin ng dilim ang kanyang buhay.
Sa una niyang buhay, minahal niya si Adrian De Veyra. Para sa lalaking inakala niyang tagapagligtas niya, tinalikuran niya ang pamilya, isinuko ang mana, at ibinigay ang lahat. Ngunit betrayal ang isinukli sa kanya. Kasama ang inang si Doña Isadora, winasak ni Adrian ang kanyang buhay—nilason siya, pinagkaitan ng paningin, at iniwan sa isang mass grave na parang basura.
May isang lalaking nagbigay sa kanya ng dahilan para mabuhay.
Lucien.
Hindi niya nakita ang mukha nito, pero hindi niya malilimutan ang malalim nitong boses at mahabang peklat sa likod ng kamay nito. Tinuruan siya nitong tumugtog ng harp, gumamit ng latigo, at maniwalang may halaga siya.
Ngayon, nagising si Luna bilang labinlimang taong gulang, dala ang mga alaala ng nakaraan. This time, hindi na siya magpapaloko. Poprotektahan niya ang pamilya, bubuo ng yaman, at hahanapin si Lucien.
Pero hindi madaling baguhin ang kapalaran.
Matapos tanggihan si Adrian, isang royal decree ang nagtulak sa kanya sa kasal kasama ang nakatatandang half-brother nito—si Prince Damien De Veyra, ang Ruthless Crown Prince ng Maharlika. Sabi-sabi, mga babaeng nagiging asawa niya ay sinasalubong ng trahedya.
Ayaw ni Luna na maging susunod na biktima. Ngunit nang makita niya ang peklat sa kamay ni Damien, napahinto siya.
Could the ruthless prince be the man she has been searching for?
At kung siya nga si Lucien, bakit tila hindi siya nito nakikilala?
Hindi na si Luna ang babaeng kayang wasakin. Haharapin niya ang mga kaaway, ilalantad ang kanilang mga lihim, at aangkinin ang kapalaran.
She died as a betrayed wife. This time, will she rise as a queen who never kneels?
Read
Chapter: Chapter 5Halos hindi nakatulog si Luna. Sa bawat pagpikit niya, ang mukha ng prinsipe ang bumabalik sa kanyang isipan, kasama ang tanong kung siya nga ba ang lalaking matagal na niyang hinahanap.Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata, nakikita niya ang peklat sa kamay ni Prince Damien. Ang parehong peklat na minsang naging simbolo ng kanyang pag-asa ay ngayon namang nagbigay sa kanya ng bagong dahilan para matakot at maniwala.Old scar, she told herself. Peklat lang iyon, paalala niya sa sarili, ngunit bakit tila may kakaibang koneksyon ang marka nito sa mga alaala ng lalaking minsan nang nagligtas sa kanya?Maraming lalaki ang may peklat. Hindi naman imposible na may ibang taong nagtataglay ng parehong marka, kaya pilit niyang pinipigilan ang sariling umasa.Pero bakit ganoon kalakas ang tama nito sa kanya? Bakit sa simpleng pagkakita pa lamang sa peklat ay tila muling nabuhay ang mga damdaming matagal na niyang itinago?Bakit parang bumalik ang boses ni Lucien sa kanyang alaala? Ang malalim a
Last Updated: 2026-11-09
Chapter: Chapter 4Hindi inakala ni Luna na isang liham lang ang kailangan para mabago ang lahat. Nasa mesa ang royal summons. Kumislap ang crimson seal sa ilalim ng sikat ng araw. Ilang beses na niya itong binasa. Mananatili pa rin ang parehong utos. Kailangan niyang humarap sa royal court sa Manila sa loob ng tatlong araw.“Father, do you think this is because of Adrian?”Napabuntong-hininga si Don Esteban.“I cannot say for certain. But the De Veyra family has always been close to the royal court. It wouldn’t surprise me if they had something to do with this.”Nanginginig ang mga kamay ni Luna. Sa una niyang buhay, ginamit ni Doña Isadora ang impluwensya nito para manipulahin ang royal family. Hindi niya akalaing mauulit iyon.“Father, I don’t want to marry Adrian.” Sambit niya rito.Tumingin sa kanya si Don Esteban.“Then be careful. If the royal court is involved, refusing their decision may not be easy.”Tumango siya. Hindi ito magiging madali para sa kanya. Alam niya. Mahirap itong haharapin niy
Last Updated: 2026-11-09
Chapter: Chapter 3Hindi pa tapos ang breakfast ni Luna nang dumating ang servant.“Miss, nandito na po ang De Veyra family.”Inilapag niya ang teacup.“Already?” mahiwang tanong niya rito.“Opo. Naghihintay po si Don Esteban sa main hall.”Tumango siya. “Tell them I’ll be there shortly.”Tumayo siya sa harap ng salamin. Youthful pa ang mukha niya. Smooth ang balat. Buhay ang mga mata.Sa unang buhay niya, desperado siyang makuha ang pagmamahal ni Adrian. Nagmakaawa siya sa ama na payagan silang magpakasal. Nang tumanggi ang pamilya, nagbanta pa siyang aalis ng bahay.Ngayon, hindi niya maintindihan kung paano niya nagawa iyon.“Miss, ready na po ba kayo?” tanong ni Isabel.Ngumiti siya. “Yes. Let’s go.”Punong-puno ng mahinang usapan ang main hall. Nasa head ng table si Don Esteban, seryoso ang mukha. Katabi niya si Doña Isadora De Veyra—ang ina ni Adrian.Nakatayo naman si Adrian malapit sa bintana, suot ang eleganteng white barong. Nang pumasok si Luna, lumingon ito.“Luna.” Aniya ng lalaki sa dalaga
Last Updated: 2026-11-09
Chapter: Chapter 2Tahimik na dumadaloy ang melody sa harp ni Luna. Bawat nota ay parang may dalang alaala—ang boses ni Lucien, ang kanyang mga kamay, at ang mga gabing tinuruan siya nitong tumugtog kahit wala na siyang makita.“Miss?” sambit ni Elena sa kanya.Napadilat siya at humarap sa babaeng tumawag. Nasa may pintuan si Elena, may dalang tray ng tsaa.“Isang oras na po kayo tumutugtog. Baka mapagod na ang mga daliri ninyo.”Napangiti si Luna. “Tama ka. Pahinga muna tayo.”Inilapag ni Elena ang tray sa mesa. “Gusto n’yo bang pumunta sa mulberry garden? Ang ganda raw ng mga dahon ngayon.”Napatingin siya sa bintana. Mainit ang sikat ng araw, at sa isang saglit, parang bumalik ang mga araw bago gumuho ang buhay niya.“Let’s go.” Nakangiti na aniya sa babae.Isa sa iilang lugar na nagbibigay ng kapayapaan kay Luna ang mulberry garden.Pag-aari ito ng kanyang maternal grandfather, si Don Lorenzo Villareal—isang retired physician na nagturo sa kanya ng mga basic sa medisina. Maliit lamang ang garden, p
Last Updated: 2026-11-09
Chapter: Chapter 1“Lucien… kung may next life man, hahanapin kita.”Halos hindi na marinig ang bulong ni Luna Villareal.Nakahiga siya sa malamig na sahig, nanginginig ang katawan, at bawat paghinga ay parang may kasamang talim. Matagal nang nawala ang kanyang paningin. Ngayon, pati ang natitirang lakas niya, unti-unti nang kinukuha ng lason.Pero kahit sa gitna ng sakit, may isang alaala siyang mahigpit na pinanghahawakan. Ang mga kamay ng lalaking minsang naging tahanan niya.“Luna.” Aniya ng pamilyar na boses ng lalaki.Napahinto ang kanyang paghinga.Pamilyar na pamilyar ang boses na iyon—malalim, mahinahon, at may lambing na hindi niya kailanman natanggap mula sa sariling asawa.“Lucien?” Mahina siyang ngumiti. “Ikaw ba ’yan?”May mainit na palad na dumampi sa kanyang pisngi.“Yes. I’m here.” Sambit ng lalaki sa kanya.Gusto niyang abutin ito. Gusto niyang makita kahit isang beses ang mukha ng lalaking nagbigay sa kanya ng dahilan para mabuhay. Pero halos hindi na gumalaw ang kanyang mga daliri.“
Last Updated: 2026-11-09