Share

My Second Life belongs to the Ruthless Prince
My Second Life belongs to the Ruthless Prince
Author: Chil Rae

Chapter 1

Author: Chil Rae
last update publish date: 2026-11-09 13:25:28

“Lucien… kung may next life man, hahanapin kita.”

Halos hindi na marinig ang bulong ni Luna Villareal.

Nakahiga siya sa malamig na sahig, nanginginig ang katawan, at bawat paghinga ay parang may kasamang talim. Matagal nang nawala ang kanyang paningin. Ngayon, pati ang natitirang lakas niya, unti-unti nang kinukuha ng lason.

Pero kahit sa gitna ng sakit, may isang alaala siyang mahigpit na pinanghahawakan. Ang mga kamay ng lalaking minsang naging tahanan niya.

“Luna.” Aniya ng pamilyar na boses ng lalaki.

Napahinto ang kanyang paghinga.

Pamilyar na pamilyar ang boses na iyon—malalim, mahinahon, at may lambing na hindi niya kailanman natanggap mula sa sariling asawa.

“Lucien?” Mahina siyang ngumiti. “Ikaw ba ’yan?”

May mainit na palad na dumampi sa kanyang pisngi.

“Yes. I’m here.” Sambit ng lalaki sa kanya.

Gusto niyang abutin ito. Gusto niyang makita kahit isang beses ang mukha ng lalaking nagbigay sa kanya ng dahilan para mabuhay. Pero halos hindi na gumalaw ang kanyang mga daliri.

“Promise me…” Naputol ang boses niya. “Sa next life, hahanapin mo ako?”

Matagal na katahimikan ang yumanig sa paligid. Pagkatapos, marahan na hinigpitan ni Lucien ang hawak sa kanyang kamay.

“I will. Kahit buong Maharlika ang hanapin ko, hahanapin kita.”

Tumulo ang luha sa pisngi ni Luna sa sinabi ng lalaki.

“Then… I’ll wait.” sambit niya nang puno ng pag-asa at tiwala sa sinabi ng lalaki.

“Don’t leave me, Luna.” Pagmamakaawa ng lalaki.

Pero alam niyang huli na ang lahat. Kahit nahihirapan na ay sinikap niya paring maibuka ang bibig.

“Lucien…” Isang huling hinga. “I love you.” Aniya bago tuluyang nilamon siya ng dilim.

***

“Miss! Miss Luna!” sambit ng isang pamilyar na tinig sa paligid

Napabalikwas siya sa kama ng marinig niya ang boses ng babae. Mabilis siyang napahawak sa kanyang mukha at sa kanyang leeg. Wala itong anumang sugat, kulubot o anumang peklat.  At sa kanyang mga mata, na nakapagtataka sa kanya.

“Walang dilim?” “Nakikita niya ang kabuoan ng silid” “Pamilyar na kurtina sa my bintana nito” napabulong siya sa kanyang sarili.

Sa harap niya, nakatayo ang isang dalagang may hawak na baso ng tubig. Pamilyar ang mukha nito—sobrang pamilyar.

“Elena?” pabulong na sabi niya rito.

Napakunot-noo ang maid. “Yes, Miss. Bakit po?”

Hinawakan ni Luna ang kamay niya. “Anong taon na?”

“Miss?” “Anong taon?” napakunot noong tanong nga babae sa kanya.

Nag-alangan si Elena. “2005 po. May sakit ba kayo?”

Bumata ako ulit, nabalik ako sa nakaraan. 15 years old ako ngayon ulit.

Dalawang taon bago namatay ang kanyang ina. Tatlong taon bago siya nagpakasal kay Adrian. Limang taon bago tuluyang kumalat ang lason sa kanyang katawan.

 “Thank you,” bulong niya, habang nangingilid ang luha.

“Miss, bakit kayo umiiyak?” pagtatakang tanong nito.

Umiling siya at ngumiti, kahit nanginginig ang labi. “Wala. Masaya lang ako… na nandito ka.”

Sa unang buhay niya, naparusahan si Elena dahil sa kanya. Nasunog ang magandang mukha nito at pinilit na magpakasal sa isang matandang servant.

Hindi niya naipagtanggol ang maid na naging parang kapatid niya. Pero ngayon? Hindi na niya hahayaang maulit iyon. Hindi na niya hahayaang may masaktan dahil sa kanya.

Makalipas ang dalawang taon, nakatayo si Luna sa mulberry garden ng kanilang estate sa Laguna.

Sa loob ng dalawang taon, pinag-aralan niya ang medisina, pinamahalaan ang kanilang lupain, at nagpraktis ng paggamit ng latigo—ang skill na itinuro sa kanya ni Lucien sa dati niyang buhay.

May tatlong pangako siyang hindi kailanman kakalimutan. Hindi siya magpapakasal kay Adrian. Hindi niya hahayaang mawalan ng proteksyon ang pamilya niya. At hahanapin niya si Lucien.

Napatingin siya sa mga puno. Nilalanghap ang masarawing hangin na dumadampi sa kanyang maaninag na mukha.

“Nasaan ka na kaya?” buntong hiningang tanong niya sa sarili.

Hinawakan niya ang latigo at muling nagpraktis. Humagis ang tunog nito sa hangin, naramdaman niyang may kumaluskos sa likod niya at bago pa siya makalingon, may mabigat na katawan na bumagsak sa kanya.

“Argh! Get off me!” pasigaw na sabi niya.

Napadapa siya sa lupa. May lalaking nakahandusay sa kanyang likod.

“Sir, ano ba—” sambit niya dito.

Napahinto siya nang maamoy ang dugo. Mabilis siyang gumapang palayo at lumingon. Isang lalaki ang nakasuot ng dark military uniform. Maputla ang mukha, hirap huminga, at may sugat na dumudugo sa tagiliran. Sa tabi nito, nakahandusay ang isang espada.

Guard? Napakunot siya rito.

Hindi. Nang makita niya ang insignia, nanlamig ang kanyang mga daliri.

Royal military.

May halong kaba sa kanyang isip. Maingat niyang binaligtad ang lalaki. At nang makita ang mukha nito, parang tumigil ang mundo. Matangos na ilong. Matulis na panga. Maitim na buhok.

Ito ay si Prince Damien De Veyra. Ang elder half-brother ng lalaking kinasusuklaman niya. Ang Ruthless Prince.

“Bakit ikaw pa?” napabulong siya sa kanyang sarili.

Dapat iwan niya ito. Dapat magkunwari siyang walang nakita. Pero kumalat na ang dugo sa uniform nito. Mamamatay ito kung hindi niya gagamutin. Napabuntong-hininga si Luna. “Fine. I’ll save you.”

Kinuha niya ang medical pouch.

“Pero, Your Highness… you owe me.” Aniya rito

Habang nililinis niya ang sugat, napansin niya ang isang mahabang peklat sa likod ng kamay nito. Nanginig ang kanyang mga daliri. Hindi.  Hindi puwede!  Naguguluhan niyang sabi sa sarili.

Lumapit siya, halos hindi makahinga.

Ang peklat na iyon… Kilala niya. Hindi ko maaring makalimutan iyon.  Nahawakan niya iyon nang maraming beses sa nakaraang buhay.

“Lucien?” tanong niya rito ng may halong kaba.

Hindi sumagot ang prinsipe.

Pero sa unang pagkakataon mula nang mabuhay siyang muli, naramdaman ni Luna na baka hindi na siya malayo sa lalaking hinahanap niya. Hindi niya alam na ang simpleng pagliligtas na iyon ang magpapabago sa buong kapalaran niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Second Life belongs to the Ruthless Prince   Chapter 5

    Halos hindi nakatulog si Luna. Sa bawat pagpikit niya, ang mukha ng prinsipe ang bumabalik sa kanyang isipan, kasama ang tanong kung siya nga ba ang lalaking matagal na niyang hinahanap.Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata, nakikita niya ang peklat sa kamay ni Prince Damien. Ang parehong peklat na minsang naging simbolo ng kanyang pag-asa ay ngayon namang nagbigay sa kanya ng bagong dahilan para matakot at maniwala.Old scar, she told herself. Peklat lang iyon, paalala niya sa sarili, ngunit bakit tila may kakaibang koneksyon ang marka nito sa mga alaala ng lalaking minsan nang nagligtas sa kanya?Maraming lalaki ang may peklat. Hindi naman imposible na may ibang taong nagtataglay ng parehong marka, kaya pilit niyang pinipigilan ang sariling umasa.Pero bakit ganoon kalakas ang tama nito sa kanya? Bakit sa simpleng pagkakita pa lamang sa peklat ay tila muling nabuhay ang mga damdaming matagal na niyang itinago?Bakit parang bumalik ang boses ni Lucien sa kanyang alaala? Ang malalim a

  • My Second Life belongs to the Ruthless Prince   Chapter 4

    Hindi inakala ni Luna na isang liham lang ang kailangan para mabago ang lahat. Nasa mesa ang royal summons. Kumislap ang crimson seal sa ilalim ng sikat ng araw. Ilang beses na niya itong binasa. Mananatili pa rin ang parehong utos. Kailangan niyang humarap sa royal court sa Manila sa loob ng tatlong araw.“Father, do you think this is because of Adrian?”Napabuntong-hininga si Don Esteban.“I cannot say for certain. But the De Veyra family has always been close to the royal court. It wouldn’t surprise me if they had something to do with this.”Nanginginig ang mga kamay ni Luna. Sa una niyang buhay, ginamit ni Doña Isadora ang impluwensya nito para manipulahin ang royal family. Hindi niya akalaing mauulit iyon.“Father, I don’t want to marry Adrian.” Sambit niya rito.Tumingin sa kanya si Don Esteban.“Then be careful. If the royal court is involved, refusing their decision may not be easy.”Tumango siya. Hindi ito magiging madali para sa kanya. Alam niya. Mahirap itong haharapin niy

  • My Second Life belongs to the Ruthless Prince   Chapter 3

    Hindi pa tapos ang breakfast ni Luna nang dumating ang servant.“Miss, nandito na po ang De Veyra family.”Inilapag niya ang teacup.“Already?” mahiwang tanong niya rito.“Opo. Naghihintay po si Don Esteban sa main hall.”Tumango siya. “Tell them I’ll be there shortly.”Tumayo siya sa harap ng salamin. Youthful pa ang mukha niya. Smooth ang balat. Buhay ang mga mata.Sa unang buhay niya, desperado siyang makuha ang pagmamahal ni Adrian. Nagmakaawa siya sa ama na payagan silang magpakasal. Nang tumanggi ang pamilya, nagbanta pa siyang aalis ng bahay.Ngayon, hindi niya maintindihan kung paano niya nagawa iyon.“Miss, ready na po ba kayo?” tanong ni Isabel.Ngumiti siya. “Yes. Let’s go.”Punong-puno ng mahinang usapan ang main hall. Nasa head ng table si Don Esteban, seryoso ang mukha. Katabi niya si Doña Isadora De Veyra—ang ina ni Adrian.Nakatayo naman si Adrian malapit sa bintana, suot ang eleganteng white barong. Nang pumasok si Luna, lumingon ito.“Luna.” Aniya ng lalaki sa dalaga

  • My Second Life belongs to the Ruthless Prince   Chapter 2

    Tahimik na dumadaloy ang melody sa harp ni Luna. Bawat nota ay parang may dalang alaala—ang boses ni Lucien, ang kanyang mga kamay, at ang mga gabing tinuruan siya nitong tumugtog kahit wala na siyang makita.“Miss?” sambit ni Elena sa kanya.Napadilat siya at humarap sa babaeng tumawag. Nasa may pintuan si Elena, may dalang tray ng tsaa.“Isang oras na po kayo tumutugtog. Baka mapagod na ang mga daliri ninyo.”Napangiti si Luna. “Tama ka. Pahinga muna tayo.”Inilapag ni Elena ang tray sa mesa. “Gusto n’yo bang pumunta sa mulberry garden? Ang ganda raw ng mga dahon ngayon.”Napatingin siya sa bintana. Mainit ang sikat ng araw, at sa isang saglit, parang bumalik ang mga araw bago gumuho ang buhay niya.“Let’s go.” Nakangiti na aniya sa babae.Isa sa iilang lugar na nagbibigay ng kapayapaan kay Luna ang mulberry garden.Pag-aari ito ng kanyang maternal grandfather, si Don Lorenzo Villareal—isang retired physician na nagturo sa kanya ng mga basic sa medisina. Maliit lamang ang garden, p

  • My Second Life belongs to the Ruthless Prince   Chapter 1

    “Lucien… kung may next life man, hahanapin kita.”Halos hindi na marinig ang bulong ni Luna Villareal.Nakahiga siya sa malamig na sahig, nanginginig ang katawan, at bawat paghinga ay parang may kasamang talim. Matagal nang nawala ang kanyang paningin. Ngayon, pati ang natitirang lakas niya, unti-unti nang kinukuha ng lason.Pero kahit sa gitna ng sakit, may isang alaala siyang mahigpit na pinanghahawakan. Ang mga kamay ng lalaking minsang naging tahanan niya.“Luna.” Aniya ng pamilyar na boses ng lalaki.Napahinto ang kanyang paghinga.Pamilyar na pamilyar ang boses na iyon—malalim, mahinahon, at may lambing na hindi niya kailanman natanggap mula sa sariling asawa.“Lucien?” Mahina siyang ngumiti. “Ikaw ba ’yan?”May mainit na palad na dumampi sa kanyang pisngi.“Yes. I’m here.” Sambit ng lalaki sa kanya.Gusto niyang abutin ito. Gusto niyang makita kahit isang beses ang mukha ng lalaking nagbigay sa kanya ng dahilan para mabuhay. Pero halos hindi na gumalaw ang kanyang mga daliri.“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status