
The Heiress and the Billionaire's Vengeance
Si Seraphine Villamor ay isang babaeng nasa kaniya na ang lahat. Bilang nag-iisang tagapagmana ng Villamor Group of Companies, taglay niya ang yaman, kapangyarihan, at magandang kinabukasan. Mayroon din siyang lalaking minamahal at isang matalik na kaibigang itinuring niyang kapatid.
Ngunit bago ang kanilang kasal gumuho ang lahat ng pinaniniwalaan niya.
Ang kaniyang nobyong si Dmitri Carpio at matalik na kaibigang si Rodelia Sandoval ay may lihim na relasyon at nagsabwatan upang agawin ang kaniyang kayamanan at negosyo. Sa pamamagitan ng panlilinlang, nakuha nila ang kontrol sa Villamor Group, sinira ang kaniyang reputasyon, at iniwan siyang walang kalaban-laban sa isang abandonadong silid na kalaunan ay nilamon ng apoy.
Akala ni Seraphine ay katapusan na ng kaniyang buhay. Ngunit sa gitna ng naglalagablab na apoy, isang estranghero ang dumating upang siya ay iligtas.
Si Victor Monteverde, isang makapangyarihan at kilalang bilyonaryo.
Nang malaman ni Seraphine na ipinahayag na ng buong mundo ang kaniyang pagkamatay at ang mga taong nagtangkang pumatay sa kaniya ay malayang namumuhay, nag-alok si Victor ng isang kakaibang kasunduan.
Isang kasal kapalit ng paghihiganti.
Sa pamamagitan ng kanilang alyansa, magkakaroon si Seraphine ng pagkakataong magsimulang muli, mabawi ang lahat ng nawala sa kaniya, at pagbayarin sina Dmitri at Rodelia sa kanilang mga kasalanan.
Ngunit hindi rin ordinaryong lalaki si Victor. May sarili siyang mga dahilan sa pagtulong kay Seraphine, at may mga lihim siyang itinatago.
Sa pagitan ng kapangyarihan, pagtataksil, at paghihiganti, posible kayang ang isang kasal na nagsimula sa isang kasunduan ay mauwi sa tunay na pag-ibig?
At kung ang dalawang pusong may kanya-kanyang sugat ay magsama, sino kaya ang unang susuko?
Ang babaeng ipinahayag nilang patay na ay muling babangon. At sa pagkakataong ito, hindi na siya si Seraphine Villamor, kundi si Ynah Monteverde.
Read
Chapter: Chapter 5"So, what do you want to do first?" tanong niya habang sumusubo ng pagkain.Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?""Now that we're back here in the Philippines, what's the first thing you want to take care of?"Saglit akong natahimik. May isang bagay na gusto kong gawin, pero naipagpaliban ko dahil sa mga nangyari sa akin."I want to look for my brother."Tumango siya. "Your brother?""Yes. Stephan Villamor. Siguro panahon na para makita ko siya after two years," dagdag ko. "I wonder how he's doing now. I miss him so much."Pilit akong ngumiti, pero hindi ko maitago ang lungkot sa boses ko."After our parents died, he was the only family I had. I didn't even get the chance to say goodbye to him."Tahimik na nakinig si Victor. Hindi niya ako pinutol, kaya nagpatuloy ako."Back then, I couldn't contact him because it was too dangerous. Ayokong madamay siya sa problema ko kina Dmitri at Rodelia. I know keeping my distance would keep him safe."Ibinaba ko ang tingin sa plato ko."Be
Last Updated: 2026-11-15
Chapter: Chapter 4Pagdating namin sa mansyon ng mga Monteverde, agad kaming sinalubong ng mga maids na nakapila malapit sa entrance."Welcome back, Sir Victor! Welcome home, Madam Ynah!"Sabay-sabay nilang bati sa amin.Ngumiti ako. "Thank you."Agad na kinuha ng dalawang staff ang mga luggage namin habang ang isa naman ay nag-abot ng welcome drink para sa amin ni Victor. Nilibot ko ang paningin ko sa mansyon.Malawak ang entrance hall, with elegant chandeliers hanging from the high ceiling. The marble floor was spotless, habang ang mga paintings at expensive-looking furniture ay maayos na nakalagay sa bawat sulok.Napakaganda ng lugar na ito.At higit sa lahat, dito na ako titira simula ngayon.Ito na ang simula ng bagong buhay."Come on, Ynah," tawag sa akin ni Victor, at hinawakan ako sa bewang. "I'll show you our room."Tumango ako at sabay kaming naglakad paakyat sa hagdan.Habang umaakyat kami, napansin kong may isang batang maid na pababa ng hagdan. Mukha siyang nasa early twenties pa lang. Nang
Last Updated: 2026-11-15
Chapter: Chapter 3Mabilis ang mga pangyayari.Pagkalabas ko pa lang ng hospital, agad nang inasikaso ni Victor ang lahat ng kailangan para makapagsimula ako ng bagong buhay. From changing my name and preparing my new identity to arranging our wedding, everything happened so quickly.Wala na si Seraphine Villamor.She is no longer existed.She's dead.At ako na ngayon si Ynah Bermudez Monteverde, the wife of billionaire Victor Monteverde.Habang nakaupo ako sa passenger seat ng sasakyan, hawak ko ang envelope na ibinigay sa akin ni Victor. Nasa loob nito ang mga bagong dokumento na nagpapatunay sa bago kong pagkatao.I opened it and stared at the name printed on one of the papers.Ynah B. Monteverde.Ilang beses kong binasa ang pangalan. It still felt strange, considering that I had spent my entire life introducing myself as Seraphine Villamor."Everything is ready," Victor said, glancing at me.I nodded. "Thank you for taking care of everything.""You don't have to thank me. This is part of our agreeme
Last Updated: 2026-11-15
Chapter: Chapter 2Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Puting kisame ang unang bumungad sa akin. Ilang segundo akong nakatitig doon habang pilit inuunawa kung nasaan ako. Malamig ang paligid, at may mahinang tunog ng machine sa tabi ng kama.Hospital? Dahan-dahan akong gumalaw at napansin ang suwero na nakakabit sa kaliwang kamay ko. Nakasuot din ako ng hospital gown.Buhay pa ako. Nasa ospital ako.Biglang namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko napigilang mapahagulgol nang marealize kong nakaligtas ako sa sunog. Akala ko iyon na ang katapusan ko. Akala ko hindi na ako makakalabas sa lumang silid na iyon.Pero may taong dumating.May taong nagligtas sa akin.Tinakpan ko ng isang kamay ang mukha ko habang patuloy sa pag-iyak. Ilang araw akong nagtiis ng gutom at uhaw. Akala ko wala nang makakahanap sa akin. Akala ko mamamatay akong walang nakakaalam kung ano ang ginawa sa akin nina Dmitri at Rodelia.At nang maalala ko ang dalawang iyon, unti-unting napalitan ng sakit ang ginhawang nararamdaman
Last Updated: 2026-11-15
Chapter: Chapter 1Seraphine’s POVNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Agad kong hinila ang kumot hanggang dibdib at napaatras ako nang makita ko ang isang lalaking nakahiga sa kabilang bahagi ng kama."Sino ka?!"Nagising siya sa sigaw ko. Paglingon niya sa akin, mabilis siyang bumangon at dinampot ang damit na nakakalat sa sahig.Pero bago pa siya tuluyang makalayo, nakilala ko ang mukha niya.Isa siya sa mga tauhan ni Dmitri. Ilang beses ko na siyang nakita sa bahay ng boyfriend ko at sa opisina nito. Hindi ko lang alam ang pangalan niya."Wait! What are you doing here?" nanginginig kong tanong.Hindi siya sumagot. Nagmamadali siyang nagsuot ng damit at lumabas ng silid."Hey! Come back!"Pero tuluyan nang sumara ang pinto.Naiwan akong nakaupo sa kama, confused at takot na takot. Napatingin ako sa sarili ko. I was wearing a thin nightdress, at hindi ko maalalang iyon ang suot ko bago ako mawalan ng malay."What happened to me?"Pilit kong inalala ang mga huling pa
Last Updated: 2026-11-15